webnovel

Nostalgia's Book

THIS IS A FILIPINO/TAGALOG STORY!!! "No... It's not the ending that I wanted. I want to rewrite it... with my true feelings as I am remembering our nostalgic memories." also follow me on wattpad: @lebannaaaa

rain_chan_26 · Fantasy
Not enough ratings
9 Chs

Prologue

"Tasha!"

Lumingon ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Ngumiti ako at huminga ng malalim. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at puno ang mga ito ng mga magagandang bulaklak.

Pinanood ko siya kung paano niya kausapin ang ibong dumapo sa balikat niya. Kampante na ako sa ganito. Kampante na ako.

Kung ganito siya kasaya.

Okay lang sa 'kin.

Basta't masaya siya kahit hindi na ako ang dahilan. Kahit wala nang matatawag na kami. Kahit hindi na ako ang mahal niya. Kahit masakit, titiisin ko.

"Tasha! Gumising ka, Tasha! Huwag kang magpadala sa kanya!"

Nawala ang ngiti ko nang may parang bumulong sa tenga ko. Tinakpan ko ito ngunit tuloy pa rin ito sa pagtawag ng pangalan ko at sinasabing gumising na ako.

Sino ka? Bakit mo ako kilala?

Ibinaba ko ang kamay ko at lumapit sa kanya. Lumingon naman siya sa 'kin na may nagtatakang ekspresyon.

"Tasha? What is it?" Tanong niya.

Biglang sumakit ang ulo ko at may narinig na mahabang nakakabinging tunog sa tenga ko.

Tinatawag niya ako at tinatanong kung ayos lamang ba ako ngunit hindi ko siya magawang sagutin dahil walang lumalabas na boses sa bibig ko. Tila nanuyo ang lalamunan ko at naghahabol ako ng hininga na para bang ilang milya ang tinakbo ko.

Napapikit ako at sa hindi malamang dahilan ay sumagi sa aking isipan ang mga memorya na ginawa naming dalawa...

Naluha ako nang marinig ko na namang muli ang boses na iyon. Paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko.

Realization hits me when I saw him smiling at me. No... he's not the one I know... I need to get out of here!

I need to get out of this story!

"Guren! Nasaan ka, Guren?!" Sigaw ko sa itaas, paulit-ulit ko ring sinisigaw ang pangalan niya.

"Nandito ako sa harap mo. Bakit mo pa ako hinahanap?"

Nagulat ako nang magsalita siya. Napaatras ako dahil iba na ang ngiti niya ngayon, nakakakilabot. Mas nangilabot ako nang mag-iba ang paligid ko.

Ang kaninang mabulaklaking paligid ay naging lanta ang mga ito at dumilim ang paligid. Napatili ako dahil sa biglaang pagkidlat at pagbuhos ng ulan.

"Ang sabi ko, bakit mo siya hinahanap gayong nandito naman ako sa harap mo?!" Galit na tanong nito sa 'kin.

Patuloy pa rin ako sa pag-atras hanggang sa napatigil ako at tumingin sa likod ko. Halos malula ako at napalunok sa kaba dahil bangin na pala ang nasa likuran ko.

Tumingin ako sa kanya na patuloy sa paglapit sa 'kin.

"Hindi ka makakatakas... hindi ka makakatakas sa istoryang ito, Tasha! Ikaw ang gumawa nito, dito ka nabibilang at hindi sa mundong iyon!"

"Tasha! Tasha! Nasaan ka?!"

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko nang marinig kong muli ang kanyang boses. Napangiti ako.

"Guren?! Nasaan ka?! Nandito ako!"

"T-Tasha?! Nasaan ka, Tasha?!"

Bigla na lamang akong hindi nakapagsalita dahil wala na namang lumalabas na boses mula sa bibig ko! Napatingin ako sa kanya na nakangisi habang palapit ng palapit sa akin.

Napapikit ako nang tuluyan siyang makalapit sa'kin. Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko at bumulong sa tenga ko.

"Hindi ka makakatakas sa akin, Tasha... akin ka lang... dito ka lang... hindi ba't iyon ang gusto mo? Ang mapasayo akong muli?"

"Tasha?! Kung ano man ang sinasabi niya ay 'wag kang makinig sa kanya! Please believe to me! Believe to us!"

Napadilat ako dahil naririnig ko siyang muli maging ang ibang boses na marahil ay kasama ng taong 'yon.

"Guren, bilisan mo na! Hanapin mo na siya!"

"P-Please... I can't hold it in anymore! The barrier!"

"Fuck!"

Kinabahan siya nang makitang tumalim ang tingin ng lalaking nasa harap niya. Nanginginig man ay malakas niyang tinulak ang lalaki at tumakbo ng mabilis sa kung saan.

Napatili siya nang mas tumindi ang pagkidlat na may kasamang kulog. Mas lumakas ang hangin at ulan, maging ang kulay ng kalangitan ay mas dumilim.

'Galit siya... galit na galit siya...'

Lumingon siya sa likod niya ngunit wala siyang nakitang bakas ng lalaki. Nakahinga naman siya ng maluwag at akmang tatakbong muli ngunit halos nanigas siya sa kinatatayuan niya nang makita ang lalaking tinakbuhan niya ay nasa harap na niya ngayon.

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na hindi ka makakatakas, Tasha? You're mine... right?"

Napasinghap siya nang sakalin siya nito pataas. Hinawakan niya ang kamay nito at pinuwersa na alisin ito sa leeg niya ngunit masyado itong malakas kaysa sa kanya.

Hindi siya makahinga. Napaubo si Tasha at pilit na humihigop ng hangin ngunit bigo ito. Napapikit nalang siya dahil nawawalan na siya ng hininga.

'Ah... why did it turn out like this? All I want was just to be happy... with him... with my friends and family, also to those who thinks I'm worth it.'

'Is this the end?'

"Tasha!"

Napadilat siya nang marinig niya muli ang kanyang boses.

"Tasha! Fight him! Fight him by remembering your own memories! Remember our nostalgic memories, Tasha!"

May tumulong luha sa kanyang mga mata at kasabay no'n ay ang pagsilaw ng singsing na suot-suot niya. Napangiti siya dahil roon.

'No... it's not yet the end. No... It's not the ending that I wanted. I want to rewrite it... with my true feelings as I am remembering our nostalgic memories.'

"Tasha!"