webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Teen
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 39.5

Chapter 39.5:

Abby's POV:

"Ate may I join?" 

Hindi pa ako nakakasagot pero dumiretso na si Pau sa gitna namin ni Rigel habang nagpapapicture kami.

Yumakap ito sa braso ni Rigel ng may malawak na ngiti na siyang ikinangisi ng loko sa akin.

Ay wow! Edi kayo na close, at ako na ang others.

"Ako ang ate mo Pau, sa akin ka dapat yumakap. Halika, yakapin ka ni ate." Inilahad ko na ang braso ko sa kaniya pero dinilaan lang ako nito at saka mas sumiksik pa sa braso ni Rigel. 

"Mas gusto ko dito kay kuya Nicholas kasi hindi siya nalilate, unlike you ate, you're always tardy."

Ano'ng konek ng pagiging late sa pagpapa-picture aber?

Inirapan ko na lang siya bago tumingin sa camera.

"Move closer Abby kay Pau para hindi masyadong maluwag ang space sa pagitan niyo." Ani Joyce habang sumesenyas na umusog ako ng kaunti. Sinunod ko naman ang sinabi niya kahit naiinis ako sa dalawang katabi ko.

"Rigel, pwede bang pakibuhat saglit si Pau kung ayos lang kasi masyado siyang maliit para sa inyo ni Abby. At ikaw Abby, usod ka ulit ng kaunti palapit kila Pau at Rigel."

Sinunod ulit namin ang sinabi ni joyce at saka ngumiti sa camera. Iba't-ibang pose ang ginawa namin sa ilang shots na ginawa ni Joyce at agad rin akong sumimangot nang matapos kaming kuhanan ng litrato.

Tignan mo 'tong dalawang 'to, parang sila ang magkapatid. Akala ko ba ako ang namiss ng magaling kong kapatid? Eh ano 'to?

Okay, ako na ang out of place.

"Perrrfect!" Napatingin ako kay Joyce nang sumigaw ito habang nakatingin sa camera.

Patakbo itong lumapit sa akin at saka ipinakita ang litrato naming tatlo na kinuha niya.

"Oh aanhin ko 'yan?"

"Girl duh? Tignan mo kasi oh, wala ka bang napapansin?" Itinaas baba nito ang dalawang kilay habang may makahulugan na ngiti.

"Uhh, maganda yung lighting at yung anggulo?" 

"Shunga, hindi iyan ang sinasabi ko. Ito ang sinasabi ko oh..." Inilapit niya ang bunganga sa aking tainga saka bumulong.

"Aray ko naman girl! Ba't ka nanghahampas?" Muntik pa nitong mabitawan ang camera dahil sa paghampas ko sa kaniya. Well, hindi ko naman masyadong nilakasan dahil buntis ang loka. Sadyang oa lang siya kung makapag-react.

"Loka-loka ka kasi, kung anu-ano ang sinasabi mo." Inirapan ko siya.

"Haynako girl, totoo naman kasi."

"Totoo ang alin?" Biglang pagsingit ni mama sa likuran ni Joyce. Napa-face palm na lang ako dahil dito.

Bumulong si Joyce kay mama at saka rin ipinakita ang litrato kay mama. Napairap na lang ako.

"See Joyce? Kahit si mama hindi sang-ayon--"

"Oo nga Joyce tama ka. Bagay na bagay sila, para lang silang nagpa-family portait." Patangu-tangong sabi ni mama habang hawak ang baba nito.

"What ma?!" Sinasabi ba nilang-- Oh my gosh ma! Nakakalimutan na ba niyang sinaktan ako ni Rigel dati? Pa'no niya nagagawang sumang-ayon sa sinasabi ni Joyce?

"You must be kidding ma."

"Huwag ka ngang masyadong bitter anak. Hindi naman sa ano, pero bagay naman talaga kayo ni Rigel-- Ops, don't get me wrong. I based my opinion to the picture, ang ganda ng kuha niyo sa litrato dear. Oh, I gotta go na pala. Talk to you later ladies..." Ani mama bago tuluyang umalis at pumunta sa hindi ko alam kung saan man.

"Oh Rigel, nandito ka na pala! Ito yung camera mo oh, salamat!" Masiglang sabi ni Joyce bago iabot kay Rigel ang camera nito.

"Oh nasa'n na si Pau? Tapos na ba kayong naglaro?" I know I sound so bitter, pero totoo naman eh.

"Bitter?"

"Huh? Ako bitter? No way. Kahit naman maglaro kayo ni Pau buong araw ayos lang. Tutal close naman kayo, edi gora lang!" Dang, hindi ko talaga maiwasang magtunog bitter.

