13 Chapter 13

"GUSTO KO NG annulment!" kuyom ang kamao na sabi ni Angela kay Mael.

Para namang namatayan ang reakyons ng asawa niya. Pero agad din iyon napalitan ng galit.

"No!" He growl.

"Anong no?!" sigaw niya din dito.

"Hindi ko ibibigay ang gusto mo! Hindi tayo magpapa-annul! Magiging asawa kita hangga't gusto ko!" galit na siigaw nito sa kanya. Labas ang litid nito sa galit. Lumabas ito ng banyo kaya sinundan niya ito

"Ganyan kaba talaga ka selfish? Pahihirapan mo ko hanggat gusto mo ganoon?" Gigil na sabi niya dito. Napakawalang puso nito. Yun naman ang plano ng mga ito diba ang ipa-annul ang kasal nila bakit ngayon na siya ang humihingi no'n ayaw nitong ibigay?

"Pinahihirapan?!" Sinuntok nito ang pinto ng wardrobe. Napapitlag siya at napaatras dahil sa galit na nakikita niya sa mga mata nito. "Paano kitang pinahihirapan? anong ginawa kong pagpapahirap sayo? Kailan kita pinahirapan? As far as I know sinisikap kong maging isang mabuting asawa sayo kahit na kasing lamig ka ng yelo! Kahit na nagmumukha na kong tanga! Pinahihirapan pa ba kita ng lagay na yon ha?!"

Lumamlam ang mga mata nito. "Kulang pa ba? May hindi pa ba ko nagagawa para sayo? Para manatili ka sa tabi ko?!" May hinanakit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya bahagya rin gumaralgal ang boses nito.

Nalito siya. Bakit parang nasasaktan ito na gusto niyang makipaghiwalay dito? Diba dapat matuwa pa ito? Ibibigay na niya ang kalayaan nito.

Napaiyak siya. Lumapit ito sa kanya. Lumuhod sa harapan niya at niyakap ang baywang niya.

"Ano pa bang kulang Angela? Sabihin mo baka magawan ko ng paraan. Wag mo naman gawin sa'kin 'to. Wag mong hingin sa'kin ang bagay na ikamamatay ko." Sumubsob ito sa baywang niya at yumugyog ang balikat nito.

Natawa siya ng mapakla.

"Ikamamatay?" puno ng pagkasuklam na sabi niya dito. Itinutulak niya ito pero lalo lang humigpit ang yakap nito sa kanya. "Di ba ito naman ang balak niyo? Ito naman ang gusto niyo di ba? Ibinibigay ko na sayo. Pagod na rin ako Mael!" Hindi na niya napigilan ang paghagulgol.

Natigilan naman ang asawa niya. Tumingala sa kanya na puno na rin ng luha ang mga mata. Naguguluhan ito sa mga sinasabi niya.

"Narinig ko k-kayo," umpisa niya dito. Lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya kaya sinamantala niya iyon at lumayo dito. Naupo siya sa kama dahil pakiramdam niya ay walang lakas ang nga tuhod niya. "Nang araw nang kasal natin narinig ko kayo ni Suzette sa library " Bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Mael. "Narinig ko ang tungkol sa mana na makukuha ng kung sino man sa inyo ni Jonas ang magpapakasal sa akin. Pati na ang... Pati na ang p-plano mong ipa-annulled ang kasal natin " Hinila niya ang kumot at doon umiyak nang umiyak at suminga. Barado na ang ilong niya sa pag-iyak

"Totoo ang narinig mo," sabi nito na basag ang boses. Lalo siyang napaiyak. Mas masakit pala na manggaling dito ang pag-amin. "totoong may manang makukuha ang sino mang magpapakasal sayo. Pero wala akong pakialam sa mana. Mahal kita Angela. Mahal kita mga bata pa lang tayo. Nang malaman ko ang tungkol sa last will ng lolo mo natuwa ako pero may parte ko ang natakot dahil ayaw kong isipin mo na pakakasalan kita ng dahil sa mana.

