webnovel

BODY

Third Person's P.O.V

Both of their bodies are laying naked on the bed. Her body is as hot as the raging flame of hell while his is as cold as the frostbite of the winter.

Mino's hand was stretched an inches away from Vreihya's fingers under the same blanket that is giving them both the warmth that they need.

Inabot na siya ng antok sa pagdadalawang isip kung hahawakan ba niya ang mga kamay ng binibini. Naunahan na siya ng takot na baka magising ito at biglang ilayo ang kaniyang sarili sa kaniya.

They are both facing each other habang kapwa mahimbing ang pagkakatulog. Ilang sandali pa ay bigla na lamang may nilalang na sumulpot sa isang sulok ng higaan.

Matiim nitong tinitigan ang dalawang magkapareha na batid niyang kapwa may bumabagabag sa mga damdamin.

"Oras na para ikaw ay aking gisingin," garalgal niyang pahayag sa kaniyang matandang tinig at walang ano-ano ay lumapit sa gilid ng natutulog na ginoo.

Marahan nitong hinawakan ang gilid ng ulo ni Mino at biglang may liwanag na lumabas na liwanag dito. Marahan niyang tila hinawakan ang kulay asul na liwanag at nang hawak na niya ito ay ibunuka niya ang palad at marahan itong hinipan.

Agad na lumipad ang liwanag at marahan itong unti-unting nagkaroon ng anyo. Isang yelong estatwa ang lumabas mula sa liwanag.

Hindi naiwasan ng matanda na maluha nang makita ang nagyeyelong estatwa ng isang magandang binibini.

"Ang mundo ay naging marahas saiyo," naaawa niyang pahayag at agad na lumapit sa estatwa at hinawakan ang mga pisngi nito. Unti-unti itong muling nagliwanag at unti-unti ding naglaho ang matanda kasama ng estatwa.

Katahimikan muli ang bumalot sa mala-hardin na silid bago nagmulat ng kaniyang mga mata si Mino. Agad na bumungad sa kaniya ang payapang natutulog na binibini.

Batid niyang tila may kulang na sa kaniyang pagkatao ngunit hindi na niya iyon binigyan ng pansin. Marahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga at iniingatang hindi magalaw nang husto ang kumot upang manatiling nakabalot ang katawan ni Vreihya.

Sa kaniyang pagtayo ay tila hindi na niya ramdam ang malalalim na kalmot sa kaniyang likuran ngunit naroon pa rin ang mga marka ng mga iyon.

Hindi niya maiwasan na mapatitig sa mukha ng binibini. Mabilis na lumukso ang kaniyang dibdib at naramdaman na lamang niya na lumalapit ang kaniyang hubad na katawan sa mahimbing na natutulog na kagandahan.

Marahan niyang sinapo ang pisngi nito ngunit mabilis siyang napaso dahil sa init nito. Nag-aalala niyang hinawakan ang noo ni Vreihya at tumama nga ang kaniyang pinagtanto.

Nilalagnat nang husto ang binibini.

Mabilisan siyang lumabas sa silid at iniwang mag-isang nahihimbing ang dalaga.

Ilang sandali pa ay marahang nagmulat ng kaniyang mga mata si Vreihya. Agad na tila pinukpok ng isang malaking bato ang kaniyang ulo dahil sa sakit.

Agad niyang naramdaman ang kakaibang init sa kaniyang katawan. Mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa makapal na kumot dahil batid niyang tila may mataas siyang lagnat.

"Damn! Sinasabi ko na nga bang lalagnatin ako!" tila panenermon niya sa kaniyang sarili. Ilang sandali pa ay napansin niya ang bakanteng espasyo sa kaniyang tabi.

Napahinga siya nang maluwag ngunit naramdaman niya ang init ng hanging lumalabas sa kaniya.

"Saan naman nagpunta ang lalaking iyon?" naiinis niyang tanong ngunit kaagad niyang winaksi ito sa kaniyang isipan.

Ilang minuto pa siyang naghintay ngunit tila wala na siyang kasama sa palasyong ito at maging sa malawak na kagubatan na bigla na lamang umusbong.

Kahit pa nagagalit siya sa lalaki ay hindi niya maiwasan na magtampo dahil pakiramdam niya ay iniwan siya nito.

30 minutes had passed already.

"Where the hell is he? Talaga bang iniwan niya ako mag-isa?" naiinis niyang pahayag at agad niyang pinilit ang sarili na tumayo. Agad na umikot ang kaniyang paligid sa kaniyang kaunting paggalaw habang tila lalong nadadagdagan ang init ng kaniyang katawan.

