webnovel

Chapter 22

Esther's POV

"Video call ulit tayo bukas, ha?" paalala ko kay Aless.

Halos dalawang oras na kaming nagvi-video call. Tatlong araw na lang at 17th birthday ko na. Sinusulit namin ni Esther dahil sumakto pa ang birthday ko sa week na wala masyadong ganap sa mga school.

"Sure! Babye, Esther!"

"Bye, Aless. Bukas na lang ulit!"

Napangiti ako nang patayin n'ya na ang tawag. Tuwang-tuwa ako dahil maliit na handaan lang ang gagawin nila Mama at Papa. Akala ko ipipilit pa rin nila na mag-party na naman ng bongga. Ako rin ang pinapili nila kung anong mga pagkain ang gusto kong ihanda sa birthday ko.

I chose spaghetti, fried chicken, graham cake, and ice cream. Parang limang taong gulang ang magbe-birthday pero iyon talaga ang gusto ko. Kung naalala ko lang siguro no'ng time na nagtanong si Mama kung anong gusto ko, baka nasabi ko rin ang hotdog na may kasamang marshmallow.

Lumabas ako ng kuwarto ko at nakita ko si Papa sa may sala. Abala s'ya sa pagtitipa sa laptop n'ya. Si Mama naman ay nakita ko na nagluluto na ng hapunan sa kusina.

Pinili kong umupo sa tabi ni Papa. "Hi, Papa."

Tumigil agad si Papa sa ginagawa n'ya at binalingan ako ng tingin. "Hi, Esty. May kailangan ka ba, anak? May naisip ka na bang hiling para sa birthday mo? Kahit ano pa 'yan, susubukan kong ibigay."

"Wala naman po akong gustong materyal na bagay," Umayos ako ng upo sa sofa. "Basta po sana kasama ka namin ni Mama sa birthday ko."

Siguro kung maririnig ng iba ang sinabi ko ay sasabihin na masyadong simple ang hiling ko, pero iyon talaga ang pinaka gusto ko. He is currently working on another script for the newest fantasy series on Flash Channel that's why his schedule is packed. Alam kong p'wedeng maging hassle 'yon kay Papa pero sabi naman n'ya ay susubukan n'ya.

"Kasama n'yo ako, s'yempre," he kissed my forehead. "Gusto ko ring makilala 'yong Yael. S'ya lang kasi ang bisita mo sa birthday mo, 'di ba? That means you two are very close.

I smiled. "We're good friends, Papa. Best friends, gano'n."

I saw an unfamiliar emotion on his eyes. "Mabuti 'yan. Basta huwag ka munang magjo-jowa anak, ha? Hindi pa ako handa."

Natatawang tinugon ko ang sinabi ni Papa. "Bakit po parang kayo pa ang dapat na maghanda?"

"Hindi pa kasi ako handang bumali ng buto," he chuckled. "I will protect my only daughter at all cost. Kaya huwag kang maglilihim sa 'kin kapag may nagugustuhan ka ng lalaki. Kailangan malaman agad natin kung may gusto rin ba s'ya sa'yo tapos saka natin gigisahin."

"You always think about me having a boyfriend, Papa. Wala pa nga po 'yan sa isip ko," Tumayo ako at nagpaalam kay Papa. "Puntahan ko lang po muna si Mama."

"Sige, anak. Pakisabi rin sa Mama mo na umaatungal na 'yong dragon sa tiyan ko. I badly want to eat."

Tumango ako bago pinuntahan si Mama. Abala pa rin si Mama sa pagluluto nang madatnan ko s'ya. Paksiw na baboy ang linuluto ni Mama at ang bango-bango no'n.

"Ma, patapos ka na po bang magluto?" tanong ko kay Mama nang makalapit na ko sa kaniya.

"Gutom ka na ba, 'nak? Give me five more minutes. Ikalma mo muna 'yang tiyan mo."

"Si Papa po ang may tiyang kailangang kumalma," I chuckled.

Dahil hindi pa naman kami kakain ay bumalik na lang muna ako sa kuwarto ko. Napansin kong nakailaw ang cellphone ko. Nang lapitan ko 'yon ay may four missed calls na galing kay Yael. Tumunog 'yon at nakita kong tumatawag na naman s'ya.

Mabilis kong sinagot ang tawag. "Hello, Yael. Pasensya na ngayon ko lang nasagot."

"It's fine. I just want to ask. What's your size when it comes to dresses?"

Kumunot ang noo ko sa tanong n'ya. Noong nakaraang araw kasi ay size naman ng sapatos ko ang tinanong n'ya.

"Para saan naman?" A hint popped up in my mind. "Are you buying gifts for me? I am not assuming, but are you?"

"Yes, I am," he chuckled. "I want to be sure. I know your style and the colors that you love to wear, but not your size."

Yael is a very observant man. Ilang buwan na kaya kaming madalas na nag-uusap at nagkikita. Parang wala s'yang pakialam minsan kapag nagkukuwento ako pero nagugulat na lang ako dahil natatandaan n'ya halos lahat ng sinasabi ko.

