webnovel

Chapter 2

Hindi nagising si Brielle sa alarm ng cellphone. Kaya nagmamadali siyang lumabas ng dorm niya. Basa pa ang buhok at ni hindi niya naayos ang pagkakasuklay niyon. Alas syete ang usapan nila ni Ivan na magkikita sa hallway malapit sa registrar. Ngunit alas otso na ng magising siya. Nakipag kwentuhan pa kasi sa kanya si Abigail tungkol sa mga flings nito. Kahit antok na antok na siya nahiya naman siyang tulugan ang babae.

Nakarating siya sa hallway pero wala na doon si Ivan maaga siguro ang unang klase nito. Maging siya ay maaga din kaya lang late na talaga siya first day pa man din.

Pagkagaling sa registrar at makuha ang mga listahan ng subjects niya pati room number. Naglakad na siya para hanapin ang pangalawang subj. Hindi na kasi siya aabot sa una.

Napabuntong hininga siya habang naglalakad at nakatingin sa papel.

"Saan ba to? Ano ba yan..."

Hindi niya namalayan na ibang direksyon na pala ang nilalakbay niya dahil sa sobrang busy sa pagtingin ng schedule. Kaya bumangga siya sa isang bulto.

Napa ngiwi siya at napatingala sa lalaking nakatalikod.

"Yes?" Tanong nito at tumingin sa kanya.

Hiyang hiya siya. Paano ba naman kasi kasama nito ang mga kaibigan mukhang nagkukukwentuhan.

Bakit ba kasi hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya.

Maging ang mga kasama nito ay napatingin na sa kanya.

"I'm sorry.. hindi ko kasi kayo napansin," nakangiwi pa ding sagot niya.

Tumaas ang dalawang kilay nito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa tsaka humalukipkip.

Gustong din sanang taasan ni Brielle ng  kilay ang lalaki. Sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya. Mukhang dismayado ito sa nakita. Well hindi naman kasi pang model ang beauty niya. Pero hindi din naman siya panget, no'!

Sabagay sa gwapo ba naman nito. Siguradong magaganda ang lumalapit dito.

Nasa 6ft. Siguro ang lalaki hindi pa nga siya umabot sa balikat. Maputi, matangos ang ilong makipot ang mga labi. Nakatali ang wavy na buhok nito patalikod. May tattoo sa kaliwang braso at maganda ang built ng katawan o sabihin na nating sexy!

Napansin siguro nito na sinisipat niya ito. Kaya biglang ngumisi ang mokong.

"So? You find anything that you did'nt like?" Tanong nito na nakataas ang sulok ng mga labi. Sa mapanudyong ngiti.

Sus! Ang hangin naman ng isang to! Hindi ko type ang may mga tattoo no! Gusto sana niyang sabihin dito. But instead she rolled her eyes at nilayasan ang lalaki.

Feeling gwapo! Naiiling na wika niya sa sarili.

Buti nalang nakasalubong niya si Abigail.

"Brielle! Girl!" Tili nito

Kuntodo pustura ang babae. Checkerd na pulang dress ang suot nito at mukhang professional make up artist ang nag make up dito may pa contour pa.

"Asan' ba tong building na to'?" tanong niya dito at pinakita ang papel.

"Dun' yan sa likod ng gym, Tara sasamahan kita."

"Thanks! Na late kasi ako ng gising. Naiwan na tuloy ako ng bestfriend ko," anya at  sinisimulang itext si Ivan kung nakapasok na ba ito.

"Anyway..." she side glanced at her

"nakita kita kanina."

She turns to her "Ha?" Nagtatakang reaksyon niya habang sinusuksuk na sa bag ang cellphone matapos itext ang kaibigan.

Naglalakad na sila papunta sa building kung saan ang susunod na subject niya.

"Kanina Kausap mo Sebastian!" Exaggerated na sagot nito.

"Sino yun?" Clueless pa din na tanong niya.

"Yung kaninang gwapo na may tatts! OMG, Brielle. Anong sinabi niya sayo?" Tili nito.

Sebastian pala ang pangalan ng mayabang na yun.

"Ah, 'yun ba? Wala naman. Hindi sinasadyang nabangga ko lang siya," pabalewalang sagot niya.

"Anong sinabi niya?" excited na tanong ulit nito.

Gusto niyang simangutan ang babae dahil halatang  interesado ito sa lalaking nakabangga niya. Kaya lang kabago-bago nilang mag kaibigan, eh. baka sabihin nito may attitude siya.

"Ewan ko dun. Did I find something that I dont like daw. Siguro sa itsura niya feeling niya kasi sinisipat ko siya," hindi niya napigilang malukot ang mukha.

