If You're Real by IamMrIos
Pagkatapos kong isulat ang mga karanasan ko mula nang dumating ako dito hanggang kahapon ay natulog lang ako at nagising lang para kumain. Tapos natulog ulit. Wala man lang kasing TV, radyo, selpon, wifi, kuryente, o ano mang mapaglilibangan dito. Hindi ko kayang makatiis sa kabagutan dito. Ewan ko ba sa sarili ko, minsan gusto ko dito, minsan naman hindi. Kinabukasan ay nakatunganga ako dito sa bahay. Wala akong magawa dahil nalinis na ng mga kasambahay ang buong bahay. Bawal din ang lumabas dahil babae ako. Napaka conservative kase ng mga tao dito. Marami pang bawal pagdating sa karapatan ng kababihan. Bawal dito ang mag-aral ang babae pwera na lang kung mayaman ka o magmamadre. Hindi din pwedeng kuning course ng mga babae ang course ng lalaki. Bawal ang magsuot ng maiksi, kainis! Ambanas pa naman dito lalo na't walang electric fan. No choice kundi tiisin ang mabanas na saya. Napakaboring pa!
Pinapagatsilyo ako ni Mrs Rosa e ayaw ko naman yun. Sabi nya, nakakawala ng sakit sa ulo ang paggagatisilyo pero nung pinagawa kami nun sa TLE, lalo lang sumakit ang ulo ko. Nayamot lang ako dahil sa makailang beses na pagkakabuhol ng crochet thread at sumakit pa ang mga daliri ko. Gusto ko naman yung pagiging simple ng pamumuhay pero nasanay kasi ako sa panahon ko at sa mundo ko. Mukhang mahihirapan akong mag-adjust sa panahong ito. Matatagalan pa bago ako makauwi samin.
Wala akong ginagawa dito kundi tumunganga maghapon. Nakahiga lang ako dito at nakatitig sa kisame. Hayyyyssstttt..... Kaboring! Para na akong bangkay dito na kaburol at hinihintay na lang na mailibing.
Nakita ko ang isang butiki sa isang sulok ng kisame. Bigla naman lumapit sa kanya ang isa pang butiki. Dahil bored ako, Pinagmasdan ko lang sila at tinitigan. "Athena?" mahinang sambit ng isang butiki. " Nakikita mo ako?"tanong kausap nyang butiki. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang butiking yun. "Buhay ka! Nagising ka!"tuwang tuwang sabi nung isang butiki. "Titus, listen to me, hindi ka dapat nandidito. Mabubuhay ka pa." sabi ni Athena butiki. "Anong ibig mo--—" hindi na natapos ni Titus butiki ang kanyang sasabihin nang mapagtanto nya na...
"Hindi ka pwedeng mamatay, mabubuhay ka pa."nag aalalang sabi sa kanyan ni Athena butiki. " Tanggap ko na, Athena handa na ako." Sabi ni Titus butiki. "Sigurado ka ba?"tanong ni Athena butiki. " Oo, handa na akong makasama ka." sagot ni Titus butiki sabay yakap sa isa't isa at kapwa sila nalaglag sa sahig. Tingnan ko silang dalawa at pinagmasdan ko lang sa sahig. Dumating ang isang ipis at iba pang butiki kasama na din ang katropa nilang langgam.
"Titus Hernandez Butiki. time of death, 10:30 am." at nagsimulang malungkot ng ilan. " Athena Garcia Butiki. Time of death, 10:32 am." Hayyyyyyssstttt..... Naiyak tuloy ako sa part na yun. Pati mga butiki nadamay sa kabagutan ko. Naapply ko tuloy yung Stay Awake Athena. Naisip ko kung, paano kaya kung hindi ko magawang maging happy ending ang kwentong ito? Anong mangyayari sa akin?
