"Can I have this dance?" Aniya habang nakangiti ng matamis sa akin.
Napatingin ako sa paligid at nahagip ng mata ko si Geraldine na support na support at kilig na kilig dahil sa scene na ginagawa ngayon ni Topher.
I don't want to be rude kaya naman tinanggap ko ang kanyang kamay. Hindi man lantaran ay rinig ko ang bawat pagpansin samin ng lahat.
"Ayan pre, naunahan tuloy tayo." Narinig kong sinabi ng mga nagtatalo kanina sa likuran ko.
Dinala ako ni Topher sa dance floor. Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya saka ako tinignan sa mata, "May I?"
marahang tumaas ang kilay ko dahil hindi ko alamang itinatanong niya, ngunit ngumiti lang siya at inilagay ang kanyang kamay sa bewang ko.
(playing: So Close by John McLaughlin)
You're in my arms
And all the world is gone
The music playing on
For only two
So close together
And when I'm with you
Napatitig ako sa mukha niya habang sumasayaw na kami sa saliw ng musika. Madilim ang paligid pero may makukulay na ilaw ang tumatama sa kanyang muka, dahilan upang mas matitigan ko pa lalo ang mukha niya.
Kaya pala nakikita ko si Nico sa kanya kanina sa stage at dahil hawig talaga sila. Parehong may bangs, makapal ang kilay at may maamong mukha. Ang kaibahan ay mayroong dimples sa kabilang pisngi ang lalaking ito tuwing ngumingiti...
"Baka matunaw ako niyan, Miss..." nagising lamang ako mula sa pagtitig sa mukha niya noong magsalita siya. Doon ko namalayang kaya pala siya ngumingiti ay dahil nakatitig lang ako buong oras sa mukha niya.
Umiwas ako ng tingin kaya narinig ko ang halakhak niya. Noong tignan ko ulit siya ay ipinakita ko na ang natural na bitchesa kong mukha.
"How can you dance someone na hindi mo man lang alam kung anong pangalan?" sabi ko sa kanya kaya naman muling lumitaw ang malalim niyang dimple.
I may say na gwapo siya. A star, indeed. Siguro'y kung jowang-jowa ako ngayon malamang ay kinilig na ako sa klase ng ngiti niya. Pero kahit pakpak ng paru-paro ay walang naramdaman ang tiyan ko.
"Because I want your name to come from you," sagot niya. "You are?"
"V... Bianca." iyon ang sinagot ko sa tanong niya, dahil doon ay humalakhak siya. Huli ka.
"Okay... Via." sabi niya naman.
"So you want my name to come from me pala ha?" humalakhak na naman siya.
"What? Via... pinaikling Bianca?" aniya, litaw na litaw ang dimples. "Don't tell me your real name is Via and not Bianca? Syempre I don't know kasi I didn't ask for your name around." halakhak na naman niya.
I rolled my eyes. Aaminin kong natawa ako sa sinabi niya.
"Whatever you say."
"I'm Christopher. Topher na lang for short."
Doon nagsimula ang pagpasok ni Topher. I thought isa lang siya sa mga ilang lalaki na dadaan lang. I'm not ready for a relationship anyway. Pagkatapos ng gabing iyon ay bumalik na ulit sa ordinaryo ang lahat. Bahay - trabaho, iyon lang naman ang buhay ko.
Pero pagkalipas ng isang linggo ay tinawagan ako ni Geraldine.
"Oh, bakit?" noong oras na iyon ay nasa trabaho ako. Lunch break, kaya naman may panahon akong makipagusap kay Dine. Tingin ko naman 'yong honeymoon na naman niya ang ikukwento niya.
Minsan nga sarap pasakan ng papel 'yong bibig, kasi naka-loud speaker siya tapos ang sasabihin pala... "Besh! Ang sarap talagang makipag-sex!"
Hanggang ngayon napapa-facepalm pa rin ako tuwing naaalala ko iyon. And syempre masaya rin para sa kaibigan ko.
"May reunion daw ang buong university natin." aniya habang may nginunguyang kung ano. "Punta tayo ha? 3 months pa naman from now. Sana daw kahit busy ay makaattend tayo. Batch 2015 naman ang organizer kaya chill lang tayo."
"Okay," yun lang ang sinagot ko, sabay subo ng pagkain. "No prob, punta tayo."
"Saka papunta pala ngayon dyan sa canteen niyo si Topher,"
Pagkarinig ko noon ay halos maibuga ko ang pagkaing sinubo ko.
"Si Topher?!" napatingin ako sa mga taong napatingin rin sakin. "Bakit? Saka paano niya nalaman dito?"
"E kasi ayaw ko naman sabihin, kaso sila ni JM yung palaging magkausap, e hindi ko naman nasabihan si JM na ayaw mong nagsasabi ako ng mga gan'on sa mga lalaking bet ka. Ayun. Kaya sinabi ko na agad sa 'yo hahahaha!"
"What?"
"O sige, alis na ako. May round six pa kami mamaya--"
"Wait! Pasabi mo kay JM ayoko--!!!"
Napatingin ako sa phone ko noong naputol na ang linya. Siraulo talagang mag-asawa 'to oh! Kapag umuwi talaga ang dalawang iyon, e talagang kakalbuhin ko!
"Janica, tapos ka na ba? Balik na tayong office." Yaya ko kay Janica. Kailangan na naming umalis bago pa makarating si Topher dito.
"Aga pa, Via! 30 minutes pa oh!" Reklamo naman niya.
"Hmm, may gagawin pa ako e. Dito ka na lang muna? Balik na ako-"
"Nubayan! Sige na nga sama na ako pabalik."
Ngunit huli na ang lahat dahil pagkalabas namin ay may naghihintay nang Topher sa labas sa tabi lang ng building ng office namin. Hindi na niya sana kami mapapansin kung hindi lang nag-ingay si Janica sa tabi ko.
"OMG, si Topher ba 'yun?" Papasok na sana kami ng building nang tumigil si Janica at nagsalita kaya napatingin sa amin ang naka-sunglass na Topher na kanina'y nakayuko sana habang nakasandal sa kotse at nagcecellphone.
Napangisi si Topher kaya naman napahiyaw si Janica. Nadisplay ba naman ang dimples e.
Hinila niya ako palapit dito habang hindi mapigilan ang ngiti.
"I-ikaw po ba si Dan Christopher? N-Ng bandang D.A.N.G.E.R po?" Nauutal na tanong ni Janica. Ngumiti naman ng matamis si Topher bilang sagot. Ibinaba niya ng kaonti ang sunglass niya.
"Wag kang maingay, secret lang natin."
"Kyaaaa! Opo. Pwede pong papicture?" Inabot sakin ni Janica ang phone niya. "Beh, picturean mo kami."
Gulat man ay naparoll eyes na lang ako sa isip saka sila pinicturean.
"Thank you, thank you po..." sabi ni Janica kaya naman tumalikod na ako para mauna na, pero natigilan dahil binanggit ni Topher ang pangalan ko.
"Via!"
Confused tuloy na napatingin sa amin si Janica.
"May trabaho pa ako." Iyon lang ang sinabi ko saka naglakad ulit.
"Let's meet after your shift!" Pahabol na sigaw niya dahilan para tumakbo palapot sa akin si Janica na hindi maiwasan ang maglookback kay Topher.
"No way... don't tell me Via nililigawan ka rin ni Topher???" Usisa ni Janica habang naglalakad na kami sa hallway papuntang office.
Hindi ako sumagot. Kahit ano naman kasing sagot ko e, kung anong inaassume ng tao ay iyon ang paniniwalaan nila.
"Oh my gad, ikaw na talaga!" Sabi ni Janica. "Hindi ko akalaing hanggang gan'ong level ang kaya ng beauty mo. Akalain mong nabihag mo ang isang Dan Christopher na isang sikat na singer at anak ng may-ari ng JCG Corp?! Iba ka te--"
Natigilan ako sa huling sinabi ni Janica.
"Anak ng may-ari ng JCG Corp?"
Tumaas ang kilay ni Janica. "Oo? Ano teh, huli lang sa balita? Walang kaalam-alam?"
Napatango ako. "Eh bakit ko naman kasi kailangang alamin?"
"Hay nako, ewan ko ba sa iyo. Sana talaga sa akin na lang iyang mukha mo nang mapakinabangan naman."
Di ko alam kung matatawa ako o mababatukan ko itong si Janica sa mga pinagsasabi. Pero hinayaan ko na lang lumipas ang oras at out na namin.
