Bumalik ako sa bahay na palagay ko'y pulang pula ang mukha. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman... inis? Inis sa sarili ko dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko maitangging masaya ako kahit papaano na makasama at makausap ng gan'on si Nico.
Inis dahil hanggang ngayon kilalang kilala pa rin ng puso ko kung sino ang tinitibok nito. Kaya kong mainis, ngunit hindi ko kayang magalit.
Pumunta ako sa kwarto saka sumubsob sa aking kama. Muli ay tinitigan ko 'yong numero ni Nico. Hindi na ulit siya tumawag. Ilang minuto ko yatang tinitigan iyon, pero hindi ko kayang maunang kausapin siya.
I just click the number to save it on my phone book.
NICOnduktor.
I smiled upon reading it. Kahit gaano na kalaki ang nagbago sa itsura at pagkatao ni Nico, I still feel and see him as the Nico from six years ago.
...
Days have passed at hindi na ako tinawagan ulit ni Nico. I kept on checking my phone, pero kahit ring ay wala.
I sighed saka ipinagpatuloy ang pagtatrabaho.
Bakit nga ba naghihintay ako? Para sa kanya, hindi niya ako gan'on kilala. Wala kaming koneksyon. I'm just a random girl na nakilala niya sa bus na cooncidence ay kakilala rin pala ng kapatid niya.
Hindi ako mahalaga. Kaya bakit niya ako tatawagan? O kahit text man lang?
Kunot ang noo ko habang tumatakbo iyon sa isip ko, nang mapatalon ako sa gulat dahil biglang nagring ang phone ko.
Kumabog ng napakabilis ang dibdib ko kaya naman mabilis kong dinampot iyon. Ngunit agad ring napalis ang pag-asa ko noong makita kung sino ang nasa Caller ID.
Sinagot ko iyon.
"Hello, Topher..." sagot ko.
"Via!" Aniya na halatang masaya. "Sorry ngayon lang ulit kita natawagan. Are you busy right now?"
Napapikit ako upang mag-isip... hindi ko alam kung tama pa ba itong pakikipagclose ko kay Topher. Alam kong wala akong assurance na ibinibigay sa kanya, pero hindi ko pa rin maiiwasan na baka umasa siya sa akin kapag patuloy kaming nagkikita ng ganito.
"Ahm, bakit?" Iyon na lang ang sinabi ko.
"Let's grab some coffee again? Or milktea, or Ramen. Kahit ano... my treat!"
"Ano kasi... Topher-"
"Please? Please? May sasabihin rin kasi ako."
"Okay..." sagot ko, "May sasabihin rin ako..."
Maybe ito na rin ang time para makausap ko si Topher at linawin kung ano ba talaga kami.
"Talaga? Tungkol saan?" He chuckled. "Anyway, mamaya na lang. I'll see you later, then?"
"Okay..."
I sighed pagkababa ko ng cellphone.
Paglipas nga ng uwian ay nadatnan ko na si Topher na nakatambay sa kanyang sasakyan sa parking lot sa tapat ng building namin.
I smiled a little noong nakita na niya ako.
"Tara?" Aniya. "Let's walk na lang. Diyan lang naman tayo sa Tiendesitas."
Agad na napadpad ang tingin ko sa sasakyan niya upang tignan kung mayroon ba siyang kasama...
Pero wala. Mukhang siya lang mag-isa.
"O-okay..."
Nasaan kaya si Nico? Anong ginagawa niya? Halos magi-isang linggo na rin mula n'ong huli naming pagkikita.
Siguro masyado siyang busy sa JCG Firm?
Gusto kong umiling na lang sa mga pinagiisip ko.
Halos 5 minute-walk lang naman 'yong Ramen restaurant na kakainan namin ni Topher. Pagkapwesto namin sa table ay umorder na kami agad.
"Ahm... marami ba kayong trabaho ngayon sa JCG?" tanong ko kay Topher.
"Wala naman, bakit?" Aniya.
"Actually maluwag ang sched namin ngayon sa JCG. Kuya's doing a great job kasi kaya maaga naming natatapos lahat ng projects..."
"Ah..." iyon na lang ang nasabi ko.
So hindi naman pala sila busy? Bakit hindi siya nagpaparamdam? Siguro ay ayaw niya lang talaga akong kausapin.
"Huy..." Nagising ako sa reyalidad nang kumaway si Topher sa harap ng mukha ko. "Why?" Tanong niya ulit. "Sorry kung this week hindi kita masyadong nakakausap. Sobrang hectic kasi ng schedule ng DANGER ngayon. Puro kami rehearsals. Sa katunayan, ngayon na lang ulit ako nakalabas ng ganito kaaga."
Napanganga ako sa paliwanag niya. I laugh awkwardly.
"Ahhh... gan'on ba..." iyon lang ang nasambit ko.
"Ano nga pala 'yong sasabihin mo?" Tanong niya bigla.
"A-ah... ikaw muna! Haha! Parang mas mahalaga 'yong sa 'yo e..."
"Ah, wala lang naman iyon. I just want to invite you next week, Friday." Aniya.
"Bakit? Anong meron?"
"Team building ng JCG Firm, and also the celebration of my birthday..." malawak ang ngiti ni Topher noong sinabi niya iyon. "Sa Baler, Aurora. Don't worry, sagot naman ng company lahat ng gastos... and pwede kang magsama ng friend mo from work."
I bit my lower lip dahil sa sinabi niya. Birthday niya on Friday next week? I felt guilty... hindi ba't masyadong rude kung ngayon ko sasabihin ang gusto kong sabihin sa kanya?
"Sure..." iyon lang ang isinagot ko.
Ipagpapaliban ko na lang muna siguro ito... hanggang sa matapos ang birthday niya?