Nabaling ang tingin ko sa nilabhan kong saya. Patay! Nakalimutan ko na ibalik kay Cecilia yung damit nya. Agad kong kinuha ang nakatiklop nang damit at nilagay sa isang bayong. Nagpaalam ako kay Mrs Rosa na pupunta lang ako kila Cecilia na ilang metro lang ang layo sa bahay namin. Dinaanan ko ang malawak na taniman ng kape. Nabano lang ako kasi pulang pula ang mga bunga. Ganito pala ang itsura nito sa personal, ang cute. Napatigil muna ako saglit para titigan ang mga bunga.
"Anong ginagawa mo dito, binibini?" mula sa isang malagom na boses. Panigurado lalaki to pero hindi ako pamilyar. Lumingon ako at tumbad sa akin ang isang lalaking nakasuot ng maruming camisa de chino at sumbrerong pang magsasaka. "Sino ka??" tanong ko. "Hindi ako sinuka, iniri ako."sabay halakhak nya. Okay na kuya? Happy? Happy? Buti naman at napatigil sya nang mapansing hindi ako natawa sa joke nya. "Hindi nyo naitatanong subalit ako si Dante Teodoro."sagot nya. Ahhhh..... Siya pala yun. Kala ko naman funny sya, corny pala.
Si Dante Teodoro ang pangalawa sa anak ni Don Pablo at Donya Felicidad Teodoro. Kung di ako nagkakamali, nasa edad 21 na sya. Palabiro sya gaya ng sabi at pagkakalarawan ng author ng librong ito pero hindi ako natawa. Hilig nyang magpasya ng kanilang mga trabahador sa lupain nilang punong-puno ng niyog. Hilig din nyang akyatin ang mga puno ng niyog at tulungan ang kaniyang ama. Madalas syang kinaiinisan ni Don Pablo dahil sa kanyang kapasawayan.
"Anong ginagawa mo dito?" pagtataray ko.
" Hindi ba dapat ay ako ang magtatanong nyan sa iyo, Binibini?"
" Basta"
" Paalam na lamang" sabay alis sa harapan ko. Lokong yun, tinatanong ko pa, umalis ka agad. Napansin kong paparating ang isang karwahe papalapit sa akin.
Tumigil ito sa harapan ko at binuksan ang pintuan nito. Tumambad sa aking ang dalawang taong nagmamay ari ng isa sa pinakamalawak na lupain at taniman. Ang tinutukoy ko ay sina Don Agustin at Donya Dolores Villanueva. Sila ang mga magulang ni Cecilia at nagmamay-ari ng Hacienda Villanueva at malawak na taniman ng kape. Malaking tao si Don Agustin at may bigote. Mukha namang bata si Donya Dolores.
"Hija, patungo ka ba kay Cecilia?"mahinhing tanong ni Donya Dolores. Napatango na lang ako at pinapasakay nila ako sa loob pero tumanggi ako.
"Maglalakad na lamang po ako."dahilan ko. Ilang metro na lang at bahay na nila, katatamaran ko pa tsaka gustong gusto kong tingnan ang mga tanim nilang kape. Mapupula kasi at pwede nang pitasin. Umalis na sila at pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na ako sa bahay nila. First time kong makita ang puting mansion ng mga Villanueva at sadyang napakalaki nito. Ganito ba talaga sa panahong ito? Pabonggahan ng bahay?
Naabutan kong kakarating lang din nila Don Agustin dahil kakababa pa lang nila. Sinalubong sila ni Cecilia pero hindi nya ako nakita. Rinig ko pa ang usapan nilang mag-ina.
"Cecilia, may bisita ka."balita ni Donya Dolores. Napansin kong excited na excited si Cecilia na malaman kung sino ang darating. Lumapit ako sa kanya at napalitan ang mukha nyang tuwang tuwa nang makita ako.
"Ito nga pala yung damit na binili mo na nadumihan ko. Nilabhan ko na yan." Sabay abot sa kanya ng bayong. Bag na ang tawag ngayon sa bayong kaya baka hindi ka na pamilyar. Tinanggap naman nya ang bayong. Napansin kong wala na syang balak kunin pa sana ang damit. Kung ihampas ko kaya yan sa kanya. Nagpakahirap akong maglaba gamit ang kamay ko. Wala pang washing machine at dryer sa panahon na to kaya napalaban talaga ako. Hinampas hampas ko pa yun. Dahil sa inis ko, umalis na agad ako pero bago pa man ako makalayo ay tinawag ako ni Don Agustin.
