webnovel

Oblitus

Gusto mo bang sumama? Kung saan ang mundo ay puno ng mahika? Wag kana mag-atubiling sumama, dadalhin ka namin lugar kung saan maraming misteryo. May mga kaharian na namumuno pero ang tanong makakaya mo kaya ang mga pagsubok na ibibigay ng mundong ito? Tara na, samahan natin si Dorothea.

yabalabahiyaaa · Fantasy
Not enough ratings
9 Chs

Simula

Simula

Mahika

Hindi ko malaman laman kung bakit sa dami ng lugar ay dito pa talaga sa mundo ng mga tao napili ng aking mga magulang na manirahan.

Hindi naman kami pwedeng makihalubilo, dahil simula pa lamang alam ko na sa sarili ko kami ay naiiba sa mga tao.

Ang pamilya namin ay nanggaling sa malayong mundo kung saan naninirahan ang mga kapwa namin nakakagamit ng mahika.

Napakalaking misteryo saakin ang lugar na iyon dahilan upang mas maging maigting ang pagnanasa kong makarating sa lugar na iyon.

Ramdam ko saaking balat ang lamig ng pang-umagang hangin dito sa isla. At tinatawa ko ngayon ang araw na unti unti nang humihiwalay sa dagat. Pinikit ko ang aking mga mata at tinaas ang aking mga kamay para mas lalong madama ang lamig na namumutawi saaking katawan.

Minulat ko ang aking nga mata nang marinig na ang tawag ng aking kapatid. Tinignan ko sya. Mabilis talagang lumilipas ang panahon dati rati'y katulong lang ako ng aking nanay sa pag-alaga sa kanya ngunit, ngayon ay halos magkasingtangkad na kami. Sa gulang nyang labing-apat makikita na sa kanyang katawan ang kakisigan at mas lalo itong nadepina sa soot nyang damit. Ang kanyang buhok ay halos tumatakip na sa kanyang mga matang sobrang dilim, katulad saaming ama.

Ang kanyang madilim na mata ay ibang-iba sa mata ko na asul naman ang kulay. Ang aking mahaba at medyo kulot na buhok ay tsokolate ang kulay. Ganun din ang kulay ng kanya ang pagkakaiba lang ay hindi ito kulot.

Tumango naman ako sa kanya para sabihing susunod na ako. Tinatawag na kami ng aming Tatay para sa araw-araw na pagtuturo sa pakikipaglaban. Sa gabi naman ay tinuturuan kami ng aming Nanay na magbasa at magsulat. Hindi na namin kailangan pumasok sa paaralan ng mga mortal dahil may sarili kaming paaralan sa mundo namin at isa pa masyadong delikado baka malaman pa ng mga tao na may tinatago kaming kapangyarihan.

"Isa! Dalawa! Tatlo! Apat!" bilang ng aking tatay habang ipinapakita saakin kung paano ang tamang paghawak at paghampas ng espada.

Ako naman ay tahimik na nunuod sa pagtuturo nya. Kailangan kong makinig ng mabuti dahil sa susunod na buwan ay maglalakbay na ako kasama ang aking pamilya sa tunay naming mundo dahil doon na kami mag-aaral.

Kaya habang maaga pa lamang ay tinuturuan na kami ni tatay kasama ng aking nakababatang kapatid na lalaki.

"Tatay! Pwede bang magpahinga muna tayo? Kanina pa tayong umaga nag-eensayo!" reklamo ng kapatid ko. Napailing na lamang ako sa kanyang inasta. Binigyan naman sya ng aming ama ng isang madilim na tingin.

Palihasa masyado pa syang bata para sa pagsasanay pero naiintindihan ko naman si Tatay kung bakit gusto nya kaming magsanay sa maagang edad.

"Achelous!" nagmistulang kulog ang pagtawag ng aming Tatay sa buong pangalan ng aking kapatid. Napayuko naman kaming dalawa nagmistula kaming tupa na takot makain ng isang galit na lobo.

"Nagrereklamo ka ba?" saad nito sa mas mahinahon na boses. "Alam nyo naman kung bakit ko kayo sinasanay diba? Babalik na tayo sa pinanggalingan nating mundo. At alam nyo kung gaano kapanganip sa lugar na iyon," paliwag ni Tatay sa malamig na boses. "Isang buwan nalang at matatapos na ang lagusan patungo sa kabilang mundo, kaya kailangan ko kayong sanayin pa para masigurong handa na kayo."

