webnovel

Kahibangan ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nangutya si Tan Zhenxin nang marinig niya iyon. May nagsulat talaga ng parehong trabaho noong kalahating taon?

Paano ito posible?!

Baka nanaginip si Ye Mu Fan!

Nang masabi iyon ni Ye Mu Fan, nagbago ang imahe sa screen at lumitaw ang ilang mga imahe.

May tao na ang ID ay Xu Lin ang nag-post ng isang script na ang tawag ay "Life and Death Struggle" sa kanilang blog. Sinuri ng lahat ang sinopsis at nilalaman at kapareho nga nito ang "The Age of Love".

Gayunpaman, walang nag-akala na ang "Life and Death Struggle" na script sa blog ni Xu Lin ay nai-post na anim na buwan bago pa ideklara ni Tan Zhenxin na nakumpleto niya na ang "The Age of Love"...

Habang pinapanood nila ang malaking screen sa likod ni Ye Mu Fan, natulala ang lahat ng mga reporter.

"Anong nangyayari? Hindi ba si Xu Lin ang nagnakaw sa script ni Tan Zhenxin? Bakit naka-post na ang 'Life and Death Struggle' ni Xu Lin bago pa matapos ang 'Age of Love'?

"Kung ganoon ang kaso, hindi ba baligtad? Si Tan Zhenxin ang nagnakaw sa gawa ni Xu Lin, tama?"

"Hindi… pwede iyon… gold medal screenwriter si Tan Zhenxin… baka may hindi pagkakaunawaan dito…"

Tinitigan ni Tan Zhenxin ang malaking screen sa likod ni Ye Mu Fan. Kumunot ang kilay niya habang nakatingin sa litrato, pero nanatili siyang kalmado at sabi, "Ye Mu Fan! Talagang nameke ka ng ebidensya!"

Tumawa si Ye Mu Fan at payak na sinabi, "Teacher Tan Zhenxin, hindi pa ako nakakakilala sa isang kabobong tao na gagawa ng isang asiwa at pekeng ebidensya para ipakita sa harap ng maraming reporter at media reps. Kung hindi sila naniniwala sa akin, pwedeng niyong direktang basahin ang blog at makita niyo mismo. Saka magiging malinaw ang lahat, 'di ba?"

Habang nagsasalita si Ye Mu Fan, nilabas ng mga reporter ang kanilang telepono at nag-iimbestiga.

Sa huli, sa isang tingin lang, nagulat ang lahat.

Nakita nila ang post sa blog at maingat na nagsiyasat. Hindi lang isang screenshot na na-photoshop ni Ye Mu Fan.

Nakalahad ang ebidensya sa harap ng lahat.

Hindi natatakot si Tan Zhenxin sa una, nang makita niya na iba na ang kilos ng mga taong nakapaligid sa kanya, mabilis niyang nilabas ang kanyang telepono para magsaliksik at tuluyan nang nagulat.

"Ito… imposible ito! Imposible talaga 'to!"

Noong inumpisahan niyang isulat ang script na ito, maingat niyang binantayan si Xu Lin. Paano naman nasulat ang script anim na buwan noon?

Isa itong kahibahangan!

Pinasahadan ng tingin ni Ye Mu Fan ang taong naroroon at sabi, "Hindi na mahalaga anong proyekto ang pinagtatrabahuhan ng isang kumpanya; kailangan may mga preparasyon ang kumpanya at magsagawa ng kanilang pananaliksik bago nila ibunsod ang proyekto."

"Naniniwala kami na walang problema sa script ni Mr. Xu Lin at may matibay kaming ebidensya para mapatunayan ito. Handa din kaming sagutin ang anumang katanungan tungkol dito."

"Gayunpaman, base sa reputasyon at karakter ni teacher Tan, tingin ko may hindi pagkakaunawaan tungkol sa isyung ito. At saka, screenwriter din siya ng Emperor Sky entertainment at palagi namang propesyonal at maasahan ang Emperor Sky. Kaya gusto ko linawin ang mga bagay kay teacher Tan bago pa ipubliko ang mga ito para mahadlangan ang mga hindi pagkakaunawaan mula dito."

"Gayunpaman, kung gusto pag-usapan ni teacher Tan ang tungkol dito ngayon, magagawa ko na lang respetuhin ang kanyang mga hiling!"

Nakatayo si Tan Zhenxin sa baba ng entablado at nakatanggap pa ng mga maruruming tingin at bulong. Sa sandaling iyon, may mga namumuong pawis na sa kanyang noo.

Iniisip niyang maigi pero hindi pa din maintindihan kung paano naging ganito ang mga bagay...

Talagang nangyayari ang kakaibang insidenteng ito...