webnovel

ONE

Tanaw ko ang kabuuan ng campus. Ang dalawa kong kamay ko ay prenteng nakasabit sa railings at ang buhok ko ay humahawi sa hangin na tumatama sa aking muka. I currently skipped class. Kasama ko si Joey na ngayon ay umiidlip sa bakanteng bench, habang ako naman ay tinatanaw ang malaking field sa ibaba. There's no student, siguro dahil ang iba ay nasa klase. Pero may iilan akong nakikitang dumadaan lang at papasok sa teachers faculty at matagal pa bago lumabas.

Ang malalaking building ng larkson ang nag-sisilbing tanawin ko ngayon dinig ko din ang kanta ng pang-hapong araw, parang hinehele ka.

Nag-baba ako ng tingin sa gilid ng building namin I saw my room, with my classmate hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero alam kong hindi sila mag-sasagot. Kampante ako roon.

I really hate math, nawawalan lagi ako ng drive pag math na ang subject. Pinipilit ko ang aking sarili na  makinig para rin sa aking kapakanan, pero ang sarili ko na mismo ang sumusuko. Kaya naman pag alam kong lesson lang ang gagawin ay hindi na 'ko pumapasok sa subject niya.

Nilingon ko si Joey, she's humming while her eyes where shut ang nagsisilbing panakip sa kaniyang mata ay ang kaniyang kanang kamay ang kaliwang kamay niya ay nasa kaniyang tiyan habang ang kaniyang likuran ay nakasandal sa dingding. She invited me here, siya na mismo ang nag-sabi na i-skip ang klase ni Mrs. Amurao.

"Hindi ba tayo hahanapin ni, Mrs. Amurao?" I asked.

"Maybe, dipende sa kaklase natin." I saw her shrugged. "Pinatago ko naman kay Manuel ang bag natin kaya hindi makikita ni Mrs. Amurao, unless kung may mag susumbong?" she asked her eyes was still shut.

Joey in her uniform; white blouse and blue palda na hanggang pantay ng tuhod we have the same size of uniform and tie, same color as our palda and an ID lace.

She looks like a student pero ang totoo kung tamad akong mag-aral ay mas tamad siya. If the school allowed us to put some make up maybe Joey's face were now in a gothic style, she really loves that. But here in Larkson Academy it's forbidden.

She's my best friend, we have a barkada pero kaming dalawa lang talaga ang mag kasundo. "Si Manuel na ang bahala…" I said, at muling tinanaw ang kabuuan ang nasa ibaba.

"Utang nanaman mo naman kay Manuel 'yon?" she asked kahit hindi ako nakatingin alam kong nakangisi siya. "One favor, one date, remember?"

Agad akong napatingin sa kaniya. Kunot noot siyang tinitignan. "Nakipagdate na 'ko sa kaniya nakaraan, ah?" I asked. Nakababa na ang kaniyang kamay at malaya na niya akong tinitignan, hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Regina, gosh, that's what he said every time you asked a favor for him."

Manuel Ignacio, isa sa mga barkada namin ni Regina. His feelings towards me are very evident. Madalas n'yang ipagsigawan iyon. Minsan ko nang pinatulan pero hindi umaabot sa ganoong sitwasyon. We both know our limitations, or maybe ako lang 'yon. Alam niyang hindi ako nagseseryoso dahil hindi ko naman siya ginusto. It is my faults too… nag bigay ako ng dahilan para mas magustuhan n'ya 'ko kaya naman ay hirap na hirap na akong huminde sa kaniya.

"Kaya nga todo oo ang lalaking 'yon sa'yo! Dahil alam n'yang 'yon lang ang chance para ma-aya kang makipag-date," dugtong ni Joey. "Bakit hindi mo nalang sagutin?"

Umiling ako, at hindi na muli pang sumagot. Alam naman niya ang isasagot ko. Tinanaw ko ang nasa kanang bahagi ko at nang makita ko si Mrs. Amurao ay agad akong naalarma at umatras para hindi niya ako makita. Mas matalas pa naman sa matang lawin ang mata n'ya.

"Lumabas na si Mrs. Amurao," saad ko, tumayo naman si Joey at saka ay sumilip saglit at agad na naalerto ng makita ang kasunod naming teacher.

"Si Sir! Malapit na," taranta niyang ani.

Okay sana kung makakababa kami kaagad kaso hindi, baka kasi ay makasalubong namin si Mrs. Amurao at macuttingan pa kami. Iisa lang kasi ang daanan. "Kailangan natin mag-intay ng ilang minuto," I said ng makita kong nag-kuwentuhan pa ang dalawang guro sa ibaba.

" 'Wag nalang din nating 'yang pasukan? Ano?" she asked.

"Hindi pu-puwede at may quiz kay Sir Lim."