"Patawad po," paumanhin ng kapatid ko.

"Tumakbo kayo sa buong isla. Dapat ay nandito na kayo pagkagapos ng tatlumpong minuto, kung hindi wala kayong maabutang hapunan," saad ni Tatay at nilagay sa lalagyan ang kanyang espada.

Tinignan ko naman ng masama ang aking kapatid. Kasalanan ng isa, kasalanan ng isa pa. Sa isang iglap lang nakita ko ang kapatid ko na tumatakbo na at nakangiti saakin na tila nang-aasar pa.

Tinutok ko naman sa kanya ang hindtuturo ko at sa isang iglap lang ay magnamuo ng apoy dito at handang handa na syang gantihan sa kanyang kalapastahangan.

"Dorothea." pagbabala ni Tatay. Yumuko nalang ako sa kanya para magpaumanhin.

Tumakbi nalang din ako at nang maabutan ko si Ache ay agad ko syang sinipa sa kanyang likuran dahilan upang sumubsob ang kanyang mukha sa buhanginan, panahon ko naman ngayon upang tumawa.

Lampa.

Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo upang hindi nya ako maabutan. Siguradong hindi nya ako gagamitan ng kapangyarihan dahil ipinagbabawal ito ni Tatay sa labas ng kanyang nasasakupan dahil paniguradong may makakakita saaming ordinaryong tao.

Hanggang ngayon isa pa ring malaking katanungan saakin kung bakit napili nina Tatay at Nanay na sa mundong ito manirahan. Pwede naman kaming doon nalang sa mundong aming pinanggalingan dahil doon naman talaga kami nabibilang. Sa mundong iyon hindi kami naiiba at walang wagugulat kung may isang batang paslit ang maglalabas ng apoy o kung ano man sa kanyang katawan.

Bukod sa laging sinasabi ni Tatay na maraming masasamang nilalang sa mundong iyon ay wala naman na akong makitang dahilan. Kayang kaya naman namin ipagtanggol ang aming sarili dahil meron naman kaming kapangyarihan. Pero napag-isip isip ko rin na baka nga may mas malakas pang nilalang saamin.

Nangangalahati na ako sa isla ng may narinig akong kaluskos galing sa kung saan. Nagawi ako sa masukal na gubat kung saan galing ang kaluskos. Nilibot ko ang paningin ko rito pero wala naman ibang nakita kundi mga halaman at puno. Baka guni-guni ko lamang o kaya hangin.

"Ate!" tawag ni Ache. Naabutan nya na pala ako. "Anong ginagawa mo? Baka di tayo makapaghapunan kung magtatagal tayo dito." saad nya. Tama sya kung magtatagal kami dito siguradong di kami makakapaghapunan, kilala ko si Tatay kapag sinabi nyang hindi, hindi pupwede.

"Tara na," sabi ko at papunta na sana sa kanya ng may naaninag ako sa likod nyang, puno? "Achelous!" tawag ko saaking kapatid nang inambang sasaksakin ito ng puno gamit ang kanyang sang. Tinutok ko sa puno ang aking kamay na naglabas ng sibat ng yelo na nakapagpatumba sa puno.

Agad namang gumawa si Ache ng espada gamit ang kanyang kapangyarihang kuryente. At agad na naghanda para sa mga paparating pang mga kalaban. Gumawa din ako ng espada gamit naman ang kapangyarihan kong apoy.

Tumalikod ako nang maramdaman kong may sumugod saaking likod. Nakailag naman ako sa tangkang pagtira ng isa nanamang puno. Tiningnan ko ang paligid at nakitang napakaraming puno na nagsisibunutan sa kanilang mga lupa.

"Saan ba galing ang mga yan? Ano bang kailangan nila?" tanong ng aking kapatid.

"Hindi ko alam," saad ko habang umiilag sa mga tira ng mga kalaban. Kaasar naman. Kasulukuyan naming nilalabanan ang mga puno sa masukal na kagubatan, nang may nakita akong pigura ng isang tao. Tinitigan ko itong mabuti at parang bula naman itong nawala.

