webnovel

Pero may pera kayo

Editor: LiberReverieGroup

Nakaupo sa ilalim ng air conditioner ang Taong Yelo, nag-eenjoy siya sa malamig na hangin. Hindi siya lumingon. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino.

"Paano ko malalaman?" Nagsalita ang deboto. "Nag-book ng plane tickets si Kapitan… kung ayaw umalis ng bulol na iyon, hayaan mo siyang manatili dito at magpakasaya sa kanyang buhay."

Pagkatapos niyang magsalita, maririnig ang mga hakbang sa labas ng pintuan at pumasok sa loob si Feng Xuan Yi.

"Saan si Kapitan?" Inayos ni Feng Xuan Yi ang upuan habang hawak niya ang popsicle sa kanyang kamay. Tiningnan niya ang grupong ito.

"Nag-book siya ng plane tickets, kaya wala pa siya dito," sumagot ang Deboto.

Tumango si Feng Xuan Yi at tumawa siya. "Heh, ang bait naman ni Kapitan… natandaan niya talaga na mag-book ng plane tickets para sa ating pagbabalik…"

Tiningnan ng Dayuhan na tagabuhat ng bricks si Feng Xuan Yi at tumawa siya. "Sabik na ako. Muntikan na… kaming malunod noong nagbangka kami papunta dito."

"Si Kapitan… may pera pa siya para makapag-book ng plane tickets?" Kinagat ni Feng Xuan Yi ang popsicle at nagtanong siya.

Biglang tumingin ang mata ng apat na tao kay Feng Xuan Yi.

"Walang pera si Kapitan, pero ikaw may pera ka… nag-book siya ng plane ticket gamit ang sweldo mo na nanggaling sa Si family…" sabi ng Deboto.

"Anong sinabi mo?!" Biglang napatayo si Feng Xuan Yi sa kanyang upuan. Pinaghirapan niya ang pera na ito na nakuha niya mula sa maraming pagsubok at sa kasipagan niya sa kanyang trabaho pagkatapos niyang magtrabaho bilang tagong guwardiya ng matagal para sa Si family!!!

Nilinlang siya ni Kapitan at sinabi sa kanya nito mag-iipon ito para sa kanya… hindi naman sa gagamitin niya ang pera na ito bilang tagong guwardiya ng Si family...

Hindi niya inakala na...

Ginamit ng Kapitan ang lahat ng pera na pinaghirapan niya para mag-book ng plane tickets?!

"Tama ka, Bulol. Magkano ba ang kinita mo bilang tagong guwardiya ng Si family?" Nagtanong ang Dayuhan na tagabuhat ng bricks kay Feng Xuan Yi.

Hindi mura ang pabalik na plane tickets, at sinabi pa ng Kapitan na bibili raw siya ng first-class tickets...

"Ang isang ordinaryong tagong guwardiya ay kumikita ng $15,000 kada buwan… ang isang kapitan na tagong guwardiya ay kumikita ng $50,000 kada buwan…" bumulong si Feng Xuan Yi.

"P*ta! $50,000?!" Muntikan nang tumalon ang Deboto. Araw-araw niyang sinasabi na ang kapalaran ng mga tao at ininda niya ang malamig na hangin at matingkad na araw, pero hindi siya kumikita ng $100 sa isang araw. Sa loob ng isang buwan, kumikita lamang siya ng $800-$900 kada buwan, minsan kapag swerte ay $1000-$2000...

Pero si Feng Xuan Yi… bilang isang ordinaryong guwardiya ng Si family, pwede siyang makipagdaldalan at maglaro ng baraha sa iba mga guwardiya kapag wala sioang ginagawa at makakakuha siya ng $15,000 kada buwan. Noong naging kapitan siya ng mga tagong guwardiya, nakaupo lamang siya sa kanyang opisina at wala siyang ginagawa pero sinasahuran siya ng $50,000 kada buwan...

"Magkano ba yung binigay mong pera kay Kapitan?" Tinanong ni Spray of Flowers si Feng Xuan Yi.

"Kinuha ni Kapitan ang isang taon kong kinita!" Nilabas ni Feng Xuan Yi ang kanyang notebook at binasa niya ito ng maigi. Pagkatapos ang isang saglit, miserble niyang tiningnan ang Deboto at si Spray of Flowers. "Ang naipon ko ng isang taon ay $400,000! Ilang libo lang ang ginastos ko para sa akin ng isang taon!"

"Huwag mo munang pansinin yung pera… lilipat tayo sa ilang mga eroplano mula dito hanggang sa Independent State at sasakay pa tayo sa cruise ship…" nakangiti na sinabi ng Deboto.

Huminga ng malalim si Feng Xuan Yi at pilit niyang tinago ang kanyang galit na kayang bugbugin hanggang sa kamatayan ang apat na ito.

Sinasabi ba nila na sa kanila napunta ang lahat ng pero na kinita niya ng isang taon?!

Sa isang saglit, nagsindi ng yosi si Feng Xuan Yi at doon siya kumalma. "Pag-usapan natin ang mga kailangan nating pag-usapan."

Pareho na nagulat ang Deboto at si Spray of Flowers nang marinig nila iyon. Ano ba ang kailangan nilang pag-usapan?