Alam ni dad at ni Jonas ang nararamdaman ko sayo. Kaya ng time na ipadala ako ni Dad sa US para mag-masteral pumayag ako. Palagay ang loob ko na pagbalik ko ready ka na kapag inalok kita ng kasal. Na nakuha mo na ang pangarap mo. dahil ayokong may pagsisihan ka pag nagpakasal na tayo, pagbumuo na tayo ng pamilya. Pero pag-uwi ko nalaman kong inahas ka na ni Jonas." Napatiim bagang ito.

Siya naman ay tulala at walang masabi sa mga ipinagtatapat nito sa kanya ngayon. Nadi-distract pa siya dahil nakaluhod pa rin itong nakaupo sa sahig at nakalilis na ang twalya. Kita niya ang kayamanan nito. Napalunok siya at pilit nakinig uli sa nga sinasabi nito

"Nakiusap ako kay Jonas na ipaubaya ka niya sa'kin kahit sa kanya na ang mana wala akong pakialam pero hindi siya pumayag kaya naman gumawa ako ng paraan para mapilit kitang magpakasal sa'kin. I succeeded. Kahit pa hindi ako ang mahal mo, okay lang. Sabi ko sa sarili ko gagawin ko na lang ang lahat para mahalin mo ako. Pero mukhang hanggang ngayon hindi ko pa rin nagawang paibigin ka."

Gilalas siya ng magsink in sa kanya ang sinabi nito. Mahal siya nito! Pero...

"Sinungaling," sumbat niya dito. "Kung mahal mo ako bakit kayo nagplano ni Suzette naipa-anulled ang kasal natin?" Matalim na tinignan niya ito. Gumapang naman ito at lumapit sa tuhod niya. Mahigpit na ginagap nito ang kamay niya.

"It's her plan, not mine. Obsess ang babaing yon. Oo aaminin ko na nagkaron kami ng relasyon. Pero pisikal lang yon. At ng may mangyari sa atin sa kubo wala nang nangyari samin--"

"Sinungaling ka talaga! Eh, bakit buntis ang babaeng yon kung matagal ng walang nangyayari sa inyo! Saka nahuli ko kayo kagabi naghahalikan kayo diyan sa baba!" galit aniya dito at pinagsusuntok niya ito.

Hinuli nito ang kamay niya.

"Teka nga muna! Ano namang kinalaman ko kung buntis ang babaeng yon? Saka siya ang pumunta dito kagabi at bigla na lang nanghalik kung talagang nakita mo kami sana nakita mo rin kung paano ko siya tinulak!"

Natigilan siya. Hindi niya sigurado kung nagsasabi ba ito ng totoo dahil nang makita niya ang mga ito sa bintana kagabi ay mabilis na siyang umalis doon dahil hindi niya kayang makita na may ibang kahalikan ang asawa niya.

"So, tell me anong kinalaman ko sa pagbubuntis ng babaeng yon?" kunot ang noo na tanong nito sa kanya.

"N-nagkita kami sa mall at sinabi niya na six weeks pregnant daw siya at ikaw ang a-ama..." nakalabing sabi niya dito. Ngayon niya lang na-realize na napakalaki niyang tanga para maniwala sa babaeng ahas.

"Naniwala ka naman? Kaya ba badtrip ka sa'kin mula pa sa mall?" nangingiting tanong nito.

Marahan siyang tumango.

Tumayo ito at tumabi sa kanya.

"Kung buntis man siya hindi ako ang ama non. Ni hindi ko na nga siya nakita simula ng mapagbuhatan ko siya ng kamay sa mansion, maliban kagabi."

Maang na napatingin siya dito. "kailan mo naman siya napagbuhatan ng kamay?" curious na tanong niya dito.

At kinuwento nito ang nangyari nang malaman nito ang ginawa ng mama nito at ni suzette sa kanya.

"Mahal kita Angela. Mahal na mahal, Hindi naman kita minamadali na mahalin ako... Ang gusto ko lang naman--"

"Mahal kita," putol niya dito.

"Ha?"

