webnovel

Hindi na ako natutulog ng gabing-gabi

Editor: LiberReverieGroup

Nang matapos ang sinabi ng shop assistant, may pumasok na mayaman at matipunong lalaki na may suot na golden silk buttoned mandarin jacket ang ngumiti at pumasok sa loob habang hawak niya ang dalawang walnuts.

"Oh boss Hou, anong nangyari? Bakit ka nagagalit?"

Nag-iba ang ekspresyon ni Xue Li nang makita niya ang lalaking iyon. "Sh*t! Si Huang Shi Xin!"

Nagkagulo na rin ang tatlong eksperto. "Anong ginagawa dito ni Huang Shi Xin?! Malinaw nating sinabi na Si family ang kukuha ng mga mamahalin na produkto na ito!"

"Nagtanong ka pa talaga? Nalaman niya siguro ang balita!"

"Agad?"

"Ano sa tingin mo, huh?! Maraming mga tao ang gustong kunin ang mga produktong ito - sinong susuko agad? Pero magaling ang babaeng ito - tumutol siya sa kalakalan…"

"Hala, hindi madaling pakitunguhan si Huang Shi Xin! Kukunin na niya ang mga produkto natin!"

Tiningnan ng shop assistant si Ye Wan Wan at ang iba pa, bago siya ngumiti ng abot tenga at binati niya si Huang Shi Xin. "Boss Huang! Bakit ka tumungi dito? Dali, pasok ka!"

Makikita sa mukha niya na nanghinayang si Huang Shi Xin at sinabi niya, "Narinig ko na pipirma ng kontrata ngayong araw si boss Huo sa Si Corporation Jewelry, ngunit ayaw kong sumuko, kaya pumunta ako dito para magtanong kung may magandang produkto pa si boss Huo? Okay lang kahit mababa ang kalidad!"

Ngumisi si Huo Maofeng nang marinig niya iyon at makikita sa mukha niya na binabalot siya ng galit.

Tuwang-tuwa si Huang Shi Xin nang makita niya ang itsura ni Hou Maofeng. Mukhang tama ang nasagap niyang balita!

Naiinis ang shop assistant nang tumingin siya kay Ye Wan Wan at sa iba, at sinabi niya, "Ha, boss Huang, 'wag mo nang banggitin 'yon. Kokolektahin na sana namin ang bayad nang biglang umurong ang isa diyan, at umayaw siya kalakalan na nakuha sana nila ang mga magagandang mga produkto!"

"Ah, yun pala ang nagyari, huh! Hindi ba nila alam ang katangian ng mga produktong ito? Ginawa ni Boss Huo ang lahat para makuha sa auction ang mga mamahaling bato na ito; galing sa Hui Ka ang batong ito at may nakabukas na butas na ito, makikita sa loob na glass ito! Malaki ang tsansa na emereld green o imperial jade 'yan!" Pinaliwanag ni Huang Shi Xin.

Humarap si Hou Maofeng kay Ye Wan Wan at sinabi niya, "Si Miss Ruo Xi dapat ang pupunta dito, nung una. Ngunit dumating ang ignoranteng bata na ito para makipag negosyo sa akin tapos ayaw niya nang tanggapin ang mga produkto ko! Sabi nila, matalino at mahusay ang Si family - parang hindi ito totoo!"

Walang pakialam si Ye Wan Wan sa pinagsasabi ng mga taong ito. Komporme niyang hinihigop ang kanyang tsaa at para bang may hinihintay siya. Naging manhid ang itsura ng kanyang mga mata nang marinig niya ang komenta na ito.

Tumalikod si Huang Shi Xin at sinuri niya si Ye Wan Wan. "Narinig ko ang sinasabi nila na may kasamang magandang babae ang Si family. Hindi siya nagdalawang isip na makipaglaban sa mga nakakatanda at baliw na baliw daw siya sa babaeng sumira ng kalusugan niya… totoo pala ito…"

Ye Wanwan: "…"

Mga tsismoso at tsismosa pala ang mga tao sa mundo ng business?

Baliw na baliw sa babaeng nanira ng kalusugan niya? Pagkatapos kong mabuhay muli, hindi na ako natutulog ng gabing-gabi para alagaan ang kalusugan ni Si Ye Han, maliban sa isang gabi na may nangyari, okay?!

Naglakad si Xue Li papunta kay Ye Wan Wan at seryoso niyang pinaalalahanan ang babae, "Miss Ye, kalaban ng Si Corporation Jewelry ang lalaking ito. Siya si boss Huang Shi Xin ng Fortune Hall. Ilang beses niya kaming inunahan sa pangunguha ng magagandang produkto. Nagplano ng ilang buwan si Director Qin para ayusin ang kalakalan kay boss Hou. Handa ka sana sa magiging parusa kapag desidido ka na hindi mo pipirmahan ang kasunduan!"

Kinaway ni Ye Wan Wan ang maputi at manipis niyang mga daliri at bigla niyang tiningnan sila Huang Shi Xin at Hou Maofeng nang umalma siya, "Parusa? Sa nakikita ko ngayon, maganda lang tingnan ang mga produktong ito. Walang halaga ang nasa loob nito - baka maubos lang ang yaman ng taong bibili niyan."