December 19,2019
Ate, pabili nga po ng malunggay pandesal, ₱20 po. " umalis ang panadero habang ako naman ay hinihintay siyang makabalik. Umakit ng aking atensyon ang isang tansong nakadikit sa pader ng tindahan.
"Ang panaderya ng San Jose na itinayo noong 1896 sa pangunguna ni.." hindi ko na makita ang nakasulat dahil may naglagay ng chewing gum. Ano ba yan! Sino ba kasing bastos ang nagdikit ng chewing gum dito! Pero narealize ko, Matanda na pala ang panaderyang ito. Spanish colonial period pa. Naabutan pa yata to ni Jose Rizal. Nasa San Jose pala ang original na tindahan nito at isa lang ito sa mga branch. Makabili nga dun next time.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang panadero at inabot sa akin ang isang papel na bag na may lamang mainit-init na pandesal. Pagkaabot ko ng bayad sa panadero ay umalis na agad ako at sumakay ng tricycle.
••••
"Cathyyyyyy!!!!!!!"salubong sakin ng kaibigan kong si Med habang lumalabas ako ng sinasakyan kong tricycle. Langyang bruhang to, andaming tao tapos magsisisigaw. Buti naman at hinintay nya ko. Gaya ng kinagawian, inaabangan nya akong bumaba sa sinasakyan kong tricycle. Hinihintay nya ako sa labas bago sya pumasok ng university. Suot nya ang fuchsia na t-shirt at napakaiksing maong na short na sobrang baduy tingnan. Ewan ko ba kung bakit trip nila ang ganung style. Bibili ng damit, kinulang pa sa tela. Tss.. mga hampaslupa! I prefer wearing oversized shirts kahit na magmukha akong daga na nagsuot ng damit ng elepante kesa bastusin ng ibang lalaki.
"Anong meron?"walang emosyon kong tanong sa kanya at sabay abot ng bayad kay manong drayber. "Ba't ba antagal mo?" Seriously?? Yun talaga ang tanong nya? "Ano bang meron?"
"Nabasa mo na ba yung update?" parang baliw na baliw nyang tanong. Tss, pag to di mahalaga at kailangan pa nyang isigaw ang pangalan ko, bugbog abot nitong babaeng to. "Anong update ba?"
"Nag-update na si Binibining A!!!"tila kumawala ang nababaliw nyang bulati sa buo nyang katawan sa sobrang saya. Lutang ako that time at tila nabingi ako. Buti na lang at inulit nya ulit. Nang marinig ko yun, humaplos sa buo kong katawan ang tila kuryente at nakaramdam ako ng pagkaexcite.
Fan kasi kami ni Binibining A then inaabangan talaga namin yung bawat updates ng mga story nya. Nakilala ko siya dahil kay Med. Matagal na kasi syang wattpadian, hinawaan nya lang ako. Naabutan pa nga yata yung ebook pa yung mga stories dun. Naalala ko lang nung mga panahong di pa ako wattpadian. Isa akong malaking BASHER. Nakikipag-away pa ko kay Med dahil dun. Muntik na nga naming tapusin ang pagkakaibigan namin dahil dun e. Hahhahahaha....
Palagi kong banat sa kanya:
1.wala namang maitutulong sayo yan.
2.Puro landian lang ang laman nya.
3.Iniiwas ka lang nyan sa reyalidad ng buhay.
4.Nagiging ilusyonada ka pag nagbasa nyan.
5. Tataas ang expectations and standards mo sa lalaki.
....
The last but not the least,
6. Sasaktan ka lang nyan, di mo kailanman makakasama ang pinapangarap mong nakalagay dyan. Sasaktan ka lang ng sarili mong imahinasyon at expectations.
Pero nagbago ang lahat nang ma-curious akong basahin ang isang kwento. Kwento ng isang university na pwede ang lahat kahit ang pumatay. Di ko nga alam kung pwede mangrape dun ng gwapong eatudyante e. Kung pwede lang sana, hayyyssst...