"Isa rin 'yon! Absent naman ako nung pinaliwanag niya 'yung Academic text!Babagsak din tayo! 'Wag nalang tayo pumasok."

Dahil malapit ako sa kaniya ay agad kong napitik ang kaniyang noo. "Gaga, ikaw lang ang absent hindi ako," I snapped.

"Ihh, bawi nalang tayo next time, alam mo rin na medyo crush ko si Sir Lim ayoko mapahiya sa kaniya," she said, pouting.

"D'yan na ba masusukat ang pag-kakaibigan natin?" she asked kaya wala ako sa sariling napairap.

"Papakopyahin kita… tara na, paalis na si Mrs. Amurao," I said at hinila siya at bababa sa may fire exit para hindi kami mag kasalubong ni Mrs. Amurao alam kong dadaan siya rito dahil paminsan ko nang ihatid ang kaniyang gamit at didiretso siya sa mga senior sa amin.

May kataasan ang building na ito, apat na palapag din. Pero maliban sa mga grade 12 students ay wala nang ibang gumagamit ng building dahil bago pa at sasusunod na school year talag io-open. Kampante ako na hindi kami magkakasalubong ni Mrs Amurao dahil hindi naman niya dinadaan ito.

Kada hakbang namin ay naririnig namin ang  tunog ng bakal na hagdan hihinto kami pag masyado nang maingay at mag papatuloy pag tapos ng ilang segundo. Pag kababa namin ay pareho kaming napabuntonghininga saka ay marahang tumawa pero saglit lamang iyon dahil hinila ko uli si Joey pero mukang nahuli na kami ng dating dahil nagi-istart na sila.

Sayang ang pagod ng takbo namin. Nakita ko ang pasimpleng pag-silip ni Manuel sa amin galing binatana nang matanaw niya kami ay sumenyas siya  na 'wag nang pumasok nakita ko rin kasi si Sir na sumisigaw at mukang may problema nanaman.

"Paano na 'yan?" Joey asked.

"Hindi nalang tayo papasok," I said, baka kasi mapagbuntungan kami ng galit ni Sir at 'tsaka masyado na kaming late kung mag-eexcuse kami na nag-cr kami ay paniguradong hindi niya kami paniniwalaan dahil nahuli niya kami last time na late rin pero galing kami sa building mga grade 12, baka mag-sumbong din siya kay Mrs. Amurao na cutting kami.

"Pinahirapan mo pa 'ko sa pag-baba…" inis n'yang ani.

"Akala ko naman kasi aabot tayo," paliwanag ko.

"Lunch break na next, saan muna tayo?" she asked and stopped mukang nag-iisip. "Doon tayo sa likuran ng building! 'yung sapa roon."

"Delikado ang daan doon, eh, " I said pero hinila parin niya ako sa lumang building nang grade 12, abandonado na 'yon kaya naman ay parang hindi na mawari kung anong itsura at may nakalagay pang nakapa- skill na do not enter. Hindi namin pinansin ni Joey iyon sa halip ay mas nanaig ang kagustuhan naming matanaw muli ang maliit na sapa sa likuran ng Larkson Academy.

Ilang beses na naming dinayo ni Joey 'yon. Pero dahil sabi ay may guard ay huminto kami pero nang malaman naming paraan lang ng school 'yon para wala nang pumunta ay nag-umpisa muli kaming dayuhin 'yon mahihirapan naman kaming hulihin dahil mapuno banda roon.

Wala akong ibang nakikita kundi ang mga sirang upuan o kung anong materyales na ginagamit sa eskuwelahan habang nag-lalakad kami sa pamilyar na daanan. Tahimik lang ang lakad namin at ang ulo namin ay hindi mapakali dahil baka ay may guard ngang nag-babantay. At nang makita ko namang wala ay guminhawa ang pakiramdam ko at 'tsaka ay tinuon ang pansin ko sa harapan, malapit na kami.

Huminto kami sa isang malaking kahoy na gate. Nababalutan ito nang mga vines at halatang pinatungan nila ng isa pang kahoy  para wala nang butas. Mukang nalaman nila na dito lumalabas ang mga estudyante, ah.

"Mukang inayos nila ang gate na 'to…" Joey said habang sinusuri ang gate na nasa harapan namin. "Pero hindi nila pinalitan," she said at 'tsaka ay tinanggal ang malaking gulong na goma na parang nababalutan ng mga bushes. There I saw a small hole that can lead you into the creek. Masyado silang naging kampante sa nakapatong na goma na ito kaya hindi nila napansin na may maliit na butas na kakasya ang mga estudyante.