"Hija, sumabay ka na sa 'min magtanghalian. Masyado nang mataas ang araw."alok nila sa akin at tumanggi na lang ako. Ayokong makasama ang taong ayaw naman akong kasama. Easy!
"Wag ka nang mahiya, hija. Masamang tumanggi."pamimilit pa ni Donya Dolores. Wala na akong magawa. Pumasok kami sa loob at pinaghandaan kami ng pagkain pagkarating namin sa kusina. Nagluto sila ng sinigang at pinaksiw na galunggong. Sama-sama kaming kumain ng kainlang pagkain.
••••
Nakauwi na ako ngayon at naihatid ko na rin ang damit na nilabhan ko. Back to normal naman. Kung nasa present at mundo ko ako ngayon, same lang naman ng sitwasyon ko. Gusto kong lumabas pero wala naman akong kasama. Tumayo ako sa aking kama at nagpunta sa kwarto nina Mrs Rosa. Naisip ko lang na puntahan siya wala naman akong makausap. Umalis naman daw si Mr Blythe, may business meeting daw siya. Abala naman yung mga kasambahay sa pag aayos ng ibang gamit. Kakaunti pa lang ang nabubuksan ko sa pintuan pero nasilip ko na agad ang maraming damit. Para saan? Baka nag aayos lang, hays..
Binuksan ko ang pinto at tumabad sa akin si Mrs Rosa na nagtitiklop ng maraming damit. Nung una, inisip ko na baka nagtitiklop lang sya kasi naabutan kong nagsasampay sila, alam ko na agad naglaba sila kahapon, pero nakita ko ang malaking maleta. Aalis sila? "Bakit po kayo nag-aayos ng mga damit? Aalis po ba kayo?"
"Dahil sa iyong sinabi kahapon, kinailangan naming magtungo sa Amerika upang magpatulong sa pagpapatayo ng pagawaan ng alak."sagot ni Mrs Rosa habang sinusuklay nya ang buhok ko gamit ang kanyang kamay. "Ba't parang ambilis naman po?" nagtataka kong tanong. Nakakapagtaka naman kasi, kahapon ko lang sinabi tapos gagawin na nila, kaagad-agad! "Ninais ng iyong pinsan na gawin kaagad. Halos isang buwan ang aming biyahe at matatagalan pa kami bago makabalik dito." Baka sa August o September na sila makabalik. June 3 na ngayon at halos dalawa o tatlong buwan akong walang kasama dito sa bahay. "Si pinsan po, aalis din?"tanong ko.
"Kasama mo sya dito. Magiging abala lamang sya dahil sya muna ang mamumuno sa buong hacienda at magpapatakbo ng ating taniman." sagot naman ni Mrs Rosa. Medyo kinabahan naman ako kasi lalaki ang makakasama ko. Hindi ako sanay na may kasamang lalaki sa bahay. Oo, lalaki ang mga kapatid ko pero matanda naman si Mr Blythe. 24 years old na yata sya. "Kelan po ang alis nyo?"
"Bukas na bukas din. Magiging maalon kasi ang mga dagat kung sa susunod na buwan pa kami pupunta doon." pero June palang ah, hindi naman gaanong maalon pag June. Pwera na lang kung may bagyo. Pinagpatuloy lang nya ang pagtitiklop at iniwan ko nas sya. Bumalik na ako sa aking kwarto at inisip ang mga gagawin. March pa yata matatapos ang kwentong ito at ngayon ay June na. Ambagal tumakbo ng oras.
••••
Nandidito kami ngayon sa daungan ng San Jose at hindi ako nagsalita mula paggising at pagdating namin dito. Wala akong idea kung anong gagawin ko. Nakakaramdam ako ng matinding kalungkutan habang kami'y sakay ng karwahe at papunta dito.
