webnovel

Chapter 42: Good night

Sa long table nilapag ang aming hapunan. Tabi ng dagat kung saan mahinahon ang alon ngayon. Sa inis ko kanina pa. Di na ako nagpalit ng damit pagkatapos magshower. Malinis pa naman ito. Hindi pa mabaho kaya binalik ko na ulit.

I've texted Jane dahil hindi ito nakasama samin gaya ng sabi nito sa kapatid ko. "Bruha ka. Akala ko ba sasama ka?." I assume na alam na nito ang tinutukoy ko.

After I sent my message. Binulsa ko na agad ang phone ko dahil ako nalang ang hindi maingay sa grupo. Lahat sila nagtatawanan. Ang bastos ko naman kapag di ako nakisali sa kasiyahan nila.

"Anak ba agad ang plano Kian?. Grabe ka boy.. hahaha.." ani Ryan sa bagong kasal na kakaupo sa pinakadulong bahagi ng mesa.

Hinila ko ang upuan sa tabi ng upuan ni Karen at duon umupo. "Why not?. Hindi ba't normal naman na sa mag-asawa ang magkaroon ng anak?." lalong nagkantyawan ang lahat sa naging sagot nito.

"Pre.. konting preno naman.. nandito pa ang Ate oh.. hahaha.." si Mark naman to na kasalukuyang binubuksan ang isang bote ng alak.

"Susunod na din naman sya bro.. hahaha.."

Tinaasan ko lang ng kilay si Kian dito. "I mean, at her age. Siguro, normal na rin pong pag-usapan ang mature topic, di po ba?."

"Sa bahay, hinde.." direkta kong saad. Diretso. Walang preno.

Natameme ang lahat. Parang nagulat sa pagiging prangka ko. "I mean. We talk, yes. But not that much." nangalumbaba ako gawa ng di ko maintindihan na kaba. Pakiramdam ko kasi may nakatitig ng isang pares ng mata sa akin. Di ko alam kung saan part pero malakas ang pakiramdam ko na sya yun. "But as of your situation. You two have now the right to do such things. Wala na akong comment tungkol dun."

Wala na ring nagkomento sa kanila. Nabasag lang din ang katahimikan ng may nag-strum ng gitara.

Palad ay basang-basa.

Tapos ay nagsimula na syang kumanta.

Ang dagitab ay damang-dama.

Patuloy nya. Kinabahan ako ng sobra ng tumayo sina Bamby at Jaden. Winly at Bryan upang sabayan ng sayaw ang bawat liriko na binibigkas nya.

Sa 'king kalamnang punong-puno

Ng pananabik at ng kaba.

Kingina! Bakit pati talahib ng puso ko puno na ng kaba. Wala lang naman sakin ang presensya at ang mga kilos nya kaninang umaga pa pero bakit ganito?. Pakiramdam ko, nakalutang na ako.

Lalim sa 'king bawat paghinga.

"Huminga ka te. hahaha.." kung di pa ako tinapik ni Karen sa balikat. Baka kanina pa ako naputulan ng hininga rito at nakahandusay na.

"Ha?." wala sa sarili ko pang tanong.

"Nakatitig na sya sa'yo.. tayo na.." bulong pa nya bago sila tumayo ni Kian at nagsayaw gaya ng iba. Ako nalang ang syang naiwan na nakaupo sa mesa at sya na hawak ang itim na gitara.

Nakatitig lamang sa iyo.

Naglakad ka ng dahan-dahan.

Sa pasilyo tungo sa altar ng simbahan.

Ha!. Ano raw?. Simbahan?. Baka hindi ako ang tinutukoy nya?. Kundi yung dalawang bagong kasal?. Pero bakit sakin sya nakatingin?. May dumi ba ako sa mukha?. Oily ba ako?. O baka napapangitan na sya sakin?.

Napapikit ako sa pag-iisip.

Ano ba talaga?.

Hahagkan na't 'di ka bibitawan

Wala na 'kong mahihiling pa.

Ikaw at ikaw.

Sinabayan na sya ng lahat. Ako lang yata ang hinde. Damang dama ng lahat ang chorus ng kanta. Habang ako. Nakatitig lang sa kanya. Sinalubong nito ang titig ko habang patuloy na kumakanta.

Hindi ko maramdaman ang paa kong nakatapak sa tsinelas na suot. Para akong ulap na tinatangay ng hangin sa papawirin. Ang tangi ko lang marinig ay ang hampas ng alon sa paligid at ang tambol ng puso ko sa bawat pagbuka ng kanyang labi para kumanta. Para itong musika kung susumain. Nakikisabay ang kalikasan sa pag-sayaw ng lahat.

"Hay.. ano ba yan?. Bitin naman.. isa pa pogi.." reklamo ni Winly ng matapos ang kanyang awit. Iniistrum nya pa rin ang hawak na gitara habang nakatayo sa kabilang bahagi ng mesa kung saan sya nakaupo. Gusto kong lapitan sya. Gustong gusto kong hawakan ang kamay nya't alukin din ng sayaw tulad ng iba. Subalit kingina! Bakit bigla nalang naglahong parang bula ang pagiging maldita ko sa iba. Hindi naman ako ganito dati. Lalo na sa mga manliligaw ko. Ni hindi pa nga sila makatitig sakin ng matagal. Hindi gaya nya na kahit saan. Kahit sulyap nya minsan. Tumatagal. Bakit gusto ko syang lapitan?. Hawakan?. Makitang nakangiti at mayakap?. Bakit kinakabahan ako sa tuwing wala akong natatanggap na tawag o text nya kahit di ko nirereplyan?. Ano kaya to?. Hindi ko nalang ba sya gusto?. Mahal ko na ba sya?.

