webnovel

8 - POST-BIRTHDAY GIFT

KINIKILIG ako habang ginugupit ko ang mesh wire na nabili namin kanina samantalang si Ate Issa, nasa likod ko at nagluluto ng hapunan. Para kaming mag-asawa.

"Takipan mo na lang, may butas eh, baka nga pasukin ng daga," nagsalita sya habang naggagayat ng panahog sa niluluto nya. 

"'Kala ko may daga na pumasok kagabi?" takang tanong ko sa kanya. 

"Wala kasi akong maisip na idadahilan ko para maipaalam kita kay Mareng Dela eh, hahaha!" sabay tawa nya nang malakas. 

Natawa rin ako sa kanya. 

"Kahit h'wag mo na akong ipaalam, basta libre ako pupunta ako dito."

"Hindi pwede. Ako ang magsasabi kung kailan ka—"

Naputol ang pag-uusap namin nang tumunog ang gate. 

"Ma! Maaa!" malakas ang katok ni Cindy sa pinto. 

"Grabe naman 'tong makakatok, parang may emergency! Hindi naman naka-lock ang pinto eh, binuksan mo na lang sana," ani Ate Issa sa anak nang pagbuksan nya ito ng pinto. 

Hinalikan ni Cindy ang ina sa pisngi, "marami kasi akong dala, hindi ko maabot ang door knob. Bakit ba nananarado kayo?"

"Pumapasok kasi ang lamok kaya sinara ko." 

"Magpagawa na kayo ng screen para may makapasok man lang na hangin, napakainit!" inilapag ni Cindy ang mga dala-dala sa mesa kung saan kami nagparaos ng kanyang ina.

"Uyy Ma, may bisita pala tayo," ngiting-ngiti si Cindy nang makita ako, "ano'ng ginagawa mo?" 

"Gagawa ako ng harang sa pinapasukan ng daga sabi ng Mama mo."

"Si Mama talaga, ikaw pa ang inutusan," nameywang ito. "Wala ba 'yung natatawag mong taga-repair?"

"Ah eh… Umuwi raw ng Bicol eh, sa katapusan pa ang balik."

"Hay nako! Mag-asawa ka na kasi, para may magre-repair na nitong bahay nating bulok!" niyakap nya sa likod ang ina na nakaharap sa niluluto nito. 

"Okay lang, wala naman akong ginagawa ngayon eh," natuwa ako nang malaman na wala pala itong asawa. 

"Alam mo bang tinulungan din nya akong magligpit ng mga kalat, wasak na wasak ka ba naman kagabi eh, tapos ang aga mo pa umalis kanina," irap ni Ate Issa sa anak. 

"Sorry na 'Ma, pagbigyan mo na 'ko, birthday ko naman eh," nguso nito. "Hmm…" hinigpitan ni Cindy ang pagkakayakap sa ina. 

Inayos ni Ate Issa ang pagkakasuot ng bath robe sa kanya. 

"Ano ba?!" pabulong na saway nya dito, "wala akong bra no!" nag-iwas ako ng tingin nang bumaling sya ng tingin sa akin. 

"Eh bakit wala?" bulong ni Cindy, "gusto mo bang lumaylay 'yan?" piniga ni Cindy ang mga s**o ng ina sabay alik-ik nito. 

"Aray ko! Masakit! Buset na bata na 'to!"

Natawa ako nang lihim. Ilang na ilang sya na hindi sya naka-bra sa harap ng anak samantalang nakita ko naman na ang kaloob-looban nya. 

Masarap sila tingnan na naglalambingang mag-ina, parang hindi nga sila mag-ina kung tutuusin. Parang magkapatid lang. 

"'Nga pala 'Ma!" nanakbo si Cindy sa mga dalahing iniwan nya sa mesa, "nagkita kami ni Sir Josh kanina sa Gateway. Nilibre nya kami ng lunch. Ang sosyal ng kinainan namin!"

Walang reaksyon ang Mama nya sa sinabi nito. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. 

