webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
282 Chs

Chapter 5: Finally

Maya maya ay dumating naman ang mag-ama. Tumatakbo si Daniel sa loob habang kinikiliti ni Kuya Mark at habol nya ito.

"I'm tired, Daddy.." sa kay Lance na ito dumiretso. Mabilis ding umakyat ito sa higaan kung saan kasalukuyang nakaupo naman si Lance dito. Masakit na raw likod nya kakahiga. Kanina nya pa sila pinapanood.

"Hule!." ginulat sya ng Tito Mark nya't kiniliti sa paa.

"Daddy!. Mommy!." hinging tulong na nito samin. Tumayo si Tita at sya na ang nagpahinto sa dalawa.

"Tama na yan Mark. Baka mapanaginipan nya pa yan pag natulog sya." anito na inayos pa ang pagkakaupo nito sa tabi ng kanyang Ama. "See?. You look like one." humakbang si Tita sa harapan nila. Parehong pinalipat lipat ang tingin sa dalawa. Kinuha pa nito ang phone saka kinuhanan sila ng litrato.

"I know right Mom." yabang pa ni Lance. Tumawa nalang si Kuya Mark dito at si Kuya.

"Yabang naman neto.. Alam mo bang mas gwapo talaga sya sa'yo?." hirit pa ng panganay nila sa kanya. Bumaba ang kanyang ulo. Hinahanap ang buong anggulo ng mukha ng bata. "Oh ano na?." pangungulit pa nya dito. Tahimik lang akong nagmamasid. Habang walang imik na tumabi ang Daddy nya sa Mommy nya. Si Bamby naman. Tumabi na agad sa bata.

"Daddy, mas gwapo talaga sya!." si Bamby na ngayon ang nag-anunsyo nito. Saka pinaharap sa kanya ang bata. Natakot tuloy ito sa kanya.

Tumawa lang si Tito. "Of course, hija!. Pogi ang Daddy nya. Maganda din Mommy nya. No doubt about that. hahaha.." pinalo sya ng kanyang asawa. Tas may idinagdag pa sya. "It's Eugenio thing. You know my love." tukoy nito kay Bamby na parang di pa rin naniniwala sa nangyayari.

"Mommy?." ito na ang nagpakaba sa akin. Hinahanap na ako sa gitna ng mga Eugenio.

"Mommy daw.." kundi pa ako siniko ni Kuya. Baka nakatulala pa rin ako.

"Mommy!. Mommy!." kakatayo ko ng may bumunggo na sa pagitan ng mga hita ko. Sya na pala ito. Tumakbo kanina.

Sa akin na ngayon ang buong atensyon nila. Awkward!. Kingina!.

"Paano na ngayon bro?." si Kuya Mark ang unang bumasag ng nakakailang na katahimikan. Kay Kuya din sya tumingin. Daniel looks so tired at yakap yakap na nito ako. Kumukuha ng bwelo para umidlip.

Tumayo si Kuya sa tabi namin. "It's Lance's choice now bro. Nor hers. Their choice maybe. Wala ako sa posisyon para diktahan sya sa kung anong plano nya. What's more important for us is that Ryle is currently taking his counseling and rehabilitation. Di na nun magugulo pa ang mag-ina."

"What about the case Kuya?." Bamby interrupted.

Natigilan ako sa totoo lang pero di ko iyon pinahalata sa kahit na sino sa kanila. Except Kuya. I know. Sya rin. Nabigla sa naging tanong ng bunso nila.

"Hija, we already withdraw the filing. Pareho lang tayong mapapagod at maiistreas rito if we still pursue it." paliwanag naman ni Tito sa anak na sinang-ayunan din kalaunan ng Mommy nila.

"Tama ka Dad. I'm tired of shits anymore. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay ang makasama ang mag-ina ko. Wala ng iba pa. Tutal. Ryle is in rehab now. I hope na magbago na sya pagkalabas nya at mapatawad ang sarili sa ginawa."

"Wala ka man lang gagawin about what he did to you?." di makapaniwalang asik ni Bamby sa kapatid.

Mabilis umiling si Lance. "Throwing back a stone to someone who throws you will not stop the war lil sis. Sabi nga ni Dad. Mapapagod lang tayo at mauubos ang oras at lakas sa sinasabi mong hustisya. I get what you want but think about it. He's not normal. And, we are. He needs our help at hindi pagdidiin sa kasalanang hindi nya sadya."

"You know Bamby. Hindi lahat ng nakikita mong mali sa mata mo ay mali talaga. May mga bagay na mali pero tama para sa iba. It's vice versa dear." alam kong napahiya si Bamby dito kaya naman niyakap na sya ng Kuya nya. "Try to understand things you don't want to, lil sis. You'll surely learn about that."

For me. I don't judge her. Sino naman ako para husgahan ang naging opinyon nya diba?. Kung ako din siguro ang nasa sitwasyon. I did what she did earlier. Syempre. Normal na sa atin ang magtanong at maghanap ng hustisya. But yes. They are right. Sometimes. You have to understand the situation of that person. Hindi lahat ng bagay ay dapat mong palakihan. Lalo kung may alam kang masasaktan sa pagitan ninyo.

"Saan ka ba nagtatrabaho ngayon hija?." binasag din ni Tita ang pananahimik na bigla nalang dumaan.

"Sa isang clinic po."

"Pumirma ka ba ng kontrata sa kanila?."

"Hindi po."

"Good then. Bukas. Pagkalabas ni Lance. Ilalakad natin ang papers nyo. Sa Australia na kayo titira. Tutal. Malapit naman ng matapos ni Lance ang specialization nya. Babalik na sya duon."

"Ganyan din nasa isip ko Mom. Para may kasama na kayo sa bahay. Malayo kasi masyado sila Bamby. Kami rin kaya It's good to have them with you."

"Oo nga. Para makapagretiro na rin ako." ani Tito na sa akin pa tumingin. "Kami na ang bahala sa kay Daniel. Oh well. We don't pressure you for doing this hija. It's still up to you."

Honestly. I've been wishing for this to happen. Hinihiling ko lagi na dumating ang araw na ito. Na makasama kong muli si Lance. At ng aming magiging anak. And, finally. Mangyayari na talaga.