webnovel

Chapter 5: Papa's advice

Gabi na pero hindi parin ako dinadalaw ng kahit kahiblang antok. Pakiramdam ko. Kaya ko pang takbuhin ang buong oval ng tatlompu't ikot sa dami nang enerhiya ko ngayon.

Gusto ko nang matulog sapagkat pagod na ang isip kong, kakaisip sa kalagayan nya ngayon pero hindi ko alam bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon. Gising na gising!

Ang totoo. Hindi ang problema ko ngayon ang nagpapabuhay sakin ngayong hating gabi na. Yung sagot.. yun ang pinoproblema ko.

Oo, may sinabing plano si kuya pero parang napakaimposibleng mangyari. Atsaka isa pa. Natatakot akong malaman nila mama iyon pag naisagawa na namin yung plano.

Dapat lang na matakot ka Lance! Matakot ka talaga!.

Takot naman talaga ako e. Kaya nga't heto ako, hindi makatulog.

"Kuya Lance, umaga na!!.." gising sakin ni Bamblebie, kinabukasan.

Iminulat ko ang aking mata at, eksakto sa orasan. What the heck!!. Malelate na kami.

Nagmadali akong pumasok ng banyo at naligo. Lahat pa ng hinahawakan ko ay nahuhulog, kamamadali ko. Hiningal akong pumunta sa harapan ng salamin at inayos ang buhok ko. Eksaktong pagbukas naman ng pintuan ng silid ko.

"Ay! Akala ko tulog ka pa.. faster please.. we're going late po!.." idiniin pa nito ang huling sinabi bago ako inirapan at tinalikuran.

Tsk.. Mga babae talaga! Lunatic!

Pagkababa. Binati ko lang si papa sa may sala saka dumiretso na nang kusina kung saan nag-iingay ang nag-iisang bata sa bahay.

"Ma naman.. kahit one week lang...." pilit nya kay mama.

Ano kayang nirerequest na naman nito?.

"Hija, hindi nga pwede.. kadarating lang natin dito tapos uwi ka na naman?.."

"Ma naman e.. hindi ko naman sinabing ngayon na.. pwedeng sa pasko o di kaya ay, wala kaming pasok.." giit pa nya.

Naglakad ako papuntang coffee maker at hinintay kong mapuno ang sariling baso.

Alam ko na ang hinihiling nya. Gusto nyang umuwi para makita si Jaden. Hay naku Bamblebie! Ayan ka na naman! Di ka ba nagsasawa sa mukha nun?!.

Psh! Buti pa nga sya Lance, aminadong gustong umuwi. E ikaw?. May balak ka ba?. Madalaw lang sya?.

O ano?. Anong sagot mo?. Di mo alam no?.

Kase, takot ka!. Takot na takot! Daig mo pa bakla!

"Aisshhh.." inis kong binulyawan ang sarili sa iniisip.

"Bakla, umapaw na!.." doon lang ako natauhan nang isigaw ito ni...

Mabilis kong pinatay yung machine at inalis yung baso ko saka nilingon si Bamby. Oo. Sya yung sumigaw nang bakla! Nakakainis! Pakiramdam ko. Naririnig nya yung nasa isip ko dahilan para matawa ako na parang baliw.

"O, bat natatawa ka dyan!?.. Bilisan mo.."

"Bamblebie!.." sita sa kanya ni papa sa may sala. Makasigaw kasi eh. Kuya nya kaya ako. Bunso lang sya.

Humaba ang kanyang nguso sabay yuko sa pagkaing nasa plato nya. Tumabi ako sa kanya at siniko sya ng mahina.

"Wag kasi high blood.. ke aga e.." asar ko na sinamaan lang ako ng tingin sa gilid ng kanyang mata.

"Paki mo ba?.." Aba! Sumagot pa ang loko!

"Psh.. Ma, uwi ba tayo this Christmas?.." para lalo syang maaasar. Tinanong ko si mama.

"Di ko alam sa papa nyo?. Bakit?.."

"E kasi, parang gustong gustong umuwi nito e.. hehe.." sa totoo lang. Ginawa ko lang dahilan si Bamby para matanong si Mama. Gusto ko rin kasing umuwi. Uwing uwi. Sapagkat, nag-aalala na ako kay Joyce. Hanggang ngayon kasi. Wala pa syang reply o tawag simula nang umalis ako. I tried to contact her number pero out of coverage pa rin. Nanlulumo ako lagi pag ganun ang sinasabi ng linya nya. Sa pagkakataong iyon. Nawawalan na ako ng tiwala at pag-asa sa sarili.

Dumating si papa at ipinaliwanag sa amin na, kung di raw sya busy sa araw ng pasko. Uuwi kami. Pero kung abala sya. Malamang. Sorry nalang daw kami dahil walang makakauwi.

Pagkatapos kumain. Mabilis kaming pumasok ng sasakyan at dumiretso na nang school.

Gaya nang dati. Normal lang ang takbo ng oras kaya mabilis din kaming nakauwi ng bahay.

