Naka-upo siya ngayon sa hanay ng mga upuan na nakaharap sa pisara, parang tulala pero ang totoo ay natutulog at napanaginipan ang kahapon.
"Miss Villamin, nakikinig ka ba?" tanong ng isang terror na propesor, Professor Edna ang kanyang pangalan. Napansin kasi nito habang nagdi-discuss ay hindi kumukurap kanina pa at hindi man lang lumingon sa kanyang direksyon nang tawagin niya ito.
"MISS FIONA ASHLEY VILLAMIN!" sigaw nito sa kaniya para magising siya sa kaniyang daydreaming session.
Ginagawa niya ito palagi pag wala siyang gana makinig sa mga professor niya, lalong-lalo na itong terror na tandang dalaga na nasa harapan na niya.
Nanggagalaiti itong nakatitig sa kaniya na kung ano mang oras ay sasampalin siya sa pambura na dala nito. Umayos siya ng upo at tuminging muli sa professor. Wala ng magawa ang propesor sa kaniya. Pakiramdam nilay nakikipag-usap lamang sila sa hangin.
Tumalikod ang kaniyang professor para maglakad patungo sa harapan at humarap ito sa kanilang lahat na nakangiti, alam na alam na ni Fiona kung anong kahulugan ng ngiting iyon.
"Fiona Ashley Villamin. GET OUT!" sigaw nito, lahat ng mga kaklase niya ay umayos ng upo dahil nagtransform na naman ito na parang tigre.
Kaagad niyang dinampot ang kaniyang bag at lalabas na sana ng magsalita na naman si Angel Ylona.
"Ma'am" nagpataas siya ng kamay at tumayo, "Nakikinig po si Fiona, promise po." paki-usap niya sa propesor.
"Angel Ylona Garcia, ano ba ang sinabi ko na huli na yung kahapon tapos ito ngayon at sumasabat ka na naman?"
Kilalang kilala si Angel Ylona na isang tahimik na tao pero may excemption dahil sa pagtatanggol niya parati kay Fiona na isang wierd, magkatabi sila ng upuan since 1st year college palang sila. Palagi itong kumakausap at nangungulit kay Fiona ng kung ano-ano kahit ang totoo hindi kinakausap ni Ylona ang ibang tao maliban na lang kung sasagot siya sa tanong ng propesor sa klase o magkukwento siya kay Fiona na walang pakialam sa kaniya.
"Well, isa lang masasabi ko Ylona, LABAS!"
"Pe-pero.."
"GET OUT!!"
Wala ng magawa si Ylona kundi lumabas. Nakita niyang naglalakad na palayo si Fiona kaya tumakbo siya dahil gusto niyang makasabay ito para maramdaman din niya kung ano ang pakiramdam ng magskip sa klase. Ang kaninang naramdamang hiya dahil napalabas siya ay napalitan ng excitement.
"Fionaaaaa,wait!" sigaw niya habang tumatakbo ngunit 'di man lang ito huminto o lumingon sa kaniya. Ang mga nagkaklase sa mga iba't ibang room na nadaanan niya ay napalingon sa kaniya pero wala siyang pakialam dahil papalayo na si Fiona.
Nang maabutan niya ito ay kaagad niyang hinawakan ang balikat ni Fiona para may umalalay sa kaniya dahil hinihingal siya at parang naubusan siya ng lakas.
"Ano kaba Fiona napakabilis mong maglakad" hinihingal niyang sambit, tinitigan siya nito sa mata, napaurong siya ng tinignan niya rin ang mata nitong kulay-lila, nakaramdaman kasi siya ng panganib. Tinalikuran na siya nito at patuloy na naglalakad. Nakasunod parin siya kay Fiona ang kaniyang naramdamang panganib kanina ay isinantabi niya ito sa kaniyang isipan.