Pero impossible din. Paanong nangyari yun?.

"Sayaw naman tayo.." bigla ay nasa harapan ko na sya. Wala na ang hawak nyang gitara. Napakurap ako. Nakita kong naglalakad na ang mga kasama namin sa may dalampasigan. By partner pa sila.

"Paano sila?."

"Para raw may privacy tayo.." anya na may ngisi na sa gilid ng kanyang labi.

"Anong privacy?." kunot ang noo kong tanong.

Di sya sumagot. Imbes naglakad lang sya upang lapitan ako. "Gusto ko kasi.. solo kita.." bulong nya sa mismong tainga ko saka ako hinawakan sa magkabilang kamay at nilagay sa kaliwa nyang balikat ang kaliwa kong kamay. Habang ang kanan naman ay hawak ng kanang kamay nya. At ang kaliwa nyang kamay ay sa baywang ko nakahawak. "Iniiwasan mo kasi ako eh.."

"Ano kamo?. Hindi noh.."

Hinapit nya ako papalapit pa sa kanya. Halos yakapin na nya ako.

"Anong hinde?. Hindi mo nga magawang suklian ng tingin ang titig ko eh."

"Malamang, titig na titig ka. Nakakailang Poro.."

Matunog syang ngumisi. "Naiilang ka?."

"Sinong hinde?." humaba tuloy ang nguso ko sa kanya. Kainis lang. Gusto ko ng umalis dito at magtago nalang. Bigla akong nahiya ng walang dahilan.

"Bakit ka naman maiilang?. Magkaibigan naman tayo diba?."

"Oo nga eh. Di ko din alam.."

"Baka naman gusto mo na ako.."

Inirapan ko sya. Tumawa naman sya. "ASA to.. gwapong gwapo sa sarili ba?. Hahaha.."

"Syempre naman.. binansagan ba naman ako ng Mama mo ng 'gwapong batang abogado' kung hindi diba?."

"Ahahahhahahahahah... ang feeling lang.."

Natigilan ako ng matigilan din sya. "Ligawan nalang kaya kita?.."

"Ang tanong.. gusto mo ba ako?."

"Ang tanging gusto ko. Ayaw kitang mawala sa paningin ko.."

Ano bang pinagkaiba ng gusto kita sa ayaw mawala sa paningin nya?.

"Gusto din kitang laging nakikita.. alam mo ba yun?."

Natigilan sya dito. "Kung pwede lang tumira na sa bahay mo.."

Kingwa! Anong sinabi mo Kendra?!.

"Ipapaalam ko kay Tito.. bukas din mismo.. lumipat ka na."

"Pero paano kung may makakita sakin?. Paano kung malaman ng iba na nakatira ako sa bahay mo?."

"Hindi naman sila ako para pakinggan mo ang sinasabi nila."

"Pero paano kung may magselos ganun?."

"Anong selos?. Sino namang magseselos?. Wala.."

"Siguraduhin mo lang.." and our conversation went on and on. Hanggang sa bumalik ang lahat sa mesa at kami naman ang umupo sa tabi ng dalampasigan.

"Paano yan. Wala tayong magagawa kundi magtabi mamaya.." anya. Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan.

Sa totoo lang. Kinakabahan ako ng sobra. Oo nga. Matutulog lang naman kami pero bakit tong utak ko kung saan-saang dimension na napunta?. Normal lang ba yun?.

"Good night lover boy!." ani Mark kay Poro na kasalukuyang naghuhugas ng mukha. Papasok na sa sariling tent si Mark. Mag-isa lang ito dito. Kung bakit ayaw nitong katabi ang kaibigan?. Di ko na din alam.

"Good night din coward boy!."

"Anak ng—?.." aamba ng suntok si Mark sa kanya.

"Shhhh... marinig ka ni boy Jaden.. ewan ko nalang sa'yo.." ani Poro dito. Luminga naman ang isa at nagtapon nalang ng dirty finger sa ere bago inis na isinarado ang tent.

"Good night na.." nauna na akong pumasok sa loob para i-set ang pwesto ko.

"Have a good night din.." saka sya sumunod sakin sa loob. Kami nalang sa labas ang naiwan. Ang iilan. Natutulog na yata. Tahimik na ang mga ito.

Ngunit ang good night na yun. Nagpaulit ulit pa ng parehas kaming di dalawin ng antok. Nakatitig lang kami sa taas ng tent na nasisinagan ng sinag ng buwan.

"Sunduin kita bukas sa inyo.."

"Bakit?."

"Ipapaalam kita na sa bahay ka na muna.." paliwanag nya.

"Paano kung di sila pumayag?."

Di sya umimik. Parang napaisip din sya.

Sana lang pumayag sila.

At pumayag man sila o hinde. Gagawin ko pa rin naman ang gusto ko.