webnovel

One Love To Go

"They say life is like a car, you must drive it even if you don't want. There is so many ways and turns, you must choose one of them. And in my case I am the car and you're my fuel, loving you is like the accelerator that's keeps me going"-Kevin Wilson Noon pa man ay itinatak na ni Iris Morgan sa kaniyang isipan na walang magandang maidudulot ang mga mayayaman: dahil kapag mas mayaman,mas basura ang tingin sa mga mahihirap.Namuhay siyang simple at kontento na sa kung ano man ang meron sa pamilya niya,kahit pa isa lamang silang pobre.Pero simula nang makilala niya si Kevin Wilson na isa ring mayaman ay tuluyan nang nagulo ang isip niya Sinong baliw na lalaki ang manliligaw para makipag kaibigan? Para sa kaniya,ang buhay ay parang isang sasakyan na malapit ng maubusan ng gasolina ngunit kailangan pa ring magpatuloy kahit ano pang madaanang pagsubok,hanggang makarating sa tamang destinasyon. But what will happen after she came to the right place? after She learned all the lesson in her life? after she found the real meaning of happiness? I'm Iris Morgan and this is my story. The story of how I met my one true love and how our lovestory ends unexpectedly

Charahda81 · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 1

I came from a poor and simple family but I'm not ashamed. In fact I feel blessed because of them. Not until I turn in the age of 13 and I become a sick person,halos lahat na ata ng sakit pinakyaw ko na...asthma, scoliosis, liver problem, pneumonia, dengue and so on

Kitang-kita ko kung gaano naghirap yung pamilya ko,kung ilang beses silang mangiyak-ngiyak sa pagkataranta dahil wala na kami halos pera na pang kain dahil sa pagiging masasakitin ko. Hanggang sa umabot sa punto na yung dati kong masayang pamilya ay naging miserable dahil lang sa katulad ko

Yung dati kong responsableng Tatay ay naging manginginom at madalas na uminit ang ulo at ilang beses na rin kaming muntikan na pagbuhatan ng kamay.Yung dati kong masiyahin at palabirong Nanay ay naging malungkutin at bihira ko na lamang makausap ng matino. Ang nag-iisa kong bunsong kapatid na lalaki na dati kong kabiruan palagi ay naging iwas na rin sa akin dahil para daw mas binibigyan pa ako ng atensyon nila Mama at Papa kaysa kanya

Sa school ako umaasa na baka sakali maging masaya ako, na baka sakaling makalimutan ko lahat ng problemang pinagdadaanan ko kahit ilang oras lang sana. Pero nagkamali ako. Kahit sa school marami pa rin pala akong pagdadaanan

High school pa lang ako palagi na akong binu-bully dahil sa wala akong gaanong kaibigan at sa ayos ko palagi na mukhang manang. Tiniis ko lahat 'yon hanggang sa maka graduate ako at maging college . Nakapasa ako sa isang sikat at mamahaling University na karamihan sa mga estudyante ay mayayaman ,artista o hindi kaya ay anak ng mga opisyales. Sobrang saya ko noon,akala ko kasi hindi ko na mararanasan 'yong mga naranasan ko noong Highschool ako, akala ko totoo 'yong sinasabi ng iba na lahat ng nasa college ay mature na kaya hindi na uso ang salitang 'Bully'

NAPASINGHAP ako nang bigla na lamang may bumangga sa akin dahilan para parehas kaming matapunan ng juice na inutang ko pa sa Cafeteria namin

"Stupid! punasan mo 'yan! hindi mo ba alam na mas mahal pa 'yan kaysa buhay mo?!" Sigaw ni Chloe na isa sa mga cheerleader ng University namin. Mayaman siya,kaya katulad ng iba basahan lang din ang tingin niya sa akin

"P-pero ikaw yung bumangga sa a-akin" hindi ko na napigilan na sumagot, nakaka sawa ng sila nalang palagi ang tama