Akala ni Ylona ay pupunta sila ng Library dahil kaparehas ito ng daanan ngunit pumunta si Fiona sa likod ng gusali na isang harden na may puno sa gilid at dali-daling humiga, ginawang unan nito ang kaniyang bag.
"Fiona dito ka lang nagtatambay kapag pinapalabas ka?" tanong niya habang naglalakad siya patungo sa kinahihigaan ni Fiona.
Nakatingin ito sa kawalan at sa unang pagkakataon ay sumagot ito sa kaniya ng "Minsan."
Natulala siya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay sumagot ito. Isa itong himala!
"Hala Fiona hindi ka pala pipi?" tanong niya at tiningnan siya nito.
"Hihihi siyempre joke lang hihi!" nagpeace sign siya.
"San ka pala tumatambay?"
"Gusto mong malaman?"
"Yes naman Fiona!"
"O sige, pagkagising ko" pumikit na ito at ginawang pangtakip sa mukha ang braso.
Gustohin man niyang kulitin si Fiona na pumunta na kaagad sa kung saan pa ito tumatambay ay nahihiya siya dahil naramdaman kasi niyang mukhang pagod na pagod ito.
Napakasaya na niya ngayon dahil sa tatlong taong pagsasayang ng laway sa pagkukwento niya kay Fiona ay sumagot na sa kaniya ito at ang pinakamasaya pa ay sa buong campus ay siya ang kauna-unahang nakarinig ng tinig sa istudyanteng pi-ni-perfect ang kahit anong exam kahit 'di nakikinig at palaging pinapalabas.
Tiningnan niya ang kaniyang relo at mag a-alas 2 na malapit ng lumabas ang tigre, este si Proffesor Edna.
"Hay bahala na! Nakakasama ko naman si Fiona" kinuha na lang niya ang kaniyang cellphone at naglaro ng PUBG may free wifi kasi sa library kaya makakalaro siya.
Hindi niya alam hindi pa pala natutulog si Fiona sapagkat binabantayan at minamasdan lang siya nito ngunit ng makaramdam ito na walang gagawing masama si Ylona ay tuluyan rin itong nakatulog.
Habang papatapos na siya sa kaniyang 2nd Game ay bumangon na si Fiona habang kinukusot ang mata.
"Uy Fiona 'yun lang tulog mo? Isang oras?" tanong niya nang hindi tumitingin kay Fiona dahil nakatutok ito sa kanyang nilalaro.
"Ilang oras ba dapat matulog ang isang tao gabi man o umaga?"
"Walong oras malamang!"
Hindi na ito sumagot at natapos narin ang kaniyang laro, nanalo siya. Tumingin siya kay Fiona na naka-usbong ang kilay.
"Hala Fiona! Huy Angry Birds!" tawag niya habang tumatawa. Para kasi itong Angry Bird dahil sa kunot na kunot nitong kilay kaya natawa siya.
Tumingin ito sa kaniya. Nakakunot pa rin ang kilay "Talaga walo? Bakit sakin pinakamahaba ang tatlong oras?" kuryusong tanong ni Fiona sa kaniya, natigilan siya dahil sa sinambit ng dalaga. Sasagot pa sana siya nang tumayo na si Fiona.
"Diba, gusto mong pumunta sa tinatambayan ko? Tara sumunod ka."
May plano si Fiona, alam niya noon ay gusto na itong makipag kaibigan sa kaniya kahit hindi ito kumakausap sa iba, sa kaniya lang. Sinusundan niya ito pag-uwi kung spy ba ito sa kaaway niya o may balak na gawin sa kaniya, pero wala siyang makitang masamang tinapay sa babaeng ito. Pagka-uwi nito kasi ay deretso kaagad sa Fast Food Restaurant at magdamag na magtatrabaho. Napagdesisyunan na niyang gawing kaibigan si Ylona pero bago iyon ay ipakilala niya ang sarili niya. Hindi man niya ito kinakausap sa loob ng tatlong taon ay naging magaan ang kaniyang loob kay Ylona.
