webnovel

Cheap

Noong sumakay kami ng bus ay hindi na kami pumila. Pinasakay na kami agad ng driver at pinaupo sa bandang unahan ng sasakyan.

"Nico!" sambit ng kundoktor na kakaakyat lang dahil puno na 'yong bus. Napatingin ito sa akin at nanlaki ang mata. "Siya ba 'yung--" bigla itong natigilan kaya naman napatingin ako kay Nico at baka sinenyasan niya na huwag ituloy yung sasabihin. "Ha? Bakit? Huwag kong sabihing siya 'yung babaeng palagi mong kinukwento sa amin?"

Humalakhak ang driver habang nakatingin sa rear view mirror ng bus. "Nako, iho... hindi mo na maitatago 'yan. Mukhang alam na rin naman ni miss Via e,"

Mas lalo akong napatingin kay Nico dahil maging ang driver ay alam ang pangalan ko? "Kuya Bino huwag ka nang makisali."

Napangiti na lang rin ako at napatakip sa bibig, habang simpleng pinagmamasdan si Nico sa tabi ko. "Ba't ka pa ba nahihiya, Nico? Via okay lang naman dib--"

"Doon ka na nga Anton." tumayo si Nico para akbayan, pagkatapos ay sakalin sa pagkakaakbay iyong si Anton. Natawa na lang kami sa kalokohan nila. "Isusumbong talaga kita sa-- boss natin!"

"Bakit ako aalis e ako kundoktor ng bus na 'to!"

Bumalik lang si Nico sa tabi ko nang pulang pula ang mukha. Ni hindi nga siya makatingin sa akin kaya naman mas lalo akong natawa.

"Sabi na nga ba pagtatawanan mo ako e."

Umiling-iling na lang ako para pigilan ang pagtawa. Noong lumaon ay nagsimula nang bumyahe ang sasakyan. Inilabas ni Nico ang cellphone at earphones niya. Inilagay niya 'yong isang piece sa kanang tenga at ang isa sa kaliwang tenga ko. Ngumiti siya ng matamis noong ginawa iyon.

"Alam mo ba, ito yung pinaka-paborito ko..." aniya. "Sharing music with you."

Ngumiti lang ako at hindi na nakapagsalita, I settled down on seating saka malumanay na ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.

Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ng puso ko ngayon. Parang wala na akong paglalagyan.

Sa sobrang kumportable ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako sa balikat niya. Naramdaman ko na lang ang marahan niyang pagtapik sa aking pisngi habang sinasabing "Via, buenavista na."

Napaayos ako ng upo at napatingin sa mukha niyang nakangisi. Hiyang-hiyang tinakpan ko naman ang bibig ko dahil sa pagooverthink na baka tumulo ang laway ko at may panis pa.

Humalakhak siya, "Tara na."

Tumayo na siya samantalang sumunod naman ako sa pagtayo niya. Dahil nga nasa unahan kami ay madali lang kaming nakalabas ng bus mula sa kumpol ng mga tao.

"Pre, Nico, Via... ingat!" sabi ng kundoktor na kaibigan ni Nico. Tumango lang rin si Nico sa kanya.

"Sige, Anton. Ingat!" saka na umandar 'yong bus at naiwan kaming dalawa ni Nico doon. Naglakad naman na kami patungo sa kanto ng bahay namin. Medyo nao-awkwardan pa ako dahilmedyo naguuntugan ang kamay naming dalawa, na siyang nagdudulot ng kuryente sa buong katawan ko.

Shiz!

"Dito na lang ako..." doon lang ako natauhan mula sa pagiisip ng kung anu-ano noong magsalita siya.

"Ha?"

"Doon na ang bahay niyo, diba?" itinuro niya yung gate namin. Oo nga, malapit na kami sa bahay namin. Ang bilis naman ng oras, bakit kung kailan naman naeenjoy mo ang isang sandali ng buhay mo, iyon pa 'yong mabilis?

"Uhm, thank you for this night..." sabi ko, saka ko naalala 'yong jacket niya. "Oo nga pala, 'yung jacket mo..." huhubarin ko sana ito nang magsalita ulit siya.

"Sa 'yo na lang, bagay naman sa 'yo e." aniya kaya natigilan ako.

"Itong jacket mo?"

Ngumiti siya ng napakalapad, saka bahagyang umatras saka pabitin na sinabing...

"'Yong apelyido ko." saka na siya tuluyang naglakad palayo habang nakatingin pa rin sa akin at nakangiti. "Bye..."

Mula sa pagkagulat ay naramdaman ko naman ang paru-paro sa tiyan ko.

"Sige na, tss." pinilit kong magsungit pero parang tanga lang dahil nakangiti. Kumaway ako sa kanya. "Ingat ka."