"Damn him! I don't need him!"

Muli niyang pinilit na makatayo upang asikasuhin ang kaniyang sarili o hindi naman kaya ay makahanap ng pagkain ngunit nanghihina nang husto ang kaniyang katawan.

2 hours had passed.

She is still laying on the bed, hungry and unwell habang tila naiiyak na siya sa kaniyang nakakaawang kalagayan.

Mapait siyang napangisi sa kaniyang sarili. Isang sarkastikong tawa ang namutawi sa kaniyang mga labi.

"What should I expect? He left me alone in that room for a month tapos aasahan ko ngayon na mananatili siya? I bet he left me already to die alone in this godforsaken forest."

"Bakit niya pa ako kinuha mula sa aking mga magulang and then he will let me suffer this kind of horrible things! He's freaking evil! Anong ginawa ko para maranasan ko ang ganito?"

Halata ang inis at sama ng loob sa kaniyang pananalita ngunit agad na may hikbing tumakas sa kaniyang mga labi. Hindi na niya namalayan na nag-uunahan nang umagos ang kaniyang mga luha dahil sa halo-halong nararamdaman.

"I fell like a damsel in distress and he is the one who put me in distress." Tuluyan na siyang napahagulgol nang husto dahil sa sama ng loob at dahil sa matinding lagnat na kaniyang nararamdaman.

Another couple of hours had passed na ganoon pa din ang kaniyang kalagayan. Mugto na ang kaniyang mga mata sa patuloy na pag-iyak. Siya na lamang ang tanging nakaririnig ng kaniyang mga hinaing at sama ng loob.

Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili at halos magmura siya dahil tila hindi bumababa ang kaniyang lagnat. She felt so done dahil umaasa pa din siya na babalikan siya ni Mino kahit man lang sana may makausap siya sa malungkot na silid kahit pa hindi na siya nito alagaan pa.

"Sana narito si Calix," umiiyak niyang pahayag na tila ba hindi na siya matutuyuan pa ng mga luha.

Hours had passed again and she had enough!

Nagliliyab na siya sa galit at sama ng loob. Tila mas mainit na ngayon kaysa sa iniinda niyang lagnat ang nagpupuyos niyang hinanakit. This is one of the worst thing he had done to her.

Pakiramdam niya ay iniwan siya mag-isa upang mamatay. And she won't let that happen!

Agad niyang naikuyom ang kaniyang mga kamao habang ramdam niya ang init ng mga ito. Wala na siyang aaksayahin pa na oras upang maghintay at umasa. Hihintayin na lamang niya na kusang mawala ang kaniyang nararamdamang mataas na lagnat and she will do things her way.

Kung kanina ay nilalabanan niya ang antok upang maramdaman ang pagdating ng prinsipe, hinayaan niya ngayon na maghari ang pagod at tuluyan siyang sakupin ito.

The moment she closed her exhausted eyes, a bright light was formed at the corner of the room where her back is facing.

Unti-unti siyang nilapitan ng liwanag at mabilis itong pumasok sa kaniyang dibdib. Tuluyan siyang nabalot ng nakakasilaw na liwanag at mabilis siyang napahiga nang maayos.

Marahan na umangat sa ere ang kaniyang katawan habang natatakpan ng kumot ang maseselan na bahagi.

Malakas na pwersa ng hangin ang siyang bumalot sa silid habang tila may kung anong diwa ang nagigising sa kaibuturan ng binibini.

Nang unti-unting nawala ang liwanag ay unti-unting muling lumalapat ang kaniyang likuran sa malambot na higaan.

"Gumising ka na mahal kong apo."

Marahan na nagmulat ng kaniyang mga mata si Vreihya ngunit agad siyang napatingin sa biglang bumukas na pintuan at agad na pumasok mula doon si Mino na may dala-dalang malaking bag habang nakasuot na siya ng pangmaharlikang kasuotan na lalong nagpakisig sa kaniya.

Agad siyang nakaramdam ng matinding pananabik na mayakap ang lalaking nasa kaniyang harapan.

Mabilis na ibinagsak ni Mino ang dala niyang bag at mabilis na lumapit kay Vreihya at mapanuyong hinawakan ang pisngi nito.

Sinalubong ng bagong mulat na mga mata ni Vreihya ang nag-aalalang mga mata ni Mino na tila humihingi sa kaniya ng tawad at pang-unawa.

