"Bakit naman sa dami ng a-applay-an mo ng trabaho doon pa?"
Tiningnan ko ang pinggan na hawak ni Ate Issa. Sasandok na sana sya ng kanin, pero nahinto iyon nang sabihin ko sa kanya ang maganda sanang balita na natanggap ako sa kumpanya nina Cindy.
"Eh kasi, wala naman akong alam na ibang maaapplyan. Sinubukan ko lang naman," mahinang sabi ko.
Inilapag nya ang pinggan na walang laman sa harap ko. Mukhang wala na yata syang balak na pakainin ako. Inisip ko agad kung may madadatnan pa kaya akong pagkain pag-uwi ko kina Tiya Dela ngayong dis-oras na ng gabi. Dapat pala kumain na muna ako bago ako pumunta sa bahay nila.
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga nya saka itinuloy ang pagsasandok ng kanin.
"Ikaw ang bahala…" aniya.
Hindi naman pala sya galit. Nabigla lang siguro.
"Para sa atin din naman 'yon," hinawakan ko sya sa kamay.
"Hindi, para sa 'yo lang 'yon. May trabaho naman ako," ngiti nya habang hinahandog nya sa akin ang kutsarang may lamang kanin at ulam.
Kapag kami lang dalawa ay hindi ako nakakahawak ng kutsara, lagi nya lang akong sinusubuan. Natutuwa sya sa ganoon eh kaya hinahayaan ko lang. Tumataba na nga yata ako dahil marami nya ako kung pakainin. Pinupuno nya ang pinggan at ipinapaubos sa akin.
"Para sa atin na rin 'yon, para mabilhan kita ng mga gusto mo."
"Para sa 'yo yon, para makapagpadala ka nang malaki-laki sa parents mo sa province. 'Wag mo 'ko intindihin."
"Kasama na rin 'yon pero mas gusto ko 'yung mabigyan rin kita ng magagandang bagay. Damit, sapatos, makeup, mga gano'n."
"'Rin'? Ano'ng 'rin'?" kumunot ang noo nya. "Makikipag-kumpitensya ka ba sa boss ni Cindy?!" Inipon nya ang malalaking tipak ng kanin at ibinusal iyon sa bibig ko.
Mangangatwiran sana ako, kaso hindi na ako nakapagsalita, napuno ang bibig ko ng kanin. Naiinis na naman sya sa akin. Uminom ako ng tubig. Para akong mabubulunan.
"Hindi mo kayang pantayan ang boss ni Cindy, mayamang-mayaman 'yon. Kapag pinantayan mo 'yon walang mangyayari sa sasahurin mo Janjan," dagdag nya pa.
Nangiwi ako sa pagkakasabi nya ng 'mayamang-mayaman'.
"Hindi ko naman kayang pantayan 'yon, alam ko. Ang gusto ko lang naman eh 'yung makakabili ako ng mga bagay na matutuwa ka sa 'kin."
Umiling sya.
"Hindi mo naman ako kailangang bilhan ng kung anu-ano, 'yung makita lang kita, masaya na 'ko."
Kinilig na naman ako nang husto. Parang gusto kong magtatalon sa sinabi nya. Oo nga naman, walang binatbat sa akin ang general manager nina Cindy na iyon. Kasi sya, halos ayaw syang padalawin sa bahay samantalang ako labas-pasok na sa kwarto nya. Niyakap ko sya nang mahigpit sa sobra kong kagalakan.
"Ayokong nagagalit ka sa akin, nahihirapan ako. Sabihin mo lang sa akin kung ayaw mo akong pumasok do'n, hindi ko na itutuloy," malambing kong sabi. Hinila ko sya paupo sa kandungan ko.
"Hindi ah, okay lang sa 'kin. Pero gusto ko magpapakabait ka do'n. Maraming magaganda sa office nila, mga half-chinese, makikinis at mapuputi. Baka makalimutan mo 'ko."
"Bakit ko naman gagawin 'yon, eh sa 'yong sa 'yo lang ako."
Namungay ang kanyang mga mata. Niyakap nya ako, sinuklian ko iyon ng mahigpit ding yakap na may kasamang marahang pisil sa tagiliran nya.