Masayang nakasunod si Ylona kay Fiona pupunta sa Parking Lot. Huminto si Fiona sa isang mamahaling motor.
"Huy Fiona anong gagawin mo diyan? Kakarnapin natin to?" gulat na tanong ni Ylona sa kaniya at tumingin tingin sa sulok nakitang maycctv ay natakot siya.
"Huy Fiona may cctv wag yang mamahaling motor na yan tara lakad nalang tayo!" hahawakan na sana niya ang kamay ni Fiona ng bumulalas ito ng tawa.
Nakakatawa kasi ang reaksyon niya hindi man lang niya alam kay Fiona iyong sasakyan na iyon.
"Ha! Tatawa kapa dyan!"
"Gaga kaba? Ano ako karnaper? Tsk!."
Napatanga siya ng sabihin nito ni Fiona, sa kaniya itong motor na 'to? Pinapangarap ko ito noon pa! Shocks! Napakamahal nito! €17,000,000 USD lang naman ito! Kahit magtrabaho pa siya ng limang restaurant sa isang gabi at iiponin ang lahat ng iyon sa tatlong taon ay hindi niya ito mabibili!
"Wee? Di nga! Sayo to?" napantastikuhan niyang tanong.
"Gaga" pinakita sa kaniya ang susi at sinusian niya ang UBOX nito at may kinuha.
"OMAYGERD! SAYO NGA ITO!" para ng takas sa mental si Ylona sa kakalundag dahil makakasakay na siya ng pinapangarap niyang motor mula noong maliit pa siya hindi nga lang sa kaniya, pero aarte pa ba siya?
Nakita niyang nagsuot si Fiona ng face mask at binigyan siya nito.
"Ha? Bakit may face mask?"
"To hide your identity"
Hihirit pa sana siya ng isang tanong nang bigla pinaharurot ni Fiona ang kanyang motorsiklo at binigay sa kaniya ang isa pang helmet.
Habang swabeng nagdadrive si Fiona ay naglalakbay ang isip ni Ylona sa kasiyahan hindi niya akalain na kakausapin at maririnig niya ang tawa nito at mas lalong pang nakapagpasaya dito, ay dadalhin siya sa tambayan nito. Na-realize niyang ito unang araw na nakaramdam siya muli ng saya mula nung araw na iyon.
Tahimik lang silang bumabyahi habang naglalakbay ang isip ni Ylona sa kasiyahan na nangyayari sa araw na 'to. Huminto sila sa tapat ng mansion at may kinuha si Fiona sa kaniyang bulsa, isang remote. Bumukas ang gate at tumuloy silang dalawa.
Parking Lot sa Mansion.
"Kanino 'tong bahay na ito Fiona? Bat ang laki? Mansion to ah!" pantastikong tanong ni Ylona dahil nakapasok siya sa isang mansion. First Time niya makapasok ng ganitong bahay!
"Sa akin." sagot ni Fiona at tumalikod na papuntang Entrance Door.
"Sa-Sayo? Seryoso?"
"...." Hindi na umimik si Fiona at binuksan na ang entrance door. Si Ylona naman ay dali-daling pumasok.
"Woaaaaaaaa!!!" manghang-mangha si Ylona habang pinagmamasdan ang paligid mukhang puro ay gold mga mamahalin lahat ng gamit!
Habang manghang-mangha si Ylona ay ino-operate ni Fiona ang security sa boong mansion. Nakita ito ni Ylona.
"Fiona ano yan?" Lumapit ito sa kaniya "Wow ang hightech naman! Para san ba yan?"
"For security."
"Huh?"
"Pwede mo ng tanggalin ang maskara mo."
"Ay oo nga pala!" tinanggal niya ang maskara at ganun din ang ginawa ni Fiona
"Sumunod ka sa akin." mando niya at tumalikod na.
Dining Area.
"Marunong kang magluto?" tanong niya kay Ylona.