Naunang pumasok doon si Joey, I waited for a seconds at nang makita ko siyang sumilip sa hole at ngumiti saka ay sumenyas na pumasok ay agad akong natawa at pumasok nadin doon. Rinig ko agad ang huni ng ibon at ang mata ko naman ay masyado nanamang namamahanda dahil sa lugar na ito. Rinig ko nadin ang pagragasa ng tubig. Ang amoy ng sariwang hangin at nang putik ang bumabalot sa ilong ko.

"It's never failed to amaze me," Joey said.

Tumango naman ako. "Doon uli tayo," I said.

Tinutukoy ang malaking dalawang bato na shape na duyan. Madalas naming higaan ni Joey iyon at 'tsaka ay magkukuwentuhan lang at papanoorin ang magandang sapa na nasa harapan namin. Hindi ko alam kung sino ang nag-lagay no'n pero mas ayos na 'yon dahil hindi kami mahahanap ng guard dito dahil tago at kailangan mo munang dumaan sa makipot na daanan.

Pero bago kami makapunta ni Joey ay huminto muna siya. Nakakita kami ng kunehong puti at nakatingala sa amin. "Omy, kuneho!" she exclaimed.

Isa sa mga napansin ko ay mahilig sa hayop si Joey. Ang puting kuneho ay lumapit kay Joey at inamoy amoy ang sapatos na 'yon. Nang matapos niya ay agad siyang tumakbo sa kaliwa kung saan ay mas ma puno.

"Kukunin ko lang, saglit, diyan kalang."

Agad akong naalarma sa sinabe ni Joey. "Joey! 'Wag na baka may kuneho pang iba roon." I said.

"Gusto ko 'to, e! saglit lang ako," ani Joey at walang pasabing pinasok ang mas makipot na daan.

Umihip ang malakas na hangin, naiwan akong mag-isa. Kabisado ko ang daanan sa tambayan pero si Joey ay hindi masyado at baka maligaw ang babaitang 'yon! Napakamot nalang ako ng aking ulo at iniisip kung didiretso naba ako sa tambayan at hahayaan siyang matagpuan ako.

"Five minutes, pag wala, didiretso na ako sa tambayan," I muttured. Parang ang sama ko namang kaibigan kung iiwan ko siya rito, though, I am comfortable that Joey will be safe dahil wala namang ibang daan para makapasok dito kundi ang mismong school. Since it's a private place where the owner of the school bought it few years ago.

Hindi ko rin siya ma-contact dahil iniwan namin ang cellphone namin sa bag namin. Kampante naman akong walang kukuha no'n dahil nakabantay si Manuel. Luminga linga ako at hinahayaang liparin muli ang kulot kong buhok. Inaabala ko ang sarili ko sa paligid ko at muling titingin sa orasan ko. Tatlong minuto nalang ang natitira.

I heave a sighed and then my eyes dropped to a thing that was hiding behind the bushes. My curiosity led me to something that I've never expected.

A ball… basketball.

May nakapunta rito? Sino? At paano napadpad ang bola rito? Kunot noo kong sinusuri ang bola saka ay may napansin akong nakasulat sa bola.

Kai.

"Pangalan ba 'yan?" tanong ko.

Nang makita kong naka five minutes na ako ay dumiretso ako sa tambayan namin hawak hawak ang bola at nakasalubong ang noo ko, nag-iisip kung paano ko makikita si Joey. At ang laki nang lugar na 'to! Pero mas napaisip ako nang may nakita akong lalaking nakahiga sa parang duyan na bato.

Paano siya napunta rito?  I tilted my head saka ay dahan dahang nag-lakad papunta sa kaniya. Ang kaniyang katawan niya ay nakatagilid at parang maamong tupang natutulog ang kaniyang ulo ay nakapatong sa dalawang mag kapatong na kamay. Nag sisilbi niya itong unan. Ang dalawang hita niya ay magkapatong din, para siyang batang natutulog.

Luminga linga ako at nag-hahanap na baka ay may kasama pa siya pero wala naman akong nakikita. Napansin ko kung anong grade na niya base sa kulay ng kaniyang ID lace.

Kitang kita ko ang haba ng pilik mata, tangos ng kaniyang ilong, at ang pagkakadepina  ng kaniyang panga. Lumapit ako para silipin ang ID niya baka kasi ay Kai ang pangalan niya at sa kaniya ito. Pag tapos ay aalis din ako at hahanapin na lamang si Joey paniguradong nandoon na 'yon sa lugar na pinaghintuan namin kanina.

Gumalaw siya ng bahagya kaya naman mas nagkaroon ako ng access sa ID niya I was about to took it when he just grabbed my pulse. Gulat akong napatingin sa kaniya at bumilis ang tibok ng puso ko hindi dahil sa nahuli niya ako, kundi dahil sa paraan ng pag-titig niya sa akin.

FORTEM