webnovel
#ROMANCE

No Strings Attached

"I'm breaking up with you, I'm sorry." He said while we're in a fastfood chain having our merienda. "W-hat did you say?! You're breaking up with me?!" I said while looking at his eyes but he just looked away. "Yes. We're over now.. So please, never bother me again. Bye." And then he stood up and left me here. Hindi ako makapaniwalang ganoon-ganoon lang niyang itatapon yung limang taon naming relasyon. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumayo ako at umalis sa fastfood chain at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko ito at hindi ko alam kung saan ako pupunta. "FUCK THIS LIFE!!" Sigaw ko nang abutan ako ng red light sign na dapat akong tumigil sa pagdadrive tsaka sumandal sa manibela. "TARANTADO KA! DAHIL BA SA HINDI KO BINIBIGAY YUNG PANGANGAILANGAN MO, KAYA MO KO GINAGANITO NGAYON??!!!" Hala, sige. Pesteng mga luha! "WHERE DID I GO WRONG, YOU JERK?!!!! BAKIT MO GINAGAWA TO SAAKIN NGAYON! I LOVE YOU PERO SINAYANG MO YUN!" Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. "DAMN YOU!!!" Sigaw ko nang biglang may bumisina mula sa likod ko, bwisit sunud-sunod pa ah! ***** Resto Bar. Tinigil ko ang sasakyan ko sa isang bar. Great. I need a drink. "Give me your best drink here." Utos ko sa bartender. Binigay niya naman saakin. Panglimang baso ko na pero hindi pa rin ako tinatablan ng kalasingan. Bawat shot ko, tumutulo yung mga luha ko. Bwisit na buhay to! "Hi miss. Alone?" Siraulo pala to eh mukha ba akong may kasama dito? "May nakikita ka bang kasama ko?" Sarkastikong sabi ko. Napangiwi naman ang lalaki sa sinabi ko. "The usual bro." Utos niya sa bartender.. "So, what's your name?" He asked me.. Tinignan ko nga tong lalaking to, gwapo. Matangos ang ilong, kissable lips, mapupungay ang mga mata, maputi, mukhang matangkad, mukhang nag-ggym to, in short. HOT. "Elle" Simpleng sagot ko sa kanya sabay shot ng alak. Langya, nahihilo na ako. "Nice name. You wanna dance?" Alok niya saakin. Tumayo na man ako tsaka hinila siya papuntang dance floor. When we reached the dance floor, I started to sway my hips while looking at him. I sexily or should I say, seductively swayed my hips while looking at him. I bite my lower lips at him. I saw him smirked at lumapit saakin. I just want to have fun, forget about everything, forget about the pain, forget about this damn life! Tumalikod ako sa kanya nung nakalapit na siya saakin. May hawak siyang baso ng wine ata yun but I continued to dance kahit nasa likod ko siya. Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang waist ko kaya mas ginalingan ko pa yung pagsayaw ko. "You're turning me on right now, you beautiful lady." He whispered in my ears that gives me shivers. "Did I? I should feel honoured then." "What do you want me to do?" He said and then he started to bite my left ear that leads to more sensation na nararamdaman ko. "You sure?" "Very sure." "Paligayahin mo ako." -- A/N PLEASE RATE THIS CHAPTER! ANY RATINGS, COMMENTS, OR SUGGESTIONS FROM YOU, ARE HIGHLY APPRECIATED BY THE AUTHOR OF THIS STORY. ENJOY YOUR STAY HERE AND GOD BLESS US ALL! :)

Bluesundae20 · General
Not enough ratings
113 Chs
#ROMANCE

Knight In Shining Armour

KYLE

Pagkapasok ko sa condo unit ko, nilapag ko yung mga paperbags sa may mesa at unti-unting nilabas yung mga binili ko. Habang nilalabas ko lahat ng mga pinamili ko, napansin kong may nasamang whitening soap doon sa paparbag. Kinuha ko ito at sigurado akong kay Elle to.

