webnovel

Pagkagat Ng Dilim I (Peculiar Love)

Isang tipikal na babae. Iyan si Liane. Maraming problema sa buhay. Sa sarili, sa pag-ibig, sa trabaho, at ang pinakamatindi ay ang problema sa pamilya na nakaapekto na sa kanya ng husto. Hanggang sa isang araw ay nakabuo siya ng isang desisyong tuluyang makapagpapabago sa takbo ng kaniyang buhay. Makakaya kaya niyang harapin ang lahat ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari na kaniyang nasasaksihan? At magagawa ba niyang papasukin sa kaniyang puso ang katok ng pag-ibig? Gayong iba ito sa kaniyang nakasanayan. Paano kung matuklasan niya ang tunay na pagkatao ng mga ito? Kasabay ng nagbabadyang panganib sa kanyang buhay. Mananatili ba siya at buong pusong tatanggapin ang lahat? O lalayo at pipiliting talikuran at takasan ang lahat?

MissA_begail16 · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

LIANE

Dahil sa pagsigaw na ginawa ko ay tila natauhan ang lalaki at napagtanto ang pagkakamaling nagawa. At bago pa nito muling makontrol ang katawan ko ay mariin na akong pumikit.

Pero agad din akong napadilat ng makarinig ng malakas na kalabog kasunod ang isang malakas na sigaw. At doon tumambad sa akin ang galit na galit na si Alexander na pulang-pula ang mga mata. Bigla itong nawala sa kinatatayuan nito at namalayan ko na lang ang pagtilapon ng lalaking may hawak sa akin.

At dahil nawala na ang katawan nitong umiipit sa akin ay doon na tuluyang bumigay ang mga tuhod ko kaya napasalampak sa sahig. Habol ang hininga habang nanginginig ang buong katawan dahil sa halu-halong emosyon.

"Sino ka?! At anong karapatan mong hawakan si Liane!" Galit na sigaw ni Alexander na sinagot ng lalaki ng isang malakas na halakhak habang tumatayo mula sa mga gumuhong kahon. "Sagutin mo `ko!" Muling sigaw ni Alexander at sinugod ang lalaki, pero bigla itong nawala ang lalaki sa kinatatayuan nito at lumitaw sa tabi ko.

At dahil hindi ko inaasahan ang gagawin nito ay napasinghap na lang ako ng hiklatin nito ang kanang braso ko at hilahin patayo.

"Bitiwan mo `ko!" Palag ko habang pilit na hinihila ang braso ko mula sa mahigpit nitong pagkakahawak.

"Pasensiya ka na. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko, ang bango niya kasi," sabi nito na pinaglandas pa ang dila sa pisngi ko habang nakatingin sa direksyon ni Alexander.

"Bitiwan mo siya!" Sigaw ni Alexander na nag-iigting ang mga panga dahil sa galit at akmang susugod pero agad ding natigilan nang hawakan ng lalaki ang leeg ko gamit ang kamay nitong bigla na lang tinubuan ng mahahaba, matutulis at itim na kuko ang mga daliri. Na tumutusok sa leeg ko.

"A, a, a. Huwag kang magkakamali," banta nito na humigpit ang pagkakahawak sa leeg ko. At hindi ko napigilan ang pagdaing dahil lalong bumaon ang mga kuko nito. "Siguradong matutuwa ang panginoon ko kapag nalaman niyang may bagong salta sa lugar na ito at pinahahalagahan ninyong magkakapatid," halos pabulong na sabi habang inaamoy-amoy ang leeg ko habang nakatingin kay Alexander. Halos panginigan ako ng katawan ng dilaan nito ang dugong umagos sa leeg ko mula sa sugat na dulot ng mga kuko nito.