"Medium lang ang size ko."

I heard him laugh a little. "Mine's large."

"Large ang size ng damit mo? Akala ko XL kasi ang tangkad mo tapos medyo malaki pa ang katawan mo."

Mas lumakas ang tawa n'ya sa kabilang linya. "Goodness gracious, dapat hindi ko na sinabi 'yon."

Napasimangot ako dahil hindi ko s'ya maintindihan. "Ang weird mo, alam mo ba 'yon?"

"I already knew that," he's still chuckling from time to time. "Bye na. Hahanap pa ko ng magandang dress."

"Sabi ko naman sa'yo hindi mo na kailangang bumili ng regalo. You just need to come here and celebrate with us."

"I'm not asking for your permission, Esther. Byeeee!"

Napailing na lang ako nang patayin n'ya na ang tawag. Narinig ko namang tinatawag na ko ni Mama para kumain ng dinner kaya mabilis na kong lumabas sa kuwarto. Masarap pa naman ang paksiw na luto ni Mama. Mukhang mapapalaban na naman ako sa tatlong platong kanin.

Yael's POV

I picked a light blue dress. Base sa taas ni Esther ay lalagpas sa tuhod n'ya ang dress because she's a short girl.

The dress isn't pricey, but I made sure that it's worth it. Last week I bought one pair of rubber shoes for Esther and now a dress. Birthday gifts ko sa kaniya 'to. I also don't want to come to their house empty-handed. Nakakahiya sa mga magulang n'ya. Ako lang ang bisita tapos wala pa kong madadala.

I thought Esther is going to invite her school friends. She said last time that she's hanging out with some of her classmates, but she didn't invite them to her birthday party. I wonder why.

I also wonder why her mother wants me to be there. Esther told me the truth. It's her mother who told her to invite me. I never really got the chance to talk to her parents in a more private way, but I'm still thankful.

Kung hindi siguro gusto ng Mama ni Esther na pumunta ako, baka 'di rin ako inimbitahan ni Esther. She's really an odd girl who deserve lots of attention, but she doesn't want it.

"1,300 pesos po, sir," the cashier said. I handed her the payment.

"Thank you," I said before getting the paper bag with the dress in it.

May ngiti sa mga labi ko nang lumabas ako sa mall. Madilim na ang kalangitan pero maliwanag ang kalsada dahil sa dami ng ilaw na bukas galing sa iba't-ibang tindahan.

Malamig ang simoy ng hangin at hindi nauubos ang mga taong dumadaan sa harap ng mall. It's a very busy night.

Speaking of busy, kailangan ko ng umuwi para makatapos na ko ng isang chapter. Dalawang chapter pa lang ang naa-update ko ngayong araw.

Maglalakad na sana ako nang isang pamilyar na boses ang nagpatigil maging sa paghinga ko.

"Yael, ikaw ba 'yan?"

I tried to walk past her pero nahawakan n'ya agad ang braso ko. "Anak, ikaw ba 'yan?!"

Umiwas agad ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Goodness, akala ko matatahimik na ang buhay ko dahil isang buwan ng hindi nagpapakita si ate at nanggugulo pero ngayon ay s'ya naman ang nandito.

"Please, let go of me," malumanay kong sabi.

Nagulat ako nang yakapin n'ya ko. Sobrang higpit no'n. Agad ko namang nakita ang tatlong bodyguards n'ya na lumapit. Sinenyasan n'ya ang mga ito na lumayo.

"My son! Tama nga ang ate mo. Nandito ka nga!"

Marahan akong humiwalay sa pagkakayakap n'ya. I saw pain crossed her eyes. "I'm sorry. I need to go home now."

"Anak, saglit lang. Please, stay. Gusto kong mag-usap tayo. Kahit saglit na saglit lang. This will not take your precious time," I saw her expression getting softer and softer. "Let mommy explain to you, hmm? Malay mo pagkatapos nating mag-usap maisipan mong bumalik na sa bahay at—"

"I'm going now," matigas kong sabi. I know that she will talk to me to manipulate me again so she can get what she wants from me. Hindi na mauulit ang mga nangyari noon. "I hope we can stop meeting each other like this."

Imbes na malungkot ay ngumiti s'ya ng malapad. "Oh, my boy! Ang laki-laki mo na. I know you've been through a lot that's why I'm here. Uwi ka na sa bahay, anak. Now that you're in legal age, you can finally—"

"Mom," I uttered that made her stop talking. "Ilang beses ko na pong sinabi ito kay ate. Hindi na po ako babalik sa bahay. Kaya kong alagaan ang sarili ko. Hindi ko na kailangan ang tulong n'yo."

I'm trying my best to be as respectful as possible. She was a bad mother to me, but she's still my mother. We're also in public and I don't want to make a fuss and be on the news next morning.

Tumalikod na ko at sumakay sa jeep.

I am not mad at her anymore, but I'm still mad with the life they chose for me to live before.

May mga sugat na hindi na nahihilom ng panahon.

TinTalim