webnovel

10.3

© xiarls

All rights reserved

**

10.3

Medyo malayo pa kami sa bahay. Patuloy pa rin kami sa pag-uusap. Ngayon, 'yung pinakanakakatawa na ata sa kanya ang kinukuwento niya.

"One time nga, may dinala akong mga babae sa bahay," natatawa niyang sabi. "Saktong nasa sala si Daddy, hindi ko napansin. Dumiretso kami sa kwarto ko." Huminto siya at natawa ng malakas. "May project project kasi kami noon eh. Eh walang lugar sa school, sinama ko sila sa bahay."

Anong nakakatawa sa sinabi niya?

"Oh tapos?"

"Pumasok si Daddy sa kwarto ko. Saktong nakakandong 'yong isa sa akin."

"What the hell?" Sigaw ko at natawa na rin. "Hahaha! Oh edi pinagalitan kayo?"

"Oo naman. Bigla silang pinaalis ni Dad. Kaya ayon, hindi naming nagawa 'yong mismong project sa bahay."

"Ano bang project 'yong gagawin niyo sana?"

"Role play sa Literature. Eh 'di ba magkahalong students nando'n? ayon, basta hindi namin natuloy 'yong practice pati paggawa ng video. Bagsak kaming lima sa second quarter." Paliwanag niya habang natatawa. Masaya pa siya ha?

Natanaw ko na ang bahay ko kaya inayos ko na ang bag ko. Pinarada niya ang sasakyan sa harap ng gate. Pagkababa ko, nakita ko si Jev na nakatayo sa gilid. Lumabas si Louis sa kotse niya at hinarap rin si Jev.

"Hinatid ko lang si Rena, pre." Sabi ni Louis. "I'll be going now. Magpahinga kang mabuti. Ayoko nang Makita kang umiyak." Sabi niya sa akin at hinaplos ang pisngi ko bago pumasok sa sasakyan niya at umalis.

Hinarap ko ulit si Jev, "Kanina ka pa ba?" Tanong ko. Tumango siya at lumpait sa akin. Humalik siya sa pisngi ko at ngumiti ng malungkot.

Hinila ko siya papasok ng bahay at pinaupo sa sala. Pumunta ako saglit sa kusina at kumuha ng inumin naming. Nakatungo lang siya habang nakasandal.

Alam kong may problema ang isang 'to pero ayoko namang pangunahan 'yon. I'm not the one that controls his problems. Ayokong dumagdag. May mga problema rin ako ngayon.

Umupo siya at huminga ng malalim. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Nakakailang pero hindi ako nagpatalo. Kumunot ang noo niya at nagulat ako nang haplosin niya ang lalim ng mata ko.

"Umiyak ka?" Umiwas ako ng tingin at kinuha ang kamay niya. "You can't lie to me Rena. I know you cried. Is it because of him?" May halong pagkairita ang boses niya kaya pinisil ko na lang ang kamay niya.

"Yes, I cried because of him." Sagot ko. Tumayo siya, galit na galit ang mga mata niya. "Jev, can you calm down!"

"I can't. He hurt you and still you defend him?"

"No, it's not!" tumayo na rin ako at sinigawan siya. "Oo, sinaktan na naman niya ako. Pero hindi ako mag-isang umiyak! Si Louis ang tumulong sa akin para patahanin ako. Masakit ang puso ko dahil sa mga sinabi niya bago niya ako pakawalan. Pero kakayanin ko 'to par—" napatigil ako dahil sa niyakap niya ako.

"Shh, I'm sorry," alo niya sa akin. "I'm so sorry, Rena." Hinalikan niya ang noo ko habang hinahagod ang ulo at likod ko. Hindi naman ako umiiyak ngayon. Naubos na ata kanina.

Pagod na pagod na akong umiyak sa harapan nila. Hanggang sa makakaya ko, huwag ko nang pakawalan ang mga luha ko.

Sana, nang matapos ang gabing ito, wala na akong mga luhang ibabagsak sa mga susunod na araw. Kasi kung meron pa man, parang wala na ring kuwenta ang mga pag-aalo ng mga kaibigan ko. Parang jino-joke ko na lang ang sarili ko dahil sa hindi ako makakalimot.

Kalian pa ba ako magiging masaya?

Nagkuwentuhan na lang kami ni Jev magdamag. Hindi siya umuwi hanggang sa makatulog kami sa sala. Nagising ako nang tumunog ang cellphone ko sa bag. Nagising na rin si Jev sa ingay kaya nauna na siyang tumungo sa pinto para umuwi.

Sinagot ko ang tawag, "Hello?"

"Ren, sorry nagising ata kita. But you have to come here sa café, now na!" sabi niya at pinatay ang tawag.

Parang emergency ata ang tawag na 'yon kaya nagmadali akong naligo at pumunta sa café.

...to be continued