webnovel

Tulong

Tulong!" Sigaw ko habang tumatakbo sa madilim na lugar.

Alam ko na may humahabol sa akin kahit hindi ko siya nakikita.

"Tulong! Parang awa ninyo na tulungan ninyo ako!" Muling sigaw ko, kahit alam ko na walang makakatulong sa akin. Wala akong makita kahit isang bahay. Puro talahib ang aking nadadaanan.

"Ouch!" Napasigaw ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa sugat sa tuhod ko. Nadapa ako sa pagtakbo habang nililingon ang humahabol sa akin.

Wala akong makita ngunit ramdam ko na malapit na siya.

Naka-upo pa rin ako sa kalsada habang pinapakiramdaman ang paligid.

Patuloy ang takot na dumadaloy sa aking katawan, takot sa isang nilalang na hindi ko makita at mawawaan.

Nang maramdaman ko ang mga kamay na humawak sa aking braso.

"Ahhhhhhhhh!" Sumigaw ako ng malakas.

At naramdaman ko na nawala siya.

Para lang makita ang sarili ko na nakahiga sa upuan.

Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, naririnig ko ang mga tao sa paligid ko.

Pinipilit ko silang lingunin para humingi ng tulong.

Alam ko, may mga tao... naririnig ko sila.

Ngunit paglingon ko sa mesa kung saan ko sila naririnig ay wala akong nakita ni isang tao sa paligid.

Pero rinig ko parin ang maraming boses.

Nagtatawanan, may kumakanta. Naririnig ko rin ang tunog ng mga kubyertos sa mesa.

"Tulong" bulong ko, umaasa na may makarinig sa akin.

"Tulong" muling sambit ko, at narinig ko ang pagtahimik ng lahat.

Nanahimik ang paligid.

Para lang maramdaman ang napakaraming nilalang na papalapit sa akin.

Mga nilalang na hindi ko makita, ramdam ko na ang panlalamig ng aking katawan.

Takot na takot ako.

Ramdam ko na ang paglapit nila sa aking kinahihigaan.

Nang maramdaman ko ang pagtakbo ng ilan papalapit sa akin.

"Tulong po Lord" tanging nasambit ko habang umiiyak.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagdapo ng maraming kamay sa aking katawan.

Wala akong magawa, hindi ako makagalaw.

Humahagulgol na ako sa takot. Habang iniinda ang mga kilos nila sa aking paa at mga kamay.

"Lord tulong" sigaw ko.

At napabalikwas ako ng bangon mula sa upuan na kinahihigaan ko.

Muli akong umiyak ng makita ko na nagising na ako ng tuluyan mula sa isang...

"Bangungot".

-Anino-

(This book is a compilation of horror, thriller and fantasy stories.)

Lahat ng kuwentong nilalaman ng librong ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng author. Ano mang pagkakatulad sa totoong buhay ay pawang mga pagkakataon lamang at hindi sinasadya ng may akda. Sino man ay hindi pinahihintulutan na kopyahin o ipamahagi ang alin mang nilalaman ng libro. Plagiarism is a crime. Maraming salamat po.