"Ah, bahala ka!" kunwari ay inis na sabi niya dito.

"A-anong sabi mo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong nito sa kanya. "Wait, wait, mahal mo ko? Yon ang sabi mo di ba? Mahal mo ko? Shit mahal mo ko!" Hindi makapaniwalang nagpalakadlakad ito sa harapan niya. Siya naman ay distracted sa tent na nasa pagitan ng mga hita nito. Bigla atang uminit. Nagyuko siya ng ulo.

Lumapit uli ito sa kanya at hinawakan ang mag kabigla niya pisngi.

"Mahal mo ko?" tanong nito na nag niningning ang mga mata.

Tumango siya. "Mahal kita... Mahal na mahal kaya ang sakit-sakit para sa'kin na malaman na kaya mo lang ako pinakasalan ng dahil lang sa mana. Lalo na nang malaman kong gusto mong ipa-annul ang kasal natin para mo akong pinatay noon. Tapos nakita ko si Jonas inaya niya kong umalis, lumayo dito. Pero alam mo kung ano ang masakit do'n? Hindi ko kayang lumayo dahil mas hindi ko kakayanin na mawalay sayo. Nang halikan niya ko. Napaiyak ako dahil napatunayan lang non na mas minahal kita kaysa sa kanya. Alam mo ba yung nararamdaman ko ng mga oras na yon? Gusto ko nang mamatay pero maisip ko pa lang na hindi na kita makikita ang sakit-sakit na. Tapos nalaman ko pang buntis si Suzette at ikaw ang ama. Nanlumo ako. Yung lahat ng pag-asa na kaunting-kaunti na nga lang nawala pa. Buntis din siya tapos mas maganda pa siya sa'kin, mas sexy---"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinalikan na siya nito.

"Mamahalin ba kita kung mas maganda at sexy siya sayo?" nangingiting sabi nito.

"Bulag ka ba?" nakalabing bulong niya.

"I'm not. Malinaw ang mata ko, 20/20 ang vision ko. At maniwala ka sa'kin. Walang ibang maganda at sexy sa paningin ko, ikaw lang."

Hinalikan siya nito. Halik na puno ng pagmamahal. Halik na bumura sa lahat ng pagdududa sa puso niya. Mahal siya ng asawa niya at iyon ang paniniwalaan niya.

Inihiga na siya nito nang tumunog ang cellphone nito. Kinuha niya iyon sa side table, nakita niyang si Suzette ang caller.

"Ibato mo na yan," nakasimangot na sabi nito sa kanya sabay subsob sa leeg niya.

"Wait lang..." Awat niya dito saka mabilis na inaccept ang tawag. Taka naman siyang tinignan ng asawa pero kinindatan niya lang ito.

"Hello?"

Naipaikot niya ang mata ng marinig ang malanding boses ng babae.

"Tigilan mo na ang asawa ko!" pormal na sabi niya.

"Angela?"

"Ako nga!"

Tumawa ito. "Hindi ikaw ang gusto kong kausapin, asan si Mael?" mataray na sabi nito sa kanya.

"Makinig ka sa aking lintik ka!" valit na sabi niya dito. Ang asawa naman niya ay halatang nabigla at amused sa kanya. "Tigilan mo ang asawa ko o ipapatigil ko yang paghinga mo? Maghanap ka ng ibang kakamot diyan sa pangangati mo, wag yung may asawa na! Dahil pag nainis ako sayo kakayasin ko yang kuwan mo!" gigil na sabi niya dito. Kinalimutan na niyang teacher siya at hindi bagay sa kanya ang mga ganong salita.

Natatawang inagaw sa kanya ni Mael ang cellphone. "You hear my wife Suzette! Tumigil kana o ako mismo ang pipilipit diyan sa leeg mo. Leave us alone!" Mapanganib ang boses nito saka pinatay ang cellphone. Hinagis na lang nito kung saan ang cellphone at sinimulan uli siyang halikan.

"I love you..." bulong nito.

"I love you too..."

To be continued...

avataravatar
Next chapter