"Mag-iingat ka, anak ha."sabay halik sa akin ni Mrs Rosa at sinabayan nya rin ng pagyakap. Nakatingin lamang ako sa kanila at hindi ko man lang magawang kawayan sila habang sila'y papaalis. Sumakay na sila ng barko at naiwan ako ditong nakatayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong kasagpi dito. Baka pagbalik nila, bangkay na ako. Baka hindi na ako makaalis sa librong to. Baka dito na din ako mamatay.
"Tila malalim na naman ang iyong iniisip." napalingon ako nang sabihin iyon ng isang pamilyar na boses. "Mateo!" nagulat naman ako na makita siya ulit. "Ako nga" sabay ngiti sa akin. Tingnan ko ang buo nyang katawan. Mula paa hanggang ulo. Pormadong pormado sya. "Aalis ka ba?" tanong ko. "Oo e haha" sabay tawa kahit na ang totoo'y malungkot nyang sagot sa akin. Oo nga pala, ngayon ang araw ng pagpunta nya ng America para doon magsanay. Nais ng kanyang ama na maging isa syang sundalo pero hindi naman nya gusto. Hindi ko alam kung bakit ayaw nyang magsundalo. "Ilang buwan?" tanong ko. "Mga dalawang taon na lamang." sagot nya. Dalawang taon? Pero hanggang next year lang naman ang kwentong ito ah. Papaanong matatapos ang kwentong ito nang wala sya depende na lang kung.....
"KUYA!!! KUYA!!!!KUYA!!!!" paulit ulit na sigaw ni Melvin. Napalingon kami sa kanya at hingal na hingal syang lumapit sa amin. "Sa susunod... na taon... ka na... lamang ...daw... magtungo .....sa.... Cuba...." sabi nya habang hinahabol ang kanyang pagkahinga sabay abot ng isang sulat. Hindi ko makita kung anong laman ng sulat pero mukhang masamang balita yun. Agad silang sumakay sa kanilang karwahe at aalis. Tumigil sandali ang karwahe at bumukas ang pinto. Bumaba doon si Mateo at hinila ako papunta sa loob ng karwahe. "Manong Obet, sa bahay po, madali!"utos ni Mateo kay Manong Obet. Nakaramdam ako na may masama ngang nangyari. Ano kaya yun?
••••
Nakarating kami sa kanilang mansion. Mabilis naming tinungo ang isang kwarto. Nadatnan naming nakatulala si Donya Rosario sa kanyang higaan. Napansin kong tigang na ang mga luha nya sa labis na pag-iyak. Agad na niyakap ni Mateo ang kanyang ina at hinalikan nya ito sa noo. Nakatayo lamang si Melvin at Don Simon sa likod ko. Napansin ko ring tila namumutla sya. Ang mga labi nya ay namuti na. "Ano pong nangyari sa kanya? Tumawag na po ba kayo ng doktor?" tanong ko pero salamat sa sagot nila. Anlaki ng naitulong. Ni hindi man nila sinagot ang tanong ko. "Wag nyo na po ulit gagawin yun, Ina." bulong ni Mateo habang yakap-yakap ang kanyang ina na nakatulala pa rin sa kawalan. Nakita ko ang letter at binasa ko ang nakasulat doon.
Mahal kong anak,
Magbalik ka na sa aking piling, ayokong ako'y lisanin mo ulit. Nahihirapan akong hindi kumpleto ang ating pamilya. Kung hindi ka babalik, hindi mo na ako muli pang makikita.
iyong Ina
Nao-OA-yan ako sa kanya, honestly pero ramdam ko kung gaano sya nangulila. Dalawang taon nang nagsasanay si Mateo sa pagsusundalo nang pabalikin syang muli sa San Jose dahil sa kanyang ina. Favorite kasi ni Donya Rosario si Mateo habang si Melvin naman ang paborito ni Don Simon. Kaya't gayun na lamang ang paggawa ng paraan ni Donya Rosario para mapabalik ang anak. Napatingala ako at nakita ko ang isang lubid na nakabitin. Mukhang magbibigti yata sana sya. Napakamot lang ng ulo si Don Simon dahil sa nangyari. "Anong nangyayari dito?" tanong ni Donya Rivera at tinaasan ako ng kilay nang makita ako kasabay ng mabilis na pagpaypay. Wag nya kong tatarayan dyan, baka sya ang ibigti ko dito e. Tsss...