"Binigay nya sa 'kin," inangat nya ang bracelet na suot para makita ng ina.

"Maganda," wala sa loob na sabi ni Ate Issa. 

"Tapos eto'ng sa 'yo," nguso ni Cindy, "biruin mo, ako ang may birthday pero pati ikaw may regalo."

Naiinis ako sa naririnig pero hindi ako nagpahalata. Nagpatuloy ako sa pagtapal ng butas sa kisame. Sino ba iyong Sir Josh na 'yon?

"Ikaw talaga, tanggap ka nang tanggap ng regalo do'n, baka sabihin nya materyoso tayong mag-ina."

"Regalo 'yan 'Ma, alangang hindi tatanggapin? Heto nga may dedication pa oh," akmang babasahin ni Cindy ang nakasulat sa maliit na card na nakapakat sa regalo nang agawin ito ni Ate Issa. 

"Akina nga! Sabi mo regalo ko, bakit babasahin mo?" pagkuway binulsa nya ang card. 

"Arte 'Ma huh... Alam mo ang nanay ko medyo pa-virgin," aniya pagbaling nya sa akin. 

Ngumiti lang ako. Tila bumibigat ang hawak ko sa martilyo. 

"Buksan ko 'Ma ha!"

"Mamaya na, ako na ang mag—, binuksan mo na eh!" 

Nanlaki ang mata ni Cindy nang ilabas nya ang relo sa maliit na box. 

"Woooow! Rolex! Ang ganda!"

Alam ko ang Rolex. Mamahalin iyon na relo. May ganoon ang coach namin sa basketball varsity noong nasa kolehiyo pa ako. Mamahalin daw ito kaya madalang nito suotin. 

"Shh!… akina nga 'yan!" inagaw rin nya ito sa kamay ng dalaga, inilagay rin sa bulsa kasama ng card," napakaingay mo!" nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pasulyap-sulyap sa akin ni Ate Issa. 

Napahalakhak si Cindy sa pamumula ng mukha ng ina, "nagba-blush si Mama, oy! Hahaha! Pupunta sana sya dito kahapon kaso may biglaan syang lakad eh kaya hindi sya natuloy. Dadalaw na lang daw sya sa ibang araw kapag hindi na sya busy."

"H'wag mong mapapunta-punta 'yon dito Cindy ha, sasabunutan talaga kita!" tila napipikon ang Mama nya sa kanya. 

Umubo ako nang bumaba ako ng stool. Natapos ko nang takipan ang butas na pinagagawa ni Ate Issa. Tila hindi na nila ako napapansing dalawa sa pagbibida ni Cindy. Naiinis ako. Hindi nila dapat sila nag-uusap ng tungkol sa ibang lalake nang may ibang tao lalo na kung ako.

"Okay na Pogi?" tanong ni Ate Issa nang mag-umpisa akong ligpitin ang kinalat ko.

"Okay na po." 

Hindi na ako tumingin sa kanya. Abala ako sa pagliligpit. Napansin kong nagbalik ang 'po at 'opo' ko kay Ate Issa. 

"Cindy maghain ka na, para makakain muna si Janjan bago umuwi," dali-dali namang tumalima ang anak. 

"Hindi na po, Ate Issa, busog pa po ako. Sa bahay na lang po ako kakain."

Napatanga si Ate Issa sa akin, "oh sige, gabi na rin eh baka hanapin ka na ni Mareng Dela. Magdala ka na lang nitong sinigang na baboy," nagmamadali syang umabot ng tupperware na paglalagyan nya. 

"Hindi na po, may ulam sa bahay." Pinilit ko namang ngumiti nang maayos kaso hilaw pa rin ang kinalabasan. 

"Sure ka?"

"Opo, may gagawin pa nga pala ako naalala ko."

"Ihahatid na kita Jan," ani Cindy sa akin. 

"H'wag na Cindy, salamat… Uwi na po ako."

Agad akong lumabas ng bahay. Hinatid ako ng tingin ng dalawa hanggang makalabas ako ng gate.