Zia POV
Pagpasok ko sa kwarto nahiga naman ako. Naeexcite ako dahil makakarating na ako sa maldives. Pero sa isang banda natatakot din, dahil mapapagisa kami ni Xander. "Di bale na nga basta makakarating na ako sa maldives."
Nasa kalagitnaan ako ng pagdedaydream ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon mula sa bedside table ko ng hindi bumabangon. Pagtingin ko sa caller, si Sheena pala ang tumatawag.
"hello" anas ko pagkasagot ng tawag nito.
"gurl! Ano! Buhay ka pa ba? Kilala ko pa ba ako?" biglang hiyaw ng nasa kabilang linya.
Nailayo ko naman bigla ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Sheena. Napabangon naman ako at sumandal sa headboard ng kama.
"Sorry sissy, naging busy kasi ako nitong nakaraang araw eh. Kamusta ka na?"
"Heto buhay pa naman kahit di mo na ako naalala" himig nito na ang pagtatampo. Aminado ako matapos ko syang ayain magbar ay hindi ko na ulit sya nakausap.
"Sorry talaga sissy, babawi ako. Labas tayo, kain tau anywhere, my treat" sabi ko
"hmm. Okay sissy, treat mo ha" anas nito. Napangiti naman ako kasi kumalma na din sya.
"opo" sagot ko
"after that let's go sa bar?" hindi talaga nawawala sa kanya ang gimik sa bar. Napailing na lang ako pero sumangayon na din.
"okay, magbibihis na ako. Ikaw naman ang pumunta dito sa bahay, bring your car"
"No problem! See yah!" binaba na nito ang tawag nya.
Tumayo na ako at nagpunta sa banyo para maligo at magbihis. Pagkatapos ng mahigit dalawang oras dumating na din si Sheena.
Nagulat pa ako dahil ang sexy ng pang itaas na damit nito. Shes wearing a black fitted halter croptop. Kita ang pusod nito kahit nakasuot pa sya ng denim jacket. Naka black jeans din ito ng tattered at black boots.
"Damn! So sexy!" papuri ko dito sabay kindat at kagat sa labi ko. Nag pose pa ang bruha na animoy nagmomodel.
Nagkatawanan na lang din kami. "you look sexy too. And i like that huh! Good bye to the old Patricia and hello to a new sexy, beautiful, gorgeous Patricia" nagkatawanan naman kami sabay apir.
I just wore a white offshoulder blouse at isang black tattered jeans din at black sandals. Parang nagusap kami sa outfit naming dalawa. Parehas kasi kaming naka jeans.
"Let's go?" yaya nito. Umalis na kami, d na ako nakapagpaalam kay daddy dahil tulog daw ito. Nagbilin na lang ako kay manang Tessa.
Sa isang italian restaurant kami kumain, tig isang pasta at isang pizza lang ang inorder namin. Hindi naman kasi kami matakaw.
Iyon lang ang kinain namin pero nagtagal kami sa restaurant, paano ba naman nagku-kwentuhan kami habang kumakain. Minsan napapalakas ang tawanan namin, dahilan para mapatingin ang ibang mga customers sa amin. Hindi na lang namin pinansin dahil sa tagal din naming hindi nagkita. Grabe namiss ko talaga tong babaeng to. Nageenjoy talaga kami kapag kasama namin ang isa't isa.
"Sissy, malapit na..." tukoy nito sa kasal ko. Mukhang excited ang bruha ang lapad ng pagkakangiti.
"oo nga eh" matamlay kong sabi.
"ano ka ba sissy, hwag ka ngang ganyan" anas nito "You know what? Ang swerte mo, bukod sa pogi ang mapapangasawa mo, panigurado akong maaalagaan ka nya"
"paano mo naman nasabi?" takang tanong ko.
"Medyo masungit sya, oo, but he took care of you noong nalasing ka last time na nagbar tayo, remember?" nagulat ako sa sinabi nya? Paanong nandoon si Xander? Hindi ko sya maalala.