"Tapusin mo muna ang pagkain mo, hindi pa ubos," sinubuan nya ako ulit ng pagkain. Dagli nyang naunawaan ang pagpisil ko na iyon. Nangiti ako. Nag-iinit na naman ang buong pagkatao ko.
"Busog na 'ko," malambing kong sabi sa pagitan ng aking pagnguya. "Hindi ka na ba galit?" anas ko habang nilililis ang suot nyang t-shirt.
"Hindi naman ako galit eh," bulong nya sa buhok ko.
Nakakapanghalina ang nalalanghap kong bango nya. Bigla na naman akong nalunod. Nakalimutan ko na na muntik na akong tumalon sa damuhan noong isang araw sa sobrang selos ko. Ang marahang yapos at halik sa dibdib ay dahan-dahang naging mapusok. Ibinaon ko ang mukha ko sa tuktok isa nyang s**o.
"Nakakabuang ang bango mo," buong pagmamahal kong anas sa pagitan ng aking marubdob na pagdila sa usbong ng kanyang dibdib.
Desidido na ako sanang mag-atras kanina kung natuloy ang inis nya, hindi na ako papasok sa unang araw ko sa trabaho. Kahit papaano ay napapadalhan ko naman ang aking magulang sa binibigay sa akin ni Tiya Dela. Marami pa namang ibang maa-apply-an. Ang opinyon lang ni Ate Issa ang mahalaga para sa akin.
*************************************
Magda-dalawang linggo na ako sa trabaho saka ko palang nakadaupang-palad ang general manager na nanliligaw kay Ate Issa nang ipatawag nya ako sa kanyang opisina sa 5th floor ng building.
Gwapo rin naman, matangkad, maayos manamit, half-chinese. Pero mas pogi pa rin ako. Lihim akong natuwa nang makita ko sya. Mas malaki lang ang katawan nya nang kaunting-kaunti. Kapag nag-gym pa ako malamang sa maungusan ko pa sya sa gandang lalake.
"John Dave, right?" hindi sya tumitingin sa akin, sa mga papel sa lamesa nya sya nakatingin.
"Opo."
"So… Nagamay mo na 'yong stock cards? Marunong ka na rin mag-imbentaryo?"
"O-opo."
"Inaral mo na 'yung pricelist? Kabisado mo na lahat ng klase at sizes ng mga bakal?"
"Ah, opo."
"Marunong ka nang gumawa ng quotation?"
"Ahh…"
Hindi ako nakasagot agad. Napakayabang pa naman ng pag-oo ko sa mga naunang tanong nya. Sa halos dalawang linggo kong pagpasok sa opisina ay puro basa ng product list at stock cards lang ang hinawakan ko, kahit iyong mismong pisikal na mga items na nakikita ko sa makapal na folder na binigay ay hindi ko pa nakita.
Alam ko ang itsura ng quotation at kung para saan ito. Ang hindi ko alam kung paano ito ginagawa.
"It's okay. You'll get there," aniya nang mahalata nya sa pagkamaang ko ang sagot sa tinanong nya sa akin. "I mean, you need to learn how to make quotations. Kasi doon kita ilalagay. We need salesmen like you. Gwapo at presentable. Bukod sa mataas na sahod, may komisyon ka on every sale. Kapag natuwa si boss sa 'yo, hindi lang iyon ang matatanggap mo. Hindi naman mahirap kasi returning customers naman halos lahat ng ka-deal natin. Makikipag-usap ka lang," ngiti nya.
Pinasunod nya ako sa kanya paglabas ng kanyang opisina.
"Ito ang table mo, ayan na rin ang telepono. Ang directory, and so on na kakailanganin mo. Kapag may tanong ka, kumatok ka sa opisina ko o press 5 sa intercom, okay?"
"Ito ba 'yung bago?" tanong ng nakasimangot na babaeng nakasalamin na dumaan sa gilid namin.
"Oo, Liz," sagot ni Joshua.
"Good afternoon po," ngiting bati ko sa babaeng maiksi ang kulay brown na buhok na sa hula ko ay hindi naman nalalayo sa edad ko.
Kagyat nya akong tinapunan ng tingin. Tumaas ang mga kilay nito sa ilalim ng makapal na salamin. "Hmm…" pagkuway nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa isang cubicle sa kabilang dulo ng opisina.
Pasensya na po medyo nagbangenge si author, hindi nakapag-update agad. hehe
enjoy!