"I'm not talking about that. What I mean is, you're so bitter awhile ago. Dahil ba sa picture? Totoo naman ah bagay tayo-- I mean maganda yung kuha sa atin."

Tinaasan ko na lang siya ng kilay bilang sagot. 

"Maganda nga ang kuha, pero kayo lang naman ni Pau ang nag-enjoy!" Bulong ko sa sarili.

"Ha? Did you say something?" 

"Wala! Ang sabi ko, maganda kasi kami ng kapatid ko kaya maganda rin ang kinalabasan ng picture. Diyan ka na nga!"

~

Alas singko nang makaalis ang lahat sa dahil hindi sila puwedeng masyadong magabihan daan baka maabutan pa sila ng malakas na ulan.

Mabuti na lang ay nagboluntaryo na ang mga pinsan kong magligpit muna ng lahat ng ginamit sa party bago sila umalis. Alam din pala ng mga 'yon ang salitang "Konsiderasyon." Alangan namang ako pa maglinis eh kakagaling ko lang sa ospital.

Being hospitalized isn't a bad thing at all. Charot!

"Eh ikaw? Bakit ka pa nandito?" Tanong ko kay Rigel na feel at home na feel at home kung makaupo sa sofa.

"Malakas ang ulan oh." Turo niya sa bintana. Oo nga malakas na ang ulan sa labas. Isang oras na rin pala ang nakalipas mula nang makaalis ang angkan ko.

"Eh ano naman?" Tinaasan ko siya ng kilay. "May kotse ka namang dala kaya makakauwi ka pa." Kotse niya ang ginamit namin pauwi dito sa bahay kanina kaya 'wag niya ang marason-rasonan na malakas ang ulan.

"Wala ka man lang bang konsiderasyon? Hindi ka man lang ba naaawa sa akin?" Nag-puppy eyes pa ito sa harapan ko. 

"What the hell Rigel? Mukha kang asong ulol kaya tigilan mo ako." Nag-uumpisa nanaman dumilim ang paningin ko sa kaniya.  Kahit kailan talaga, eksena 'tong lokong 'to.

"Psh. Sungit naman nito. Well, okay. I gotta go." Sa wakas ay tumayo na rin siya. Akala ko ay may plano siyang mag-stay dito, mabuti na lang ay wala dahil siguradong sakit nanaman ng ulo ang aabutin ko nito. "Don't forget to lock the door okay?" Pahabol pa nito bago lumabas ng bahay. 

"Oo na po, oo na. Ikaw rin ingat ka."

Nang tuluyang makaalis ang kotse niya ay pinagmasdan ko ang buong bahay ko.

I'm finally home!

Kulang na lang ay magpagulong-gulong ako sa sahig dahil sa saya. 

"Don't worry, kaunting kembot na lang ay matatapos ka na rin. Kailangan ko lang munang magpahinga ng kaunti at makakabalik na ako sa trabaho." Pagkausap ko sa bahay, pero ang echo lang ng boses ko ang narinig ko.

Malamang Abby, alangan namang sagutin ka pabalik ng bahay 'diba?

Mahina akong binatukan ang sarili dahil nanaman sa naisip.

Since hindi pa naman ako inaantok ay napag-desisyunan kong i-switch muna ang tv.

Sakto, balita pala ang palabas ngayon.

Pero agad akong napasinghap nang makita ang ibinabalita dito. Sa sobrang lakas ng ulan at hangin na dala ng habangat ay agad umusbong ang baha sa ilang parte ng Metro Manila. Pati ang ilang kable ng kuryente ay natumba sa kalsada na nagdudulot ngayon ng traffic.

Nakauwi na kaya sila?

Eh si Rigel, nasa'n na kaya siya?

"Oh my gosh!" Nagulat ako nang biglang namatay ang ilaw pero agad din itong bumalik.

Dahil sa pag-aalala ay isa-isa kong tinawagan ang angkan ko to make sure na safe sila. Hindi ko na tinawagan sila mama at papa dahil nasa iisang subdivision lang naman kami kaya alam kong nakauwi na sila.

Good thing ay nakauwi na silang lahat. I sighed in relief.

Nang akma ko ng tatawagan ang numero ni Rigel ay nakarinig ako ng  katok sa pinto.

At sino naman kaya ang pupunta dito habang malakas ang ulan?

Sumilip muna ako sa peephole at laking gulat ko na lang nang makita ang basang-basa at nanginginig na si Rigel sa labas ng pinto!

Agad ko siyang pinagbuksan ang pinto at saka binigyan ng extra na towel dahil sobrang basa ang buong katawan niya.

Pero bago pa siya makapagsalita ay pinatikim ko muna siya aking specialty. 

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts