webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · Teen
Not enough ratings
21 Chs

[2] PSYCHOTIC LOVE

[2] PSYCHOTIC LOVE

"Lucus love. 'Wag muna tayong magkita, you know, hindi na busy si Zephier. It only means na always siyang nandito sa bahay." napatigil ako ng narinig ko ang boses ng ate ko sa kusina. I decided to take a peek to know kung sino ang kausap n'ya.

"'Wag kang matakot, love. I will not let her hurt you like what she did to your best friend." Bigla kong naramdaman ang pag init ng ulo ko at ang pagragasa ng dugo sa katawan ko. I feel energized. Para gusto kong ubusin ang lakas ko sa pananakit ng taong dahilan ng pagkakaroon ko ng ganitong pakiramdam.

"I-I'm just scared, you know she's insane!"

I silently sat near them that they didn't noticed because they're busy talking to each other. I hummed the twinkle twinkle little star song that make their heads and wide eyes turn on me.

"Hi, big sis!" I giggled before waving my hands in front of her face and slap her on purpose. "Ooppss.. Are you okay, big sis?" I laugh before standing.

Perseus Lucus, my boyfriend, immediately take my sister behind her. Oh, how sweet, like a prince protecting his princess.

My sister sobbed loudly before letting out a cry. I tsked, "What a cry baby."

"Zeppy!"

"Yes, my dear BOYFRIEND?" I said emphasizing the word 'boyfriend'

"Tumigil ka nga! Pinapaiyak mo si Jessa!" he shouted. "Alam mo? Pagod na ako. Hindi na kita mahal! Hindi, kahit kailan hindi kita minahal! Tigilan mo na ang kahibangan mo, Zephier! Kahit kailan hinding hindi kita mamahalin, alam mo kung bakit? Dahil baliw ka! Baliw!"

I stared at him blankly, may bigla akong naalala. This scene is familiar.

--

(flashback)

"Hello, sister's bestfriend." bati ko sa babaeng nakaupo sa kama ng boyfriend kong si Zach.

"Z-Zephier." gulat s'yang napatayo. Halata ang kaba na nakaukit sa kaniyang mukha at takot sa kaniyang mata. Tinaas ko ang dalawa kong kilay bago ngumiti sa kan'ya. "Anong ginagawa mo dito--" napatigil s'ya nang ma realize n'ya ang tanong n'ya. "I mean--"

"Why? Mali bang nandito ako sa kwarto ng 'Boyfriend ko'?" nawala ang ngiting nakaukit sa labi ko. "Ikaw dapat ang tinatanong ko." naglakad ako papalapit sa kan'ya dahilan upang mapa atras s'ya. "Anong," sinamaan ko s'ya ng tingin habang patuloy na naglalakad papalapit sa kan'ya, "Ginagawa mo," patuloy ko at dahan dahang ipinasok ang aking kamay sa bulsa ko sa likod, "Sa kwarto," inilabas ko ang patalim na nakatagod sa likod ko at dahandahang hinarap at itinutok sa kan'ya, napatulala s'ya at namutla sa nakita, "Nang boyfriend ko?" napasandal s'ya sa pader at wala nang maatrasan.

"Z-Zephier, we can talk about this.." nalalaki ang mata n'ya at kunwari na tumatawa, "I can explain." tinignan ko lang s'ya ng masama at itinutok ang aking hawak sa leeg n'ya. "Z-Zeppy."

Gamit ang isa kong kamay ay hinila ko ang balikat n'ya papalapit sa'kin dahilan upang mapatalikod s'ya at napatili.

"Zephier!" tili n'ya.

Idiniin ko ang aking hawak sa kaniyang leeg dahilan upang sumirit ang kaunting dugo mula sa leeg n'ya.

"B-Bakit mo ito ginagawa?" habol ang hiningang saad n'ya.

"Kung sanang pinagisipan mo muna ang ginagawa mo, edi sana wala ka dito ngayon."

Saglit kong inlayo ang patalim sa leeg n'ya at idiniin ulit ng kaunti. Nagpumiglas s'ya at naiyak. Sinabunutan ko s'ya at inilayo ulit at patalim bago s'ya inuntog sa pader dahilan upang manghina s'ya at tumigil sa pagpupumiglas. Iniharap ko ang mukha n'ya sa mukha ko gamit ang paghila sa kanyang buhok, "Akala mo hindi ko malalaman?" inuntog ko ulit s'ya at iniharap ulit, wala na s'yang nagawa kundi ang umiyak nalang, "Nagkakamali ka." pinakatitigan ko ang mukha n'ya na puno ng sarili n'yang dugo bago s'ya binalibag sa sahig.

