webnovel

Chapter 24

Geeo's POV

"You like my daughter?" tanong ko kay Yael. He got guts I must say.

"Who will not like your daughter, sir?" He looked down. "I mean, she's beautiful and smart. Plus the fact that she's kind and simple. She got it all."

Tumango-tango ako. "Hindi porque pinayagan kitang pumasok sa bahay namin ay pinapayagan na rin kitang dumikit-dikit sa anak ko. Ayaw ko pa s'yang mag-boyfriend."

"Wala naman po sa isip ko na ligawan si Esther," Tiningnan ako ni Yael. "Sa ngayon."

"Wait for her until she finish her course in college. Bibilib talaga ko kung magagawa mo 'yon," Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Huwag ka ring magtatangkang gumawa ng kahit anong masama sa anak ko. I am not as good as I look."

"I understand po. Malaki po ang respeto ko sa anak n'yo."

Nagpatuloy na ko sa pagpasok sa bahay habang kasunod si Yael. Binuksan ko ang front door at ang nakangiting mukha ng asawa ko ang bumungad sa 'kin. Hinalikan n'ya ko sa pisngi nang makalapit na ko sa kaniya. "Welcome home, honey."

I gave a peck on her lips. "I miss you. By the way, nandito na 'yong bisita ni Esty."

Tiningnan n'ya naman si Yael na nasa likuran ko. "Hi, young man. Pasok ka na. Naliligo pa si Esther kaya baka mamaya mo pa makausap."

"Okay lang po," sagot ni Yael.

Hinatak ko papunta sa kusina ang asawa ko. Sinilip ko muna ang sala at nakita kong nakaupo na roon si Yael. Hinarap ko ang misis ko. "He likes our daughter."

Kumunot ang noo ng asawa ko. "How did you know?"

"I asked him," Nagulat ako nang hampasin n'ya ko sa braso. "Honey, why did you do that?"

"Hayaan mo lang ang mga bata, honey. Don't pressure them, Tinapik n'ya ang balikat ko. "Tatawagin ko na si Esther para makakain na tayo."

Bumuntong-hininga na lang ako at tinanguan ang asawa ko.

Esther's POV

"Esther, nandito na si Yael."

Dali-dali akong humugot ng damit mula sa cabinet ko. "Saglit lang po! Maliligo pa lang po ako!"

Nang tingnan ko ang mga fictional characters ko ay makahulugan silang nakatingin sa 'kin.

"Kabogera, binista ng jowa," nakangising sabi ni Perry.

"Hindi ko nga s'ya boyfriend," ingos ko.

"I-deny mo lang hanggang sa ma-realize mo, Esther," panggagatong pa ni Alessandra.

"Alis na tayo. Mukhang magiging busy si Esther," nakangising sabi ni Jordan.

"Aalis na talaga kayo kasi hindi ko kayo p'wedeng iwan dito," Kinuha ko na ang notebook ko. "Mamaya na lang ulit, ha?"

I crossed out their names and they disappeared in just a snap.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Nawili na naman kasi ako sa pakikipag-usap kila Alessandra, eh. Dapat pala naligo na muna ako.

Nang matapos ko ng i-blow dry ang buhok ko at magsuklay, lumabas na ko ng kuwarto ko. I saw Mama and Papa talking to Yael. Ang fresh tingnan ni Yael. Parang kahit ang layo n'ya ay naaamoy ko ang pabango n'ya.

Nang makita ako ni Yael ay ngumiti agad s'ya. Ginantihan ko rin ang ngiti n'ya, pero nawala rin ang ngiti ko nang makitang nakasimangot si Papa. Nako, umaariba na naman ang Papa ko.

Lumapit ako sa kanila. Nakita ko ang dalawang may kalakihang box sa ibabaw ng lamesa. Tumayo si Yael at inabot sa 'kin 'yong dalawang box. "Para sa'yo, Esther. Happy birthday."

"Salamat," nakangiti kong tugon saka kinuha ang dalawang box. "Sayang alam ko na kung anong laman."

"You don't know the design though," he chuckled. "I hope you will like it."

"Oh s'ya, tara na at kumain na tayo," sabi ni Mama. "Nakahanda na ang lamesa. Masamang pinaghihintay ang pagkain."

Nauna na sa kusina si Mama at si Yael. Tumingin ako kay Papa at yinakap s'ya. "Thank you for being here despite of your tight schedule, Papa."

Hinagod n'ya ang buhok ko. "Mapapalampas ko ba ang birthday ng pinaka maganda kong anak? Happy birthday, Esty."

"Salamat po," sabi ko bago kami magkasabay na sumunod sa kusina.

Katabi ko si Yael nang umupo kami sa harap ng hapag habang katapat naman namin sila Mama at Papa.

"Kain na kayo," sabi ni Mama habang linalagyan ng kanin ang plato ni Papa. "Siguradong masarap 'yan."

Nagkatinginan kami ni Yael at sabay na napangiti.

Tiningnan ko muna s'ya nang tikman na n'ya ang lutong spaghetti ni Mama. Saglit s'yang napahinto saka nagpatuloy sa pagkain. Mas magana s'yang kumain ngayon.

"Ang sarap po ng luto n'yo, tita," sabi ni Yael kay Mama. "Bihira na lang po akong makatikim ng lutong-buhay, eh."

