webnovel

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Teen
Not enough ratings
102 Chs

Chapter 18.0

Chapter 18:

Abby's POV:

"Hey babe, wake up." Bulong ko kay Nich nang tawagin ang pangalan niya sa stage.

Muntik ko na makalimutan, isa nga pala siya sa ambassador ng kumpanya na 'to. So his presence really is a must.

"Hmm. Naaantok pa ako babe, maya na lang please." Oh shoot. I awkwardly smiled in front of many people. 

"Babe, hey. Pinagtitingan ka na oh. Tinatawag ka do'n sa stage. Matutulog ka na lang ba diyan?" Pero imbis na bumangon ay mas lalo pa siyang sumubsob sa leeg ko. My gahd, so stubborn. Nagsisimula ng magbulungan ang mga tao sa paligid at nakakarinig na ako ng pag-click ng mga camera. For petes sake, sa amin nakatutok ang spotlight!

"Ayaw mong bumangon ha, o heto sa'yo." Pinisil ko ang ilong niya hanggang sa hindi na siya makahinga. 

"Ouch babe! Why did you do that?" Napabangon bigla tuloy ang antuking nilalang at hinimas-himas ang ilong niyang pinisil ko.

"Ayaw mo kasing bumangon, nakakahiya tuloy pinagtitinginan na tayo."

"So ikinalahiya mo ako babe?" Then he pouted.

"Nicholai, hindi mo ako madadaan sa paganiyan-ganiyan mo." Pagbabanta ko. Oh my gosh, hindi ko na kinakaya ang tingin ng mga tao.

"Sabi ko nga, pupunta na sa stage." Napakamot siya sa ulo at inayos ang medyo magulo niyang buhok resulta ng pag-idlip niya sa akin. Then he gorgeously walked papuntang stage.

Sana all maayos pa rin tignan kahit bagong gising.

Nawala na sa pwesto ko ang spotlight at sinundan na nito ang jowa kong naglalakad. Hays, buti naman.

"May pagka-hokage din pala 'yon si fafa Nicholai ha. Naku bakla, kilig na kilig ang buong venue dahil sa inyo. Syempre maliban sa aming mga single, hmmp!" Maliban daw sa mga single gaya niya pero iba ang ipinapakita ng kilos niya sa sinasabi niya. Eh kitang-kita ko nga sa gilid ng mata ko kanina na hindi siya magkanda-ugaga sa pagkuha ng litrato sa amin kanina habang nakatutok sa amin ni Nich ang spotlight. At para rin siyang bulateng binudburan ng asin dahil sa pangingisay kanina. 

"Lokohin mo lelang mo bakla. Kung tawagin ko kaya dito si Cheska nang matahimik ang kaluluwa mo." 

"Che bakla, don't say bad words! As if namang nandito ang babaeng 'yon. Tsaka wala naman akong pake kahit na nandito siya duh." Inirapan niya ako saka tumingin sa stage.

"Ito talaga, pikon kahit kailan. Kung may plano akong tawagin siya, edi kanina ko pa sana siya tinawag dito sa pwesto natin." And as expected ay biglang napatingin sa akin si Jackie habang nanlalaki ang mga mata at saka iginala ang paningin sa paligid. Pfft, indenial at guilty talaga 'to kahit kailan. 

"Saan bakla? Oh my gosh nasaan siya?"

Napangisi ako ng bahagya.

"Kainis, naisahan mo nanaman ako bakla! I hate you!" Inirapan niya nanaman ako, but this time ay inilayo na niya ang upuan niya sa upuan ko. Tumingin rin siya sa kabilang side niya, which is hindi sa side ko.

"Ang OA mo naman bakla haha. Galit ka na niyan? Patingin nga yung galit, patingin dali. Pa'no yung galit?" Pang-aasar ko pa. Oh my gosh, nag-eenjoy ako sa reaksyon ni baklang Jackie.

"Bahala ka diyan. Hindi kita bati. Shoo, bawal dito ang manloloko. Ayo'ko sa sinungaling. Bahala ka diyan hindi talaga kita bati kahit suyuin mo pa ako." Nanatili pa rin siyang nakatingin sa kabilang side.

"Hindi naman kasi ako nagsisinungaling bakla. Nadito talaga si Cheska. Tignan mo oh, nasa likuran mo lang."

"Hindi mo na ako maloloko-- CHESKA?!" Halos mahulog siya sa kinauupuan niya nang makita si Cheska sa likuran niya mismo.

