webnovel

No Strings Attached

"I'm breaking up with you, I'm sorry." He said while we're in a fastfood chain having our merienda. "W-hat did you say?! You're breaking up with me?!" I said while looking at his eyes but he just looked away. "Yes. We're over now.. So please, never bother me again. Bye." And then he stood up and left me here. Hindi ako makapaniwalang ganoon-ganoon lang niyang itatapon yung limang taon naming relasyon. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumayo ako at umalis sa fastfood chain at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko ito at hindi ko alam kung saan ako pupunta. "FUCK THIS LIFE!!" Sigaw ko nang abutan ako ng red light sign na dapat akong tumigil sa pagdadrive tsaka sumandal sa manibela. "TARANTADO KA! DAHIL BA SA HINDI KO BINIBIGAY YUNG PANGANGAILANGAN MO, KAYA MO KO GINAGANITO NGAYON??!!!" Hala, sige. Pesteng mga luha! "WHERE DID I GO WRONG, YOU JERK?!!!! BAKIT MO GINAGAWA TO SAAKIN NGAYON! I LOVE YOU PERO SINAYANG MO YUN!" Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. "DAMN YOU!!!" Sigaw ko nang biglang may bumisina mula sa likod ko, bwisit sunud-sunod pa ah! ***** Resto Bar. Tinigil ko ang sasakyan ko sa isang bar. Great. I need a drink. "Give me your best drink here." Utos ko sa bartender. Binigay niya naman saakin. Panglimang baso ko na pero hindi pa rin ako tinatablan ng kalasingan. Bawat shot ko, tumutulo yung mga luha ko. Bwisit na buhay to! "Hi miss. Alone?" Siraulo pala to eh mukha ba akong may kasama dito? "May nakikita ka bang kasama ko?" Sarkastikong sabi ko. Napangiwi naman ang lalaki sa sinabi ko. "The usual bro." Utos niya sa bartender.. "So, what's your name?" He asked me.. Tinignan ko nga tong lalaking to, gwapo. Matangos ang ilong, kissable lips, mapupungay ang mga mata, maputi, mukhang matangkad, mukhang nag-ggym to, in short. HOT. "Elle" Simpleng sagot ko sa kanya sabay shot ng alak. Langya, nahihilo na ako. "Nice name. You wanna dance?" Alok niya saakin. Tumayo na man ako tsaka hinila siya papuntang dance floor. When we reached the dance floor, I started to sway my hips while looking at him. I sexily or should I say, seductively swayed my hips while looking at him. I bite my lower lips at him. I saw him smirked at lumapit saakin. I just want to have fun, forget about everything, forget about the pain, forget about this damn life! Tumalikod ako sa kanya nung nakalapit na siya saakin. May hawak siyang baso ng wine ata yun but I continued to dance kahit nasa likod ko siya. Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang waist ko kaya mas ginalingan ko pa yung pagsayaw ko. "You're turning me on right now, you beautiful lady." He whispered in my ears that gives me shivers. "Did I? I should feel honoured then." "What do you want me to do?" He said and then he started to bite my left ear that leads to more sensation na nararamdaman ko. "You sure?" "Very sure." "Paligayahin mo ako." -- A/N PLEASE RATE THIS CHAPTER! ANY RATINGS, COMMENTS, OR SUGGESTIONS FROM YOU, ARE HIGHLY APPRECIATED BY THE AUTHOR OF THIS STORY. ENJOY YOUR STAY HERE AND GOD BLESS US ALL! :)

Bluesundae20 · General
Not enough ratings
113 Chs

Tear Away

ELLE

"Good morning, love.. Breakfast in bed?" Sabi ni Kyle pagkabukas niya sa pinto ng kwarto ko.. Napairap naman ako sa sinabi niya.

"Love? Excuse me, Mr. Kyle, pero hindi pa tayo noh!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi pa ba?! Eh diba nag'I love you-han na tayo kagabi diba? You know, every move I made last night in your body, wala kang ibang bukambibig kundi, 'I love you too' diba?" He said while grinning at me.... Kailangan niya pa talagang ipaalala saakin yun?!

Kinuha ko yung unan ko at tinapon sa kanya kaso nakailag ang bwisit!

"Bwisit ka! Manyakis ka talaga kahit kailan!" Sigaw ko sa kanya. Tumatawa naman tong bwisit na to!

"Ito naman, hindi ka talaga mabiro! Oh, kumain ka na." Sabi niya saakin habang nilalapag yung train sa lap ko.