••••
Pinapauwi na nila ako pero ayaw ko pa. Una sa lahat, nag aalala pa ako kay Donya Rosario. Nagkalagnat kasi sya at inatake ng hika. Pangalawa, gabi na sa labas. Ayokong umuwi nang mag isa, baka kung anong mangyari sakin sa daan. Pangatlo, boring dun. Kakain tapos matutulog. Panigurado namang hindi akong makakatulog dun. Ikaw ba namang makaramdam ng parang sayo nakatingin lahat ng mga larawan. Tsaka, magdamag akong nakikipagtitigan sa kisame na naman hanggang sa makaramdam ako ng antok. Napansin kong mahimbing na natutulog si Donya Rosario sa kanyang higaan. Tumayo ako at chineck ang temperature nya. Tinapat ko ang isa kong kamay sa noo nya habang yung isa kong kamay at nilagay ko sa noo ko. Mataas pa rin ang temperature nya kaya kinuha ko ang plangganang may lamang tubig para isawsaw ang tuwalya pero napansin kong lumamig na ang tubig. Iniwan ko muna sya saglit at nagpunta sa kusina para kumuha ng mainit na tubig. Hindi ko na inabala pa ang mga kasambahay dahil alam ko namang pagod na pagod sila maghapon. Naabutan kong may kung sino sa kusina. Nakaupo ito sa mesa at dahil sa sobrang dilim ng paligid, hindi ko maaninag ang hitsura nya. "Sinong nandyan?"tanong ko at agad kong itinapat ang gasera na hawak ko. Naabot sya ng liwanag at sa wakas ay nasilayan ko ang kanyang hitsura Hayyysssttt....buti naman.
Si Mateo.....
Nakatulog pala sya sa mesa. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang dala kong gasera at plangganang may lamang tubig at tuwalya. Itinapat ko ang gasera malapit sa mukha nya. Pinagmasdan ko lang ang gwapo nyang mukha kasabay ang nakakabinging katahimikan ng paligid. "Mahal....."narinig kong bulong ni Mateo. Ano kayang laman ng panaginip nya? Masaya kaya silang magkasama? Ah ewan, makapunta na nga ng kusina.
Dear Diary,
Pagbalik ko sa kwarto nila Don Simon ay nakita kong tulog pa rin si Donya Rosario. Inilatag ko ang plangganang may lamang mainit na tubig. Binabad ko ang towel at piniga sabay lagay sa noo nya. Napansin kong hindi natatakpan ng kumot ang isa nyang braso. Tumayo ako at kinuha ang maliit na bahagi ng kumot. Nang tatakpan ko na ang braso nya ay napansin kong parang may pasa sya. Tiningnan ko ang kabilang braso nya at nakita kong may mga pasa at sugat din ito. Napansin kong may ilan nang papagaling na yung ibang sugat pero mas marami ang mga bago. Nagkukulay violet pa nga yung ibang part e.
Labis na nagtataka,
Catalina
********************************
____________________________________
—•••—
"How many cares one loses when one decides not to be something but to be someone. "
—Mr Ios
—•••—
Note: Ang kwentong nabanggit kanina ay sipi mula sa akdang ginawa ni Serialsleeper na pinamagatang "Stay Awake Agatha" na binigyan ko ng sarili kong bersyon. Hindi ko balak na nakawain ang kanyang akda bagkus ay nais ko lamang idagdag. Suportahan natin ang gawa ng iba pang may akda dahil marami kauong matututunan mula sa kanila. Maraming Salamat!