webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Teen
Not enough ratings
282 Chs

Chapter 42: Unexpected

Inulan ako ng yakap at halik nina Bamby at tita. Ganun rin ang ginawa ni Knoa. "I'm asking. I'm asking!." bigla ay sigaw nito kasabay ng pagtaas nya ng kanang kamay sa amin. Nasa sala kami lahat at kahit may kanya kanya sanang lakad ang lahat ay pinili muna nilang manatili para sa espesyal na oras na ito.

Natawa si Tita. Este, Mama na daw pala. "What is it?. Makinig kasi." sinuway pa kami dahil di maubos ubos ang batian at kwentuhan nitong si Bamby. Kahit katabi ko pa si Lance ay pilit nitong kinukuha ang atensyon ko. Not in a bad way naman.

Si Jaden lamang ay tahimik na natatawa sa gilid. Nakatayo ito habang nakahalukipkip.

"So, is tita Joyce now my tita Mommy?." malakas pa nya itong isinigaw na para bang may kakumpitensya sya. Halos lahat kami ay natawa. Si Lance ay kinalas agad ang yakap sa baywang ko tsaka tumayo upang kausapin sa gitna namin ang Knoa na makulit.

"Yes, little Pooh." nakangiting tango ng Tito nya sa kanya. Lumapat ang lumaking mata ng bata sakin. May halo pang pagkalito ngunit, nakikita ko ang galak at excitement nito sa kanyang suot na ngiti.

"Is that true po?." then he asked me. Hindi ko iyon inasahan dahil kaharap nya si Lance na syang kausap nya ngayon. Loko din. Sabagay bata sya. Hindi pa alam ang takbo ng buhay.

"Yes, it is. Little Knoa. Haha." maging ako ay di na maitago pa ang tuwa sa kakyutan nya.

"Yehey! Tito Daddy is finally taken. Yehey!.."

Isang katahimikan muna ang nangyari bago napuno ng hagalpak ang buong kabahayan. Hindi magkandamayaw si Bamby sa pagturo at pagtukso sa kanyang Kuya Lance. Habang si Lance naman ay di na maipinta ang mukha ngunit may nakatago pa ring ngiti sa pagngiwi ng kanyang labi. Maging sina Tito at Tita naman ay di magkandamayaw sa pagtawa. Di tuloy nila malaman kung tatayo ba o uupo nalang. Habang hayun lang si Jaden sa likuran ng kanyang anak. Pangisi ngisi tapos iiling. Kanina ay nakatayo ito subalit heto na sya't nakahawak sa backrest ng single sofa kung saan nakalaan iyon para upuan nya.

Ang batang ito oo. Di ko sya masisi sapagkat lumaki syang kasama lagi ang Tito na mag-isa. O di kaya'y dahil na rin sa impluwensya ng kanyang Ina. Parang aso't pusa itong dalawa kung mag-asaran.

"Who taught you that huh?." Lance finally got the courage to ask questions after that not so awkward moment with him. I can't stop laughing coz it's true.

Mabilis gumalaw ang bata saka itinuro ang Mama. "Mommy." noon ko lang din napansin na wala na sa tabi ko si Bamby. Nakahanda na itong tumakbo sa kung saan.

"Bamblebie!!?..." sinamaan sya ng tingin nito. Nagsalubong ang magkahiwalay nitong kilay. Ipinaloob ang pino at mapulang labi saka dahan-dahang tumayo bago bumwelo para habulin ito.

"Mama!." umalingawngaw na ang sigaw na iyon ni Bamby nang sya'y habulin ni Lance. Para silang bata. Napatalon si Knoa ng maghabulan ang dalawa sa paligid namin. "Go Mommy! Run Mommy!." tawang tawa ako ng marinig ang maliit na boses ni Knoa. He's cheering his beautiful Mommy.

Pumunta si Bamby sa kusina at sa lahat ng sulok na yata ng bahay nila hanggang sa umabot sya sa pagitan ng yakap ni Jaden.

"Stop it, Bamby." suway nito sa asawa. Pilit kumawala ito pero hindi na sya hinayaan ni Jaden. Tuloy nahuli sya ni Lance pero hanggang tingin nalang dahil andun pa rin si Bamby kay Jaden. PDA?. Ugh! Nakakainggit na kinikilig pa rin. Nakupo! Di ko alam na hanggang ngayon e, ganyan pa rin sila kasweet sa isa't isa despite of being together for so long.

Sana ganyan din kami...

Napabuntong hininga nalang ako. Pakiramdam ko. Bumalik ang oras noong high school kami at ganito lahat ang set up. Nga lang. Mabilis lumipas ang panahon at agad nag-iba na dahil may anak na sila Bamby. Mag-asawa na sila ng crush nya at heto kami't papunta pa lamang doon.

We ate dinner again bago ako nagpasyang umuwi muna sa amin. Papa is non stop texting me. Asking when will I plan to go home. "Bukas ka nalang umuwi babe." nguso pa sakin ni Lance dahil ayaw nya talaga akong umalis.

"Babe, uuwi lang ako ngayon. Balik din ako bukas."

"E kung ganito nalang." singit ni Tito dahil nasa hapag pa rin kami. Naghahapunan. "Samahan mo nalang sya duon Lance. Ipaalam mo sa mga magulang ni Joyce ang plano nyo. Tutal, nalaman naman na namin ang sa inyo. Dapat sila rin."

Good idea.

"Tama anak. Wag nyo nang ipagpabukas pa ang lahat. Habang may oras pa naman pwede nyo nang sabihin sa kanila ang inyong plano." ani Tita. Ganun din ang opinyon nina Bamby at Jaden. Ang pamilya ni Kuya Mark ay nasa Australia pa rin. Hindi nakauwi dahil sa pareho silang nakaduty sa trabaho.

Di rin nagtagal. Sumang-ayon na si Lance. Pagkatapos kumain ay dumiretso na rin kami ng bahay.

"Ate!." salubong sakin ng aming bunso. Si Ali. "I miss you po." yumakap pa nga sakin. Nadinig yata iyon nila Mama kaya sila lumabas ng kusina at tinignan kung totoo nga ang sinasabi ng bata.

Dumiretso si Papa sa akin para humalik. Ganun din si Mama. May medyo pag-alinlangan pa sya ngunit ako na ang gumawa nang paraan para hindi na sya mag-atubili pa. Niyakap ko sya ng mahigpit. "I miss you Ma." I whispered to her. "Namiss din kita anak." bati nya rin. Tapos lumapit si Denise. Ngumiti. Gaya rin ni Mama. Nag-alinlangan din sya.

"I miss you sis." I started then smile to her. Kinagat nito ang manipis na labi bago nya ako nilapitan at niyakap ng mahigpit. "I miss you too sis." puno ng galak nya itong sinabi. Nag-iyakan pa kami na para bang taon akong nalayo sa kanila.

"Kami ba, hindi mo namiss?." mula sa kusina rin ay unti unting lumabas ang parehong bulto nina Kuya Rozen at Kuya Ryle. Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Bat andito sila?. Diba nasa parehong abroad ang dalawang to?.

"Ay, ayaw yata tayong makita brother." natatawang ani kuya Ryle kay Kuya Rozen. Ngumisi lang si Kuya Rozen saka naglakad papalapit sakin.

"Long time no see, little hard headed sister. Haha." bati nya sakin. Nakapamulsa pa nga.

"Kuya?." without even thinking. Niyakap ko na sya at doon sa dibdib nya umiyak. Ganun din ang ginawa ko kay Kuya Ryle. This is so unexpected. This day is full of surprises and I'm loving it.