"Kumain ka na rin, hindi ko to mauubos." Sabi ko naman sa kanya. Tumango naman siya saakin at kinuha ang tinidor at kumuha ng pagkain sa plate ko. Pero akala ko isusubo niya yun, yun pala isusubo niya saakin

"Yum yum. Sarap noh? Pero mas masarap ako dyan." Sabi niya habang tumatango-tango pa saakin...

"Kahit kailan talaga, ang manyak ng iniisip mo. Bwisit ka!" Bulyaw ko ulit sa kanya

Sa kung anong himala, ay nagawa pa rin naming tapusin yung pagkain namin kahit na puro kamanyakan yung nasa utak ni Kyle..

"Elle, bababa lang ako ah? May tatanungin lang ako kay Ms. Mich." Tumango lang ako sa sinabi niya.

5 minutes na ang nagdaan mula nang bumaba si Kyle.

Habang tinutupi ko yung pinaghigaan ko ay biglang tumunog ang cellphone ko.. Pagtingin ko, si Mama.

"Hello, Ma?" Tawag ko sa kanya pagkasagot ko ng tawag.

Pero hindi agad nagsalita si Mama. Malamang hindi niya siguro napansin na sinagot ko na yung tawag niya.

"Ma?" Muli kong pagtawag sa kanya.

"A-anak.." Umiiyak niyang tawag saakin. Umiiyak si Mama?

"Ma?! Anong problema?! Bakit umiiyak kayo?" Panic kong tanong sa kanya.

"A-ang papa mo.." Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Mama

"A-anong n-nangyari kay p-papa, ma?" I tried to compose myself, pero hindi. Kinakabahan ako na nanginginig ang mga tuhod.

"Ang mga business partners ng papa mo, lahat nagback-out. May kumakalat na issue na corrupt daw ang papa mo and..." Halos hindi ako makahinga sa mga sinabi ni Mama. N-no... I-it can't be!

"N-nalulugi na ang company natin, anak.. D-dahil sa pagbackout ng investors natin, lalong nawawalan nang support ang company ng Papa mo.." Umiiyak na sabi ni Mama. Napaupo ako sa mga nalaman ko.

Di nagtagal, biglang tumunog ang phone ko. May nagtext. Kahit nanginginig ang mga kamay ko, ay nagawa ko pa ring buksan ito ag binasa.

'I guess alam mo na yung nangyayari sa company niyo, ELLE LAVENDER. Kapag pinagpatuloy niyo pa rin yang ginagawa ninyo, makikita mo kung ano pang mangyayari sa mga magulang mo, Elle. Hindi lang ang buhay mo ang sisirain ko, kundi pati na rin ang buhay ng mga magulang mo.'

Halos hindi ako makahinga, napahawak ako sa dibdib ko.

Dahil sa selfishness ko, nangyayari ang lahat nang ito..

Hindi pwedeng mauwi sa wala lahat nang pinaghirapan ni Papa. Hindi pwedeng mauwi lang ang lahat sa ganito..

I started packing my things up, though kaunti lang naman ang mga gamit ko. I tried to sneak out of the lodge pero it didn't happen.

"ELLE! WHERE ARE YOU GOING?!" Sh.t. I started to walk faster but apparently, Kyle grabbed my hand.

"What's wrong with you, Elle?! Where are you going?! Bakit dala-dala mo ang mga gamit mo?!" He yelled at me.

"You want to know what's wrong with me?! Your damn father played dirty with our business! Narinig mo ba yung sinabi ko, Kyle?! Nalulugi na yung kompanya namin dahil aa kagagawan ng tatay mo!" Sigaw ko sa kanya. Napasabunot naman ako sa aking buhok dahil sa labis na frustration.

"I-i'm sorry --" I cut him off

"You're sorry?! After what we did, sorry lang yung sasabihin mo?! From the first place, Kyle, sinabihan na kuta na hindi to magwowork out, pero sumugal pa rin ako, tayo. Look what happened! We're doomed and so my family!" Napaupo ako dahil sa pag-agos ng mga luha ko..

"I want to go home, please let me.. I want to see my parents.." Pagmamakaawa ko sa kanya. Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"I'll take you home.." Mahinang sabi niya.

Pagkasakay ko sa kotse niya, ay agad niya itong pinaandar... Walang nagkikibuan saaming dalawa. Tanging paghikbi ko lang ang nangingibabaw sa loob ng kotse..

"I'm sorry..." Bigla niyang sabi saakin. Napatingin naman ako sa kanya at tumingin sa labas ng bintana.

"Y-you don't have to. Ginusto ko naman to eh, tsaka nangyari na. Wala na tayong magagawa.." Sabi ko at bumuntong hininga..

