webnovel

Chapter 25: His friends

Sa school.

"I need to hurry. Ikaw na muna bahala dito." anya sabay ng pagdampot sa mga gamit nya. Iniwan nyang nakaandar pa rin ang sasakyan pero nakapark naman na.

"But, how will you get the key from me?." habol kong tanong. Bahagyang bumagal ang takbo nya't nilingon ako.

"I'll wait you here.. ihahatid kita sa inyo.."

*Wiw!.." pito yan ng isa kila Zaldy at Dennis. Nasa tabi lang din kasi ang mga ito. Mukhang mga galing sa kani-kanilang mga sasakyan.

Napamaang ako. Oo nga naman!. Naisip kong. May damit pala syang naiwan sa bahay at syempre, paliwanag pa na kailangang malaman nila Mama. Teka. Di ko nga pala natanong kung iniwan nya ba sa bahay yung damit nya o dinala dito sa sasakyan nya. I look around. Trying to check if there's anything in here. Kaso wala. Tsaka. Wala din naman akong nakitang hawak nya kanina nung hinila ko na sya palabas ng bahay. So. Tama nga akong andun pa.

I turned off the engine saka nilock na ito. Then. I texted Jane. "Bruha. Nasaan ka na?. I'm at school now.." update ko sa kanya. Wala kasi syang update simula pa kagabi. Ano kayang nangyari sa kanya?.

Naglakad na ako. Sa Library nalang ako tatambay muna. Mabuti dun at tahimik. Kung sa canteen kasi ako't sa lilim ng mga puno. Pagpipyestahan lang ako ng mga lalaking walang magawa sa mundo. I'm saying. I'm not the prettiest person dito sa school. Di din naman ako varsity player sa kahit na anong sports. Naging matunog lang ang pangalan ko it's because of the boys. Na ang tanga tanga ko dahil ngayon ko lang napag-tagpi tagpi ang lahat. Kung iisipin ko kasi. Simula sa first suitor ko hanggang kay Troy. Seems like. They are related to each other. Not by blood but by sports. Para bang. Pinagpasa-pasahan nila akong parang isang bola. Na kung sino ang makakahulog ng bola sa ring. Sya na ang panalo. Lucky they are. Hindi ako isang babae na, isang bagay lang ang hanap sa isang lalaki. Ang sabi ko pa nga diba?. I go for standards now. And that standard is getting higher and higher.

May makakaabot pa kaya sa standard kong ito?.

Let's see.

Umupo ako sa dating pwesto namin ni Jane dito sa loob ng library.

"I'm sorry, Ken.. I can't attend classes today.. di ko maiwanan si Mamita.. walang magbabantay sa kanya.." tugon nya.

"What about her private nurse?." anong saysay ng binabayarang nurse ng Lola nya kung di sya ang magbantay dito?.

"Wala din eh. May emergency din sa kanila kaya pinauwi ko na din muna. Kawawa din kasi.."

"Ganun ba?. This afternoon?. Hindi ka pa rin pwede?." ten to twelve lang naman ang pasok namin ngayon. Pagkatapos nun. Wala na. Pwede na kaming maglakwatsa kahit saan.

"Hinde eh. Sorry bruha.. yung group study natin.. ikaw na muna bahala.. or call the other para tulungan ka.."

"Wag na.. maiirita lang lalo ako kapag wala ka.." tamad akong sumandal sa upuan. Naging mas boring ang buong oras ng paghihintay ko ng alas dyes.

"Supladita ka talaga kahit kailan."

"Prangka lang, haler.." reply ko na nireplayan nya lang ng emoji face na haha.

Di ko na din sya kinulit pa. Tumayo nalang ako't naghanap ng babasahing libro. Pagkabalik ko ng upuan. Hindi ko din naman binasa ang hawak na libro dahil mas nakatitig pa ako sa mensaheng nasa screen ng phone ko ngayon. It says on it, "Hanggang eight pa pasok ko. Do you want to wait for me or do you wanna go home first?. Magcommute nalang ako pauwi.. use my car para safe.." Poro sent me this message. Ngayon lang. Again. I bit my lower lip to stop me from smiling.

"No.. I'll wait for you.. sa bahay ka naman didiretso diba?." how am I so sure na duon nga sya didiretso?. Anong meron Kendra at umaapaw ang tingin mo ngayon sa sarili mo ha?. What makes you think that he will go there to sleep para lang magpaliwanag sa parents mo?. Sino ka ba sa kanya para gawin nya yun?..

Hindi na sya nagreply. Busy na yata o kasalukuyan ang class nila. Either of the two. Umaasa pa rin akong, magiging magaan ang lahat samin pagkaharap kay Papa. Because who knows?. Lalo na't iba kung tumingin si Mama kanina. Sigurado akong, sandamakmak na tanong ang ibabato nya yan mamaya. Kahit pustahan pa tayo.

