webnovel

OneSoul13

tatlong araw bago mag pasukan, ako'y nanabik at kinakabahan sa lahat ng pwedeng mangyari.

kasalukuyang nasa kagubatan ako sa mundo ng mga tao dahil hindi pwedeng sa white kingdom agad ako mag mumula kapag pumasok ako sa White Kingdom Academy kasama ko ngayon si kuya Paxton tinuturo niya sa akin ang lagusan na kailangan kong lusutan upang makapasok sa White Kingdom.

Naka Plano na ang lahat, upang di malaman Ng kahit sino na ako ang inaakala nilang patay na prinsesa.

"Little sister galingan mo ang pag arte ha. wag ka mag alala kasulukuyang nasa kagubatan si paxton ngayon kasama kaniyang mga kaibigan. Kaya paniguradong makikita ka agad nila" nakangiting sabi ng aking napaka gwapong kuya, dalawang taon lamang ang agwat nila sa akin ni kuya Paxton.

"ako na ang bahala kuya, ready na ako!" tumango naman siya at Kinausap ang mga hayop sa gubat. ang kailangan nitong gawin ay habulin ako hanggang sa makapasok ako sa lagusan.

Napatingin ako sa mga hayop na nasa aking harapan. isang Leon isang tigre isang cheetah at ang napaka laking Toro. kayang kaya ko silang kausapin ngunit hindi maari dahil aamo sila sa akin at baka di nila magawa ang kanilang misyon.

agad akong kinalmot ng tigre sa aking braso ng mawala na sa aming paningin si kuya Pierce. Agad akong tumakbo ramdam na ramdam ko ang kirot sa aking braso at pag tulo ng dugo mag mula sa sugat na gawa ng Leon. naramdaman ko na naman ang panibagong pag diin ng kuko sa aking likuran napaka hapdi nito ngunit hindi ko pwedeng bigyan ng pansin dahil malapit ng magsara ang lagusan mula sa mundo ng mga tao papunta sa white kingdom. Unti unti na akong lumuha dahil sa sakit na aking nararamdaman . makailang kalmot pa ang aking naranasan sira sira na din ang aking damit hanggang sa naramdaman kong lumusot na ako sa lagusan.

"tulong tulungan niyo ako hinahabol ako ng mga hayop sa gubat" Umiiyak na sambit ko naramdaman ko namang may nabangga akong katawan pagkalabas ko sa lagusan.

"tulong tulungan niyo ako" huling sambit ko bago ako mawalan ng malay. marahil ay napaka daming dugo na din ang nawala sa akin dahil sa mga malalalim na kalmot sa akin ng mga hayop na humabol sa akin.

nagising ako sa hindi pamilyar na lugar, puro puti ang paligid ramdam kong nasa loob ako ng kaharian ng white kingdom ngunit hindi ko Alam kung saang parte ito.

napatingin ako nung may nagbukas ng pintuan sa silid na kinaroroonan ko, pumasok ang isang babae na marahil ay nurse dahil sa kanyang pananamit kasunod naman niya ang apat na lalaki ang tatlo ay hindi ko kakilala ngunit ang Isa ay si kuya Paxton.

"nasaan ako? Sino po kayo?" pagkukunwaring tanong ko, Hindi ko naman talaga sila kilala lahat maliban sa aking kapatid.

"magpahinga ka muna, madaming dugo ang nawala sa iyo dahil sa mga sugat na natamo mo. wag kang mag alala maghihilom din agad yan" nakangiting sambit ng nurse habang nakatingin lamang ang apat na lalaki sa akin, bakas naman sa mukha ng aking kapatid ang pag aalala.

"pero nasaan po ba ako? ang pag Kaka alala ko kasi ay nasa gubat ako at hinahabol ng mga mababangis na hayop" pwede na talaga akong maging artista ang galing kona yata magpanggap.

"nandito ka sa White Kingdom Academy ako nga pala si Minzy ako ang gumagamot sa mga nasugatan dito sa White kingdom" kumunot ang noo ko tumingin ako sa mga lalaking nasa gilid niya

" White kingdom academy? ako'y naguguluhan. paano nag karoon ng paaralan sa loob ng kagabutan? at Sino naman kayo?" sunod sunod na tanong ko habang nakatingin sa mga lalaking nasa gilid nung nurse dito

"kami ang nakakita sayo nung nawalan ka ng malay, bago ka mahimatay nabangga mo ang isa sa amin Wala nga lang siya dito ngayon ngunit siya ang nagbuhat sayo mag mula sa kagubatan hanggang dito sa clinic ng academy ako nga pala si Markian" pagpapaliwanag nung lalaking kulay black ang buhok, brown ang mga mata at kayumanggi ang kulay ng balat. lalaking lalaki ito kung titignan di papahuli ang ka gwapuhan nito sa aking mga kapatid.

" Ako naman si Calum magpahinga ka muna sa ngayon, babalikan kanalang namin mamaya para makausap mo ang headmaster ng paaralang ito siya na ang bahalang sumagot ng mga katanungan mo dahil kahit kami'y hindi rin namin kayang sagutin iyon. " Sabi Naman ng lalaking kulay asul ang buhok gayundin ang kanyang mga mata maputi naman ang balat nito katulad ng sa akin

" Ako naman si Harris magpahinga Kang mabuti Ms. Ganda " nakangiti naman sabi nung lalaking may shades na green ang buhok dark green ang mga mata katamtaman naman Ang kulay ng balat ng isang to parang medyo mamula mulang maputi. Gwapo ba lahat ng tao dito?

" ako naman si Paxton may gusto kabang kainin? para maikuha ka muna namin bago kami umalis?" pakilala ng aking kuya umiling na lamang ako Hindi pa naman ako gutom

"Maari ba namin malaman ang iyong pangalan?" tanong ni Calum yung lalaking kulay blue ang buhok

" Vienna.. Vienna Huxx" pangalan ko pa din ang aking ginamit dahil hindi naman nila Alam na napangalanan ang prinsesa na namatay dahil hindi naman ito napakilala sa buong White Kingdom.

" napaka gandang pangalan kasing ganda ng may ari " Sabi ni Harris at kumindat pa ito sa akin tinignan ko nalamang siya mukhang chick boy lalaking ito. napansin ko naman na palihim na siniko ng aking kuya ang lalaking ito.

" pag pasensyahan mona ang lalaking ito, may problema Kasi ito sa utak" Sabi naman ni Markian habang hinahanatak palabas si Harris

" mauuna na kami Vienna babalikan kanalang namin mamaya " paalam ni Calum at nag silabasan na silang lahat kasama ang nurse tumango naman muna sa akin si kuya bago siya lumabas ng silid na aking tinutuluyan ngayon.

Dahil sa Wala naman akong magawa naupo na lamang ako sa upuan malapit sa bintana ng silid na ito. napakaganda ng tanawin sa labas, Hindi ko man Lang napag masdan ang buong white kingdom sa loob ng dalawang pamamalagi ko rito.

napatingin ako sa salamin sa aking harapan, Ang dating kulay brown kong buhok at kulay berdeng mga Mata ay nagbago ginawa kong kulay itim ang aking buhok na may highlits na gray at ginawa kong gray din ang aking mga Mata. laki agad ng nabago sa aking itsura dahil dito.