webnovel

Owning Her (tagalog)

"She was rape and blackmailed to marry her rapist"

Rawra1441 · Urban
Not enough ratings
24 Chs

Chapter 18

- Mael -

"You can't do this to me, Mael!" Galit na galit na sigaw ni Suzette sa kanya. Nagpupumilit itong magpumiglas sa mga nurse na may hawak dito. "I'm not crazy!" Muling sigaw nito.

Mas lalo itong nagmukhang baliw dahil sa ginagawa nito at dahil don tinutulungan siya nitong mapaniwala ang mga taga mental institute na isa itong baliw.

Pinalungkot niya ang mukha. "It's hard for me too, but you need help baby. " Aniya. "You'll be fine. I p-promise. " He said with a crack voice, nakita niya ang awa ng mga nurse na may hawak kay Suzette. Napangiti siya ng lihim.

"Hayup ka! Napaka hayup mo! Ikaw ang baliw!" Umiiyak na sigaw nito. "Hindi ako baliw! Bitawan niyo ko!" Nagpupumiglas ito kaya sapilitan itong nilagyan ng straight jacket.

Kahit ano pang sabihin nito wala ng maniniwala dito. Pumayag siyang tumira ito sa log house kasama ang anak nito. Pumayag siya at pinakita dito na tanggap niya ang mga ito. Little did she know na unti-unti niya itong binabaliw. Matagal ng lulong sa casino si Suzette at alam niya yon. Nang mapunta ito sa poder niya kinunsinti niya ito. Hinayaan niya itong lalong malulong sa sugal, he even lend her a lot of money for her addiction. Nang alam niyang baliw na baliw na ito hindi niya na ito binigyan pa ng pera na ikinagalit nito dahilan para lagi itong magwala at manira ng mga gamit sa bahay kapag hindi nasusunod ang gusto. Lubog na rin ito sa utang sa mga kakilala. Madalas na itong may makaaway na minsan ay nauuwi pa sa pisikalan. Naging alcoholic din ito. Umabot pa sa punto na pati sarili nitong anak ay sinasaktan na nito. Mistula na itong baliw. At ang mga baliw ay nararapat lang sa isang mental institution.

At siya? Lahat ay nakikisimpatya sa kanya. Iniwanan siya ng asawa gayong lumpo siya at nakakuha ng isang partner na hinuhithutan lang siya. Sinong hindi maaawa sa kanya? Even his own mother sympathize him.

Now that Suzette is gone and her child is on his custody since siya ang nakapirma bilang ama ng bata. Isa na lang ang kailangan niya. Ang mabawi ang asawa niya.

Babawiin niya si Angela sa ayaw at sa gusto nito. And he will use Suzette's daughter to make Angela stay with him.

"Mama will be back home soon, pumpkin. " Aniya sa dalawang taong gulang na batang kalong-kalong niya habang nakaupo sa wheelchair. Hinalikan niya ang ulo nito. "Makakasama na natin ang Mama mo anak. " Nakangiting aniya dito

Ngumiti naman ang bata na parang naiintindihan siya.

"Ma-ma! Mama! " Anito sabay pumalakpak

"Yes, pumpkin." Hinalikan niya ito sa leeg. Humagikgik naman ito at nagkakawag sa kanya. Kung meron mang magandang bagay na naidulot sa kanya si Suzette iyon ay ang anak nito.

"Jim," Tawag niya sa secretary niya na nakatayo malapit sa kinaroroonan niya. Mabilis naman itong lumapit.

"Sir? "

"Gawin mo na ang iniuutos ko sayo. " Aniya dito.

Tumango naman ito at magalang na nagpaalam. Now, everything will be favor in his plan.

"WHAT did you do, Ishmael?!" Galit na galit na pumasok sa library niya ang daddy niya. Namumula ito sa galit at nag-iigting ang panga.

Saglit niya lang itong sinulyapan saka bumalik na uli sa mga papeles na binabasa. He decided to go back to his work, dito nga lang siya nag oopisina sa bahay at sa video call siya umaattend ng mga conference kapag kinakailangan.

