MIRA
"Ella!"
Dali dali din akong lumapit papunta kay Ella at tinapik tapik ito sa braso.
"Ella gising na." Mahinahong sabi ni Myra na nakalapit na pala dito.
"Hindi totoo yan!"
Napakunot naman ang noo namin dahil sa binubulong ni Ella.
"M-mama!"
Biglang napaupo si Ella at nakatulala lang habang umiiyak.
Niyakap ko na siya at pinatahan.
"Sshh. Okay lang yan. Tahan na Ella."
"M-mira ba't ganun? Ba't ko sila iniiyakan?"
Tanong ni Ella sakin at yumakap na din.
"Shh. Tahan na Ella. Masamang panaginip lang 'yon."
"*Sniff *Sniff* Para kasing totoo eh." Bulong niya sakin.
JEREMY
Asan kaya si Ella? I need to talk to her.
Nandito ako ngayon sa cafeteria eating this unknown food. It's a weird orange cirle that has an egg in the inside. It's appearance is weird but its actually delicious.
Matapos kong kainin yung orange na bilog ay hinagilap ko sa Cafeteria si Ella. Pero bigo akong hanapin siya.
'She's nowhere to be found.'
"Hi Jeremy! Want to join me in lunch later?" Yaya sakin ni Eicelle. Ang 'so called' Queen Bee dito sa Academy.
Well she's pretty, sexy and the champion in Ms. SNA. How could I say no to her?
"Maybe next time baby. I have some important matters to do first." Sabi ko sa kanya at kinindatan siya.
Nagblush naman si Eicelle at tumango.
"Sure. Just call me alright? Bye baby!" Sabi nito sa akin at humalik sa pisngi ko.
Napailing naman ako at ngumiti.
'Hah! I'm so handsome!'
Now, now, where are you Ella?
"Uy Jeremy!"
Tawag sakin ng kaibigan ni Ella. Sino na ba to? Miranda? Ay hindi. Ayun! Mirabella!
"Pwedeng humingi ng favor?" Tanong nito sakin at nakalapit na pala sa akin.
"Ano ba yung favor?" Tanong ko sa kanya.
"Ahm. Ano kase..."
'Oh no. Magtatapat ba siya sakin?!'
"Ahm. Pw-pwede bang"
'Yayayain niya akong makipag date?!'
'Nah. I'm too handsome for her.'
Ngumisi naman ako.
"Pwedeng pabantay si Ella sandali?"
"Sorry but I don't like girls like you."
Sabay na sabi namin.
Kumunot naman ang noo niya bigla.
Teka.
"Ano?!" "Ano?"
Sabay ulit naming dalawa.
"Aish you two! Shut up! Buti nalang sinundan pala kita Mira! Malamang di na kayo natapos jan dalawa!" Sabat ng isa pa nilang kaibigan. Yung masungit na maliit na babae.
"Ikaw! (Turo sakin nung babae) Sasamahan mo ba siya o hindi?!" Masungit na tanong sakin nung babae habang nakakunot ang noo.
Napaisip naman ako sa tanong niya.
"Sure. Asan ba si Ella Babes?"
ELLA
"Hey."
Tawag sakin nung lalaking nasa tabi ko.
Si Jeremy.
"Ella Babes. Are you okay?" Mahinahong tanong niya sakin.
Tumingin naman ako sa kanya.
"I'm fine." Mahinang sambit ko at tumingin muli sa dagat.
Nakaupo kami ngayon dito malapit sa Dagat. Sabi sakin ni Mira eh kailangan ko daw ng fresh air. Kaya naman etong si Jeremy hinila ako pasakay ng kotse at dinala dito sa Dagat.
Si Mira kasi ay may trabaho pa. Yung dalawa naman maaga pinauwi ng parents.
'Bakit ba ako nalulungkot pag napapanaginipan ko 'yon?'
"Haay."
"Ano bang problema ng babes ko na yan at napakalalim ng buntong hininga?"
Umiling naman ako at ngumiti. Ngiting di totoo.
Iniba ko na lamang ang topic para gumaan na yung loob ko.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya.
Nakita ko naman na napanguso siya.
"Bakit? Ayaw mo ba sakin?" Madramang tanong niya sakin.
Tumingin ako sa kanya at binalik muli ang tingin sa baybayin.