"Paano nangyari yun? Hindi ko sya nakita sa bar" takang tanong ko sakanya
"That night kasi, nasa dance floor ako nagsasayaw pagtingin ko sa table natin wala ka na. Hinanap kita sa loob ng bar at nakita kita sa may counter. Out of nowhere biglang lumapit sayo si Xander at aktong inaalalayan ka nya sa pagtayo ng lumapit ako sakanya. Hinatid din muna nya ako. Dahil malapit lang ang condo mo at dis oras na nang gabi kaya sinabihan ko sya na sa condo mo ka na lang nya iuwi. Binigay ko din sakanya yung password ng condo mo." mahabang pagpapaliwanag nito.
"So that means alam na nya yung password ng condo ko?" tumango naman ito.
"Sorry sissy" sabay peace sign.
"it's okay, hindi naman ako madalas doon natutulog" pagkasabi ko nun, ay bigla syang tumayo at niyakap ako.
"thank you sissy" anas nito.
Tinapik ko naman ang braso nya "okay na nga ano ka ba" kumawala din sya at bumalik sa upuan nya. Pagtingin ko sa labas ay magdidilim na pala. Kaya niyaya ko na syang umalis doon.
Madilim na ng makarating kami sa isang bar. Pagpasok pa lang ay halos mapaubo na ako sa usok dito. Madilim ang paligid at tanging neon lights lang ang nagbibigay liwanag dito.
Sa bar counter na kami pumwesto ni Sheena. "1 pink lady cocktail please" order ko sa bartender.
"1 martini for me" order naman ni Sheena.
Tumalima naman agad yung bartender at ginawan kami ng drinks. Sobrang lakas ng sounds at halos lahat ng mga naroon ay nasa dance floor. Ang iba ay mga prenteng nakaupo lang habang naninigarilyo at umiinom, samantalang ang iba ay nakikipaglampungan sa mga katable nilang mga babae.
Nang maubos ko ang iniinom ko ay nagorder na ako ng vodka. Nakakadalawang baso palang ako ng vodka ay ramdam ko na talaga ang epekto nito sa akin. Hindi naman ako magaling talagang uminom pero lagi akong naglalasing haha. Kampante ako na kahit umalis sa tabi ko ang kaibigan ko ay hindi naman nito inaalis ang tingin sa akin.
"Tara sayaw tayo sissy!" sigaw nito sa tenga ko.
"ikaw na lang sissy nahihilo na kasi ako eh" sagot ko. "dito na lang ako, magenjoy ka na"
"bahala ka, basta hwag kang sasama sa kahit kanino ha? Tsaka dito ka lang" bilin nito. Tumango tango pa ako bilang tugon. At nagsasayaw na palakad sa dance floor. Di nagtagal ay may kasayaw na ito.
"Grabe talaga, ang bilis makakuha ng kapareha" natatawa kong sabi. Pagharap ko sa counter ay may biglang tumabi sakin.
"What are you doing here?" anas ng isang baritonong lalake.
Paglingon ko ay nagulat pa ako, si Xander. "a-anong ginagawa mo dito?" bakas sa mukha nya ang inis.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo? Anong ginagawa mo dito? Delikado dito, mga lasing na ang mga narito." anas nito.
"okay naman ako ah, isa pa nageenjoy lang kami" nginitian ko sya na parang nagpapacute.
"Hindi parin maganda na narito ka. Tignan mo nga sarili mo, lasing ka na" sermon nito. Inirapan ko naman sya at hindi na umimik, napasimangot na lang ako at tinuon ko sa baso ang mata ko.
"okay, pwede ka uminom kahit ilang baso pa gusto mo, basta babantayan kita." Nagliwanag naman agad yung mukha ko at nilingon sya.
"Talaga? Thank you" sabi ko "order your drinks, my treat"
"i can pay it"
"then pay my drinks too" since ayaw nya ilibre ko sya edi ako na lang ang magpapalibre.
Nagiwan sya bigla ng cash sa counter at hinila ako.
"wait! San tayo pupunta?" tanong ko.
"hahanap tayo ng table" sabi nito. Nakakita kami ng table sa bandang sulok ng bar kung saan madilim at konting neon lights lang ang tumatama doon. Umorder sya ng beer kaya iyon na din ang ininom ko. Naghalo halo na ang ininom ko, sana hindi ako masuka.
Nakatatlong baso na ako, at talagang umiikot na ang paningin ko. "i'll drive you home" akmang tatayo na ito pero pinigilan ko lang.
"Si Sheena, she's here. Ayokong iwanan sya" sabi ko.
"okay we will wait her here" anas nito.