webnovel

Chapter 6: Hard

"Anak.." Dad came to my side. I'm sitting just near the coffin of my wife. Hindi sa malapit. Hindi rin sa malayo. I'm just here. Looking around. Labas masok ang mga tao. I remember the days when Denise is in there. Kung noon. Kaya ko pang lapitan ang lugar nya. Tinignan sya sa huling pagkakataon. Ngayon. I just can't. Hindi ko kayang makitang nakapikit nalang sya't hindi na muling didilat pa.

"I'm still full po." Kahit hindi pa nya sabihin kung anong gusto nyang sabihin. I can sense him. That's why I said that.

"Paano ka naman busog? Ni hindi ka pa nga kumakain o tumikim ng pagkain simula noong dinala ang asawa mo rito.." he soundedl tired and nervous. "Kahit anong offer namin sa'yo. Puro busog ka pa ang sinasabi mo.. anak naman." He is pleading like I need now to follow his request. "Napapabayaan mo na ang sarili mo. Nangangayayat ka na nga. How will I sit here and let you stay like that?."

Ngayon ko lang napansin ang mga uban sa kanyang buhok. Matanda na din pala sya. Hindi ko man lang napapansin ang mabilis na takbo ng oras. I'm so self centered na kahit ang mga mahal ko sa buhay. Napapabayaan ko na!

Fucking Lance!.

"Totoo po. Busog pa po ako kahit walang kinaka–.."

He cut me off. Pinangunahan sa rason ko.

"Hindi ka busog.. ayaw mo lang talagang kumain. Ayoko nang magtanong because it's too obvious that you're going through a hard time but damn son! Paano na ang mga anak nyo?. Hindi sila tumitigil kaiiyak.." my heart breaks again into pieces knowing that my children are terrible too. Maging sila. Hinahanap ang kanilang Ina. Ako pa kaya?. "Help us please.." hinawakan nya ang kamay ko. Kaya duon ko lang din sya tinapunan ng tingin sa mukha. Halata ang pagod at stress dito. "Nahihirapan na ang Mommy mo...kami ng mga anak mo. It's not just you, son."

Matagal ko syang tinitigan. Para bang sa haba ng panahon na kasama ko sya. Ngayon ko lang napansin ang nunal sa gilid ng kanyang mata. How useless son I am huh?.

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay nya. Dad is not as clingy as Mom. Pero pagdating saming mga anak nya. Lalo na kapag may pinagdadaanang problema. He's as sweet as Mom. It's not that Mom is not sweet. Iba lang ang trato nila kapag ganito. Si Mom, silent but concern. Kahit na ganun. She is still worries about us. In a different way. Lahat ng kailangan namin she already knows it. Kahit di namin banggitin pa. While Dad is vulgar and talkative. Sya yung laging andyan kapag kailangan namin ng kausap. Ganun naman si Mom pero iba si Dad. He can do talk straight forward like Kuya. Giving a dagger through the core of our pain. Para siguro magising kami sa katotohanan. While Mom is taking her time to think what she should say. Iyon ang pinagkaiba. I like the gentleness of Mom. Of course. The strictness and recklessness of Dad. I love both their ways. Parehong nakakatulong. At parehong ginagawa ang lahat para sa ikagagaan ng lahat sa amin.

"Danica and Daniel are non stop from crying. Hinahanap nila ang Mommy nila. Especially, you.. I can't do anything because honestly." He paused. "..I don't know how to talk to you.."

Sila din pala. Hindi alam kung paano magsasalita. I. I honestly have many words to say in my head. Wanting to spill it out as loud as the beat of my heart today. Gusto kong isigaw nalang basta ang sakit tapos hihiling na mawawala na ito agad. Damn shit!. Bakit di ko magawa nalang basta?. What's stopping me from doing it?.

"Huwag mo namang pahirapan ang sarili mo ng ganito. You're not alone in pain. We're here. Your support system."

Napasinghap ako. Malalim na hininga ang ginawa ko bago bumuntong hininga ng malakas.

"Ang sakit sakit po kasi, Daddy.." parang bata akong naagawan ng candy dito. Yumuko ako. Naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko. "Ang hirap...nasasaktan po ako...ang dibdib ko po...naninikip lagi!. Parang napupunit.." Piniga ko ng bahagya ang bandang puso ko. It's not fake. It's true that it feels like it is tearing into fine pieces of it.