He bite his lower lip para pigilan lang siguro ang pagngiti, kumaway saka na tuluyang tumalikod. Tumalikod na rin ako at napatingin sa jacket niya na suot ko.

This day was perfect. Pakiramdam ko sobrang saya ko at magtutuloy-tuloy na ang saya ko.

At tama nga...

na pakiramdam ko lang iyon.

The next thing I knew, nasa akin ang tingin ng lahat ng kaklase ko the moment I entered the room. Nakita ko pa si Marcus na may kalandiang babae sa gilid ng classroom, at noong makita niya ako ay sagad sa tenga ang ngisi niya.

Umirap lang ako at naglakad lang nang makarinig na ako ng mumunti ngunit rinig na rinig na usapan.

"Ang cheap."

"And liar..."

The truth is I don't care kung ako lang naman, pero iba na noong narinig ko ang pangalan ng lalaking gusto ko.

"Akala ko ang swerte niya, pero ba't niya kapag pinagpalit sina Marcus for that cheap conductor?" Kumalabog ang dibdib ko noong marinig ko iyon. Unti unti at nanghihina ang tuhod na napaupo ako sa upuan ko sa tabi ni Geraldine. She quickly held my hand.

"Kahit pa gan'on kagwapo, kung kundoktor lang naman pala. Ew!"

"Via... just don't mind them." Ani ni Geraldine.

I don't really like to mind them but the fact na nakakarinig ako ng gan'ong kasakit na salitang binibitawan nila kay Nico... iyon ang hindi ko kayang pakinggan.

Nico's a very good and pure person. He doesn't deserve this kind of insults...

Sumisikip ang dibdib ko habang patuloy na pinakikinggan ang mga sinasabi nila. Naramdaman ko na lang ang paginit ng gilid ng aking mata.

"H-how... how did they know?" Bulong ko kay Geraldine. Lumungkot ang mukha niya saka inilabas ang phone at ipinakita sa akin ang isa sa stories sa IG ni Lindsey.

It was Nico... habang naniningil ng pamasahe sa bus. He is charmingly smiling in that picture habang hawak ang tickets at pera.

Mas lalong tumulo ang luha ko.

"What wrong in that picture?" Bulong ko pa rin ngunit puno ng hinanakit. "Bakit ang judgemental ng mga tao? Ano ngayon kung kundoktor siya? Ano ngayon kung minahal ko siya?"

"There's nothing wrong Via. Ang mali lang ay ang pagiisip nila." Sagot ni Geraldine habang malumanay ang mukhang nakatingin sa akin. "Don't cry..."

Tumango ako saka pinunasan ang luha sa aking mata. Napagdesisyunan kong pumunta sa CR para magayos ng mukha ko. Geraldine's right, hindi ko dapat ipakita sa kanilang apektado ako sa pinagsasabi nila. Lumabas kami ni Dine sa classroom at tinahak ang hallway patungo sa CR, ngunit on the way ay nakasalubong pa namin sina Lindsey.

Tumaas ang kilay niya habang tamad na pinasadahan ko lang sila ng tingin. Inwas about to pass by them nang magcross arms sa harapan ko si Lindsey.

"How's your Architech boyfriend?" Nangaasar na tanong niya.

"Can you please shut up?" Tamad na sabi ko at lalagpas na sana ulit nang sumagot pa siya.

"Ang galing no?" Aniya. "Pera at bus tickets na pala ang hawak ng mga Archi ngayon at hindi na plates. Pfft! Your man is so cheap. Paano mo nagustuhan ang gan'ong kababang tao?"

Hindi ko na napigilan at humarap na ako ulit upang paliparin ang kamay ko sa pisngi niya. Naging matunog iyon upang makaagaw ng atensyon ng mga estudyante.

"You bitch!" Susugod sana si Lindsey sa akin ngunit humarang si Geraldine upang protektahan ako.

"Ano ha?" Aniya. Natigilan sina Lindsey. "Ano bang pakialam niyo ha? We could like whoever we want. Kahit kundoktor, barker o pulubi pa! Bakit ba sobrang nanggagalaiti kayo? Kayo ba ang nagmamahal?"

Nakahawak pa rin sa pisngi si Lindsey habang nakatingin sa amin ng masama. Nakaalalay naman sa kanya 'yong mga alalay niya.

"Tignan natin Lindsey..." Geraldine said. "I swear to God, you will love someone when you least expect it. At kapag nangyari 'yon... maiintindihan mong you couldn't do anything about it."

Saka kami naglakad palayo. May pahabol pang isinigaw si Lindsey.

"You wish!" Nanggagalaiting sigaw niya. "That will never happen!"