webnovel

Chapter 1

Nakahiga si Althea sa kanilang kama nang bigalang tumunog ang kanyang cellphone.

pamilyar sakanya ang numerong nagpakita sa screen.

"Nathan?" sambit niya nang sagutin niya ito. wala ang kanyang asawa sapagkat sa kabilang probinsya sya nag tatrabaho.

"Hi kumusta" sagot ng nasa kabilang linya.

"Ayos lang naman , ikaw? nakaalala ka?"

" ayos lang din, wala, naisip ko lang mangamusta"

"Ah ganun ba eto, nag aalaga ng bata , ang hirap magkaanak, nakakapagod, nakakapuyat, pero di ka pwedeng sumuko."

"Ganyan talaga, konting tiis lang naman"

"Kumusta ka naman? kayo ng girlfriend mo?"

"Ok lang naman , ayun palagi kaming nag aaway parang tayo lang dati"

" Bakit ka pumapayag na. nagtatagal yung away niyo? hindi ka naman ganyan dati sakin"

"Ewan ko ba? inaantay ko lang na siya yung makipag hiwLay , kasi syempre nakakahiya naman kung ako makikipag hiwalay."

"Sabagay"

umiyak yung bata.

"Nathan sige na , mag text ka nalang , umiiyak na kasi baby ko "

"ok ingat ka palagi"

binaba na nila ang telepono..

nagkatext sila at madaming bagay silang napag uusapan . bagay na hindi nagagawa ng kinakasama ni althea.