webnovel
#ROMANCE

No Strings Attached

"I'm breaking up with you, I'm sorry." He said while we're in a fastfood chain having our merienda. "W-hat did you say?! You're breaking up with me?!" I said while looking at his eyes but he just looked away. "Yes. We're over now.. So please, never bother me again. Bye." And then he stood up and left me here. Hindi ako makapaniwalang ganoon-ganoon lang niyang itatapon yung limang taon naming relasyon. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumayo ako at umalis sa fastfood chain at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko ito at hindi ko alam kung saan ako pupunta. "FUCK THIS LIFE!!" Sigaw ko nang abutan ako ng red light sign na dapat akong tumigil sa pagdadrive tsaka sumandal sa manibela. "TARANTADO KA! DAHIL BA SA HINDI KO BINIBIGAY YUNG PANGANGAILANGAN MO, KAYA MO KO GINAGANITO NGAYON??!!!" Hala, sige. Pesteng mga luha! "WHERE DID I GO WRONG, YOU JERK?!!!! BAKIT MO GINAGAWA TO SAAKIN NGAYON! I LOVE YOU PERO SINAYANG MO YUN!" Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. "DAMN YOU!!!" Sigaw ko nang biglang may bumisina mula sa likod ko, bwisit sunud-sunod pa ah! ***** Resto Bar. Tinigil ko ang sasakyan ko sa isang bar. Great. I need a drink. "Give me your best drink here." Utos ko sa bartender. Binigay niya naman saakin. Panglimang baso ko na pero hindi pa rin ako tinatablan ng kalasingan. Bawat shot ko, tumutulo yung mga luha ko. Bwisit na buhay to! "Hi miss. Alone?" Siraulo pala to eh mukha ba akong may kasama dito? "May nakikita ka bang kasama ko?" Sarkastikong sabi ko. Napangiwi naman ang lalaki sa sinabi ko. "The usual bro." Utos niya sa bartender.. "So, what's your name?" He asked me.. Tinignan ko nga tong lalaking to, gwapo. Matangos ang ilong, kissable lips, mapupungay ang mga mata, maputi, mukhang matangkad, mukhang nag-ggym to, in short. HOT. "Elle" Simpleng sagot ko sa kanya sabay shot ng alak. Langya, nahihilo na ako. "Nice name. You wanna dance?" Alok niya saakin. Tumayo na man ako tsaka hinila siya papuntang dance floor. When we reached the dance floor, I started to sway my hips while looking at him. I sexily or should I say, seductively swayed my hips while looking at him. I bite my lower lips at him. I saw him smirked at lumapit saakin. I just want to have fun, forget about everything, forget about the pain, forget about this damn life! Tumalikod ako sa kanya nung nakalapit na siya saakin. May hawak siyang baso ng wine ata yun but I continued to dance kahit nasa likod ko siya. Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang waist ko kaya mas ginalingan ko pa yung pagsayaw ko. "You're turning me on right now, you beautiful lady." He whispered in my ears that gives me shivers. "Did I? I should feel honoured then." "What do you want me to do?" He said and then he started to bite my left ear that leads to more sensation na nararamdaman ko. "You sure?" "Very sure." "Paligayahin mo ako." -- A/N PLEASE RATE THIS CHAPTER! ANY RATINGS, COMMENTS, OR SUGGESTIONS FROM YOU, ARE HIGHLY APPRECIATED BY THE AUTHOR OF THIS STORY. ENJOY YOUR STAY HERE AND GOD BLESS US ALL! :)

Bluesundae20 ยท General
Not enough ratings
113 Chs
#ROMANCE

Confrontation

ELLE

Buong gabi hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa sinabi ni Kyle kanina.

"Am I doing him as my rebound?" I asked myself.

Sabay kuha ng bread na tinoast ko sa oven toaster. Kinagat ko ito at umupo. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo't-magbihis. Lutang na lutang na parang nakokonsensya ako pag iniisip kong rebound ko siya. Hanggang sa sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na papuntang company.

"Good morning bakla!!" Bati saakin ni Patty. Pero hindi ako sumagot sa kanya.

"Oy babae! Lutang ka na naman?! Anyare te?!" Tanong saakin ni Vanessa. Tinignan ko lang sila tsaka umiling sa kanila.

"Good morning ladies!" Biglang rinig ko sa boses ni Kyle.

"Good morning rin Papa Kyle!" Malanding sabi ni Patty.

"Yuck! Huwag mo na lang papansinin yang baklitang yan Kyle. Good morning rin!" Bati pabalik ni Vanessa kay Kyle. .

"Good morning, Elle." He greeted me. I looked away, and umupo sa upuan ko.

"I said, good morning. Wala bang good morning too?" Pangungulit niya pa. Tumingin ako sa kanya nakangiti siya saakin.

"Good morning too. Happy?" I said coldly.

