webnovel

Harap sa Kabila

Napatingin ako sa harapan at ayan na naman ang hindi ko maunawaang kaba noong sumampa na sa bus si Nico... na kunot na naman ang noo at salubong ang kilay noong tignan niya ako.

Agad akong umiwas ng tingin, sabay hawak sa dibdib ko.

What the fudge? Bakit ba ako kinakabahan?

"Ano bang problema ng kundoktor na 'yon?" kunot-noong bulong ni Marcus habang nakatayo. 

Hindi ko alam kung bakit bigla kong pinagkumpara ang epekto ng kunot-noo ni Marcus kaysa sa epekto sa akin tuwing kunot ang noo ni Nico.

"Via." tawag niya ulit sa akin. Hindi ko namalayang napatitig na ako sa kanya kakaisip sa kunot-noo ni Nico. "Did you just stare at me?" nakakalokong-ngisi ang binungad ni Marcus kaya ako natauhan.

Agad na napataas ang kilay ko.

"You wish." binaling ko na sa iba ang tingin ko. Nang magtama ulit ang mga mata namin ni Nico ay tumaas ang isang kilay niya na para bang may gusto siyang iparating na hindi ko maintindihan.

Namalayan ko na lang na tinatahak niya na ang siksikang mga tao papunta sa direksyon namin. Dahil doon ay mas lalong nataranta ang dibdib ko.

"Ayos lang po tayo ng pagtayo para makasakay pa po 'yong iba." aniya, dahil doon ay napansin na siya ng ibang mga pasaherong nakatayo rin.

"Ay kundoktor ka, hijo? Hindi bagay sa 'yo. Hehehe."

"Oo nga kuya, ang gwapo mo e. Hihihihi." komento ng ilang mga nadadaanan niya. Bahagya lang tumaas ang labi niya para sagutin 'yong mga kumausap sa kanya.

"Salamat ho. Ayos lang po tayo ng pagtayo, harap po tayo sa kabila... ayan..." aniya pa sa mga pasaherong nakatayo habang inaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga ito. Hanggang sa mapunta na siya sa pwesto namin.

"Brad," tawag niya kay Marcus. "Harap lang tayo sa kabila para maayos ang pila."

Ngumisi ng nakakaloko si Marcus.

"Hindi pwede, nandito ang girlfriend ko e." Agad na naglanding ang tingin sa akin ni Nico. 

"What? I'm not your girlfriend." sagot ko naman dahil walangyang Marcus 'to, tingin niya papayag ako sa ganyan-ganyan niya?

Napansin ko ang pag-angat ng labi ni Nico mula sa matinding pagkakakunot ng noo niya kanina. Parang naging mas maaliwalas ang mukha niya.

"Why are you smiling? Huh?" biglang hamon ni Marcus kay Nico. Mahina lang ang boses niya pero dahil kulob itong bus ay napansin sila ng mga pasahero.

"Marcus--"

"Kanina ka pa e! Kanina ang sama mo kung makatingin. Nananadya ka ba?" sabi pa rin ni Marcus.

"Marcus ano ba?! Nakakahiya!" saway ko. Si Nico ay hindi sumasagot pero bumalik  na naman sa pagkunot ang noo niya. "If you won't stop. I won't ever see you again!"

Mabuti na lang at natigilan na siya.

Binalingan ko ulit ng tingin si Nico pero likod niya na lang ang nakita ko.