May luha saking mga mata while saying those words to someone. Parang sa dinami-raming bigat na nakadagan sa puso ko. Kahit isang piraso. Kahit kahiblang piraso. Nabawasan man lang ito. "It is still not sinking in me na ganito ang nangyayari Dad. Para akong natutulog ng mahimbing at nananaginip ng masama. Gusto kong yakapin pa sya. Kausapin ng kung anu-ano. Makita ang ngiti. Pasayahin sa maliit na bagay na gusto nya."

"I know. It's hard son. But you think. It's harder for your son and daughter na hindi na rin nila makikita pa ang Mommy nila?."

Umawang ng wala sa oras ang labi ko. Yung napunit kong puso. Dumoble pa ang pagkasira dito. Dahilan para mapapikit ako sa kawalan at damhin ng buong puso ang sakit na naramdaman.

"I'm not disregarding your struggle.. but son. You still have your new born baby. Anong gagawin natin?."

Sa lahat ng mga sinasabi ni Daddy sakin. Pakiramdam ko. Nasampal ako sa magkabilang pisngi ng malaking palad ng trumpeta. Ng katotohanang kailangang harapin at tanggapin. Ilang ulit nya pinapaalala sakin na kumain ako't maging malusog despite the fact that I'm not okay.

I tried. Hard!

I act, normally. Just like what they want me to be.

But after ilibing ni Joyce. Duon na talaga ako nanghina.

I again tried to stand for my children kahit hindi na para sa sarili. I tried harder pero sorry. I just can't!

Yung mga luhang hindi nahulog ng mga panahong nasa harapan ko pa sya't nakatihaya nalang. Basta nalang namumuo sa mga mata ko't walang pinipiling oras para mahulog ito. Kahit kumain. Kahit nakangiti. Kahit nakikinig sa mahaba at walang katapusang lintanya ni Bamby sa kanyang asawa. Patuloy pa ang pagdaloy nito. They didn't say a word sa tuwing natatanaw nila akong ganun. It's not like they don't have a word to say. It's just that. Alam na nila. Aware na silang, this is my way to cope up from the pain.

Ang hirap sa totoo lang! Kahit may magtanong sakin kung kamusta na ba ako o ano ng ginagawa ko. Hindi ko masagot ito ng maayos. At ang hirap lang, sapagkat sa puntong ito. Ako nalang ito.

"Lance Fucking Eugenio! Tara, inom tayo!." There is this someone na naging dahilan para umurong na ngayon ang mga luha saking mga mata.

"A..?." Agad ko syang dinaluhan at hinawakan sa kamay. Nasa ospital ako. Dinalaw sya dahil sa lahat ng kasama nila Bamby sa aksidente. Sya nalang ito naiwan dito. Comatose. And I'm so grateful that, he's awake now!

"Fucker!. Nag-alala ako sa'yo.." totoo ito. Isa rin sa isipin ko nung mga panahong andyan pa ang kabaong ng asawa ko. I'm too torn! Sa pagkawala ng babaeng pinakamamahal ko at ng lalaking pinakamalapit sa dugo ko.

Nalungkot sya bigla. Hindi ko alam kung bakit. Ang balita ko kasi. Kahapon pa sya nagising. Kaya napadalaw na rin ako rito.

"I'm sorry.." here's the word again!

"Nope! I'm sorry kasi ikaw ang nandyan. Ako, dapat yan.." I feel guilty for not being around nung gabing iyon para sa asawa ko. At sya pa ang napahamak dahil lang sa kapabayaan ko! Tsk!.

"Don't be hard on yourself, Eugenio. Walang may gusto sa nangyari. Even you.. it's not even your fault dude!." I know him when he calls me with my last name. This is a serious matter at ayaw nyang mangyari na, ginagawa kong laro ang lahat.

Yeah!. I shouldn't be hard on my self. Nga lang! Hindi ko agad iyon magagawa. Siguro it takes time para unti unti kong malagpasan ang lahat. At sa pagkakataong yun. Sana, matutunan kong maintindihan ang lahat.

Next chapter