Baka hanapin ni Elle o di kaya'y magtataka yun kung bakit kulang pinamili niyang whitening soap kaya nadesisyon akong ihatid ito sa kanya..

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng unit ko, napansin kong nagmamadali at parang natataranta si Elle. Tinanong ko siya kung saan siya pupunta at parang nagmamadali siya

"I'll talk to you later. Si Nick kasi, may masamang binabalak sa buhay niya!" Yan ang sabi niya at biglang tumakbo. Bigla akong napaisip at bigla rin akong kinabahan. Pumasok ako ulit sa condo ko at kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Vanessa.

"Hello Kyle?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Si Elle..." Simula ko. "Anong nangyari kay Elle?" Tanong niya.

"Nagmamadali siyang puntahan si Nick. May balak daw kasi si Nick na masama sa buhay niya kaya umalis si Elle." Sabi ko.

"ANONG SABI MO?" Sigaw ni Vanessa. "Elle is in danger. May mga naririnig akong balita na nagiging bayolente raw si Nick pag lasing. Kailangan nating puntahan si Elle ngayon baka anong magawa ni Nick sa kanya!!" Panic na sabi ni Elle. Bigla naman akong nanlamig sa narinig ko.

"KYLE!" Tawag muli saakin ni Vanessa. "Alam mo ba kung saan ang condo ni Nick?" Tanong ko.

"Oo, kaya bilisan mo na at sa parking lot ng condo niyo tayo magkita. Magpapatawag ako ng mga pulis kay Patty!" Sabi niya. "Sige, magkita na lang tayo dito." Sabi ko at in-end na ang call tsaka kinuha ang susi ng kotse ko at nagmadaling nagtungo sa parking lot.

Pagkarating ko doon, nandoon na si Vanessa.

"Natawagan ko na si Patty, doon na lang daw tayong magkita sa condo ni Nick" Tumango lang ako sa sinabi niya at agad na sumakay sa kotse ko. Mahalaga ang oras ngayon, maraming pwedeng mangyari kay Elle.

Mabilis kaming nakarating sa condominium kung saan nakatira si Nick. Andoon na rin ang mga pulis.

"Natawagan niyo na ba si Elle?" Tanong ni Patty na mukhang nag-aalala rin. Umiling kami.

"Nakaoff ang cellphone ni Elle, hindi ko siya macontact!" Sabi ni Vanessa na mukhang stress na stress na.

"Nakakaloka tong si Elle! Ngayon pa niyang naisipang i-off ang cellphone niya! Nakakastress!" Sabi naman ni Patty..

"Sir, nakausap na namin ang manager ng condominium. Pwede na tayong pumasok." Sabi ng Police Officer.

"Sige po sir. Tara na!" Utos ko kila Patty. Sumakay na kaming lahat sa Elevator at pinihit ang 5th floor.

"Anong room number?" Tanong ko kay Vanessa.

"Room 359.." Sabi ni Vanessa. Habang papalapit kami sa room ni Nick, palakas ng palakas ang kaba ko saaking dibdib. Nasa may tapat na kami ng condo ni Nick nang bigla naming marinig ang boses ni Elle.

"M-maawa ka, Nick. Please don't do this to me!" Umiiyak si Elle.

Kinuyom ko ang kamao ko at walang sabi-sabing pumasok ako sa unit niya. Nagdilim ang paningin ko nang makita kong sira-sira ang damit ni Elle at tanging bra na lamang niya ang nandoon.

Itinulak ko ng malakas si Nick tsaka pinagsusuntok siya.

"SIRAULO KANG HAYOP KA!" Galit na galit kong sigaw sa kanya saka muling sinuntok. Inawat ako ng isang pulis at itinabi ako.

"Kunin niyo na yang hayop na yan! Hinding-hindi namin to mapapalampas ang ginawa niya sa kaibigan namin!" Rinig kong utos ni Patty. Napatingin ako kay Elle. Nakatulala siya, at nanginginig ang buong katawan.

