"troot! (tunog ng cellphone ni Jane)
Mike: Babe nandito kami sa cafe punta kayo dito after class.
Jane: Ok babe! Love you
Pagtapos ng klase ay dumeretso sina Jane,Cath,Roxy and Faith sa Cafe.Pinakilala ni James ang pisan niya sa lima.
" O nandyan na sila" sabi ni James
" Hi James,Mike may kailangan niyo habulin lecture kanina" sabi bi Jane pgkaupo .
" Grabe ang concern" biro ng pinsan ni James kay Cath.
" Yes' that was our friend are for." ani Cath
"Anyways,guys pinsan ko pala si Leo" pakilala ni James.
(si leo ang nag iisang pinsang lalaki ni James sabay silang lumaki at mag kasundo sa lahat ng trip)
" Couz mga friends ko si Faith,si Roxy,si Jane, si Mike nakilala mo naman sya kanina,at siyA naman si Cath"
" Hello! nice to meet you all" bati naman ni Leo habang kinakamayan sila.
Huling kinamayan ni Leo si Cath at napatitig dito.
" Mm. bakit may muta ba ko? tanong ni Cath
" Ahm. hndi wala. " sagot ni Leo
Masayang nag inuman ang mgbabarkada kasama si Leo,
Napalapit na ito sa kanila at laging kasama sa galaan nila.
Isang gabi habang nag iinuman ang dalawa sa bahay nila James
" Couz, you know what interested ako kay Cathy " sabi ni leo
" Kung alam mo lang topakin yun" sagot naman ni James
" Pero alam mo? gusto ko yung ganda niya simple lang"
" Can I court her?" tanong ni Leo
" Couz! I don't trust you,mahilig kang maglaro ng mga babae"! sagot ni James
" Hindi couz promise!" ani Leo
" Wag sya couz" sabi ni James
Kinabukasan nag kita kita sila sa bahay ni Mike at doon ay sinimulan na ni Leo ang panliligaw nito kay Cath,araw araw ay hinahatid sundo ni leo si Cath sa bahay, ng mapansin ni James na nag kakalapit na si Cath at Leo ay nakaramdam ito ng Selos.
Biyernes ng Hapon pagtapos ng Klase nag aya si Leong lumabas nag hintay ito sa labas ng skwelahan.
" Hi Miss! pabirong bati ni Leo kay Cath.
" Aba kinacareer ang panliligaw ah" biro ni Roxy
"Hindi ka pa ba sinasagot pare?" tanong ni Mike
" Sana nga eh" sagot ni Leo
Nagkatinginan si James at Cath habang nag uusap ang dalawa.
" Guys tara na! tawag ni Jane
" San tayo? " tanong ni Roxy
"Sa bahay tayo guys ! Let's celebrate anniversary namin ngayon " sagot ni Mike
" Woooaaa! pag ibig nga naman hahamakin lahat .. ay mali ! biro ni Roxy.
" Susunod nalang kami Mhie" sabi ni Cath
" may lakad pa kasi kami ni Leo" dagdag niya.
" Lakad o date?" biro ni Roxy
"Actually " sagot ni Leo
Habang nag bibiruan nagpaalam din si James
" Dhie susunod nalang din ako may bibilhin pako jan lang. " paalam ni James
" O sya cge, mauna na kami dun mag luluto pa naman din kami basta James wag kalimutan ang drinks. " sagot ni Mike
" O sureee.."ani James
" Gusto mong kasabay? " biglang tanong ni Faith.
" Wag na, tulungan mo nalang sila Jane mgluto,sandali lang naman ako" sagot ni James
Nang umalis na sila Cath at leo ay palihim itong sinundan ni James.,
" San mo gustomg pumunta?" tanong ni Leo kay Cath
" Hmmm.? Anu kaya kung bumili nalang tayo ng gift para kay Mike at Jane" sagot ni Cath
" Sure ka? Ayaw mo kumain?" tanong ni leo
" Wag na, pupunta naman tayo kila Mike dun nalang tayo kumain" sagot nito
Nang nakita ni James na pumasok ang dalawa sa Mall ay agad nya tong sinundan, habang namimili ang dalawa ay lumapit si James'
" Uy couz! sabi ni James
" Oi James,nandito ka? tanong ni leo
" Bibili karin ng gift?" tanong ni Cath
" Oo, sa tingin mo magugustuhan kaya nila to ? " tanong ni James kay Cath habang hawak ang napiling regalo
" Hmm? Oo naman,hindi naman namimili yung dalawang yon " sagot ni Cath
Pagkatapos bumili nang regalo ay nag pasya na si Cath at si leo na pumunta kina Mike.
" San kapa James?" tanong ni Leo
" Bibili pako ng drinks tapos deretso nako kila Mike" sagot ni James
" Tara sabay na tayo" aya ni Leo
" Ok lang ba? baka makadistorbo ako sa inyo? "Tanong ni James
" Okay lang,ano kaba iisa lang naman distenasyon natin" ilang na sagot ni Cath
Naiilang ito kay James dahil sa nangyari sa kanila sa Party.Ramdam ng dalawa na may feelings sila sa isa't isa pero pilit nila itong iniiwasan dahil sa may gusto si Faith kay James at nililigawan naman si Cath ng pinsan ni James.
Pagkadating sa bahay nila Mike ay nakita ng Apat ang Sila James.
" Wooaah! parang Love triangle!" biro ni Roxy,tinulak naman sya ni Faith.
" Aray Faith!' joke lang!" sabi ni Roxy
" Ikaw talaga" bulong ni Jane
Kumain na sila at binati nila sila Mike at Jane.
"Congratulation!!! pasigaw nilang lahat
" Thank you guys!" masayang sagot ng dalawa.
Pagkatapos nilang kumain ay nag inuman na sila,masayang silang nag uusap si James naman ay pasulyap sulyap kina Leo at Cath na magkatabi nakaramdam ito ng selos at iniwas ang tingin sa dalawa napansin ni Faith ang tingin ni James kay Cath,nagselos ito dahilan na naglasing.
" Woooohh! tara inum pa tayo! sigaw ni Faith
" Faith, grabe andami mo ng nainum" ani Cath
"Ano bang nang yari sa kanya?" may problema ba to?" tanong ni Mike
Sa sobrang kalasingan ni Faith ay wala na itong lakas at nakatulog.
" Guys ilipat na natin to sa kwarto ng mapunasan na at makatulog ng maayos" ani Jane
" Sige mhie,kukuha nako na ko ng tubig at towel pamunas" ani Cath
Binuhat ni James si Faith sa kwarto hiniga ng Maayo at kinumutan, habang inaayos ang kama ay umupo si Faith.,
" James ! " ani Faith
"I like you bakit ba ayaw mo kong ligawan? sino ba kasi gusto mo James,'dagdag nito habang umiiyak
" Faith sobrang dami ng nainum mo,magpahinga ka na" sagot ni James
Habang nag uusap ang dalaway pumasok naman si Cath dala ang pamunas kay Faith, lumapit ito sa dalawa,habang inaayos nito ang pamunas ay bigla namang hinalikan ni Faith si James sa harap ni Cath.
Nagulat ang dalawa' t maiyak iyak na yumuko si Cath.
" James mabuti pa ikaw nalang mgpunas sa kanya." manginig nginig na inabot ni Cath ang towel kay James at dali daling lumabas ng kwarto
Napansin ito ni James,hindi makasunod si James dahil kay Faith, napailing nalang ito sa nang yari.