Gumapang s'ya papalayo sa'kin nang binitawan ko s'ya. Dinampot ko ang puting kumot na maayos na naka lagay sa ibabaw ng kama bago lumapit ulit sa kan'ya.

"May lakas ka pang gumapang, huh?" ibinalot ko ang ulo at katawan n'ya gamit ang kumot at hinawakan ulit ang buhok n'ya sa pagitan ng kumot. Nagpumiglas s'ya kaya agad kong itinutok sa sentido n'ya ang tulis ng kutsilyo. Akmang itatarak ko na sana ito nang marinig kong bumukas ang pinto.

Sandali itong napatigil sa pagpupumiglas at mukhang may tinatantya. Pasimple kong inilapat ang aking palad sa kaniyang bibig upang hindi ito makagawa ng ingay at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya.

"Love--? Zeppy? A-Anong ginagawa mo dito?" gulat na saad nito ng makita akong nakatayo sa sulok at may hawak na telang puti. "Ano nanaman ba 'yan, Zephier?"

"Hi, Zach! Love? Who's that? Ako ba 'yun?" ngumiti ako, naramdaman ko ang pagpumiglas nang hawak ko pero mas hinigpitan ko ang paghawak ko dito.

"Zeppy, may sasabihin at aaminin ako sa'yo." huminga ito nang malalim bago nagpatuloy, "I'm breaking up with you, Zephier. I know that you're not a fool to realize that I didn't love you. You know your sister's bestfriend, Yearn? S'ya ang mahal ko, kaya pwede ba umalis ka na kasi any minute from now ay pupunta na s'ya dito, she's on her way to get here at ayokong makita ka n'ya dito."

Para akong tinambol dahil sa narinig, parang mas gusto kong saktan ang dahilan ng lahat ng ito. Unti unti kong nabitawan ang hawak ko. Rinig ko ang pagbagsak nito sa sahig at ang iyak nito. Nakita ko ang panlalaki ng mata nang lalaking nasa harapan ko at napatulala s'ya habang nakatingin sa babaeng nasa sahig.

"Eto ba?" turo ko sa babaeng naghahabol ng hininga. "Ang dahilan? Ang ipinalit mo sa'kin?" madiin kong saad.

Parang natauhan naman sya't dali daling nilapitan ang bruha sa sahig. "Love? Love?" napairap nalang ako. "Anong ginawa mo sa kan'ya, Zephier?!" anito at pinunit ang kumot at madiin na inilagay sa leeg nitong puno ng dugo bago binuhat at lumabas. Pero bago s'ya makalabas ay humarap s'ya sa'kin at sinamaan ako ng tingin, "'Wag na 'wag kang magpapakita sa'kin Zephier, baliw ka, baliw! Hinding hindi kita mamahalin."

Naiwan naman akong nakatayo doon at nakatitig sa pinaglabasan nila.

'Nagmahal lang naman ako.'

---

Nagdilim ang paningin ko at hinablot ang kutsilyo na maayos na nakalagay sa lalagyan. Napatili ang bruha kong kapatid dahil doon.

"Ba't ba hindi ko naisip 'yon? Bruha't malandi ka din kagaya ng kaibigan mo." lumapit ako sa kanila dahilan upang mapaatras sila.

"Zeppy!" sigaw ni Lucus.

Mabilis akong lumapit sa kanila at akmang sasaksakin sila't bahala na kung sino ang tamaan sa kanilang dalawa, wala na akong pakialam dahil ang alam ko lang ay deserve nilang masaktan. Sinaktan nila ako! Nagmahal lang naman ako.

"NGAYON NA!" napatigil ako ng buong lakas na isinigaw ni Lucus ang dalawang salitang 'yon. Nagtataka akong tumingin sa kanya, at bago pa ako makakilos ulit ay naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa buo kong katawan dahilan upang mapasigaw ako sa sakit na nararamdaman.

"I'm sorry, Zephier."

---

Akane Daltsuki