webnovel

Chapter 1 - Kotse na Itim

***

"Sheen-sheen, pumarini kanang bata ka rito nako, nako! kagagalitan nanaman tayo ng iyong ina kapag nalaman niyang hindi pa kita na iuuwi. " 

Kakamot-kamot na sabi ng yaya niyang si nay Pasing ang nag aalaga sa kanya' sa tuwing na pasok ang kanyang ina at kuya sa trabaho.

Madalas kasing laging wala ang kanyang mama Ema at ang kuya Rojun niya. kaya madalas siya lang ang na iiwan at ang kanyang kaya sa bahay kung minsan naman pumupunta rin siya sa kanilang karindirya, kung libre siya sa oras.

Baby pa lamang kasi siya iniwan na sila ng kanyang Papa, dahil sa sakit nito sa puso at ang kanyang mama Ema at ang kuya niya ang nag tatrabaho kaya palaging abala ang mga ito.

At ngayon Sampung taonggulang na rin siya, at nasa ikaapat na baitang na siya sa pag aaral. Kaya nag susumikap siyang mag aral ng mabuti para

makatulong na rin siya sa kanyang mama Ema at Kuya Rojun niya, hindi naman sila kasing yaman ng iba sakto lang ang kinikita ng kanyang mama at kuya sa pag papatakbo ng karindirya sa Miduson, kung saan malapit ito sa Corporation Gregror,  at malapit rin iyon sa University na pinapasukan ng kanyang kuya noong nag aaral pa ito.

"Sandali na lang po ito. Nay, malapit na po kaming matapos ni Anna.sa pag sasayaw. "

"Jusko! Anong oras na---"

"Relax lang po kayo nay, wala panaman doon si Mama at kuya, kaya wag kayong magalala. "

Napakamot na lang ito sa ulo dahil sa sinabi niya, napahagikgik na lang din siya dahil wala rin naman itong nagawa at na upo na lang sa tabi ng mama ni Anna na tumatawa rin.

Narito kasi sila sa bahay ng kaibigan niyang si Anna. May pasok sila bukas at inaasahan ng guro nila na silang dalawang mag kaibigan ang ilalaban  sa ibang school, para sa nutrition pangkalusugan para bukas kaya tinudo na nila ang pag iinsayo.

Ito kasi ang naisip nilang mag kaibigan ang sumayaw na lang, pasok rin naman sa tema ang sasayawin nila lalunat pang kalusugan ang gagawin nila upang mas lumakas ang pangangatawan nila.

Nang matapos sila. ilang minuto ay nag pahinga muna sila bago sila tuluyang gumayak pauwi.

"Grabe, napagod ako roon. Ikaw ba? "

Nagpunas siya ng pawis matapos siyang abutan ni nay Pasing ng tubig na kanilang dala.

"Napagod rin, pero solid naman ang eport natin para bukas. " Naka ngiti niyang sabi gayon rin ito.

"Excited nako para bukas, huh! Makikita nong Jacke na iyon, na kung gaano tayo kagaling. Kala niya huh! Ipag kalat ba naman niyang hindi tayo marunong sumayaw. "

"Bayaan mo na siya na iinggit lang yon kasi tayo napili at hindi siya. " Sabi niya.

Si Jacke ang tinutukoy nito ay yung laging nang Bubully sa kanila kapag nasa school na sila pero.

Hindi naman din nila ito pinapansin pa lalunat ang kabilin bilinan sa kanya ng kanyang mama Ema ay huwag na huwag siyang makikipag away, kaya gustuhin man nilang gumanti ay mas mina buti na lamang na tumahimik na lamang sila.

Nag prisinta kasi si Jacke na ito na lamang ang lalaban subalit mas nakitaan sila ni Anna ng putensyal ng kanilang guro, sa pag sasayaw at mas nakita ang husay nila pareho.

Kaya ng sila mapili nang galaiti lalo si Jacke sa galit dahil roon.

"Tch. Kung hindi lang talaga ako tinuruan ni mama na huwag manganti asahan mo nakatikim na iyon sakin napaka yabang kasi. "

Naka nguso pa nitong sabi bahagya naman din siyang natawa at na iling na lamang.

"Relax."

Umirap pa ito sa kawalan. Dahil sa inis nito para kay Jacke. Subalit agad rin siyang napalingon sa labas ng bakuran ng bahay nila Anna matapos niyang makita ang itim na sasakyan sa tapat mismo ng bahay nila Anna.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Kailan lamang gantong ganto rin ang nakita niyang sasakyan sa labas ng kanilang bahay.

At maging sa kanilang school.

Ipinilig niya ang ulo, imposible naman baka nag kataon lang yung mga nakita niya na sasakyan na katulad na katulad nito sa bahay nila at sa school.

Pinag sawalang bahala na lamang niya ang bagay na nasa isip, pero may agam agam parin.

"Ayos ka lang Sheen? " Tanong ni Anna bago siya pumaling rito at tumango.

Tumayo na siya ng tawagin na siya ni nay Pasing kinuha na nito ang kanyang mga gamit.

"Sheen-sheen, uwi na tayo tumawag na ang mama mo. " Sabi nito.

Tumayo na rin si Anna, at pumasok sa loob ng bahay akmang susunod narin sana siya pero. Agad rin siyang napa lingon muli kung saan niya nakita nanaroon parin ang kotseng itim na nakaparada parin.

Hindi niya mawari pero parang maykakaiba sa loob ng sasakya. Animoy may tao roon at kanina pa nakamasid sa kanila.

Bahagya siyang kinilabutan sa naiisip niya na maaring kidnapper pala ang nasa loob.

Dalidali na siyang tumakbo papasok ng bahay nila Anna, malakas rin ang kabog ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon.

Kaba na hindi niya mawari kung para saan.

©Rayven_26