webnovel

Simula

"Bye, Via!"

Bineso ko isa-isa ang mga classmates ko noong College. We are all professionals now, 'yong iba ay ibang landas ang tinahak, 'yong iba ay nagkaroon na ng pamilya't anak.

"You're still stunning huh? Any plans of settling down?" ngumiti ng maluwag sa akin si Marg, at ginantihan ko 'yon ng ngiti rin.

"Ugh, wala pa nga sa isip ko 'yan," sagot ko sabay tawa. "Career first."

"Sus, ang sabihin mo, kahit kailan ang choosy mo! Ang dami mo namang manliligaw kahit noong college tayo ah!" ani ni Geraldine, isa sa pinaka-close kong kaklase na nakapagasawa ng artist na irregular noon sa amin na si JM. "Ask her about Marcus, c'mon. Hahaha!"

"Oh, si Marcus? 'Yong nalink sa iyo na basketball player? Yung gwapo at mayaman!" sabi naman ni Marg.

"Babaero yun e." sagot ko.

"WEH? Binasted mo? Sayaaaaaang naman!" aniya.

Walang sayang sa lalaking 'yon. Sayang ang pagkababae ng isang babae kapag pinatulan 'yon. Tss.

"How about the Law Student back then? Yung sobrang talino?! Don't tell me—"

"MAHANGIN." sagot ko ulit.

Totoo naman e, matalino sana, kaya lang buong pagu-usap namin puro tungkol sa sarili niya. Mga nakamit niya noong elementary pa lang siya. Mga medals at certificates niya. Ultimo may mag-add sa kanya sa facebook ipagmamalaki niya, komo maraming naghahabol sa kanya.

Pwede ba?! Sa isang relasyon, hindi puro ikaw! Tsk!

"Wadafudge Viaaaaa!"

"Sinasayang mo ang pagkakataooooon!"

"Ang gagwapo ng mga iyon!!!"

Napangiwi ako dahil sa mga reaksyon nila, pati 'yong iba pang ka-batchmate naming nakisali na sa usapan. Na-hotseat tuloy ako't napainom ng juice  na nasa table.

Nandito kami ngayon sa school namin noong college, sa event hall namin naisipang ganapin ang Batch 2019 Reunion. Tapos na ang event at ang natitira na lang ay halos mga ka-blockmates ko.

"Oo nga't gwapo ang mga iyon pero magsesettle ka ba sa gwapo lang? Sa mayaman? We're not getting any younger, and we are dating to get married. We are not playing anymore. Hindi ba pwedeng gwapo, mayaman, mabait, humble, may prinsipyo, matapang at kaya kang ipaglaban—"

"In short....?" natigilan ako nang sumingit si Geraldine. "Inshort, hindi nageexist kaya tatanda kang dalaga! Hahahahahaha!"

"OA mo. It's not that I'm 30 years old na no, 27 years old pa lang ho kaya ako!"

"Excuse me, 3 years before you become 30." aniya. "Ikaw na rin ang nagsabi, we are not getting any younger, kaya kung ako sa iyo, maghanap hanap ka na ng makakasama. Mahirap manganak ng 30 years old na." sinabayan pa ng halakhak.

"You're just lucky you met your Mr. Right during college, hmp." inirapan ko si JM na tumawa lang sa gilid ni Geraldine.

"Pero seriously... may nagustuhan ka na ba? I mean, you know?" seryosong tanong ni Huck.

Hindi ko alam kung bakit ba ako ang topic, pero napaisip ako sa tanong na iyon. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at kumabog ang dibdib ko nang sumagi sa isip ko ang taong iyon.

"O-oo naman."

Humiyaw silang lahat at excited na tinanong kung sino at anong pangalan nito. Uminit ang pisngi ko nang sa akin napunta lahat ng atensyon nila.

"But I won't tell you." singit ko agad. "Saka tagal na n'on, huli kong kita sa kanya ay noong college pa tayo."

Kumirot ang puso ko, pero pinilit kong itago iyon.

"Bakit?!?!?" tanong nilang lahat. Si Geraldine na siyang nakakaalam ng tungkol dito ay ngumiti lang ng pasimple sa akin.

"Tss, lovelife niyo na lang isipin niyo, huwag na ako..." humalakhak lang ako noong nagreklamo sila sa pagtayo ko. "What? Uuwi na ako. My mom's waiting for me!" ani ko.

"You didn't bring your car, right, Via? You can join us hanggang Baclaran para mag-grab ka na lang pa-Buenavista." suhestiyon ni Geraldine.

"Uh. No, no. Sinadya ko talagang huwag dalhin ang kotse ko dahil mayroon akong dadaanan pauwi."

Mabuti na lang at hindi na sila nagpumilit pa, nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwalay na ng landas.

Magko-commute lang ako pauwi, katulad ng ginagawa ko noong College pa ako. Mabuti na lang at simpleng Tshirt lang ang suot ko at faded pants, hindi masyadong eye-catching.

Nagtungo na nga ako sa istasyon ng bus...

It's been 6 years.

Same settings, different time...

but same feelings.

Sobrang sumisikip ang dibdib ko, hanggang ngayon ay nandito pa rin 'yong pakiramdam na kailangan kong manatili rito upang maghintay...

Dahil... Sa bus, na sinasakyan ko pauwi, doon nagsimula ang lahat... at doon rin nagtapos, noong isang araw  na naging madamot ang tadhana, at hindi na lang bigla kami pinagtagpo.