"Woooahh! Easy!! Mukhang hindi maganda ang gising mo ngayon ah?!" Pangungulit niya ulit saakin.

Hindi ko na lang siya pinansin at inumpisahan na yung trabaho ko. Nung napansin niyang hindi ko na siya pinapansin, bumalik na siya sa kanyang table. Bigla namang lumapit sila Vanessa saakin.

"Anong drama mo girl?" Vanessa asked me. I faced her with my innocent look. "What?' I asked them.

"Eh bakla, bat hindi mo siya pinapansin ah? Kahapon lang ang saya-saya natin kasama siya tapos ngayon nagiba na agad yung mood mo, ano yan bakla? Moodswings lang ganoon?" Dagdag pa ni Patty.

"Nothing guys. Just don't mind me na lang and let's go back to work." I said while looking at the magazine on my table.

"Hmm. Ang arte mo bakla ah! Pero sige." He said and tinuon na lang yung atensyon niya sa ginagawa niya.

Pero hindi pa rin mawala sa isipan ko yung nangyari kahapon lalo na yung Rebound thing. I need to clarify things to Kyle. Ayokong pagisipan niyang nirerebound ko lang siya.

Mabilis lumipas ang oras at the next thing I knew is, lunch na.

"Bakla, halika na kumain na tayo!" Paanyaya saakin ni Patty.

"No. Mauna na kayo. May tinatapos pa ako." Pagdadahilan ko. "Sige babae. Magri-reserve lang kami sayo ng upuan tsaka oorder na kami para sayo kaya bilisan mo na." Tumango lang ako sa sinabi ni Vanessa saka sila umalis na.

Minutes passed nang makita kong nag-aayos na ng kanyang gamit si Kyle. Kinuha ko yung bag ko at tumayo. Sinigurado ko na bago pa man ako makarating sa may pinto, eh mapapansin niya na paalis na ako.

"Oh, nandito ka pa pala, Elle!" Gulat na sabi niya.

"Yeah. May tinapos pa kasi ako eh." Pagdadahilan ko.

"Ahh, kakain ka na ba?" Tanong niya saakin. "Hmm. Yes. " Simpleng sagot ko.

"Sabay na tayo, gusto mo?" Sabi niya ulit.

"Uhm. Kyle?" Tawag ko sa kanya. "Yes?" Sabi niya at tumingin saakin. "Pwede ba tayong mag-usap mamaya?" Tanong ko sa kanya...

"Hmm. After work?" Tanong niya saakin.

"Oo sana. If wala kang gagawin." Tugon ko sa kanya.

"Sure." Sabi niya saka ngumiti saakin. "So tara na?" Yaya niya saakin. Tumango ako at naglakad na papuntang cafeteria.

Pagdating namin doon, saktong pang-apat na tao ang piniling mesa nila Vanessa at nung tumingin sila saakin, nakakalokong ngiti ang bumulaga saakin.

"Order lang ako guys ah" Paalam ni Kyle. Pagkaalis ni Kyle...

"Anong meron sa inyo ah?!" Usisa ni Vanessa.

"Ang taray bakla ah! Sabi, may tinatapos lang yun pala, may hinihintay lang!!" Sabi ni Patty sabay hampas saaking braso. Napahawak naman ako sa braso ko kasi medyo masakit

"Aray ha! Tsaka ano ba kayo! Nagkasabay lang kami ni Kyle papunta dito, okay?!" I tried to reason out pero tinignan nila akong pareho, yung parang kinikilatis kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Totoo bakla?" Tanong ni Patty saakin habang pinanliliitan ako ng mata.

"Mga adik ba kayo guys?! Anong trip niyo?" Inis na tanong ko sa kanila. Bigla naman silang tumawa at umayos ng upo.

"Hmm. Sabi mo eh." Sabi ni Vanessa at nagsimula ng kumain. Di nagtagal dumating na si Kyle dala yung order niya. Kumain na kami, well, dapat nga tahimik lang pero dahil sa bunganga ni Patty at Vanessa kaya maingay sa table namin.

"At alam mo ba, chinat ako ng boyfriend ko na foreigner kagabi mga bakla! Makikipagkita na siya saakin!!!" Tili niya na parang kinikilig. Inirapan naman siya ni Vanessa sabay subo ng kutsarang may kanin at ulam.

"May pumatol pala sayo bakla? Hmm." Sabi ni Vanessa na parang hindi naniniwala. "Oo naman noh! Sa ganda kong to?!" Sabay pakita ng mukha niya. Umiling lang si Vanessa tsaka pinagpatuloy ang pagkain. Nung natapos na kami sa pagkain, napagdesisyunan naming bumalik na sa office at doon na lang magpahinga habang hinihintay na mag 1pm.

Tumingin ako sa watch ko pagkarating namin sa office.

May 30 minutes pa before na mag 1pm kaya nagInstagram na lang muna ako.