"Yes naman! Nagtatrabaho ako sa fast food restaurant no! Pinag-aaralan ko yung niluluto ng chief namin!"
"Wala tayong makain, tara luto tayo."
"Yes!! Ay wait! Madami yung i-add sa lulutuin e!" nakangiwi niyang saad.
"Gaga, kompleto ako."
"Ay yayamanin!" sabay palakpak pa niya.
Kitchen.
Habang nagluluto siya ay pinagkakatitigan niya si Ylona na naghihiwa ng mga isasali sa lulutuin. Naawa siya nito dahil wala ni kahit isang magulang o kahit sino umaagapay sa kaniya sa pag-aaral.
Naramdaman ni Ylona nakatitig si Fiona sa kaniya ay tiningnan niya ngunit huli na siya dahil umaasikaso na ito sa niluluto. Hindi niya alam bakit ganito kayaman si Fiona ni walang ibang tao dito sa bahay niya kahit magulang man lang at halatang sariling pundar ito.
Gustohin man niya magtanong sa kaniya ay mamaya nalang niya iyon gagawin dahil kakain pa sila.
Habang kumakain sila ay hindi maiwasan na hindi siya makatitig kay Fiona dahil sa mga sandamakmak na tanong na nasa kaniyang isipan.
Alam ni Fiona na kanina pa ito umaagaw tingin sa kaniya at titigan siya pero hindi niya ito pinapahalata.
Tapos na silang kumain at tumayo na silang dalawa, kaagad na iniligpit ni Ylona ang pinagkakainan.
"Ako na maghuhugas ng pinggan Yl"
"Ako na, nakakahiya sayo."
"Doon ka nalang sa living room." wala ng magawa si Ylona at pumunta na siya sa living room. Habang naka-upo siya sa Big Size Sofa na alam niyang mamahalin nandun parin sa kaniyang isipan na kung bakit ganito kayaman si Fiona at bakit napakabuti nito sa kaniya ngayon e mga tatlong taon pa siya gustong makipagkaibigan sa kaniya.
Natapos na si Fiona sa paghuhugas ng pinggan, bago siya pumunta sa living room ay may tinawagan siya.
"Come here, exaftly after 15 Minutes, hurry up." tawag niya na may malamig na boses at inoff na ang tawag hindi hinihintay ang sagot sa kabilang linya at pumunta na sa Living room.
"Yl, come with me." utos niya.
"Huh?"
"Follow me." ani nito sa malamig na tono.
"O-Okay.."
Sumusunod lang siya kay Fiona, natatakot siya sa tono nito pero hindi niya ito pinahalata sa kaniya. Pumasok sila sa isang kwarto at bumungad sa kanila ang napakaraming libro sa shelf huminto sila sa maliit na shelf at may kinuhang libro si Fiona at parang may hinahanap na page at ng makita ito ay priness niya ito at bumukas at tumambad ang elevator. Dahilan ito para maging tulala si Ylona. What's happening on earth? She thought.
Pumasok na si Fiona at si Ylona? Tulala at nakaawang ang labi. Hindi siya makapaniwala! Gate na nireremote, security na i-noperate sa mukhang cellphone at ngayon secret elevator? Ano pa?
"Yl!" sigaw ni Fiona para makapagpagising sa kaniya sa pagkatulala.
"Ha? Sorry! Sorry!" dali dali na siyang pumasok sa elevator at tumitig kay Fiona. Paano nangyari 'yun? Sino ang may gawa nito sa bahay nato? Simpleng tao lang ba itong kasama ko?
Lahat ng iyon ay isinantabi lang dahil umusbong na naman ang kasiyahan ng pumasok sa kaniyang isipan na bonding nila ito!
Bumukas ang pintuan at bumungad ang mga...
Hindi niya alam, umikot ang kaniyang paningin at sinakop siya ng kadiliman at bumalik ang malagim na ala-ala...