webnovel

Of The Rainbow's Will

Sea_Kween · LGBT+
Not enough ratings
9 Chs

Chapter 6. Ang Teatro

Christian's POV

Eight years ago

Ako si Aries at si Aries ay ako. Ito ang naisip ko nung mabasa ko lahat ng mga linya ni Aries. Ang pinagkaibahan lang namin ay yung pisikal na kaanyuan at imposibleng yaman.

"Ang saklap naman ng pinagdaanan ni Aries. Sa kanya pala nauso ang pambansang best friend ng Pilipinas." Sabi ko.

Si Aries ay ipinanganak sa isang marangyang pamilya sa katimugan ng Cebu kung saan ipinadala siya sa siyudad upang mag aral ng high school. Dito niya nakilala si Ben na isang sikat na basketbolista sa pinapasukan niyang eskwelahan.

Naging matalik na magkaibigan ang dalawa na parang nawawalang kapatid sa isa't isa. Hindi nagtagal ay nahulog ang loob ni Aries kay Ben pero sinekreto niya ito.

"Eh tanga ka pala eh, bakit sinekreto mo?" Sabi ko. Pero narealize ko na pareha lang pala kaming mga ulol sa pagibig.

Si Ben naman tinuturing lang din si Aries bilang kapatid nung una pero kinalaunan ay mistulang nahulog narin ito sa kanya. Naguguluhan si Ben kung anong gagawin kaya naghanap siya ng makakadistract sa kanya at dito niya nakilala si Cynthia.

"Malabong maging ganito si EJ sa akin." Sabi ko.

Di ko talaga papalampasin ang pagkakataon kung malaman ko lang na merong pagtingin si EJ sa akin. Pero yun nga guni guni ko lang ang lahat.

Umaattend ako sa mga workshops pero di ko nakita si EJ. Sabi ni Elaine nagpapractice daw siya sa bahay. Nagtataka ako kasi di naman ganyan si EJ pag may pinapractice kasama ako. Nakalimutan ko may jowa na pala siya.

Dumating yung pasukan pero sa sobrang subsub ko sa role playing at pagpapractice ay di ko narin namalayan yung presensya ni EJ lalo na kay Anne.

Pero mali ako. Nakita ko si Anne sa study hall.

"Bes." Sabi ni Anne.

Nakita niya ako. Nagaatubili akong lumakad palayo baka mahalata niyang may galit pa rin ako sa kanya.

"Uy, Anne." Sagot ko.

"Upo ka muna dito? Usap muna tayo." Aya ni Anne

Ayokong magkausap tayo Anne. Baka putukin ko yang malaking dede mo.

"Okay sure. Anong pag uusapan natin?" Sabi ko.

"Tungkol sana ito sa pagsali mo sa teatro. Pwede ka bang mag quit?" Sabi ni Anne.

Nakalimutan kong alam pala niya sikreto ko. Alam niyang bakla ako. Alam niyang crush ko si EJ pero sinagot pa rin niya. Nanggagaglaiti na ako sa galit pero as a woman of grace dapat kalma lang. Napagpraktisan ko na to sa kakapanood ko ng YouTube about legal-kabit confrontations. Ito na ang tamang oras.

Inayos ko ang pag upo. Breast out kahit walang dede. Feeling may buhok ako ngayon. Yari ka sa akin.

"Bakit mo naman gusto akong mag quit?" Tanong ko habang nakataas-kilay.

"Di ko gustong nandun ka sa Teatro na yun." Sabi ni Anne.

Naguguluhan na ako. Ganyan ka ba ka selosa Anne?

"Dahil ba ito kay EJ? Ghorl, di ko kasalanan na sinundan niya ako. Siya ang pagsabihan mo at hindi ako." Galit na sabi ko pero mala Venus Raj pa rin ang peg ko.

"May pinag usapan tayo diba? Binabali mo ba ang pinag usapan natin?" Tanong ni Anne.

Naalala ko yung tinext niya sa akin habang tumatakbo. Siya ang dahilan kung bakit nasagasaan ako ng pedicab.

"Alam mo Naman mangyayari diba? Ipagkakalat ko sa buong school na bakla ka kapag di ka tumupad sa usapan!" Banta ni Anne.

"Ay pinagbabantaan mo ako? Bakit ka threatened sa akin ghorl? May trouble sa paraiso ninyo ni EJ? Di ka ba kinakantot?" Insulto ko.

Bigla akong sinampal. Napuruhan ko ata sya sa mga salita ko. Pasalamat siya at makapal pisngi ko dahil hindi masyadong masakit kundi babaliin ko talaga mga buto niya.

"Hindi ako magiging threatened sa mga kagaya mo! Tandaan mo yan!" Sigaw ni Anne.

Nagmamadali siyang umalis at galit na galit. Ako naman natameme habang tumutulo yung luha ko dahil sa pagkasampal sa akin. Nasaktan ako dahil bakit ganito ang treatment niya sa akin. Bakit ba kailangan ako ang mag adjust dahil sa bakla ako? Am I willing to take this risk? Syempre natatakot akong malaman ng lahat na bakla ako pero I need this para makapasa ako sa Values at para hindi magalit si mama.

At pinili ko pa ring magpatuloy.

----

Umabot ng isang buwan at kalahati ang pagsasanay namin sa dula. Madali lang sa akin ang role ni Aries kasi nakakarelate ako sa pinagdadaanan niya. Si EJ naman hindi ko na nakita pang ulit.

"Okay ito na yung final casting natin sa dula na pinamagatang Ikatlo ng Disyembre. Ang main cast natin ay sina Christian bilang si Aries, EJ bilang si Ben, at si Anne bilang si Cynthia". Sabi ni Elaine.

"Hannnnuuurrraw?" Sabi ko sa isip ko.

Oh diba? Di mapakali ang hayup! Talagang sumama pa talaga sa casting, Di daw sya threatened sa mga bakla pero umeepal dito sa aming dula.

"Oh ayan, kompleto na buong cast natin. Aabangan niyo sa sila sa Intramurals natin kasi dun ipapalabas ang dula natin. Laban teatro! Laban!" Sabi ni Elaine.

Habang ako ay nagliligpit ng mga gamit ko ay lumapit si EJ sa akin. Namumutla at halatang kulang sa tulog ito. Ganun ba kalala ang pag lalate night talks ng dalawang to?

"Christian, pwede favor?" Tanong ni EJ.

"Oh bakit? ano naman?" Sagot ko habang pinagpatuloy ko ang pagliligpit ko ng gamit.

"Pwede ba tayung magkita sa laboratory?" Sabi ni EJ.

Hala? bakit siya makikipagkita? Di ko feel pumunta. Saka busy ako.

"Please, kinakabahan ako sa gagampanan kong role. Pwede ba tayung magpractice dun mamayang gabi?" Sabi ko.

"Sure, text lang kita if papunta na ako." Sabi ko.

Kala ko busy ka Christian? Marupork!

"Thank you, Chan!" Sabi ni EJ sabay yakap sa akin. Naamoy ko yung natural male scent niya na sobrang bango. Siya lang ang lalaking kilala kong walang putok at palaging mabango kahit di gumagamit ng pabango. Of course classic deodorant niya pero di masyadong malakas ang amoy. Namiss ko ang pagyakap niya pero para yatang humigpit ito.

"Ahm, EJ? Di na ako makahinga? Papatayin mo ba ako?" Sabi ko.

"Sorry, na miss ko lang kasi yumakap sa iyo." Sabi niya. Nagulat ako.

"Huh? minsan lang tayo nagyayakapan ah? Baka nalilito ka sa amin ni Anne?" Tanong ko.

"O siya, aalis na ako. May date pa kami ni Anne ngayon," Sabi niya at lumakad na ito papalayo sa akin.

"Parang wala sa sarili si EJ ngayon ah? Nag away kaya sila?" Sabi ko.

Umuwi ako sa amin ng mga alas sais ng gabi dahil nagsasanay akong mag-isa sa mga gagawin ko sa dula. Dahil sa pagod ay nakatulog ako.

---

Naalimpungatan ako ng gising dahil may tumatawag sa akin. Pagtingin ko sa oras ay mag aalsa nuwebe na pala. Hinanap ko yung selpon ko at nakita kong may sampung missed call si EJ sa akin.

"Tangina! nakatulog ako. Wait makapanghilamos na nga!" Sabi ko. Tinext ko si EJ na papunta na ako.

Agad akong nagmamadaling maghilamos at magtoothbrush at saka nagbihis. Lumabas ako ng bahay ng mga 9:15pm at pumara ako ng trisikel papuntang school. May sekreto kaming pasukan ni EJ papuntag laboratory kung saan dun sya nagtapat ng feelings ni Anne.

Pagdating ko ay nakita ko si EJ palakad lakad na parang di mapakali. Medyo aligaga ang hayop pero nang makita niya ako ay tumakbo ito papunta sa akin at niyakap akong muli.

"Akala ko di ka na pupunta!" Sabi ni EJ.

"Tanga, nangako ako diba? Nakatulog lang kasi ako eh. O siya, mag practice na tayu. Saan ka ba sa dula ngayon?" Sabi ko.

At nagpractice kami sa mga batuhan ng linya ni Ben at Aries. Minsan nagkukulitan, asaran, harutan. Namiss ko to na kami lang dalawa sa mundo. Namiss kong makasama siya. Biglang lumakas sa akin yung pagtingin sa kanya na pilit kong pinapatay dahil bawal.

"Ben, kahit ipagtabuyan mo ako. Iibigin at iibigin pa rin kita. Di ko maipapangako na hindi kita mamahalin dahil noon pa lang mahal na kita. Kahit na masakit sa akin na pinili mo si Cynthia, maghihintay pa rin ako sa araw na ako naman ang pipiliin mo." Sabi ko bilang si Aries. Ako'y naluluha dahil totoo tong nararamdaman ko.

"Pero bawal ang ganito. Bawal tayu! Naiintindihan mo ba yun? Oo! Mahal din kita! Pero di ko kayang ipagsigawan iyon alam mo bakit? Dahil natatakot akong mahusgahan! Natatakot din ako na sa paghuhusga ng mga tao, masasaktan ka! Alam mo yan Aries! Di ko kayang makita ka na nasasaktan ka." Sabi ni EJ bilang Ben.

Tama ba ang nakikita ko? Luha? Lumuluha si EJ.

"Pero Ben, alam ko na yan! Let the world judge us! Di ba ako sapat? Kailangan bang may bilat ako para matanggap ng lipunan ang pagmamahalan natin? Kailangan bang mataas ang buhok ko? Kailangan bang magkatawang babae ako para lang mahalin mo ako? Ano Ben? Sabihin mo lang dahil gagawin ko!?" Sabi ko.

"Hindi sa ganun Aries!" Sabi ni EJ.

"Ganun yung na feel ko Ben! Tangina naman to oh!" Sabi ko.

"Di lang talaga ako para sa iyo Aries, may iba pa diyan. May iba pang lalaking magmamahal sa iyo Aries." Sabi ni EJ.

"Hindi mo ko naiintindihan gagu! Sabi ko ikaw lang mahal ko at mamahalin ko. Sige payag na akong maging kabit mo. Sasabihan ko si Cynthia! I'll make an arrangement. If pampalipas oras mo lang ang bilat, fine by me! Basta sa akin ka lang!" Sabi ko.

"Naririnig mo ba sinasabi mo Aries?! Nagiging selfish ka na sa sarili mo! sa akin! sa mga taong nakapalibot sa iyo! Alam mo? tapusin na natin to! Ayokong mawala pati pagkakaibigan natin!" Sabi ni EJ habang lumalakad papalayo.

Dahil sa bugso ng damdamin. Nagawa ko ang pinakamalaking kasalanan ng buhay ko. Nilapitan ko siya at hinalikan. Nagdampi ang aming mga labi na dala ng sabik at sakit dulot ng mga ginagampanan namin. Nung una kala ko ako lang nag eeffort pero di nagtagal nag respond din sya sa halik ko.

Tumutulo ang mga luha namin habang naglaplapan ng tatlong minuto. Ang lambot ng mga labi niya at ang sarap niyang humalik at dumila na parang jowa talaga niya ako at syempre di papakabog ang ate niyo. Eto ba ang nararamdaman ng iba pag nakuha na nila ang first kiss nila? Ang sarap! Parang nasa langit.

Pero natapos agad dahil natauhan si EJ.

"Sorry, sorry nadala lang ako. Paalam. Salamat." Nagmamadaling sabi ni EJ at umalis.

Ako naman naiwan nakatulala habang hinihimas ko ang labi ko. Totoo ba yun? Naghalikan ba talaga kami? Shet! Putangina! Totoo talaga! Umuwi ang bakla na panalo sa buhay. Pero may halong pangangamba baka bawiin ito ng lungkot at disgrasya.

Puspusan ang pag eensayo namin para sa dula dahil intramurals na. Si EJ naman puspusan din ang training niya sa archery dahil siya ang presidente nito. Okay lang naman yung naging turingan namin kahit sa mga nangyari nung gabing iyon at mas pinili namin na hindi na magsalita tungkol dun pero andun parin ang pangamba dahil di niya alam na bakla ako.

Dumating ang gabi ng pagtatanghal at nagsipaghanda kami para sa dula. Kinakabahan ako dahil ito ang first time kong sumali ng club at may pa grades pa after. Kinausap ko si EJ pero this time parang ang layo niya sa akin na parang naiilangan siya.

"EJ, ready ka na? Gawin lang natin kung anong napagpraktisan natin." Sabi ko.

"Oh, sige." Malamig na sagot ni EJ.

Nagsimula na ang aming dula at marami ang nanonood. Pati mga magulang namin ay todo supporta sa ginagawa namin. Alam na ni Papa at Mama ang katauhan ko so di na masyadong mahirap gumanap bilang Aries sa harap ng maraming tao. Confident na confident ako na magagawa ko ang role ko.

Pagkatapos ng part ko sa dula ay pumunta ako sa dressing room para magbihis. Pinuntahan ako ni Anne at saka sinampal.

"Tangina! Nakakailang sampal ka na ah!" Sigaw ko.

"Ano to? Christian!? Ano to?" Sigaw ni Anne sabay pakita sa video namin ni EJ na naghahalikan.

Nagulat ako sa mga nakita ko. Kami ni EJ sa laboratory naghahalikan pero di ako makaisip ng anumang alibi dahil pareho namin ginusto yon. Di ko kinaya ang mga sumusunod pa na mga nangyari.

"Walang hiya ka talaga! Diba sabi ko layuan mo siya! Diba sabi ko mag quit ka na!" Sigaw ni Anne.

Biglang pumasok si EJ. Inawat kaming dalawa.

"Wag mokong hawakan, nandidiri ako sa iyo!" Sabi ni Anne.

"Let me explain! Let me explain okay!" Sabi ni EJ.

"Anong iiexplain mo EJ? na aksidente lang ang nangyari! May dila yun! Ano? naduduwag ka?" Sigaw ko.

"Bakla ka ba? Christian?" Tanong niya.

Napahinto ako. Di ko masagot ang tanong niya.

"Di mo pa ba ramdam EJ? Diba sinabi ko na sayo dati pa! Bakla yang hayup na iyan!" Sabi ni Anne.

"Sagutin moko Christian! Bakla ka ba!? Ano ba't di ka makasagot?!" Sigaw ni EJ.

"OO NA! May lalaki bang humahalik sa kapwa lalaki!? Bakit? Di mo ako tanggap? Bakit nandidiri ka?" Sigaw ko.

"OO hayop ka! Nandidiri ako sa iyo! Hindi kita tanggap! Para akong musmus na hinahalay ng isang rapist! Best friend ko bakla pala! Yung halik? Nandidiri ako! Nandidiri ako sa buong pagkatao mo!" Sigaw ni EJ.

Para akong nalunod sa maalong dagat dahil sa mga sinabi niya. Akala ko okay kami. Akala ko matatanggap niya ako bilang ako. Ilusyon lang pala ang lahat!

"Nagsisisi akong nakilala pa kita! Ayoko na kitang makita kahit kailan!" Sigaw ni EJ. Don nadurog ang puso ko at lumuha ng marami. Tumakbo ako papalabas ng teatro.

Biglang nagsigawan ang lahat ng makita ako. Di ko alam kung anong nangyari pero paglingon ko sa malaking TV Screen ay nakita ko ang video ng paghahalikan namin ni EJ pero si EJ ang nakablur habang akoy kitang-kita. Sa di kalayuan ay nakita ko si Elaine at si Paul na tumatawa sa akin. Mga punyeta! Kaya pala atat na atat si Elaine sa pagsali sa akin dahil dito. Mga hayup!

Lumingon ako sa kinaroroonan ng Papa at Mama ko at nakita ko si Mama na lumuluha habang si Papa ay galit na galit. Habang buhay itong uukit sa pagkatao ko ang kahihiyang dulot ng pagkatao ko. Umiyak ako tumakbo papalabas ng venue.

-----

Ito ang dahilan kung bakit di ko mapapatawad sina EJ, Anne, Elaine at Paul. Ito rin ang dahilan kung bakit di ako makapagmove-on at palaging tulala ako maski ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang puso ko at di na iibig muli.

-------End of Chapter 6---------

Sorry if natagalan ng 1 week pero at least worth it paghihintay. Sana magustuhan ninyo.

Sa susunod ay estorya naman ni Dr. Reine at Nurse Leo ang bibisitahin natin. Abangaaaan!