webnovel

Chapter 1:Part 1: The Stalker

"Yiehhhhhhhhhhhh"

"Ang gagwapo talaga nila pareho oh. Tingnan niyo pa yung ibang pictures nila. Kuhang-kuha talaga yung kagwapuhan sa kanilang Papa." Tapos bigla na namang tumili ng pagkalakas-lakas si Shane kasama yung mga kaibigan niyang babae.

*BOINK!

May biglang nambato ng unan sa grupo nila kaya naman ay napahinto at hinahanap kung sino ito. Nang wala silang makita ay balik na naman sa kanilang pag-iingay ang grupo ni Shane.

*BOINK! *BOINK! *BOINK!

Tatlong malalaking unan ang sabay-sabay na nagliliparan papunta ulit sa kanila. Sa pagkakataong ito, nakita na ni Shane ang salarin. "Oh? Problema mo ba diyan?" Sabi ng dalaga sabay taas ng kilay sa isang babae na nandun sa upper deck layer ng kama.

"Ang problema ko? Kayo. Ang ingay-ingay niyo eh. Magpatulog nga kayo!"

Biglang tumalon sa kaitaas-taasang bahagi ng kama ang isang babae na may hawak na aklat tapos lumabas ito sa kwarto nila na sinara ng pagkalakas-lakas ang pinto. Nagsitinginan naman yung mga kasamahan ni Shane sa kanya.

"Bakit mo pa kasi tinarayan si Kai?" Sabi ng isang kaibigan ni Shane sa kanya. "Para naman magsalita yung babae na 'yun. Palagi kasing tahimik, akala mo kung problema ang pinapasan ng mundo sa kanya." Sagot naman ni Shane rito.

Bumalik ulit sila sa pang-iinstalk nila ng mga pictures. Pero sa pagkakataong ito ay pinipigilan na lamang nila ang mga katili-tiling damdamin. Eh, sino ba naman kasing hindi mapapatili kung ang makikita mo naman ay mga maamo at gwapong mukha ng tatlong nilalang.

All right reserved@2019

All rights reservedFayeLeePNash2019

Salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta sa first ever fan-fiction story na gawa ko. Sana ay nandyan pa rin kayo hanggang sa huli. ❤❤❤

❤Faye Lee P. Nash❤

Next chapter