Sabi ko na barbie, sabi ko na eh.

"W-what are you doing here? Don't tell me sinusundan mo nanaman ako? My gosh girl! Sinabi ko na sa'yo na hindi ako interesado sa'yo." Hindi makapaniwalang sabi niya kay Cheska. Umayos siya ng upo at inayos ang necktie niya. 'Tong baklang 'to!

But Cheska just smiled. "Hindi ko rin alam na nandito ka, tsaka hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang inaatupag ko. Family related kami sa may-ari nitong kumpanya kaya imbitado kami. It's a coincidence, I guess? So if you may excuse me." Hindi ko mailarawan masyado kung ano ang tono ng pananalita ni Cheska. Malambing na medyo bitchy at the same time ay seducting? "Enjoy the party~" Pahabol niyang sabi habang nakatingin sa akin  bago siya tumalikod paalis. 

"Hoy bakla. Ayos ka lang? Natameme ka ata." Kahit umalis na si Cheska ay tulala pa rin ang bakla hanggang ngayon. I snapped my fingers in front of him, kaya napitlag siya at saka ako inirapan. "Oh ano ka ngayon? Nasampal ka sa katotohanan noh." Pang-aasar ko.

"Che, tigilan mo ako bakla. Naku, naiingreta ako sa babaeng 'yon. How dare her?! Porket nakasuot lang siya ng damit na kinulang sa tela ay akala niya maganda na siya?"

"Totoo naman ah. Ang sexy kaya niya, tapos ang ganda niya. Kung sasali siya siguro sa Binibining Pilipinas ay mananalo siya for sure. She has the beauty, and malay natin she also has the brain o 'diba, pak na pak yung manliligaw mo."

"Saan ang sexy do'n? Malaki lang naman dibdib at makinis lang ang mga binti no'n. Tsaka mas sexy at mas maganda naman ako sa kaniya. And FYI bakla, hindi na siya nanliligaw kaya tigil-tigilan mo ako sa mga ganiyan mo."

"Hindi na? Bakit naman? Sinabi ba niya na titigil na siya? Pa'no mo naman nasabi?" Magkakasunod na tanong ko.

"Duh syempre 'diba may boyfriend na ata ang babaeng 'yon, yung nakita natin sa company cafe niyo dati. Tsaka hindi ko na nafifeel ang presence niya sa these days. At nakita mo naman yung inasal niya kanina sa harapan ko 'diba." Masungit niyang sabi pero hindi niya maitatago sa akin ang sinasabi ng mga mata niya. Maraming taon na kaming magkaibigan, wala siyang maitatago sa akin.

"Eh ba't parang nanghihinayang ka?" 

"Ha? Ako? Nanghihinayang? Says who? Tsaka ba't naman ako manghihinayang?" Ahh defensive ang bakla.

"O sige, sabi mo eh." Nag-kibit balikat na lang ako, ayo'ko na siyang pilitin baka burahin pa niya ang make-up ko, sayang naman. 

Sumimsim ako sa baso ko na may lamang cocktail. Nakaka-drain ng laway asarin ang bakla! Napangisi na lang ako sa naisip.

"Hindi naman kasi talaga ako nanghihinayang." Binggo! Defensive talaga ang bakla. Pero hindi ko siya pinansin at itinutom ang tingin sa harapan.

Nasa stage pa rin si Nich kasama ang ibang ambassador ng kumpanya. Isa-isa silang nagsasalita, pero hindi ko naiintindihan dahil nakay bakla pa rin ang atensyon ko.

"Look bakla, naiinis lang ako kay Cheska kasi kakabasted ko pa lang sa kaniya tapos may iba na siya agad."

This time ay hinarap ko na siya. "Duh. Syempre ILANG BESES mo na siyang binasted at lagi mo rin siyang pinagtatabuyan, kaya malamang ay nagsawa na siya o 'di naman kaya ay napagod na kakahabol sa'yo. Tsaka baka narealize niya na hindi mo naman naaappreciate ang effort niya at hindi mo nakikita ang worth niya. Baka iniisip ng tao na nagiging nuisance na siya para sa'yo kaya tumigil na. Tandaan mo bakla, babae si Cheska pero siya pa ang nanliligaw sa isang baklang gaya mo. It's a rare case after all." Natahimik ang bakla. Ayan, laklakin mo ang katotohanan. 

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts