webnovel

One Week Love: Isang Linggong Pag-ibig

Serenader 5: JOSEPH LO

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 1

- LUNES -

[ALEX'S POV]

It's Monday kaya excited na akong pumunta sa school. Makikita ko na naman ang lalaking mahal ko.

By the way, I'm Alex Rodriguez. But my friend call me Al. 'Yon lang po muna. Mas makikilala niyo pa ako kung mabasa niyo nang buo ang kwento namin ni *ehem* nahihiya akong sabihin ang pangalan niya.

Bumangon na ako sa kama at nag-ready para sa school.

"Good morning Yaya." bati ko sa pinaka-close kong katulong.

Siya kasi ang nag-alaga sa akin since bata pa ako. Kasi naman laging busy ang parents ko sa abroad. Marami kasi kaming business all over the world and our family is one of the Top 10 richest family in the country. Bongga pero nakakalungkot.

"Good morning din my dear princess. Ready na ang breakfast mo." sabi sa 'kin ni Yaya.

"Thank you po Yaya." tugon ko.

Umupo na ako sa upuan at kumain ng breakfast.

- RODRIGUEZ UNIVERSITY -

Nandito na ako ngayon sa pinapasukan kong University na pagmamay-ari namin. Oo, sa amin 'tong University na 'to. Pero mabait ako sa mga schoolmates ko.

"Good morning Al." bati sa 'kin ng isang estudyante.

"Good morning din." bati ko rin sa kanya.

Maraming bumabati sa akin habang naglalakad ako sa hallway.

"Al!" narinig kong sigaw ni Ann tapos niyakap niya ako bigla.

"Oh Ann, napano ka?" tanong ko sa bestfriend kong si Ann.

"Na-miss kita Al." - Ann

"Ang OA mo bes. Two days lang naman tayo hindi nagkita." sabi ko sa kanya.

"Eh sa na-miss kita eh." - Ann

Bumitaw si Ann sa pagkakayakap sa akin. Napaka-sweet talaga nitong bestfriend ko.

"OMG girls! Andyan na si Joseph our loves." narinig kong sabi ng isang babae.

Waaaa! Nandito na raw si Joseph.

"KYAAAAAAAAAAAAA!" tilian naming mga babae.

OMG! Nandyan na si Joseph my loves.

Siya yung tinutukoy kong lalaking mahal ko. Bukod sa gwapo na, mabait pa siya sa mga girls na sumasalubong sa kanya.

Siya ang ideal man ko at siya ang gusto kong pakasalan.

Napatingin ako sa main gate at nakita ko si Joseph na pinapalibutan ng mga girls. Waaaaa! Ang gwapo talaga niya. Enebe!

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

"Waaaaa! Nakita mo 'yon Ann? Nag-smile siya sa akin." sabi ko kay Ann sabay sabunot sa kanya.

Baka mangisay na ako sa kilig.

"Aray ko Al tama na! Lagi mo na lang ako sinasabunutan kapag nakikita mo si Joseph." inis na sabi sa 'kin ni Ann.

"Sorry Ann." sabay peace sign ko sa kaibigan ko.

"Hi." bati sa 'kin ni...

O_____O

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Waaaa! Ang lapit ni Joseph sa akin! Kenekeleg eke neng herd.

"I'm Joseph Lo." pagpapakilala niya sa sarili niya.

Kyaaaa! Nagpakilala siya sa akin. Ito na ba ang start ng love story namin? Enebe!

"I'm Alex Rodriguez." pagpapakilala ko naman sa sarili ko. Syempre, may halong hiya ang boses ko.

"Kilala na kita dati pa. Ikaw ang anak ng may-ari ng school na 'to." sabi sa 'kin ni Joseph.

Waaaaa! Kilala niya ako dati pa. Nakakakilig! Sorry, marupok ako eh. Enebe!

"Pwede bang makuha ang number mo?" tanong sa 'kin ni Joseph.

Yiiiiieeeeeee! Kukunin pa talaga niya ang number ko.

"Akin na ang phone mo." mahinhin kong sagot sa kanya. Siyempre gora na ako.

"Here." Inabot niya sa akin yung phone niya.

Pagka-open ko pa lang ng phone niya ay isang topless picture niya agad ang nakita ko.

Wallpaper niya.

Kyaaaa! Ang yummy naman niya. 6-pack abs tapos well-toned chest pa. He's so perfect. Mas lalo tuloy akong na-fall. Enebe!

Tinype ko yung number ko sa phone niya.

"Ito na." sabi ko kay Joseph.

"Thanks." nakangiting tugon niya sa 'kin.

*riiiiiinnnnggggggg!*

Magsisimula na ang flag ceremony.

Pumila na kami ni Ann sa section namin.

***

Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta na kami ni Ann sa class namin. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Enebe!

"AL!" - Ann

"Ay kabayo."

Nagulat ako sa sigaw ni Ann.

"Kanina ka pa tulala." sabi sa 'kin ni Ann.

"Enebe Ann! Hindi pa rin ako maka-get over kanina." tugon ko sa aking kaibigan.

"Edi wow enebe queen." - Ann

Nice talking huh.

*krrrrriiinnnggg!*

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Chineck ko kung sino yung tumawag at unregistered number ito.

Sinagot ko yung tawag.

"Hello. Sino 'to?" tanong ko sa kabilang linya.

("Alex, si Joseph 'to.")

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Kyaaaa! Tinawagan niya ako. So sweet at nakakakilig. Enebe!

"Napatawag ka Joseph?" mahinhin kong tanong.

("Kasi aayain sana kita mamayang after class na kumain sa labas.") sabi sa 'kin ni Joseph.

Waaaaa! Inaaya niya akong kumain sa labas. He is asking me a date? Enebe!

"Sige saan?" tanong ko.

Hay naku Alex. Wag kang nang tumanggi. I-push mo na 'yan.

("Ite-text ko sa 'yo yung address.") sagot sa 'kin ni Joseph at nag-end call na siya.

Tinext nga sa akin ni Joseph yung address. Enebe!

Pagkatapos ng klase ay pumunta ako sa address na tinext sa akin ni Joseph. Nasa tapat ako ngayon ng isang restaurant. Syempre, dapat maganda ako sa harap niya kaya nag-make up talaga ako.

Habang naghihintay ako ay may biglang tumigil na kotse.

"Hi Alex." - Joseph

Nakita ko naman si Joseph sa loob ng isang kotse. Bumaba siya sa kotse niya. Gosh! Why so pogi? Enebe!

"Shall we?" magalang niyang aya.

Tumango ako at pumasok na kami sa isang restaurant.

Nang nakapasok na kami sa loob ay umupo kami sa seat na good for two.

"Ano ang gusto mong kainin?" tanong sa 'kin ni Joseph.

Tiningnan ko naman yung menu at sinabi ko kay Joseph ang gusto kong kainin. Muntikan ko na ngang sabihin ang salitang 'ikaw' kay Joseph eh. Buti napigilan ko 'yon. Enebe!

"Ito na po ang order niyo." sabi ng isang waiter at inilagay nito sa mesa ang inorder namin.

Tahimik kaming kumakain ni Joseph. Grabe, ang sarap ng pagkain dito. Sana araw-araw niya akong ayain dito. Chos!

"Ahm Alex?" tawag sa 'kin ni Joseph.

"Ano 'yon Joseph?" tugon ko sa kanya.

"May ipagtatapat pala ako sa 'yo." sabi sa 'kin ni Joseph.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ha? May ipagtatapat siya sa akin? Ano naman ang ipagtatapat niya?

Huminga nang malalim si Joseph.

"I like you." sabi sa 'kin ni Joseph.

Natulala naman ako dahil do'n.

"I like you."

"I like you."

"I like you."

"I like you."

Totoo ba ang narinig ko? He likes me raw? For real? Kyaaaaaaaaa! Kinikilig ako. Enebe!

"I like you too." sabi ko naman kay Joseph.

"Really?" hindi makapaniwalang reaksyon niya sa 'kin.

Tumango naman ako sa kanya.

"Okay, be my girlfriend Alex." sabi sa 'kin ni Joseph.

Wala sa sarili akong tumango.

***

Processing...

1%

2%

5%

10%

25%

50%

75%

100%

Loading Complete...

***

ANONG SABI NIYA? BE MY GIRLFRIEND DAW? AT TUMANGO AKO? WAAAAAAAAA! OH MY GOD!

Boyfriend ko na siya!

For real!

Enebe!