He need to fix his self. Kailangan ay nasa maayos ang lahat kapag bumalik na si Angela. Kumuha na rin siya ng therapist para sa paa niya. Ayaw niyang madatnan siya ng asawa na isang baldado. Baka lalo lang siya nitong hindi balikan.

"What did I do? " Mahinahong tanong niya sa daddy niya kahit alam naman niya kung ano ang tinutukoy nito. "Is it about Suzette? "

"Damn you! How can you do that to her?!" Muling sigaw nito.

Napatiim bagang siya saka tinanggal niya ang salamin sa mata at binitawan ang mga papeles na binabasa at prenteng sumandal sa swivel chair niya. "She needs help, dad." Aniya dito na lalong nagpagalit dito.

"By putting her in to a Mental Intitution?!" Anito na lumapit sa mesa niya at hinampas ang dalawang palad doon. "She's the mother of your child! Damn it!"

Galit na inihampas niya rin ang kamay sa sa mesa. "My child? Am I the real father, dad? Am I?!"

Natigilan ang daddy niya dahil sa sinabi niya.

"Be thankful that I only put her in a Mental Institutions and not 6ft under the ground, dad! Don't push me. I don't have anything to loose so don't test my patience." Banta niya dito. "You better leave now dad."

Bumagsak ang balikat ng daddy niya at malalim na bumuntong hininga. Nang muling tumingin ito sa kanya ay puno ng pagmamakaawa ang mga mata nito. "Still.. She's the mother of Julianna.. "

Nginisihan niya ang daddy niya at deretsong tinitigan ito sa mga mata. "Not anymore. Tinanggalan ko na siya ng karapatang maging ina kay Julianna." Nakita niyang nagulat ang daddy niya. "Julianna is Angela's daugther now. My wife will come home soon and she will gladly take good care of Julianna for sure. So don't bother your self with my so called daugther. Don't meddle with my family dad or you'll be sorry. "

Kita niya ang pagkatalo sa mukha nito. "I s-sorry.. " Anito sa basag na boses kaya napakurap kurap siya ng makitang tumulo ang luha ng daddy niya. His father never show any weakness to anyone including his father's family. But now. He's crying infront of him without any shame.

"I'm sorry, son. I'm sorry for turning you into a monster. " Anito saka tumalikod na.

Parang may sumipa sa puso niya dahil sa sinabi ng daddy niya. Is he really a monster now?

He was hurt. Angela is his life but they take her away from him. They were the reason why he was buried in heartache and living in hell everyday. They broke him into tiny pieces until he bleed. they did that without remorse, to him and to his wife. Ngayon masisisi ba siya ng mga ito kung naging isang halimaw siya sa mga paningin ng mga ito?

Isa lang ang gusto niya, ang makasama si Angela. Ang bumuo ng pamilya kasama ito. Pero nasaan sila ni Angela ngayon? Nasaan siya ngayon? Hindi na nga niya alam kung anong ibig sabihin ng 'masaya' simula ng nawala si Angela.

Pinisil niya ang mga mata para pigilan ang luha. He missed her. So much that it hurt him like hell. Gustong gusto na niyang makasama si Angela. Gustong gusto niya ng marinig ang boses nito. Pero wala siyang magawa! This is not the right time. At least not yet. Pero pinapangako niyang makakasama niya uli ito.

Napukaw lang siya ng tumunog ang telepono niya. Dinampot niya iyon at agad na sinagot.

"Sir, Nasa ospital po ngayon ang father-in-law niyo. Mr. Baello had a mild stroke yesterday. " Imporma ni Jim. Inutusan niya itong subaybayan ang pamilya ni Angela. Makibalita kung may maririnig tungkol sa asawa. Kahit kasi madalas naman na dumalaw ang kapatid ni Angela na si Juancho dito sa bahay niya dahil ito ang tumatayong COO sa Almendra, hindi naman siya makabalita ng husto. Pero minsan ay panaka-naka ito nag bibigay ng impormasyon sa kanya tungkol kay Angela.