"Gusto ko lang humingi ng tawad sayo at pati na rin sa family mo for causing you trouble because of my Dad's selfishness. I promise, aayusin ko ito.." Sabi niya at ngumiti saakin nang pilit. Tumango lang ako at muling tumitig sa labas ng bintana.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa condo. Agad akong lumabas sa kotse niya at patakbong pumasok sa loob.

"Sh.t! Sh.t! Not now please!" Sabi ko nang paakyat palang ang elevator. Sinubukan ko ang ibang elevator pero ang daming nakapila. No choice!

Tumakbo ako papuntang stairs at umakyat doon. Nasa 3rd floor palang ako but I'm already panting.. No, you can make it, Elle.

Kahit nanginginig na yung mga tuhod ko, ay nagawa ko pa ring makarating sa 5th floor. Pagdating ko sa harap ng unit ko, ay agad kong sinwipe ang card ko doon.

"Ma! Pa!" Tawag ko sa kanila pagpasok ko sa loob ng unit ko.

Nakita kong nakaupo si Papa sa may sofa kaya nilapitan ko agad siya at niyakap.

"Pa?! Are you alright?! I'm sorry. I'm very sorry.." Iyak kong sabi sa kanya. Naramdaman kong hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking kamay,

"Mabuti naman at natauhan ka na, Elle. Natatakot ka ano?" Napatingin naman ako sa harap namin. Isang matangkad na medyo may edad nang lalaki.

"I'm Andrew, Kyle's Father." Sabi niya saakin.

"Kyle's Stepfather.." Pagko-korek ko sa sinabi niya. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko pero agad itong napalitan nang pagngi-ngisi.

"Siguro naman ay iiwasan at lalayuan mo na nang tuluyan si Kyle ngayon, Elle? Kung ayaw mong tuluyan nang bumagsak ang company ninyo." Nakangiting sabi niya saakin. Napatingin naman ako kay Papa na nakangiti lang saakin pero halata mong pilit ito..

"How dare you force your son to marry someone he barely know! Napakaselfish niyo namang klaseng tao!" Galit kong sabi sakanya. Bahagya akong hinawakan ni Papa sa kamay pero hindi ako nagpatinag dahil lang sa pagbabanta niya saamin..

"Now I know kung bakit mahal na mahal ka ni Kyle, kasi ang tapang mo bilang babae, pero.." He paused at tumingin saakin bigla.

"It's totally useless kung magtapang-tapangan ka pa ngayon, Elle. Wala nang magagawa yang katapangan mo.. " Sabi niya saakin.

"Do you think Kyle will be happy if he'll marry someone na hindi niya mahal? Do you also think Kyle will remain faithful to his wife knowing na pinilit niyo lang siya?" Matigas kong sabi sa kanya. Tumingin naman siya ulit saakin parang tinamaan siya sa mga sinabi ko. Pero nagulat ako nang bigla siyang tumawa

"Anong nakakatawa?!" Nagulat kaming pareho nang dumating si Kyle.

"Dad? Ano na naman ba to?! Hindi mo na kailangang mangdamay pa nang iba para masunod lang yung gusto mo!" Galit na sigaw sa kanya ni Kyle.

"Sa tingin mo ba kung hindi ko pa ginawa to eh uuwi ka dito? Kayo nang babae mo?! Don't make me stupid, Kyle, cause I'm not!" Sigaw niya kay Kyle.

"Stupid? Me? Bakit, Dad? Dahil sinuway ko kayo? Dahil hindi ko gustong pakasalan si Michelle ganoon ba yun?" Sarkastikong tanong ni Kyle sa kanyang papa

"Whether you like it or not, pakakasalan mo si Michelle." Matigas na sabi ng tatay niya.

"What if I don't want to?" Pagmamatigas rin ni Kyle. Nilapitan siya ni Tito Andrew at tinignan siya ng seryoso.

"I'll ruin their" Sabay turo saamin ni Papa.

"Lives.." and with that, umalis na siya sa unit namin.

Hi sa mga patuloy na sumusubaybay sa kwentong NO STRINGS ATTACHED! Alam kong marami na ang naiinis kay Elle pero I just want to tell you that,

Brace yourselves, expect the unexpected dahil ang mga susunod na chapters ay tiyak na kababaliwan at kaiinisan niyo pa lalo! :)

Pero ito na nga, ang tanong nang nakakarami,

May happy ending pa ba sina Kyle at Elle?

Ang kasagutan?

Abangan sa mga susunod na yugto dito lang sa kwentong NO STRINGS ATTACHED! :)

Don't forget to rate, vote and write your comments below!?

Thank you!

Bluesundae20creators' thoughts