Dumaan ang alas dyes hanggang alas dose. Natapos ang klase namin kaya dumiretso ako ng canteen na gutom. I was about to stand para kumuha ng food to eat ng may naglapag na sa mesang kinauupuan ko. "At your service." si Poro. Suot na ang malaking ngiti sa labi kahit may kagat na fries. Kasama nito ang dalawang kaibigan. Sumunod silang umupo sa tatlong upuan na bakante.

"I was about to.." tinuro ko yung counter when he cut me off.

"Kanina pa kita tinitignan. Hindi ka pa nakaorder kaya.."

"Inunahan ka na nya.. hehehe. " si Zaldy ito na ginaya ang pagputol ni Poro sa sasabihin ko kanina. Napatingin lang ang kaibigan nya sa kanya. Tas ako kay Poro.

"You don't have to.." singit ko sa pagtitigan nila.

"He have to..." ani Dennis na nakangisi na.

"Manahimik nga kayo!." binato nya ngayon si Dennis ng maliit na papel na nilukot. Na mabilis ding tinalukbong ang mga braso sa mukha.

"Bakit ba?. We are just stating the facts here bruh.." rason pa nya. Yumuko na ito sa tawa.

"Get lost dude.." muntik ko nang masulyapan ang kanyang pag-irap.

"Hahahaha.." na tinawanan lang ng dalawa.

Habang kumakain. Walang humpay ang asaran nila. Walang tigil din ang hagalpak ng dalawa dahil sa nakikitang naaasar na ang isa.

We parted ways after lunch without discussing how we will get home later. Kaya naman. Chinat ko nalang sya. "Can I drive your car?. Puntahan ko lang saglit si Jane sa ospital. Balik din ako agad.." then I sent it.

Ilang sandali lang ay may reply na sya. "Yeah.. but drive safely please.. ako ang malalagot kay Tito.."

"No worries.. I'm a prof driver.. remember?."

"Psh.. pag lasing? siguro pa.. hahaha.. kidding.." anya sabay bawi sa sinabi. Umirap ako sa kawalan. "One more thing.. diba wala ka ng pasok?. You can take a rest. Ako nalang bahala pauwi.." mabilis ko naman itong tinanggihan.

"No way.. nakakahiya kaya.."

"Just hear me Kendra.. gabi na ang uwi ko. Delikado kapag nagmaneho ka pa.."

"Take note here, Mr. Poro a.k.a gwapong batang abogado raw sabi ni Mama.. I live my own life at night.. gamay ko ang pagmamaneho kapag gabi.."

"What 'gwapong batang abogado sabi ni Mama'?."

I just realized!. What the heck!?... What did I do!?.

I sent him a make face bago ang reply. Tangina Kendra!. Bakit mo ba yun sinabi!?...

"I mean.. what the heck!?.." dito na sya nagreact ng haha sa message ko.

"Damn!. Hahaha.. Where are you now?." nagtaka ako dito. Bakit?. Pupuntahan nya ako?. May pasok pa sya diba?.

"Harap ng building nyo.." nakatingin ako sa room nilang nakasara. I'm not sure if may klase ba sila o nasarado lang yun dahil wala sila. Nakaupo kasi ako sa lilim ng malaking acacia tree. Tabi na ito mismo ng parking lot. Nasa tapat na ng paa ko ang kanyang sasakyan. Ilang hakbang lang din ang building nila.

"Wait me there.."

"What?. May klase ka diba?." di ko pa man naipindot ang send ay may dalawa nang pares ng puting sapatos sa tapat ng paa ko.

"Get in and I'll drive you home.." his husky voice is making him more sexy here. Damn Kendra!. Stop staring!.

Tumayo ako kasabay ng maingay na paglunok. "Paano ka lumabas?."

"Sa pinto, syempre." inirapan ko sya rito. Then he smiles. Hanggang baba nya lang ang tangkad ko at kung yayakapin nya siguro ako, sobra pa ang mga braso nya sa likod ko. Ganun sya kalaking tao. Hindi naman sya sobrang tangkad. Tama lang. Sakto lang sa standard ko!. ASA!.

"Kidding.. hahaha.." and the way he smiles?. Damn it!. Gwapo nga!. Mama!. Napatitig tuloy ako.

"Nagiging joker ka na yata?.." biro ko habang naglalakad para makapasok sa loob ng sasakyan. Sinadya ko talagang itanong ito para ibsan ng kaunti ang kaba ko. Nakakatakot kasi. Baka maramdaman nya ako!

"Nakadepende din sa tao.. hahaha.." anya na umikot pa para pagbuksan ako ng pinto.

"Go, gwapong batang abogado!. Boto ka ni Mama!!!.." halos madapa ako ng marinig itong sigaw ni Dennis at Zaldy sa likod. Nasa may pintuan sila't kumakaway pa.

Kingwa!. Paanong —?. What the heck!. Hindi ba sya ang kachat ko kanina?. Mga kaibigan ba nya?. Damn it Poro!. Ano ba!?.