"ELLE!" Sigaw namin nang biglang mawalan ng malay si Elle. Binuhat ko siya at ipinasok sa kotse ko.

"Kayo na ang bahala sa kotse ni Elle." Tsaka ko ibinigay ang susi ng kotse ni Elle. Tumango naman sila at tsaka ko pinaandar ang kotse. Mabilis kaming nakarating sa condo at ipinasok siya sa kwarto ko. Dito na muna siya, kasi alam kong walang mag-aalaga sa kanya pag doon siya sa kanyang condo.

"Elle. Naririnig mo ba ako? Hey Elle." Sabay tapik ko ng mahina sa kanyang pisngi.

"Hmmm..." Sabi niya.

"Si Kyle to. Please open your eyes.." Pagsusumamo ko sa kanya. Pero hindi niya inopen ang kanyang mga mata..Natutulog na siya pero bakas pa rin sa kanyang mukha ang labis na takot at parang nanginginig pa..

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tinawagan ko ang Family doctor namin.

"She's fine, Kyle. Ininject ko siya ng pampakalma. Kailangan niya lang na magpahinga at magipon ng lakas. Pero huwag na huwag mo siyang iiwan lalo na sa lagay niya ngayon. She almost raped. Kaya for sure, makakaapekto yan sa kanyang pag-iisip. Just call me kung may problema, okay?" Sabi ko sa kanya.

"Sige doc. Thank you." Ngumiti lang siya saakin tsaka nagpaalam na.

Umupo ako sa tabi ng kama habang natutulog si Elle.

Hinaplos ko ang kanyang mukha at hinawi ang konting hibla sa kanyang mukha.

"I'll be here, Elle. Hinding-hindi kita iiwan." Bulong ko sa kanya saka kinumotan siya ng maayos at umalis na sa kwarto ko.

Kinaumagahan, maaga akong gumising para maghanda ng makakain namin ni Elle. Pero chineck ko muna siya kung gising na siya o tulog pa.

Pagpasok ko sa kwarto, naabutan ko siyang gising na at nakatingin sa may bintana.

"Good morning, Elle. May masakit ba sayo?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ngayon, pero since nandito naman na, paninindigan ko na lang ang pagiging knight in shining armour ko.

Pero imbis na sagutin niya ako, tumingin lang siya saakin. Seryosong tingin at tumingin ulit sa labas ng bintana..

"Anong tinitignan mo diyan?" Hala sige. Kausapin ang hangin Kyle! Tumingin na rin ako sa labas ng bintana, at mukhang uulan dahil masama ang panahon ngayon.

"Malamang, nagugutom ka na siguro Elle ano? Dito ka lang ah? Magluluto lang ako ng breakfast natin." Sabi ko. Hindi siya sumagot saakin kaya nagbuntong hininga na lang ako.

Nagluto ako ng itlog, bacon, tocino at ang favourite niya na hotdog. Gumawa rin ako ng gatas at nilagay iyon sa isang tray tsaka dinala sa kwarto. Pero laking gulat ko nang nakabukas ang pinto ng kwarto na kung saan doon ko iniwan si Elle, at pagtingin ko sa loob ng kwarto, wala na siya doon.

Relax Kyle. Baka nagcr lang yun. Tama, baka nagcr lang yun. Huwag ka munang magreact diyan.

Hinanap ko siya sa cr, wala. Sa sala, wala rin. Kahit sa unit niya since naiwan niya yung susi niya dito sa kwarto, wala rin siya doon. Nagpapanic na ako. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Sinubukan kong tawagan siya sa kanyang cellphone, pero nagriring lang.

"Please, Elle. Answer my call!" Bulong ko pero wala. Pang-sampung tawag ko na sa kanya, pero hindi pa rin siya sumasagot. Napasabunot ako saaking buhok na tila bang hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Nasaan ka, Elle?"