"Achelous, may tao," babala ko sa kapatid ko pero hindi sya sumagot. Liningo ko sya at nakita ko syang nakabaliktad habang may baging sa kanyang mga paa. "Ache!" tawag ko sa kanya pero masyado syang abala sa pag-abot ng baging upang masira ito pero hindi nya magawa.

Tumakbo naman ako sa kanya para tulungan sya ngunit may dalawang puno pa na humarang saaking harapan. Sinamaan ko sila ng tingin at pumorma ng opensa, agad ko naman silang sinugod, natalo ko ang isa, bago ko pa matira ang isa pang puno ay nakita kong tinaas ng punong nabitin ang aking kapatid at binuka ang kung ano sa kanya at tinangkang ipapasok doon ang aking kapatid.

Kaya hindi ko na namalayan ang isa pang punong humarang saakin dahil sa pagkabigla sa nakita kong kalagayan ng aking kapatid. Bago ko pa maharap ang aking kalaban ay naramdaman ko nalamang ang aking tagiliran na may saksak na. Hinugot naman ng punong sumaksak saakin ang kanyang tangkay at umagos saaking tagiliran ang napakaraming dugo.

Aamba nanaman ang puno na sasaksakin ako pero nasalag ko ito ng aking sandata. Tinignan ko naman ang aking kapatid na malapit na sa bukana ng puno. Gamit ang aking malayang isang kamay ay tinutok ko ito sa baging na nakatali saaking kapatid at naglabas ng bolang apoy para makatakas na ang si Ache.

Nang makatakas na sya ay pinagtuonan ko naman ng pansin ang punong nasa harapan ko. Nanghihina na ako dahil sa saksak na natamo ko sa punong ito. Kaya nagawa nyang umabante at aki naman ang Napaatras. Nilabanan ko ang sakit saakin tagiliran. Tinutok ko sa kanyang katawan ang aking kamay na kaninang naglabas ng bolang apoy at naglabas ulit nito na syang ikinamatay ng puno.

Tinignan ko naman si Ache at natalo nya na rin ang kanyang kalaban.

Napabaling ako sa mas madilim na bahagi ng gubat at nakita ko nanaman ang pigura ng isang tao. At sa pagkakataong ito alam ko na na hindi sya mortal.

Tinutok ko sa kanya ang dalawa kong kamay at naglabas ng mga matutulis na yelo, walang kahirap hirap naman nya itong nailagan at lalo kong napatunayan na hindi nga sya ordinaryong tao.

Sunod-sunod ko syang pinatamaan at walang kahirap-hirap naman nya itong nailagan. Nakita ko naman na tinitira narin sya ni Ache gamit ang kanyang kuryente.

Tinira ko naman ngayon ng bolang apoy ang pigura ng tao na paniguradong nagmamanipula sa mga puno kanina. Nang biglang napatingin ako sa aking mga paa, huli na ng maiwasan ko ang mga baging na unti-unting kumakapit saaking paa. Ang sunod ko nalang naramdamab ay nakabaliktad na ako at dahan-dahang inaangat ng baging.

Nakita ko naman si Ache na ganun din ang kalagayan. "Sino kaba? Bakit mo ginagawa ito?" tanong nya ngunit nas lalong nagkubli sa dilim ang aming kalaban.

Pilit ko namang kinakalas ang mga baging gamit ang aking mga kapangyarighan pero wala, mas matibay ang baging na ito kaysa sa kanina. Imbes na problemahin ang baging pinagtuonan ko nalang ng pansin ang nagmamanipula nito.

Inumpisahan ko nanaman syang tirahin ng aking apoy at yelo. At nang hindi ako makintento ay gumawa ako ng isang bilugang tubig at hinagis ito sa kanya. Nagkalat ang tubig nang sinubukan nyang sanggain ito. Nagtagumpay naman ako at binuo ulit ito na nasa loob na ang kalaban namin.

"Ache," tawag ko saakin kapatid, tumango naman sya at inumpisahan na nyang padaluyin ang kuryente sa aming kalaban.

Mas malakas ang kuryente sa tubig. Tamang tama lang para matalo ang kung sino mang kalaban.