5:30 pm na rin, pero nabigla ako dahil pagkalabas ko ng building ay nandon ulit si Topher si tapat.
Don't tell me hinintay niya talaga ako? Because it won't work on me. Wala akong pake kung magpaimpress siya na kaya niyang maghintay, wala akong sagot kung mabagot man siya kakahintay o kung mapaano, dahil in the first place ay hindi ko siya sinabihang hintayin ako.
"Via..." nakangiting bati niya sa akin habang naglalakad palapit.
Kunot ang aking noo sa kanya.
"Topher, alam mo, you should be careful. Kung alam mong tanyag ka e hindi ka dapat nagtatatambay lang kung saan-saan. Kung may mangyari sa iyo ay ayokong magkaroon ng kasagutan."
May chance na maoffend ko siya pero ngiti pa rin ang isinagot niya sa akin.
"Don't worry, hindi naman ako buong 5 hours na naghintay. Uhm, malapit lang kasi ang trabaho ko dito... and ayun. Kakarating-rating ko lang rin ulit."
Muntik na ako mapa-tango. He's kinda humble, dahil ilang beses na kaming nagkakausap pero hindi niya nababanggit yung company na pagaari nila to impress me.
"Sorry if I disturbed you, but can you have coffee with me?"
Napataas ang kilay ko habang inaalisa ang galaw at pakay niya. Unlike Jason and other guys na nagtangka, sa kanya ay wala naman akong naaamoy na panganib. I mean, hindi ko pa rin siya pinagkakatiwalaan, pero compared to other guys, he's good.
And so I did. Naglakad kami sa pinakamalapit na coffee shop. The next minutes was good. I might say na he's good, gentleman, and soft. Alam niyo namang magaling akong manghusga ng tao base pa lang sa galaw, pero sa taong ito ay wala akong mahusga. Mula sa kilos at galaw, graceful at halatang ipinanganak na siyang ganoon.
Siguro nga dahil nga sikat siya at mayaman, kaya hindi siya pwedeng gumawa ng mali.
"How did you know JM Ayson?" Tanong ko sa kanya habang humihiwa ng cake. Ganoon rin siya at kada galaw niya yata ay lumalabas ang dimples niya.
"Oh, si JM..." aniya. "He's an architect diba, and uhm, my dad owns an Engineering firm near here kaya ayun. Work related lang rin."
Tumango ako na kunwari ay hindi ko alam.
"So you're an engineer?" I asked.
"Uh, hindi." He laugh. "My dad is. But I'm not, kasi that's not my thing talaga." He shrugged. "I chose my passion over anything."
Napatango ulit ako. Sa oras na iyon na nakausap ko siya ay na-gain niya ang respeto ko. He didn't make a move to me, hindi tulad ng iba. Our topic goes about work, politics, trivias, so I might say na naenjoy ko naman kahit na papaano ang sandaling iyon.
Nagpresinta siyang ihatid na ako pero dala ko ang sasakyan ko kaya I said no.
"Wait, Via." Aniya bago ako sumakay ng sasakyan. "Can I have your number?"
Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. "Hmm, I just want your number to come from you. Can I?" He smiled, saka iniabot sa akin ang phone niya.
Napatingin ako dito.
Hindi ko alam kung bakit tumibok ng masakit na tibok ang puso ko. Pero napakasaglit lang.
"Nakalimutan ko kung anong title e. Ilagay mo na lang 'yong number mo, itetext ko sa 'yo kung ano kapag naalala ko."
With that memory on my head, wala sa loob na kinuha ko ang phone na inabot niya. Alam ko ang ginagawa ko pero parang wala ako sa sarili, alam niyo ba 'yong ganong pakiramdam.
Tinype ko ang number ko sa cellphone niya. Noong natype ko na ay iniabot ko ito pabalik sa kanya.
Parang may bumara sa lalamunan ko at ang bawat tibok ng puso ko ay may hapdi.
"S-sige na, bye." Iyon na lang ang sinabi ko kay Topher saka na ako pumasok sa sasakyan ko.
Huminga ako ng malalim habang hawak ang manibela, saka ipinilig ang ulo ko.
I need to stop this.
I need to stop waiting.
I think this is really the end of us. Tingin ko'y kailangan ko nang kalimutan ang nakaraan, hayaang bitin ang storya...
...dahil mukha ngang hindi na ito madudugtungan pa.