Isang malakas na sampal ang sinagot niya sa akin. Napatingin ako sa salamin na suot ko kanina na ngayon ay nasa sahig at basag-basag na. Bigla akong napalunok nang maramdaman kong parang naninikip ang dibdib ko

"Huwag mo isisi sa akin ang katangahan mo!" akmang sasampalin niya ulit ako nang bigla na lamang mapuno ng sigawan ang paligid namin "K-Kevin" namamangha niyang saad habang nakatulala sa taong nasa likod ko

Kahit hindi na ako lumingon alam ko na kung sino ang tinitilian nila. Si Kevin Wilson ang anak ng may ari ng school na ito.

Sinong hindi magkaka gusto sa mayaman,gwapo,matalino,may matikas na pangangatawan?

Napilitan akong tumingin sa likod ko nang maramdaman kong parang may nakatitig sa akin. Bumungad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Kevin. Hindi na rin nakakapag taka ang bagay na 'yon, kilala din kasi siya bilang 'Cold hearted Prince'. Iwas siya sa lahat ng mga tao sa paligid niya,wala ni isa ang tumatagal na kausapin siya dahil para ka lamang nakikipag usap sa hangin sa sobrang tahimik. Maski ang mga mata niya ay nakakatakot din na titigan ng matagal dahil para bang lagi iyong nag aapoy sa galit

"What the hell is the meaning of this?" he asked in a serious tone

Nakaramdam ako ng kaunting saya,siguro naman ipagtatanggol niya ako hindi ba? Siya ang anak ng may ari ng school na ito at sinasabing kilala ang mga magulang niya bilang isang mababait na tao at pantay ang turing sa lahat. Siguro naman kahit kasing lamig siya ng yelo ay pantay din ang tingin niya sa lahat ng mga estudyante dito. Hindi naman niya siguro sisirain ang reputasyon ng school na ito hindi ba?. I mean he should be fair

"Kevin... it's h-her fault. Si Iris kasi binuhusan ako ng dala niyang juice" pagsisinungaling ni Chloe

Aangal na sana ako nang biglang magsalita si Kevin "I don't give a f*ck! do whatever you want to do" tinitigan niya ulit ako ng masama "Just make sure to clean up your mess,ayoko ng may nagkakalat sa school na ito. Huwag niyong pahirapan ang mga janitor" pagkasabi niya nun ay agad siyang naglakad palayo

Halos mapangiwi ako sa sakit nang biglang hablutin ni chloe ang buhok ko "Hear that b*tch?! linisin mo yang kalat mo" marahas niya akong itinulak dahilan para mapa upo ako sa sahig

Napuno ng tawanan ang paligid ko. Ang ilan sa kanila ay kumuha pa ng mga lukot-lukot na papel at ibinato sa akin

"Siguraduhin mong wala kang ititirang kalat nerdy!" sigaw ng isa sa kanila pero hindi ko na inalam pa kung sino 'yon

Dahan-dahan kong pinulot ang mga papel na ibinato nila at saka isinuksok iyon sa loob ng bag ko. Muli akong napatingin sa salamin ko na sira-sira na. Hindi ko na napigilan pa na mapa iyak,ilang gamit ko na ang nasira nila at lahat iyon ay matagal ko ng iniingatan dahil bigay sa akin nila Mama at Papa. At kahit pa gusto kong magpabili ng mga bago kong gamit ay hindi ko gagawin,sobra-sobra na akong pabigat dahil sa sakit ko

Napa iling-iling na lamang ako nang maalala ko si Kevin. Akala ko iba siya,akala ko katulad siya ng mga magulang niya.Pero sinong niloloko ko? mas mayaman siya kaya dapat hindi na ako umasa na tutulungan niya ako

Kapag mas mayaman ,mas basura ang tingin sa aming mga mahihirap

Isa yun sa mga pagkakataon na nagtagpo kami ni Kevin Wilson.Pero hindi ko naman alam na masusundan pa iyon