Mula nang mabasa ko yun, lahat ng paninira ko, nilunok ko. Nagsimula na ang pagbabago ng lifestyle ko. Minsan, napapansin na lang nila Tita, tumatawa ako then maya-maya mapapansin nya, may tumutulo na palang luha sa pisngi ko nang di ko namamalayan. Tapos biglang magugulat, then suddenly napapahampas sa katabi dahil sa sobrang kilig o sobrang kaba. Minsan, itataas ko lang ang kamay ko, lumalayo na agad ang bunso kong kapatid na si Note. Natrauma yata dahil sya ang palagi kong nahahampas kapag nakakabasa ako ng nakakakilig na part. Di ko malilimutan sa tuwing mangyayari yun sakin at makikita nya ko, sinasabi nya palagi,
"Para kang Tanga!"featuring naiiritang tingin. Minsan talaga, di ko magets si Tita. Minsan matutuwa samin then biglang magagalit. Bipolar yata eh! Minsan napapaisip ako, kung di ko lang to nanay, nabigwasan ko na to. Di hawot lang, nanay ko yan hehehe..
Ahhahahaha!!!!
GAWAIN NG WATTPADIANS :
1 - Naranasang hindi maligo, one day lang yun dahil nga babad ako maghapon kakabasa at puyat pa, bawal mapasma
2 - Umiyak ng patago, mahirap nang masabihan ng "andrama mo" o di kaya "ang OA mo naman, pwera lang yan, iniiyakan mo na" ng mga taong nasa paligid mo.
3 - Nagmumukhang baliw dahil sa kakatawa mag-isa. Minsan, kala nila baliw ako.
4 - Nagpupuyat na inaabot hanggang umaga, pinakamatindi yata, hindi na ako natulog
5 - Gumagaling sa English, basically, dahil iba ang genre ko, mas gumaling ako sa wikang atin.
6 - Nagbabasa kahit may klase, muntik na nga akong masamsaman dahil dun.
7 - Nako-confiscate ang cellphone, lalo na pag nagkasakit ako o sumakit ang ulo ko, pati cp ko damay.
8 - Nag-asam na maging author someday, nagtry din akong magsulat kaso hanggang chapter 1 lang
9 - Nagtry gumawa ng story na hanggang prologue lang, kakasabi ko lang.
10 - Kung ano anong watty lines na ang binabato, lalo na sa mga nakakaaway ko. English kung english pero tagalog na Tagalog minsan
11 - Mas magaling pa bumanat kaysa sa mga lalake, naaasar nga akong tomboy
12 - Pinangarap na maging katulad ng favorite Fictional Character, nakakainggit naman kasi yung characteristics nila
13 - Nagmumukhang panda dahil sa laki ng eyebags, mukha din akong binugbog
14 - Nagsskip ng lyrics kapag hindi alam ang kanta, di ko bet minsan yung song
15 - Hindi na kinikilig sa mga real life banat ng boys kasi nabasa na nila sa watty, recycled banats lang nila yun
and last....
16 - Pinapangarap na maging totoo ang mga Fictional Characters. Ang pinakapinapangarap ko.
Mabalik tayo.Nasaan nga tayo ulit?
"Cathy, hoy!" Di ko namalayang kanina pa pala ako nakatulala sa kaibigan kong to. Pumalakpak sya sa harap ko para makuha ang atensyon ko at nagtagumpay naman sya. Lutang tayo mga besh! "Yun lang?"
"Di lang yun, ipapublish na rin yung libro nya!!!!!" Excited na excited na sigaw nya habang ako, napapasana ol.
Nakakasana ol lang kasi buti pa sya, afford nyang bumili habang ako, sakto lang ang allowance ko para sa buong maghapon. Isa ako sa
NoWaBo/NWB
-No Wattpad Books.
"Magkano nga?"pasimple kong tanong. Syempre kunyare bibili ako kahit hindi.
Pero sana talaga! Bibili ako nun, promise! Pabirthday ko sa sarili ko. Tama! December 9 na ngayon, makakapag ipon pa ako.
"Seryoso ka?"tanong nya na tila nang iinsulto pa ang bruha. Isa pa, sasabunutan ko talaga to. "Malamang yes!"featuring pilit na ngiti. Dahan-dahan nyang itinapat ang mukha nya sa taenga ko sabay bulong ng presyo. Namilog na lamang ang mga mata ako at umuwang ang aking mga labi. Pero namayani sa loob ko na bibilhin ko yun as my self-gift. Kahit nabasa ko na yun sa Wattpad ng 8 ulit, babasahin ko pa din yun sa libro. Kahit na halos masaulo ko na ang bawat lines ng mga character. Ang ganda nya kasi! Hayyyssst....
