webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Teen
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 20.0

Chapter 20:

Abby's POV:

"Ma'am ito na po yung pinapakuha niyong folder."

"Ah sige, pakilapag na lang diyan Miss Castro. Thank you!" Sabi ko sa aking secretary habang nakatingin pa rin sa monitor ng laptop.

Nang makalabas si Miss Castro ng opisina ay napangiti ako. Bago pa lang siya dito sa kumpanya, pero nag-iimprove na ang performance niya.

Actually ay hindi ko naman kailangan ng secretary, but mama insisted para daw kahit papaano ay mabawasan ang gawain ko sa araw-araw. 

Nang makauwi ako last week galing Texas ay naabutan ko na lang si Miss Castro sa tapat ng office ko at sinabi niyang siya daw ang bago kong sekretarya. 

Hinayaan ko na lang din siya dahil hindi naman ako gano'n kasama para alisin siya sa trabaho. Mukha naman siyang professional magtrabao kaya buong puso ko na lang siyang winelcome as my secretary.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang huli kong makita sa personal si Nich. Damn, I missed him. At sa loob ng isang linggo ay iisang beses pa lang kaming nakapag-usap sa telepono. Madalas daw kasi siyang nasa gym o 'di naman kaya ang natutulog bilang preparasyon sa gaganaping photoshoot niya ngayong linggo. 

Kaysa maburyo ako kakaisip kay Nich ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtatrabaho. Saglit naman akong napatingin sa folder na kulay berde sa lamesa ko. Naglalaman ito ng profile ng magiging endorser ng bago naming product. 

Si mama na ang nag-asikaso at nag-approve ng tungkol dito no'ng wala ako kaya ang kailangan ko na lang gawin ay ireview ang profile at iassist ang endorser.

Well, I know hindi ko na trabaho ang tungkol dito but it's a tradition na whether the CEO or the COO ng kumpanya ang isa sa magmomonitor sa bagong endorser ng product. Gano'n na ang naging gawain ko since maging COO ako ng CCCorp.

Magaling pumili si mama ng endorser kaya alam kong wala na akong magiging problema.

Saglit kong isinara ang laptop at kinuha ang folder. Ngunit bago ko pa ito mabuksan ay nag-ring ang phone ko sa bag at agad ko naman itong hinablot.

"Hello babe, I miss you!" Bungad ko.

"Hey babe, I miss you too. Kumain ka na ba ng lunch?"

"Hindi pa, pero kakain pa lang ako maya-maya. Eh ikaw? Ano'ng oras na diyan bakit gising ka pa hanggang ngayon?" Binuksan ko ang folder at iniscan ang laman nito.

"Maya-maya pa rin din ako matutulog babe. May hinihintay pa kasi akong email, galing sa kumpanya. Ngayon daw kasi nila isesend kaya inaabangan ko."

"F*ck sh*t!"

"Huh? Babe? Is there something wrong?"

"A-Ah, wala naman nakagat lang ako ng langgam. Sorry babe but I have to go, I'll talk to you later okay?" Agad kong pinatay ang tawag kahit hindi pa siya nakakasagot at dali-daling nag-martsa papuntang opisina ni mama.

F*ck biglang sumakit ang ulo ko. Pati paningin ko ata ay nandidilim rin.

She must be kidding me. 

Sa sobrang tagal magbukas ng elevator ay pinili ko na lang umakyat ng hagdan habang dala ang folder.

Kahit naka-stiletto ako ay hindi ko ito alintana dahil sa bilis kong humakbang sa hagdan. Pakiramdam ko ay ako si flash!

Nang sa wakas ay nakarating ako sa tapat ng opisina ni mama ay hindi na akong nag-abalang kumatok at basta na lang pumasok sa loob.

Pabagsak kong ipinatong sa mesa ni mama ang folder na hawak ko.

Halatang nagulat si mama sa inasta ko.

"Ma, ano'ng ibig sabihin nito?" Mahinahon ngunit nagtitimpi kong tanong. Malalalim rin ang ginagawa kong paghinga upang mapakalma ang aking sarili.

"Why? Is there any problem my dear?" Inosenteng tanong ni mama.

"Wow ma, wow! Tinatanong niyo pa  talaga kung may problema? I can't believe you. Ma naman eh, bakit siya pa?"

"Bakit sa dinami-rami ng pwedeng maging endorser, bakit si Rigel pa?" Nakangiwing tanong ko.

"Bakit ano'ng masama doon? He's good, so I chose him."

"Ma, alam niyo naman yung issue between us 'diba. Alam niyo naman kung paano yung pinagdaanan ko nang dahil sa kaniya. Saksi kayo sa naging epekto niya sa'kin 'diba? Ni hindi niyo man lang ako ininform tungkol dito. Tsaka kailan pa ulit kayo nagkaroon ng komunikasyon sa isa't-isa?"

"Well, past is past, and business is business. Kinuha ko siya at pumayag siya. Mag-ooffer siya ng service sa atin at kapalit no'n ay ang amount na ibibigay natin sa kaniya. It's a pure business my dear." Mahinahon na sabi ni mama, samantalang ako ay parang bulkan na anytime ay pwedeng sumabog.

"Then terminate the contract ma. Hahanapan kita ng mas magaling at mas professional na endorser, just... just don't let him--"

"Nope. Sealed na ang contract, and there is no way na ibibreach ko ito. Kaya kahit ano'ng gawin mo Miss Dizon ay hindi mo na ako makukumbinsi." Damn, tinawag na ako ni mama sa apelyido.

"Pero ma..." Napahilamos ako ng mukha.

"Don't tell me ay affected ka pa rin kay Rigel?" 

Agad akong napatingin kay mama dahil sa sinabi nila. "Of course not! Why would I be affected?"

"See? Eh bakit kung maka-react ka eh parang apektado ka pa rin?" 

Oo nga naman, mama has a point. Past is past, kaya bakit ako nagrereact ng gan'to?

"Fine! Okay fine ma. Just... Just don't do this again, paki-inform ako next time para naman prepared ako at hindi ako mapapasugod ng wala sa oras dito sa opisina niyo."

"We'll see Miss Dizon. May iba ka pa bang sasabihin? Dahil kung wala ay makakalabas ka na, marami pa akong kailangang gawin. And also, observe your behavior, nasa loob ka ng kumpanya. I will not tolerate this kind of action of yours once na inulit mo pa 'to." Ani mama habang nasa mga papel ang tingin. Tae, nakalimutan ko, ibang tao pala si mama sa loob at labas ng kumpanya. Nakakatakot siya kapag nasa loob.

"Yes ma'am. I'm sorry." Mahina kong sabi at saka nagmartsa ulit palabas ng opisina ni mama. 

Napakamot ako sa ulo na siyang naging dahilan para magulo ito. Bahala na kung magmukha akong stressed, dahil totoo naman. 

Tinitigan kong mabuti ang folder na hawak ko habang nasa loob ako ng elevator, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa ngayon pa lang. Pati ang pagtibok ng puso ko ay sobrang bilis.

Agad kong ipinilig ang aking ulo. 

No Abby, don't be like this. Past is past, so there is no way to bring it up again. May kanya-kanya na kayong buhay, at masaya na kayo. Don't let this kind of stuff disturb you.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts