webnovel

Chapter 8 - Text

***

"Yaya, nakaalis na po ba sila mama? "

Tanong niya kay nay Pasing habang nag hahanda ito ng kanyang almusal bago siya dumulog sa hapag.

"Oo, sige kumain kana at baka mahuli ka sa klase. Nga pala pinapasabi ng mama Ema mo. Baka gabihin siya mamaya sa paguwi. "

Ani nito saka na upo sa tapat niya bago ito nag sandok ng pagkain.

"Ganon po ba. Si kuya Rojun po maaga po ba siyang uuwi mamaya? "

"Yan ang hindi ko alam. "

"Nay, nakita niyo' po ba yung pulang box ko sa drawer ko? " Tanong niya rito bago siya uminom at tumayo upang iligpit ang kanyang kinainan.

"Box? "

"Opo." Nung isang araw niya pa iyon hinahanap hindi niya makita, nag takaman siya nasa gamit niya iyon kaya paanong mawawala iyon?

Puno iyon ng mga sulat mula sa taong hindi niya kilala, kayat naisipan niyang itabi iyon upang hindi makita ng kuya at mama niya, nais niya paman din sanang isama ang panibagong sulat na natanggap niya kahapon roon sa box na iyon pero. ng hanip niya kanina ay wala manlang siyang nakita hinalughog na nga niya ang lahat ng kanyang mga gamit pero bigo parin siyang makita iyon.

"Ano bang laman nong box na iyon? "

"Personal na gamit ko lang po yon---"

"Siya, sige kapag nakita ko ay ibibigay ko sayo baka na itabi mo lang kung saan."

"Baka nga po. " Anya bago siya nag patuloy na sa kanyang ginagawa.

________________________________________________

Palabas na siya ng village upang sana pumara ng jeep na masasakyan niya papunta ng university nang bigla na lamang may humintong gray na sasakyan sa gilid niya mariing man siyang kinabahan pero agad rin naman naglaho ng makilala niya ang sakay no'n.

"Sheen-sheen."

"Sir, Luke? " Kunot ang noo na sabi niya, ngumiti ito ng matamis.

"Sumabay kana.. " Nag alangan man pero nang makita niya ang oras sa kanyang relong pang bisig hindi na siya tumanggi pa.

Sumakay na siya sa sasakyan nito. Commute siya ngayon lalunat alam naman niyang hindi rin siya ma ihahatid ng kanyang kuya, dahil mas maaga ang pasok nito sa trabaho bago nito ihatid ang kanilang mama Ema sa karindirya.

"Salamat po sir. Na kakahiya naman po sa

inyo---"

"Wala yon, saka nag kataon na may pinuntahan ako malapit sa village niyo' at nakita kita. " Naka ngiti nitong sabi.

Napayuko na man siya dahil sa sinabi nito. Hindi lang siya sanay na ipana unlakan niya ang alok nito na isabay siya.

Sa tuwing nakikita at nakakatagpo sila nito, hindi niya maiwasan na hindi mahiya. Na alala niya pa nga noong una silang magkita nito sa karindirya at siya, pa mismo ang nag sauli ng jacket nito rito noon.

Tulala nga siya noon ng makita ito dahil hindi lang pala ito mabait ubod pa ng gwapo. Kaya simula noon palagi na itong kumakain na kasama ang mga tauhan nito sa kumpanya' ni hindi niya rin maiwasan na hindi humanga rito. Alam niyang bata pa siya at hindi pa dapat siya magkaroon ng crush rito.

Pero hindi niya kasi talaga maiwasan kaya hanggang ngayon ay crush parin naman niya ito. Paghanga lang naman dahil mabait at madaling pakisamahan ang isang tulad nito.

Sa pananahimik nila pareho bigla naman tumunog ang kanyang cellphone tanda ng may nag minsahe sa kanya. Agad niya iyon kinuha mula sa bulsa ng kanyang palda.

Napakunot noo siya dahil hindi naman naka save ang number nung nag text sa kanya. Pero binuksan niya parin, kamuntikan na niyang mabitawan ang cellphone dahil sa text nang kung sino man ang nag padala sa kanya.

Unknown : Layuan mo siya. Hindi ko gusto ang pakikipag lapit mo sa kanya, remember sheen-sheen you are mine.

Hindi na sana niya papansinin pa ang text dahil sa pag aakalang na wrong send lamang ito, pero ng makita niya ang kanyang pangalan' sumalakay agad ang kaba sa kanyang dibdib.

"Are you alright Sheen? " Napa lingon siya sa katabi kita niya sa mukha nito ang pag aalala sa kanya.

"O-opo."

"Are you sure? namumutla ka? "

"A-ayosa lang po ako. " Sabi niya bago ito tumango at huminto sa tapat ng university, hindi na niya namalayan nanaroon na pala sila.

Sa kakaisip sa taong nag text sa kanya' iisa lang ang kilala niyang gagawa at mag papadala sa kanya ng ganon.

Fuck.

©Rayven_26