Gusto kong maranasan yung :
- aamuyin yung cover
-Tingin ng tingin sa plastic ng libro baka mawala
-Todo ingat sa paghawak
-Ayaw pa tanggalin agad yung wrapper, tititigan pa muna yung libro
-Dahan dahan pang bubuksan
-Ayaw agad buklatin baka malukot yung page
-Ichecheck gano kakapal yung babasahing libro, susukatin ng daliri
-Tamang tingin hanggang ilang chapter babasahin
-Dahan dahang lagay sa study table kung saan iwas sa daga baka daw ngatngatin
"Hindi pa ba kayo papasok?"panirang araw na tanong sa'min ng guard. Yung guard na feeling principal. Yung guard na feeling may ari ng university na to. Pag naka-graduate talaga ako, ipapadala ko to sa Iraq syempre, mag aasawa muna ako ng engineer. Nagkatinginan na lamang kami ni Med at nagtawanan at pagkatapos nun ay pumasok na kami sa loob. Isang normal na araw bilang buhay mag-aaral. Kakabagot na kasi!
Break time at wala naman akong magawa kaya binuksan ko ang cp ko para magbasa ng wattpad.
"Ang taba mo! " sabi ng kung sino sa likuran ko. Lumingon naman ako para alamin kung sino ang may sabi. Ahhh si Teffany. Ang mortal na kaaway ko dito. Mula elementary kami, kaaway ko to at hindi ko alam kung bakit anlaki ng galit nito sa akin.
"I'm maybe fat but I can exercise. Kapag ininsulto ba kita ng pandak magagawan mo ng paraan ang pagtangkad mo? " pagtataray ko sa kanya. Siyempre, galing yun sa wattpad na binasa ko kahit hindi ko genre. Bored kasi ako that time.
"Do you love Wattpad?"mataray na naman nyang tanong. "Lahat naman ng tao, gusto yun." sagot ko. "Pero hindi ko naman gusto. Tch." tumaas ang kilay ko sa sagot niya. "Sabi ko, tao lang hindi hayop."
"How dare you, bitch! " pagtataray niya naman sabay cross arms. "Bitch is a female dog, dog barks. Bark is a part of tree, tree is nature and nature is beautiful. So I'm beautiful." sagot ko sabay cross arms din.
"What are you talking about?!" nagtataka niyang tanong. Napangisi namana ako, buti na lang hindi niya alam. "You'll die if I tell you." pambabanta ko.
"Susumbong kita sa boyfriend ko! Makikita mo hinahanap mo! " pabebe niyang banta sa akin. Matatakot ako?
"Ako? Matatakot sa jowa mo? Bakit? 10 inches din ba yun? " pagtataray ko.
Napalibot naman ang ibang mga kaklase namin at pinanood kaming mag-away. "O-o" nauutal niyang sagot. Nakita na ba niya? "Books before boys because boys bring babies. " walang emosyong tugon ko sabay tingin sa kawalan. "Argh! Makaalis na nga! " naiirita niyang sabi, napansin niya kasing di na naman siya uubra sa akin. "Once you enter, there's no turning back. " pahabol ko.
"Ha! Nababaliw ka na talaga! You should consult to a Phsyciatrist baka makapatay ka pa! " natatawa niyang sabi sa akin na pinipilit na ipahiya ako. "Killing is not a sin. You're just helping the society to alleviate overpopulation. " pahabol ko pa. Napansin kong namuo ang inis niya at hiya nang mapansing di siya uubra sa akin.
"Oh? Kala ko ba Wattpadian ka? Bakit parang hindi mo alam ang mga sinabi ko?" pahamon kong sabi sa kanya. Tss.. fake wattpadian para lang may maipagmalaki sa karamihan. Really? Bandwagon?
"Humanda ka sakin sa susunod!" pambabanta niya saka umalis pero natawa ako nang bumalik. Naiwan niya kasi yung sling bag niya. Nagready naman ako after nun para sa susunod kong klase. 1 o'clock pa ang next class ko. More wattpad pa. Maaga pa, isang chapter pa.