Nasa isang advertising company si Angela nag tatrabaho. Sa kompanya na tinayo ng pinsan niya. Napatiim bagang siya. Isipin pa lang na magkasama ang dalawa sa isang malayong bansa hindi niya maiwasang magalit. Nagseselos siya at kung magpapakain siya sa selos niya baka may magawa siyang hindi maganda kay Jonas.

"Pupunta ako bukas ang umaga sa ospital. " Aniya. Ibaba na sana niya ang telepono ng mag salita uli si Jim.

"Ah sir? " Anito.

"Anything else? "

"Ipinaalam po ni Sir Juancho kay Maam Angela ang nangyari, " Umpisa nito. Para namang kinalabog ang puso niya pagkabanggit sa pangalan ng asawa. "Uuwi na po si Maam Angela two weeks from now."

Napangiti siya. Apat na taon. Matatapos na ang apat na taon na pangungulila niya dito. "Thank you, Jim. " Aniya saka ibinababa na ang telepono.

Sumandal siya sa swivel chair nang nakangiti. Pero saglit lang napaayos uli siya ng upo. Hindi na siya makakapag intay na Makita si Angela! Dinampot niya ang telepono at muling nag dial.

"Jim? Ikuha mo kami ng ticket ni Julianna papuntang Melbourne." Yun lang at binaba na niya uli. Inabot niya ang tungkod sa gilid at tumayo tulong ang tungkod. Ilang buwan na siyang nakakalakad pero medyo hirap pa din siya. Halos anim na buwan pa lang kasi nang mag desisyon siyang mag pa therapy. Kung alam niya lang na bigla-biglang uuwi si Angela matagal na siyang ng ginawa iyon.

Pumunta siya sa kabilang silid na nag sisilbing playroom. Agad na tumakbo papalapit sa kanya si Julianna ng makita siya sa bungad ng pintuan.

"Papa! Let's play please?" Anito na lumabi pa. Tumango siya dito kaya mabilis na nagliwanag ang mukha nito. Hinawakan siya nito sa kamay at inalalayan papalapit sa malaking wood doll house na pinaglalaruan nito. Hinila niya ang upuan sa tapat ng doll house at doon naupo.

"What are you playing, pumpkin?" Aniya dito.

"Bahay-bahayan po." Anito saka bumungisngis.

Napansin niyang wala ng laman ang doll house nito ang lahat ng mga miniature na mga muwebles ay nakalapag na sa sahig. Nasa three feet ang laki ng doll house at may dalawang palapag.

"Bakit nawala na ang mga gamit?" Tanong niya dito.

Humagikgik ito saka pumasok sa ilalim ng doll house at nahiga doon. "So I can fit here in, Papa."

Ang lakas ng tawa niya sa sinabi nito. Nakapamaluktot ito sa loob ng doll house at hirap na hirap paglasyahin ang sarili.

"Silly. Hindi ganyan ang paglalaro niyan." Aniya na natatawa pa din.

Natawa na din ito pagkatapos ay lumungkot ang maamo nitong mukha.

"Oh bakit nalungkot ang pumpkin ko? " Aniya dito.

"Bakit po wala akong, Mama? Si Ybeth may mama saka si lilly. " Suminghot pa ito. "Can you buy me one, papa?"

Nakardam naman siya ng awa dito. Sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. Lumabas naman ito sa doll house saka lumapit sa kanya. Kinandong niya ito.

"Syempre may mama ka. " Aniya.

Namilog naman ang mga mata nito. "Really? Where is she? Can I see her? Can we play bahay-bahayan? Is she love me?" Sunod sunod na tanong nito.

"Of course she love you." Hinimas niya ang buhok nito. "At alam mo ba uuwi na si Mama magkaka sama-sama na tayo ." Napasinghap naman ito at namimilog ang mga mata. "Actually, pupuntahan na natin si Mama next week. " Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at ipinakita dito ang picture ni Angela. "She's your mother. " Aniya dito.

Natigilan naman si Julianna at titig na titig kay sa picture ni Angela. Tapos ay tumingala ito sa kanya na parang namamangha ang mga mata.

"Is she a princess, papa?"

Natawa siya at hinalikan ito sa ulo. "Nope. She's a queen and you my little pumpkin is the princess"

To be continued..