"I am so sorry kung natagalan ako at naiwanan kitang mag-isa. I am so sorry, I came back to the palace and got everything that we need. I bought you clothes dahil alam kong walang kasuotan na para sa iyo sa palasyo. Nahirapan pa akong maghanap ng gamot para sa lagnat mo dahil walang pharmacy sa lugar na ito. All they have is herbs and plants na kinakailangan pa ng dasal at ritwal na kung ano-ano kaya ako mas lalong natagalan. And this stupid pain on my chest na nagpapabagal sa akin nang husto dahil sa malayo ka sakin! Mother can't use her portal to make me come back to you faster dahil nasa pagpupulong siya kasama ang ibang kaharian dahil kumalat ang balita patungkol sa nangyari sa palasyo. Damn those kingdoms! And this freaking dessert is so far na andami ko pang ginawa na kung ano-ano para lamang makabalik ng mas mabilis. I am so sorry kung pinaghintay kita. You don't have any idea kung paano kita inisip, kung paano ako nag-alala kung ano na ang nangyayari sa iyo. I am so sorry."

Magkahalo ang lungkot, inis, pag-aalala at sinsiridad sa mahabang pahayag ni Mino. He wanted to explain further, he wanted for her to know kung paano siya tumatakbo sa kaniyang isip kahit nasa malayo siya.

He wanted to ease whatever negative thoughts she had in her head kung sakali man na inisip ng binibini na iniwan at pinabayaan siya nito.

He is scared for her to think that she is not important for him. Gusto niyang makabawi sa lahat ng mga hindi magagandang bagay na ginawa niya kay Vreihya dahil sa galit.

Kahit na naroon pa rin ang sakit at hinanakit sa kaniyang dibdib ay hindi pa rin niya talaga kaya na basta na lamang pabayaan ang dilag na matagal na niyang itinatangi.

He can't inflict harm to her anymore, not in any form. He just wanted to savor this stolen moment that he has with her.

Calix is right! What if this mysterious dream is the last thing that he can be with her. Hindi niya na gugustuhin na masayang ito sa paghihiganti. He wanted to savor every last bit of this stolen moment with her.

Bahala na ang sakit na nasa kaniya pang dibdib. He just want to be with her and gave her all the love that he could.

This maybe a dream of some sort but he wanted to make this dream the best dream that he ever had.

"I want you to kiss me," mabilis na pahayag ni Vreihya at mabilisan siyang umupo mula sa pagkakahiga.

Agad namang natigilan si Mino sa biglaang pahayag ng binibini. Is what he's hearing was right?

Lalo siyang natigilan nang marahang ibinaba ni Vreihya ang kumot na kaniyang hawak na humaharang sa kaniyang dibdib. Nang malapit ng makita ni Mino ang maselang parte ng kaniyang dibdib ay hinawakan ni Mino ang kamay nito.

"What are you doing?" nagtatakang pahayag ni Mino kahit pa ramdam niya sa kaniyang sarili ang matinding pananabik.

"I want you to have my body, I want us to savor these moments that we have, I want you to own not just my heart and soul but every tiny bit of my body. I want it all to be yours. I love you."

And with that, she completely removed the thick sheet of blanket that is covering her nudity. She was all expose to Mino's eyes. Ilang sandali pa ay mabilisang inangkin ni Vreihya ang mga labi ni Mino na tila nilalamon pa din ng pagkabigla.

Ilang segundo pa ay isang mainit na halik ang kapwa nila pingasaluhan. Parehong nag-aalab at may pananabik ang paggalaw ng kanilang mga labi. In a swift move, Mino is on top of her, feeling every part of her naked body as well as it's warmth and softness.

He broke the kiss for a while and stared at the naked goddess of beauty beneath him. Tila puno ng katanungan ang kaniyang mga matang nakatitig sa dalagang lubusan niyang iniibig.

He felt the screams of his every nerves to savor the delicacy beneath him but his mind is puzzled. Gusto man niya na tuluyan ng mabaliw dahil sa kagandahang kaniyang nakikita at magpatianod sa matinding kagustuhan na lasapin ang bawat parte ng katawan ng binibining nag mamay-ari ng kaniyang puso ay gusto muna niyang malinawan.

"It's me," hinihingal na pahayag ni Vreihya habang nakatitig sa mga mata ni Mino. Tuluyan ng natigilan si Mino ng makita niya kung paano nagliwanag ang mga mata ni Vreihya.

Those scarlet glowing eyes of hers that always made him crazy had turned on the beast inside him.

May pananabik at tuwa niyang muling hinalikan ang binibini. Isang mapanuyong halik na mabilisang nabahiran ng matinding pagnanais na angkinin si Vreihya nang tuluyan.