Busy ako sa pag-scroll ng mga updates or posts ng mga fina-follow ko nang biglang nagnotify saakin na may gustong magfollow saakin. Nakaprivate kasi account ko sa IG kaya tinignan ko kung sino to, pagkatingin ko, si Kyle pala ang nagrequest to follow saakin. Clinick ko ang 'Accept' at tsaka nagscroll ulit.

'kyle_villafuente commented on your post'

'Ang ganda naman nito. ๐Ÿ‘' Pagbasa ko doon. Tumingin ako sa table ni Kyle at ngumiti siya saakin. Umiling ako at ngumiti ng kaunti.

'Naman! Ang ganda ng model eh' Reply ko doon sa comment niya.

"Huy! Nakangiti ka dyan, anong meron?" Tanong ni Vanessa saakin. Tumingin naman ako sa kanya tsaka nagmake face ulit. "Huh? Pinagsasabi mo?", "Nako, huwag mo kong gagawing tanga babae! Kita ko eh, nakangiti ka habang hawak-hawak mo yang cellphone mo! May kalandian ka siguro ano?!" Napairap naman ako sa sinabi niya. Big deal ba talaga yun?

"Ngumiti ako babae dahil nakakatawa yung post sa IG, okay na?" Umirap naman siya saakin.. Narinig ko pa na tumunog yung cellphone ko pero hindi ko na pinansin to at naghanda na para magtrabaho ulit dahil 10 minutes na lang eh 1pm na.

Mabilis natapos ang araw namin, nakakapagod man dahil minsan high-tempered clients pa ang makakahalubilo mo sa call man or sa personal, eh worth it pa rin. Nagstretch muna ako bago mag-ayos ng gamit.

"Bakla una na ako ah? May dadaanan kasi ako eh." Tumango naman kami kay Patty.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ko, tumayo na ako at sabay kaming naglakad papuntang parking lot ni Vanessa.

"Bye Babae! Ingat sa pagdrive! See you tom!" Sabi niya at nagbeso saakin. Nagwave rin ako ng kamay at sumakay na sa kotse ko.

After ilang minuto, nakarating na ako sa condo building ko. Pinark ko muna yung kotse ko saka bumaba sa kotse. Pumasok na ako sa elevator at clinick to sa floor na kung nasaan ang unit ko.

*Ting*

Lumabas agad ako ng elevator pagkabukas nito, at naglakad na papunta sa unit ko. Pero nasa labas palang ako ng unit ko nung biglang may nagsalita.

"So you're finally here!" Lumingon ako dahil sa pamilyar na boses.

"Kyle..." Tama si kyle nga. Nauna akong umalis sa kanya kanina sa office pero nauna pa siyang dumating kaysa saakin dito sa condo.

"Pasok ka. Sa loob tayo mausap." Sabi ko sa kanya. Binuksan ko ang pinto ng unit ko tsaka siya pinapasok. Umupo siya sa sofa sa sala at ako naman ay dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

"What do you want? Meryenda gusto mo?" Offer ko sa kanya. "Hmm. Water lang din. " Sabi niya. Pinuno ko ng tubig ang baso at naglakad na papunta sa sala.

"Here." Then I handed him the glass of water.

"Thank you." Then he smiled at me.."So anong sasabihin mo saakin?" Tanong niya saakin.

Umupo muna ako na nakatapat sa kanya.

"About yesterday..." Panimula ko. He look at me puzzled.

"What about yesterday? May nagawa ba akong masama?" He sounded worried.

"No no, wala kang ginawang masama. It's just that, about the rebound thing." I looked at him seriously.

"Rebound?" And then parang narealized niya ata yung tungkol sa sinabi niya kahapon. "Look, I'm sorry elle, it's not what you think, I---" I cut him off.

"No, Kyle. I want to make this clear to you. Hindi kita ginagawang rebound. I never think of you as my rebound so please Kyle, huwag mong iisipin na ginagawa kitang rebound." Sabi ko sa kanya. Sumeryoso naman ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"No Elle, you don't understand. I never thought of that. Hindi ko inisip na ginagawa mo lang akong rebound mo. Ginusto ko rin tong nangyayari saatin, kaya you don't need to feel sorry. " He assured me. Tumingin lang ako sa kanya.

"Promise, so please don't worry about me." He smiled. Napabuntong hininga naman ako.

"If you say so.. Then, okay." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

"So, may iba ka pa bang issues?" Tanong niya saakin at tumawa ng mahina.

"Wala na. " Ngumiti ulit ako sa kanya.

"Then." Tumayo siya at nagpaalam na.. Hinatid ko siya hanggang sa pinto ng unit ko.

"See you around, my beautiful neighbor!" Pambobola niya saakin.

"Sira! Sige na. " Sabi ko at isinara ang pinto ng unit ko.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga doon sa kama ko.

At muling nagisip.....

Tama ba tong pinasok ko?