"Sabihin mo na yung kailangan mo Jeremy." Mahinang sambit ko at niyakap ang tuhod ko.
Natigilan naman si Jeremy at dahan dahang umayos ng upo. Ngumiti siya ng alanganin at tumingin sakin.
"Ambilis mo naman makaalam." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa dagat.
"Sa mga ipinapakita mo, alam kong may kailangan ka. Sabihin mo na. Ano ba 'yon?" This time humarap na ako sa kanya at nag indian sit.
"Uy hindi naman sa ganon! I just- I like you as my girl friend."
Napatawa naman ako. Yung sarkastikong tawa.
"Ako? Girlfriend? Baliw ka? Eh kita mong ang pangit pangit ko eh."
Mabilis na umiling naman si Jeremy.
"Hindi Girlfriend na jowa! Kaibigan na babae ang sinasabi ko!"
"Ah okay. So yun lang ang balak mo?"
Umiling siya at humarap na din naman siya sakin.
"Can you be my date in this upcoming event of my grandpa?" Seryosong tanong niya sakin.
Date?!
"T-teka! Ba't ako?!"
Ngumiti siya tas maya maya ay natawa.
"Well, because you're the only girl who cannot be affected by my charms." Nakangiti niyang sambit at kumindat pa.
'Apat kaya kaming di apektado.'
Natawa nalang ako sa inasal ng mokong na to.
"Sooo, are you going or not?" Tanong niya sakin.
"What's in for me?"
Napaisip naman siya sa sinabi ko.
"Hmm. How about I'll give you a laptop and a phone?"
"Uy masyado ng mahal yon! Isa lang!"
Nagulat naman siya dahil napasigaw ako.
"Okay. A laptop I guess?"
Napaisip naman ako sa tanong niya.
'Sabagay kailangan ko rin naman ang laptop for academic purposes.'
"Deal."
Ngumiti naman siya ng malapad at akmang yayakapin ako.
"But! Promise me that my pictures in the event won't be shown outside the public." Dagdag ko sa usapan namin.
Napakunot naman siya ng noo.
"Why do you want to hide?" Kita ko sa mata niya ang pagkalito at pagtataka sa sinabi ko.
"You'll know soon." Sambit ko habang nakangiti.
Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. Lumakad na papunta sa kotse.
"Ah! Alam ko na! Kaya ayaw mong ilabas yung pictures kasi pangit ka no?!" Sigaw niya sa akin.
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Wag kang mag alala Ella! May kasama ka namang gwapo sa party eh!"
'Jeremy lumayo layo ka sakin! Masusuntok talaga kita!'
Napansin niya naman ata na nainis ako sa sinabi niya. Kaya naman agad agad siyang tumayo at tumakbo papunta sa kotse niya.
"Tara na. Gagabihin na tayo sa daan." Sigaw niya sa akin na para bang walang nangyari.
Naglakad na ako papunta sa kotse ni Jeremy. Pumasok agad ako sa kotse at binatukan siya.
"Ouch! What was that for?!" Daing ni Jeremy sa pagkabatok ko sa kanya.
"Let me tell you a secret. Jeremy." Sabi ko sa kanya at lumapit kaunti sa kanya.
"W-what is it?" Tanong niya at parang naiilang na tinignan ako.
"I'm sure you'll regret calling me ugly when you see the true me." Sabi ko sa kanya at kinindatan siya.
Umalis na ako sa pwesto ko at umayos na ng upo.
Nakatulala pa rin siya sa pwesto niya kanina at parang walang balak na iistart na ang makina ng kotse.
"Huy Jeremy! Ano na?" Tawag ko sa kanya habang iwinawagayway ang kamay ko sa mukha niya.
"Jeremy!" Pumalakpak ako sa harap niya kaya naman bumalik na yung sarili niya.
"Ouch! Eto na!"
Binuhay niya na ang makina at pinaandar na paalis sa dagat.
Sandali lang ay malapit na kami sa bahay namin.
"Jeremy. Dito nalang ako."
"Medyo malayo pa ang bahay niyo oh." Sabi niya at ilalapit pa sana ang kotse sa bahay.
"Okay na dito! Dito nalang." Sabi ko at tarantang bumaba sa kotse.
"Ella after class bukas ha!"
"Oo na!"