"Pa, si kuya po?.." tanong ko nang nakababa ako. Nagpalit lang ako ng damit saka sinamahan sya sa may kusina kung saan sya nagtitimpla ng kape.

"On duty pa yun.. bakit?.."

"Ah, wala po.." tanggi ko kahit obvious naman na may kailangan ako sa kanya.

Umupo ako sa may stool bar at pinanood syang tinapos ang pagtitimpla ng kanyang kape. Dinala nya iyon sa harapan ko saka ako sinulyapan. Sa sulyap nyang ginawa. Nakaramdam ako ng matinding kaba kahit wala naman syang ginagawa.

"May problema ba?.." he asked suddenly.

"P-po?.. wa-wala po.." Damn it! Bakit ka pa nautal Lance! Ngayon, alam nyang may problema ka nga!

Mataman nya akong tinignan. Nag-iwas ako ng tingin sa mata nya pero ramdam ko pa rin ang titig nya sakin.

Namputcha! Lance, patay ka na!

"Wala nga ba?.." sarkastiko nyang sambit. Kinagat ko ang ibabang labi sa katotohanang nagsisinungaling ako sa harapan nya gayong alam kong alam na nyang may iniisip nga ako. "At times the silence becomes the most heard." bigla ay sabi nya na naman.

"Po?.."

Sumimsim sya sa kanyang kape saka muli akong sinipat sa mukha. Sumandal sya sa upuan at muling nagsalita. "Alam mo rin bang, hindi lahat nang tahimik ay walang sinasabi?.." nalito ako nung una pero noong nagtagal ay napagtanto ko rin kung anong ibig nyang sabihin.

"Dahil sila yung mga tipo ng tao na kadalasan, maraming alam at maraming gustong sabihin pero pinipili lang nilang manahimik.." kumurap ako. Hindi makapagsalita dahil sapul ako sa mukha.. Di sa wala akong maisip na isagot sa kanya.. Sadyang, gaya nga ng sinabi nya. Ayaw ko lang magsalita. "Just like you.." nguso nya sakin.

"Po?.." Nakailang 'po' ka na boy?

"Dati ka nang tahimik pero parang sumobra yata simula nung bumalik tayo dito.." seryoso nyang sabi. "Na kahit ang asarin ang Bamblebie ay bihira mo nang gawin.."

Napansin nya pa iyon?.

Nanlamig ako sa kanyang obserbasyon. Talaga bang may nagbago sakin?. Hindi ko iyon pansin. Malamang, sarili mo yan e. Walang ibang makakapuna sa mga pagbabago sa'yo kundi yung mga taong madalas mong kasama, lalo na sa bahay. "Why?.." usisa nya pa. Na hindi ko na naman sinagot.

Kingina! Anong isasagot ko?. 'Pa, nakabuntis ako!' Namputcha! Baka himatayin sya bigla! E anong maganda?. 'Pa, may niligawan na ako.' Psh!.. Baka, pagtawanan nya lalo ako imbes na bigyan ng abiso. E ano nga?. 'Pa, patulong naman oh.' Iyon ba dapat sabihin?. E pano kung magtanong sya kung bakit?. Tapos magtanong pa at magtanong hanggang sa nalaman na nya ang sikreto ko. Naku! Wag na muna! Di pa ako handang saluhin ang galit nya!

"Huhulaan ko nalang ba o sasabihin mo?.." nagulat ako ng umalingawngaw ang malaki nyang boses sa pandinig ko.

"Babae yan, sigurado ako.." siguradong sambit nya saka uminom sa kanyang kape. Ibinaba nya iyon. "Isa lang naman yan sa mga pinaka problema ng mga lalaki.. babae.." may diin pa kung magsalita sya. Mukhang nagpipigil pa sya ng tawa.

Bumagsak naman ang mga balikat ko. Wala pa man akong sinasabi ay nahulaan na nya ang isa sa problema ko. Babae nga!

"Alam mo anak.. di mo man sabihin sakin, alam kong dati nang may bumihag dyan sa puso mo.. di ko nga lang alam ang kanyang pangalan pero sigurado akong babae.."

Papa naman! Malamang po talaga babae. Heck!

"At nasisiguro kong mahal mo.."

"Yun nga po problema Pa e.. mahal ko nga.. sigurado ako dito pero ang di ko sigurado sa ngayon ay kung mahal nya pa ba kaya ako.."

"Dalawa lang yan anak.. una, baka nalilito pa sya o may malalim na problema.. pangalawa ay baka, di ka nya talaga type.. hahaha--.."

"Papa.."

"Biro lang.. ang seryoso mo eh.." Seryoso?. Nagagawa pa nyang magbiro gayong namomroblema na nga ako. Tsk! Pareho nga sila ni Bamblebie! May pinagmanahan.

Ang dami pa nyang kwento pero parang wala man lang akong naintindihan. Lalo pa nga akong nalito sa mga pinagsasabi nya. Hay!

Next chapter