"Talaga sinabi niya yun!!! Omg ang swerte mo! Kinausap ka niya. Alam mo ba? campus crush yun gurl, As in! Usap-usapan ng mga babae yan! Kung gaano siya kagaling sa---"

Ibinitin nito ang sasabihin na parang naiihing ewan.

"Kagaling saan?" Nagtatakang tanong niya ulit.

"Sa sex! Ano ka ba naman you're so naive!" Natutuwang sabi nito.

Napailing-iling siya. "Really? Bakit batayan ba 'yun para magustuhan ang isang lalaki?" napa-ismid siya.

Kahit kailan hindi niya gagawing batayan ang sex para lang magkagusto sa isang lalaki no'! Kahit wala pa siyang experience!

"Dont tell me? Wala ka pang experiemce girl?" Usiserang tanong nito.

"Well.. hindi ko masasabi----" hindi niya naituloy ang sasabihin ng may makitang pamilyar na mukha.

Sinundan ni Abigail ang tinitingnan niya.

"Do you know him?"

Tumango siya.

"Dito din siya nag aaral?" Wala sa sariling wika niya.

Si Jasper, school mate niya noon. Nauna lamang ito grumaduate sa kanya dalawang taon na ang nakalipas.

Her Ultimate crush. May banda sa skwelahan nila ang lalaki kaya kilala ito noong high school sila.

"I think that's Jasper? Am I right?" Singit ni Abigail sa pag-iisip niya.

Kumunot ang noo siya. Ganito ba talaga ka chismosa ang babaeng ito at pati si Jasper kilala nito?

"Bakit mo siya kilala?" nagdududang tanong niya. "Siya ba yung kinukwento mong ka- fling?" Dagdag niya.

"Of course not!" tumirik ang mata nito. "Hindi ko type ang mga ganyang lalaki 'no. Nakilala ko lang siya sa common friend at magkaklase kami sa isang sunject."

Tumaas ang kilay niya.

"Bakit naman? Schoolmate ko yan nung high school, may banda kaya siya at magaling mag guitar! Kumpara naman dun sa lalaking sinasabi mo kanina," nanulis ang nguso niya.

Nagpatuloy na ulit sila sa paglalakad.

Abigail roll her eyes. "Duh? Seryoso Brielle? Ikumpara daw ba yan kay Sebastian? Well sabihin na nating may looks din naman yang si Jasper at talent na din sige. But compared to Seb. Jusko naman david at goliath girl!"

Hindi papatalo si Brielle! Ultimate crush niya kaya si Jasper! Ilalaban niya to ng debate.

"Bat' mo naman yan nasabi, aber? Ano bang pinagmamalaki niyang Sebatian na yan, bukod sa sex na sinasabi mo."

Parang kiniliti na naman ang gaga ng sabihin niya ang sex. Hindi kaya naging ka-fling nito ang lalaking 'yun.

"Well.. bukod sa may ipagmamalaki naman talaga siya, you know what I mean. Isa din siyang sex god!" Gustong umikot ng eyeballs ni Brielle sa word na sex god.

"And wait there's more!" Kumumpas pa ang isang daliri nito sa ere. "Isa siyang member sa kilalang fraternity dito sa university. Mga kilalang tao lang daw ang kasali dun at sabi ng mga Prof. Dito sa university he will become the most promising Engr. In his generation. Ngayon pa lang daw ay pinag aagawan na ito ng mga kumpanya pag graduate ni Seb! See how could you not like him? Huh?" May pagmamalaking wika ng babae.

Daig pa nito ang binayaran para ipangampanya ang lalaki.

"Pero hindi yun dahilan para magustuhan ko siya. Come on! Alam ko galing siya sa kilalang pamilya kaya madali na para sa kanya ang lahat. Unlike sa mga katulad natin na nasa middle class we strive harder. Kaya hindi pa din ako bilib dyan sa Seb na yan. I will still go for Jasper!"

"Uy! Never judge the book by its cover sabi nga nila!" Ayaw pa din patalo na wika nito.

"Hindi ko siya jinujugde no. Im just stating the fact here" sagot niya dito.

"Oh well. Yang Jasper mo madami daw failing grades! Magkaklase kami sa isang subj."

Doon na siya na off guard at biglang nag alala para sa dating ka eskwela.

Parang nagdiwang ang bruha dahil natigilan siya.

"See! I told you---" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang nagsalita.

"Nandito na po ako sa building ko! Bye see you later!"nagmamadaling paalam niya. Para matapos na ang diskusyunan nila.

Naisip niya bigla si Jasper. Ano kayang nangyari sa lalaki. Naka moved on naman na siya sa pagkakaroon ng crush dito. Pero napapaisip pa din siya magaling naman sa klase dati ang ka eskwela.

Maya maya sumingit naman sa isip niya ang mayabang na lalaki.  Promising Engr. His face hmp!

To continued.