webnovel

Sanggol pa rin

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ahhh!

Anong nangyayari?! Bakit tumitibok ng mabilis ang puso ko?

Bakit nararamdaman ko na parang… hindi magawang ilayo ang aking mga mata kay Ye Bai…?

Bakit masaya pa ako sa pagpapagalit niya sa akin kahit na halos maging pulbura na ako…?

Natatakot ako na baka nagiging bakla na ako...

Hindi pwede! Hindi pwede! 100% akong straight! Mas straight pa ako sa bakal! Siguro dahil kamukha ni Ye Bai si Candied Plum!

Galit na sinipa ni Ye Wan Wan si Gong Xu dahil ito ang naliligaw na naman sa kanyang imahinasyon. "Narinig mo ba ang sinabi ko?" 

Sh*t! Bakit ang saya ko pa nung sinipa niya ako...

Nababaliw na ba ako???

Bumulong si Gong Xu, "Hindi ako pupunta sa pagsasanay!"

Tumibok ang ugat sa noo ni Ye Wan Wan. "Bahala ka! Ayaw mong pumunta sa pagsasanay, huh? Sige, maghahanap na lang ako ng papalit sayo!"

"Ah, ayaw!!!" Biglang hinawakan ni Gong Xu ang tuhod ni Ye Wan Wan. Umiyak siya ng sobrang lungkot, "Brother Ye, bakit mo gagawin iyon?! Bakit hindi mo na lang ako susuyuin?"

Biglang kumibo ang labi ni Ye Wan Wan. "Ilang taon ka na ba? Bakit kailangan ka bang suyuin?"

Gong Xu: "Sanggol pa rin ako…"

Ye Wanwan: "…"

Nakayuko si Gong Xu at mukha siyang isang tuta. Lumuhod siya at tumingala siya. "Brother Ye, ano sa tingin mo ang kailangan kong gawin?"

Mabilis na sumagot si Ye Wan Wan, "Kailangan mong simulan ang pagsasanay mo at kailangan mong umarte ng maayos sa palabas na ito!"

Naramdaman ni Gong Xu na parang nililinlang siya. "Gusto mo lang akong gumulong sa putikan eh!"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan. "Sa tingin mo ba ay madaling maging Best Actor? Hindi ba dapat alam mo ang nararapat na gawin?"

"Ang sama ng trato mo sa akin tapos kay Luo Chen… ang bait bait mo…" alam ni Gong Xu ang personalidad ni Ye Wan Wan kaya ayaw niyang makasakit sa kanyang damdamin. Nagkompromiso siya at kanyang sinabi, "Pwede akong magsimula ng pagsasanay pero pwede ba akong mag-request?"

Alam ni Ye Wan Wan kung ano ang gustong sabihin ni Gong Xu, sa isang tingin lamang. "Huwag na. Hindi mo pa pwedeng makita si Little Candied Plum."

Ang emosyon ng lalaking ito ay kasing gulo ng roller coaster. Anong kayang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan?

Biglang lumuhod si Gong Xu sa lapag sa sobrang desperado niya. "Buong buhay ko na bang hindi makikita si Little Candied Plum?"

Niyuko ni Gong Xu ang kanyang ulo sa pagitan ng kanyang mga binti at tahimik siyang bumulong, "Alam ko na nag-effort ka sa akin ng sobra, brother Ye. Ang rason kung bakit nakaka-arte ako ng maayos sa unang kalahating bahagi ng film ay dahil ako ang role na inaarte ko. Gayunpaman, sa pangalawang bahagi ng film… sigurado ako na hindi ko makukuha ang Best Actor…"

"Ah… bakit ko sinabi na kakain ako ng tae kapag hindi ko nakuha ang Best Actor… mas okay nang magsuot ng pang babae kaysa gawin ko iyon…"

"Bakit hindi mo pinag-isipan ang mga kahihinatnan bago mo sinabi iyon noon?" Walang masabi sa kanya si Ye Wan Wan.

Gong Xu: "Ah, lumabas lang iyon sa dila ko…"

Tiningnan ni Ye Wan Wan sa Gong Xu at alam niya na kailangan niya pang palakasin ang loob nito.

At dahil mahilig makipaglaro si Gong Xu...

Lumipat ang tingin ni Ye Wan Wan. "Ganito na lang, magpustahan na lang tayong dalawa."

Tiningnan kaagad siya ni Gong Xu. "Anong pustahan?"

"Kapag natalo ka, mag-cross dress ka kapag hindi mo nakuha ang Best Actor," sabi ni Ye Wan Wan.

"Paano kung nanalo ako?" Sabi ni Gong Xu.

Walang dalawang isip na nagsalita si Ye Wan Wan, "Kapag nanalo ka, magsusuot babae ako."

Biglang lumaki ang mga mata ni Gong Xu. "Punyeta! Talaga?"

"Tinatanggap mo ba ang hamon?" Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan nang makita niyang nasasabik na si Gong Xu.

Tinitigan ni Gong Xu si Ye Wan Wan at inisip niya kung anong itsura nito kapag nakasuot siya ng pambabae. Bigla na lamang naging kulay pula ang kanyang mga tainga.

Kinuskos ni Gong Xu ang kanyang mukha gamit ang kanyang palad upang bumalik sa kanyang malay tao. "Tinatanggap ko ang hamon, tinatanggap ko! Kapag nanalo ako, magsusuot babae ka! Sinabi mo na ha!"