"Salamat naman at nagustuhan mo," Binalingan ako ni Mama. "Kumain ka na rin, anak. Hindi mo malalantakan 'yong graham cake kapag 'di ka kumain ng heavy meal muna."

Mabilis naman akong sumandok ng kanin at kumuha ng isang fried chicken. Kanina pa ko nate-tempt doon sa graham cake. Baka mapigtas na ang pasensya ko at kunin ko na 'yon sa ref para ubusin.

Wala masyadong nagsasalita habang kumakain. Busy kaming lahat sa pag-ubos ng masarap na luto ni Mama.

Nang linabas na ni Mama ang graham cake ay agad nawala ang busog ko mula sa kinain kong spaghetti, kanin, at fried chicken. Nagkaroon agad ng space sa loob ng tiyan ko.

Kumuha ako ng graham para sa sarili ko tapos ako na ang naglagay ng graham sa plato ni Yael. "Kain ka na. Tinulungan ko si Mamang gumawa n'yan."

Ngumiti s'ya sa 'kin. "Thank you."

Tumayo si Papa at lumapit sa 'kin. "Here," Inabot n'ya sa 'kin ang maliit na box. "Open that later. Kumain lang kayo rito ni Yael. Sa sala lang kami ng Mama mo. Magpapahinaw ng busog."

"Thank you, Papa," masigla kong tugon.

Umalis na sila Mama at Papa sa kusina, pero tahimik pa rin kaming kumakain ni Yael. Ilang sandali pa ay kinalabit n'ya ko.

"Bakit?" I asked him.

Nakita kong hawak n'ya na ang cellphone n'ya. "Can we take a picture? I want to post this moment."

Tumango ako saka lumapit ng konti sa kaniya. We took more than five pictures together. I'm happy because he is smiling brightly in the pictures. Salamat naman at hindi lang ako ang masaya sa araw na 'to.

"Salamat sa pagpunta kahit alam kong busy ka, Yael."

He smiled. "Wala 'yon. You and your mom invited me. Even your father is good to me. Sino naman ako para hindi pumunta? Sobrang saya ko nga habang kumakain tayo kanina kasama ang parents mo. It's been a while since I ate with other people tapos lutong-buhay pa."

"Sasabihin ko kay Mama na isasama kita paminsan-minsan kapag may mga dinner kami," Sumubo ako ng graham at ngumuya. Lumunok muna ako bago magsalita ulit. "Mahirap talagang tumira ng mag-isa, 'no? Ang galing-galing mo kasi kinakaya mo."

"I swear, it's better to live alone than to be with my family," He shook his head. "Let's not go there. I don't want to ruin your mood."

Walang pag-aalinlangan ko s'yang sinubuan ng graham. "You sound so disappointed and frustrated, but I am not going to push you to tell me what's inside your head. Basta kung kailangan mo ng makakausap, p'wede ako. Makikinig ako."

"You're too kind," he chuckled. "No wonder your father is overprotective."

"May sinabi ba s'ya sa'yong kung ano? Kung may nasabi s'yang hindi maganda o uncomfortable sa part mo, pasensya ka na. Ganiyan talaga ang Papa ko, eh."

"He's cool and he loves you so much. He just wants the best for you," Nagtaka ako nang sumandal si Yael sa balikat ko. "Kapag nakita n'ya tayong ganito siguradong kakaladkarin n'ya ko palabas ng bahay n'yo."

Napangiwi ako. "Hindi naman siguro."

"He asked me just a while ago if I like you," Napatitig ako kay Yael dahil sa sinabi n'ya. "And I answered yes."

Nanlaki ang mga mata ko. "May gusto ka sa 'kin?"

Tumango s'ya. "But it's not a romantic liking. Paghanga siguro dahil sa personalidad na mayroon ka. You're too kind and you're a simple woman. You're amazing and beautiful. I don't know where I'm getting the confidence to say all of this, but I want to say it. Loud and clear."

Hindi ko mahanap sa utak ko kung ano ba ang dapat na itugon. Yael just said that he likes me!

"No need to overthink about it, Esther," Inangat n'ya ang ulo n'ya at tinitigan ako. "Happy birthday."

"S-Salamat," Iyon na lang ang naging tugon ko.

"Uuwi na ako, Esther. I still have some chapters to finish," Tumayo na s'ya at ganoon din ako. "Thanks for the wonderful time."

Sabay kaming pumunta kila Mama at Papa na nasa may sala at nanonood ng TV. Nag-picture pa kaming apat bago ko hinatid sa gate ng bahay namin si Yael.

"Ingat ka sa pag-uwi at salamat sa regalo," sabi ko kay Yael na nasa labas na ng gate namin.

"No, thank you," he smiled sweetly. "Can we hang out tomorrow?"

Medyo nag-alangan ako dahil nasa isip ko pa rin ang mga sinabi n'ya kanina, pero nagulat ako dahil kusa akong napatango.

"I told you, you don't need to overthink about what I said," Pinitik n'ya ng mahina ang noo ko. "Enjoy the rest of your day. Kainin mo lahat ng tirang graham."

Natawa na lang ako sa huli n'yang sinabi. Sinundan ko na lang s'ya ng tingin habang naglalakad s'ya papalayo sa bahay namin.

Nang masara ko na ang gate ay napangiti ako nang mag-isa. I felt a very overwhelming feeling inside my chest.

Yael likes me.

TinTalim