••••
Kinagabihan, kinuha ko ang bolpen ko sa bag ko at pati ang hiningi kong papel kay Med. Founder ng papel yun, syempre dahil bestfriend nya ko, huh! Di dapat ako mawalan. Binuksan ko ang table lamp ko at sinimulang magkwenta at magbudget.
" ₱1200 ang libro, 5 days na pasok times ₱100 na baon equals 500. 1200 minus 500 equals.... Note! Ano ba?!"di natuloy kong pagsosolve nang biglang tanggalin sa saksakan ni Note ang plug ng table lamp. Nabalot tuloy ng kadiliman ang buong kwarto at tanging ilas sa kusina ang syang sumisilip sa amin.
"Sorry ate"at tila mangiyak-ngiyak nyang pagsosorry saken. Namuo ang luha sa mga gilid ng kanyang mga mata at kasabay nito ang pag nguso. Kitang kita ko ang nakakaawa nyang pero napakacute nyang mukha. Gustong-gusto ko talagang pinapagalitan tong si Note. Manggigigil ka talaga sa sobrang taba ng pisngi nya. Dagdag pa ang makinis na balat nito at malaniyebe nitong kulay.
Siya si Note Pianne Clef Sonata, ang pinakacute na bunso kong kapatid. Four years old palang sya pero makikita mo na agad sa kanya ang kagwapuhan nyang taglay. Maputi sya at may bilugang mata. Medyo chubby sya pero ang pinakafavorite kong pagtripan ay ang kanyang malalambot at matataba nyang pisngi na sobrang nakakagigil at napakasarap pisilin at kurot-kurutin. One time nga, kinagat ko yun e. Makulit pero napapasunod ko naman.
Lumapit ako sa kanya at agad na hinawi ang madudulas at maninipis na buhok. Dama ko ang pagiging magaan nito. Dinamayan ng ang mga daliri ang mga luhang namumuo sa dulo ng kanyang mga mata.
"Shhh.... Tahan na... O ito" sabay abot sa kanya ng chocolate na binigay sakin kanina ni Med. Galing abroad ang mama nya at kakauwi palang kanina after 2 years na pagtatrabaho sa Dubai.
Matagumpay ko syang napatahan at agad akong tumayo para buksan ang ilaw ng buong kwarto. Nakita ko na balak pala nyang manood ng palabas sa TV kaya nya tinanggal ang saksakan. Binuksan ko naman ang TV para makapanood sya at pinagpatuloy ko naman ang pagsosolve.
Napatigil ako sa pagsosolve nang biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak na lamang ako sa aking itaas na bahagi ng aking taenga kasabay ng dahan-dahang paghilot nito. Parang bibiyakin ang ulo ko sa sobrang sakit. Ramdam ko ang biglang pandidilim ng paningin ko. Tumagal ang pananakit ng ilang minuto. Pagod lang siguro ako o puyat kakaWattpad. Alas-3 na kasi akong natulog then alas-6 ako gumising.
Nang mawala na ang sakit, nawala ang nakasukat sa papel ko. Laking pagtataka ko dahil punong puno yun ng sulat kanina kakasolve ko. Nahihilo lang yata ako. Kakaunti pa lang pala ang nasosolve ko kanina. Kinuha ko ang bolpen ko at magsisimula na naman ako. Hayyyssst...Akmang pagdampi ng bola ng bolpen ko sa papel ay biglang lumitaw ang isang sulat. Mr.Ios. Mr Ios?? Sino yun? Tsaka, paano lumitaw to dito? *Sampal sa sarili* Aray! Tunay nga!
_______________________________
—•••—
"Past is in your head, future is in your hand."
Mr. Ios
—•••—
*****************************
Ang mga nabanggit na pamagat ng kwento ay binago ko subalit ang ilan naman ay yun ang orihinal na pamagat. Wala akong balak na pag awayin ang iba't ibang genre. Bahagi lamang sya ng istorya. Kung kaya't huwag seryosohin. Hindi ko prino-promote ang mga nasabing libro subalit, suportahan po natin ang mga likha ng mga Pilipinong may akda. Credits to the rightful owner dun po sa isang scene at sa mga wattpad stories na nabanggit.
<quillbot-extension-portal></quillbot-extension-portal>