Ngayon ko lang napansin na, nakatakip pala ang mukha ng aming kalaban na ngayon ay wala ng malay dahil sa atakeng aming ginawa. Unti-unti na rin na lumuluwag ang baging na nakayakap saaming mga paa at sa isang iglap ay bumitaw na ang mga ito saaming mga paa.

Nilapitan ko ang kalaban namin na nakakulong pa rin sa ginawa kong tubig. Siguradong bukod sa kuryenteng dumadaloy sa tubig, lunod na rin sya sa loob.

"Napatay kaya natin sya?" tanong ng aking kapatid.

"Isa lang ang paraan upang malaman 'yan." lumapit kami sa kanya. At sa isang kumpas ng aking kamay ay nawala ang tubig na aking ginawa. Minanipula ko naman ang mga baging kanina at syang pinulupot ko sa kanyang katawan.

Sa kanyang katawan batid kong lalaki ang aming nakalaban. Nakatakip ang kanyang buong ulo at may kaibahan ang kanyang kasootan.

"Ate, yung tagiliran mo," napatingin ako sa sugat ko, tuloy pa rin ang pag-agos ng dugo. Mas hinawakan ko pa ito ng mahigpit para kahit papaano matigil ang pagdudugo. Himala na hanggang ngayon ay nakakatayo pa rin ako kahit malala na ang pagdudugo ng sugat na natamo ko. "Kailangan na nating umuwi para malunasan na ang sugat mo." aniya.

"Pagkatapos natin masigurado kung sino ba talaga ito." sabi ko at tinanggal ang pagkakakubli ng mukha ng aming kalaban.

Nagulat kami nang pagkatapos kong tanggalin ang takip sa kanyang mukha ay naging isang marupok na lamang itong troso.

"Patibong," bulong ko. At nakita ko nalamang ang pigura ng isang tao sa taas ng puno. Ang kanyang kamay ay nakatutok saamin ni Ache.

Agad kong hinawakan ang lupa at inangat ito para maging proteksyon para sa magiging tira ng aming kalaban. Hindi naman ako nagkamali dahil may lumabas na sa kanyang kamay na matutulis na baging at bago pa kami natamaan ay naangat ko na ang lupa at ang ibang baging ay tumagos sa lupa na proteksyon namin ng aking kapatid.

"Ate nanghihina kana." nag-aalalang saad ni Achelous. Binalingan ko ang kapatid ko na punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

"Masyado syang malakas, hindi natin sya kakayanin. Umuwi kana, humingi ka ng tulong." utos ko sa kanya.

"Hindi, ayoko! Ang kasamahan sa laban ay hindi dapat iniiwan," seryosong saad nito. "Kung gusto mo ikaw ang umuwi at humingi ng tulong." aniya at tinalunan ang ginawa kong harang.

Nabigla ako sa ginawa nyang pagtalon pero nabawi ko naman ito agad at tumalon na rin sa ginawa kong harang. Nakita ko namang patuloy si Ache sa pagtira sa kalaban namin. Gumawa naman ako ng espada na hango sa apoy at inumpisahan na ring sugurin ang aming kalaban. Una at pangalawang tira ay nakailag sya pero sa pangatlo ay na daplisan na sya. Pagkatapos ng daplis na iyon ay walang kahirap-hirap nya nang naiwasan ang mga tira ko at ni Ache.

Hindi ito pwede. Nanghihina na ako. At hindi ko na ata matatagalan pa ito. Nanlalabo na ang paningin ko.

"Ate!" tawag ni Ache saakin. Nakita ko syang mabilis na tumakbo saakin at niyakap ako. Agad akong gumawa ng ipo-ipo para maproteksyunan kami. Sa loob ng ipo-ipo ay kitang-kita ko ang pamilyar na mga madidilim na mga mata. Hindi ako makapaniwala ng hinubad ng aming kalaban ang kanyang talukbong sa mukha.

At bumungad saamin ang galit na mukha ni Tatay na may halong pagtitimpi. Pero bakit? Kasali ito sa pagsasanay? Pero halos mapatay nya na kami!

Sa isang hampas lang ng kamay ni Tatay ay nawala ang munti kong ipo-ipo na pumoprotekta saamin ni Achelous.

Bago pa ako makapagsalita ay buong katawan ko na ay nanghina. At sa isang iglap ay ang aking ulirat ay nawala.